The Garden and the Butterfly: Vacation 1

Two days after the accident, nakalabas na si Maya sa ospital. And since di niya pa naalala yung mga nangyari prior the accident, kinailangan ni Richard ang tulong ni Mamang sa pag-aalaga kay Maya. Naaalala naman ni Maya silang lahat maliban kina Richard at ng kanyang mga tauhan kaya nakiusap siya sa matanda na tumulong. Nagpasya din si Richard na bumalik din muna si Maya sa bahay ng parents niya pagkalabas ng ospital para di mabigla si Maya at di maguluhan lalo.

“Wala namang problema sa akin yun. Di ka parin ba niya naalala?”

“Hindi pa po eh. By the way po bilin kasi ng kanyang doktor huwag biglain si Maya na ipa-alala sa kanya ang mga bagay-bagay. I think kailangan din niyang umiwas sa stress kaya naisip kong dalhin muna siya sa isang lugar kung saan siya pwedeng magpahinga. Kailangan nyo rin pong samahan si Maya,okay lang din ba sa inyo yon?”

“Oo naman, bakit saan ba ang lugar na sinasabi mo?”

“Sa San Nicholas po, meron akong  resort doon.”

“Maganda yan, sige ihahanda ko ang mga kailangan niya para sa bakasyon. Kailan ba ang alis natin?”

“Bukas po. And sana walang maka-alam po lalong-lalo na si Jeff. Huwag ‘nyo pong ipaalam muna kay Maya baka di sumama.”

“Okay..sige po Sir.”

“Sige Mamang, mauna na ako at ihahanda ko rin yung gamit ko. Dadaanan ko kayo dito bukas ng mga 8 a.m…mauna na po ako.”

Tumalikod na si Richard at tinungo ang nakaparadang sasakyan.  Napailing na lang si Mamang habang tinitingnan ang sasakyan ni Richard habang ito ay papaalis na. Pagkapasok sa bahay ay agad inasikaso ni Mamang si Maya, nang nagpahinga na ito, ay ang mga gamit na dadalhin nila sa byahe naman ang kanyang inasikaso.

Kinabukasan, nang magising si Maya pina-alam ni Mamang ang tungkol sa bakasyon nila kay Maya. Ayaw sanang sumama pero nang sinabi ng matanda na utos ito ng kanyang mga magulang wala siyang nagawa kundi sumunod. Nang daanan sila ni Richard nakahanda na sila kaya agad silang umalis patungong airport. Di pa rin umiimik si Maya kay Richard, inis parin ito dahil sa nangyari sa ospital.

beaches&pools4_fs

“Andito napo tayo Mamang..”
“Wow! Ang ganda naman dito Sir…parang nasa Hawaii lang ako. Maya halika baba ka, tingnan mo..ang ganda ng beach!”

Manghang-mangha si Mamang sa nakita. White sand, blue water, and tiki houses. Malinis din ang buong kapaligiran. Malayo pa sila sa dagat pero tanaw niya ang malinis na tubig nito. May nakita rin siyang parang infinity pool sa bandang kanan ng resort.

“Sir Richard, ang ganda naman dito. Sino pong nag-aalaga dito>”
“Ahh meron pong isang pamilya na ginawa naming caretaker ng resthouse namin pero yung sa resort may staff po na mostly taga rito lang din. Let’s go para makilala ‘nyo sila. Maya?”

Sumunod si Maya sa kanila. Di man nagsasalita pero alam ni Richard na nasisiyahan din si Maya sa nakikita, pagbaba kasi nito agad na nilibot ng tingin ang buong paligid at nakita nito na ngumiti ng bahagya.

May isang lalaking mataba ang sumalubong sa kanila at bumati kay Richard.

“Magandang araw po Sir, tulungan ko na po kayo, akin na yong mga gamit ninyo.”
“No, I’m okay..pakitulungan mo na lang sina Mamang at Maya.”
“Okay po..handa na po pala yung resthouse..yung pananghalian din po nakahanda na.”
“Okay, salamat. By the way, Mamamg..Maya ito pala si Lino. Isa siya sa mga tauhan namin na nangangalaga dito.Lino, ito si Mamang at ito naman si Maya. Kasama ko sila habang magbabakasyon ako dito so I expect na aalagaan nyo rin sila ng mabuti.”
“Yes Sir..tara na po at ng makakain at makapag pahinga na rin po kayo ..”

Pumasok sila sa isang malaking bahay na nasa kanang bahagi ng Resort. May naghintay pang ilang tauhan ni Richard doon kaya isa-isa din silang pinakilala ni Richard sa kanila pagkatapos ay nananghalian na sila. Pagkatapos kumain ay tinuro ni Richard kung saan ang mga kwarto na gagamitin nila. Nasa ikalawang palapag ng bahay pa ang mga ito kaya umakyat sila, ang unang kwarto na nadaanan nila ang siyang binigay ni Richard kay Mamang, ang pangalawa naman ay kay Richard habang ang kwartong nasa dulo ng lobby ang kay Maya.

“What? Bakit di na lang kami magtabi ni Mamang?” protesta ni Maya.
“Iha, ano ka ba dapat nga si..” pinigilan ni Richard si Mamang sa kanyang sasabihin.
“Maya bakit kailangang mag-share pa kayo kung meron pa namang bakante di ba.”
“Oo nga naman.. itong batang to. At saka malaki ako di tayo kasya sa kama noh.”

Pagkatapos nilang pag-talunan ang tungkol sa kwarto ay pumayag na rin si Maya, kaya kanya-kanya na silang pasok sa kanilang kwarto para magpahinga.

Sa kwarto ni Maya………

Sumilip si Maya sa kanyang bintana, at nang makita na meron pala itong veranda agad itong lumabas doon.Maganda yung room na binigay sa kanya kasi kitang-kita niya ang kabuuan ng beach.accommodations4_fs

 

 

Ang ganda dito. Mabuti na lang at pumayag ako na magbakasyon muna. Matagal na rin akong di nakakapunta ng beach. Pero sa lahat ata ng beach na napuntahan ko ito yung pinakamaganda. Ang linis at ang white sand napaka inviting. Bukas magswi-swimming ako, siguro naman nagdala ng swimwear ko si Mamang.

 

May ilang sandali ding nanatili si Maya doon sa veranda bago pumasok at nagshower. Pagkatapos mag shower ay hinalungkat niya ang kangyang bag at nakita niya sa bag ang kanyang flower printed shorts at isang pink na sleeveless blouse kaya agad itong isinuot. Bagay na bagay for the beach, ito ang nasa isip niya habang sinusuot ito. After checking her self in the mirror once more, she then grab her flip flops then head out of her room. Sakto namang pagkababa niya ng hagdan nakita niya si Richard infront of his laptop sa may living room. When he saw her instantly his eyebrow raise as if telling her that he doesn’t like what he is seeing. But she ignore him and continue her way out of the house. Nagmadali siyang umalis doon, plano niyang maglakad-lakad at makita ang ilang bahagi ng resort bago dumilim. Mabuti at di siya sinudan ni Richard, naglakad-lakad siya sa dalampasigan and inenjoy ang tanawin. Nakita pa niya ang sunset, isang bagay na lagi niyang ginagawa tuwing napapadalawa siya sa isang beach. Nang tuluyan ng dumilim ay saka na siya bumalik sa bahay. Pagdating doon ay  hapunan na, nakita nanaman niya ang ilang tauhan ni Richard doon. Pinagsilbihan sila habang kumakain. Kahit di parin niya kinikibo si Richard, kahit papaano ay ito naman ang unang gumagawa ng paraan para magka-usap sila habang nagkumakain.

After dinner, agad naman siyang nagpaalam at pumasok sa kwarto niya, pero di naman nakatulog kaagad kaya nanood muna ng tv. Maya-maya pa may narinig siyang may tawanan at kantahan sa labas kaya sumilip siya sa veranda upang makita kung ano ang nangyayari doon. Nakita niya na sina Richard at ang kanayang mga tauhan pala, nakisali rin si Mamang sa kasiyahan. Masaya ang grupo, nakukwentuhan, may nagkakantahan habang may isang taong nag-gigitara. Gusto sana niyang makisali pero pinigilan ang sarili dahil naiilang siya kay Richard. Bumalik na lang siya sa loob ng kwarto at nagpasyang matulog na.

Kinabukasan..

Habang nasa dalampasigan si Maya..

“Maya!” napalingon si Maya ng marinig ang pangalan niya. Nakita niyang si Richard ang tumatawag sa kanya, salubong ang kilay at namumula sa galit.

“What?!” inis na  sagot niya at hinarap ang lalaki.

“What the..ano yan?” sabay turo sa kanya.

“Ano?..ito? Bakit di ba pwede sa resort niya ang swimsuit?”

“That’s a skimpy swimwear!”

“So? Meron ba kayong dress code dito? This is a beach for heaven’s sake..don’t tell me wala pang taong napadpad dito wearing swimsuits like this?” bahadyang tumawa si Maya pero di parin natinag si Richard.

“Get inside..di mo ba napapansin..ikaw lang ang pinag pyestahan dito?” tiningnan ni Maya ang buong paligid at napansin ang ilang mga taong nakatingin sa kanya..mapababae or lalaki man, matanda o bata, lahat sila nakatingin sa kanila.

“For your information meron na ding nagsusuot ng swimsuit dito pero at least hindi ganyan ka…anyway, wala ka bang dalang shorts?”

“Wala..towel ko lang ang dinala ko dito”

 

Or pwedeng mag shorts ka na lang. Di ko kayang nakikita na lahat ng taong andito sa katawan mo lang nakatingin.

 

Ito ang tanging tumatakbo sa isip ni Richard ng mga sandaling iyon. Dinampot ni Richard ang shorts ni Maya at pinasuot ito sa kanya. Gustong pumalag ni Maya pero ng makitang di magpapatalo si Richard hinablot niya ito at sinuot na rin.

“Next time Maya isipin mo  yung mga susuotin mo. Di sanay ang mga tao dito sa mga ganyan. Kadalasan dito one-piece swimsuit lang ang sinusuot ng mga guests. Let’s go.” hoding her elbow dinala ni Richard si Maya sa tapat ng resthouse nila na kung saan walang tao.

“At least kung gusto mong ienjoy ang skimpy swimsuit mo, dito ka sa pool at walang pumupunta dahil off limits ang mga guests dito.” tumalikod na si Richard at iniwan siya. Di malaman ni Maya kung maiinis siya o magpasalamat siya for saving her..Buti na lang iniwan na siya kaagad para matapos na ang diskusyon.

She spent practically the whole day alone exploring the whole resort. Di naman niya maisama si Mamang at madali lang mapagod, laong ayaw niyang magpasama kay Richard na buong araw din atang nasa harap ng laptop at cellphone niya. May nakilala siyang mga taga-roon, mabuti na lang at mababait sila kaya madali lang niyang nakapag palagayan ng loob. Madami din sana siyang gustong gawin like kayaking,scuba diving and riding the banana boat and jet ski but everytime na sinusubukan niya …

“NO! Maya it’s dangerous..unless meron kang kasama na marunong talaga.” ito na lang palagi ang naririnig niya kay Richard.

“Ano pa ang silbi ng bakasyong ito kung di naman ako pwedeng mag enjoy sa mga amenities na iooffer ng resort ninyo?” galit na rin si Maya.

Nang gabing iyon, Maya came up on an idea.

“Yes, it’s me..sorry di ako nagpaalam biglaan kasi. ..”

 

 

 

 

 

Cr: Photos courtesy of Palm Beach Resort. For more information, visit their site. No copyright infringement intended. Photos belong to the rightful owners.

About these ads

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 378 other followers

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 378 other followers