Just in Time 18

      “Mabuti naman …yang holding hands na yan, ibig sabihin niyan –” nakita ni Maya ang bahagyang pagngiti ng ama habang nagtatanong kaya napa-iling kaagad si Maya.

” Hiwalay na kami.” pahabol na hayag niya.

“Para sa kanya oo, per sa akin hindi ..kaya ayoko bitiwan tong kamay niya  Tay, para naman sana maramdaman niyang di maganda yung iniisip niya.” si Richard naman ang nagpaliwanag. Nakita ni Maya ang pagkunot ng noo ng mga magulang niya. Naguguluhan sa sinasabi nilang dalawa.

“Richard! Tumahimik ka na nga… saka pwede ba, bitiwan mo ng kamay ko…isa! …Dalawa!” pagbibilang ni Maya na talaga namang inis na inis na sa inaasal ni Richard. Unti-unting niluwagan ng lalaki ang pagkakahawak ng kamay ni Maya kaya kaagad naman nitong binawi ang kamay at nagmamadaling lumapit sa mga magulang upang magmano.

“Hay naku! Kailan pa ba kayo mag-aayos na dalawa ha?”

“Ewan ko nga sa kanya nay, nagpaliwanag na ako pero di parin ako pinapatawad. “

“Maya..malalaki na kayo, kailangan pa bang kami na naman ng tatay mo ang gagawa ng paraan para magkaayos na kayo? Mag-usap kayo ng maayos ‘nak. Alam naming galit at nagtatampo ka pero hayaan mo naman si Richard na..” More

Just in Time 17

    “Ang sabi mo noon I have loved you yesterday, I love you today, and will continue to love you tomorrow … bakit Maya, ang bukas ba sinasabi mo sa sulat na iyon nagtapos noong araw na iniwan kita? Hanggang doon lang ba ang bukas na kayang ibigay at hawakan ng puso mo Maya?”

Tinitigan ng maigi ni Richard si Maya sa kanyang mga mata. Gusto nitong malaman kung magsasabi ba ito ng totoo sa kanya o pagtatakpan ang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Mahigit dalawang taon man silang di nagkita, alam ni Richard sa kaloob-looban niya kilala parin niya ang buong pagkatao ni Maya. Ito parin ang dating Maya na kilala niya, ang Maya na di kailanman huminto sa pagmamahal sa kanya kahit ilang ulit niyang sinaktan noon.

“Sagutin mo ako Maya..gusto kong malaman.”

“Ilang ulit mo ng sinukat ang pagmamahal ko sa’yo Chard..ilang beses kong napatunayan noon na meron kang puwang sa puso ko sapat na yon para sagutin ang ang tanong mo sa akin.. pero anong silbi ng lugar mo sa puso ko kung paulit-ulit  lang akong nasasaktan at lagi mo lang itong iniiwan? May ibang taong gustong umangkin ng lugar na ibinigay ko sa’yo Chard, bakit ko ipagkakait sa sarili ko ang mahalin din ng ibang tao …bakit ko ipagkakait sa kanya ang lugar ng iyon sa puso ko Chard?” More

Just in Time 16

     Gumalaw si Maya mula sa kanyang  mahimbing na pagkakatulog ng maramdamang mainit ang kanyang likod at may kung anong bagay ang nakapulupot sa kanyang bewang. Nang magbalik na ang kanyang katinuan at naalala na kanina lang ay magkasama silang dalawa ni Richard sa sasakyan kaagad naimulat ni Maya ang kanyang mga mata at nakita na ang nakapulupot pala sa kanya ay ang kamay ni Richard. Nalaman niyang nakasandal pala siya sa lalaki at kasalukuyan itong nakatulog. Madalian niyang iwinaksi ang kamay ni Richard at  lumayo dito kaya nagising ito na gulat na gulat kung ano ang nangyari kay Maya. Nakita niya itong sa kabilang bahagi ng upuan, masama ang tingin sa kanya na tila handa siyang kainin ng buhay.

“Anong nangyari?” sigaw ni Maya ka Richard. Di malaman ng lalaki kung matatawa o maaawa sa naging reaksyon ni Maya. Bahagya siyang lumapit pero sumigaw lang ulit ito. “Anong ginawa mo sa akin?!” galit na galit na ito at pinandilatan siya.

“Wala!…Wala akong ginawa. Bakit, gusto mo bang may gawin ako sa’yo?” biro nito sa babae upang kahit papaano ay kumalma.

“Aaaaaaaa! Papatayin kita Richard Lim! Lumayo ka sa akin! “

“Maya, calm down! Baka may dumaan dito akalain pa may ginagawa ako sa’yo.” sinubukan niya itong abutin pero umilag si Maya.

“Huwag mo akong hawakan!” banta ni Maya sa kanya habang tinatakpan ang kanyang harapan at iniilag ang kanyang katawan upang hindi niya mahawakan. Nang makita ito ni Richard ay di na nakapagpigil at tumawa na ng tumawa.

“Maya, ano ka ba..please calm down..swear, wala pa akong ginawa sa’yo!” More

Just in Time 15

     Kinabukasan, maagang kumuha ng airplane ticket si Maya para makauwi ng San Nicholas gaya ng pinangako sa kanyang ama. Mabuti na lang at may nakuha pa siyang ticket para sa huling flight ng araw na iyon. Pagkatapos magpaalam ng madalian kay Emman  at sa kanyang boyfriend na si Bart, nag-empake na si Maya ng gamit at tinungo na ang airport.

Habang naghihintay ng boarding time sa airport ay tinawagan ni Maya si Tatay Arturo para kumpirmahin ang kanyang pag-uwi ng hapong iyon. Tuwang-tuwa ang kanyang tatay ng malaman ito. Inalam na din ni Maya ang kalagayan ng kanyang ina na sa kabutihang palad ay bumubuti na. Tuwing maiisip ni Maya ang ina ay di ito mapakali at gustong-gusto na nitong makita at makapiling.

Ilang minuto ang nakaraan ay nasa loob na ng eroplano si Maya. Kung kailan ilang oras na lang ay makikita na nito ang mga magulang, saka pa siya nakaramdam ng konting takot sa dibdib. At isa lang ang dahilan kung bakit niya ito nararamdaman sa kasalukuyan, ito ay dahil sa napipinto ding pagkikita nila ni Richard. Matapos ang dalawang taon, dumating na rin ang pagkakataong di na niya maiiwasan, ang paghaharap uli nila ni Richard Lim. More

Just in Time 14

     Ginising si Maya ng pamilyar na kantang hatid ng kanyang digital alarm clock. Dalawang taon na ang matuling lumipas pero ito parin ang musikang sumasalubong sa kanya sa paggising. Di niya ito makuhang palitan o itapon sa dahilan na ito ang tanging nagpapa-alala as kanya na mahigit dalawang taon na ang lumipas ng iniwan siya ni Richard. May hatid na kirot sa dibdib tuwing naaalala niya ito kapag naririnig at nakikita ang alarm clock na iyon pero ito naman ang nakakatulong upang palalahanan ang sarili na minsan sa kanyang buhay iniwan siya at nasaktan.

Kagaya ng alarm clock na iyon, sa pagmulat ng kanyang mata, ang unang bagay naman na nakikita niya ay ang lifesize teddy bear na si Ricky na hanggang sa mga sandaling ito ay suot parin ang jacket ni Richard. Pero di tulad ng dati, di na ito namalagi sa tabi ng higaan kundi namamalagi na sa malamig na sahig ng kanyang kwarto. At kung bakit hindi rin niya ito tinapon? Dahil sa nadiskubre ni Maya na magandang pamalit ito bilang punching bag kapag gusto niya ng hingaan tuwing stress, galit, o kung naaalala niya si Richard.

Alalang-ala pa niya ang umagang yon ng mabasa ang text ni Richard. Ni sa panaginip, di niya inasahang may mangyayaring ganoon. Nang matulog siya baon sa kanyang puso at isip na bukas, sa paggising ay magbabago na ang lahat sa kanila ni Richard. Pero ang pagbabagong iyon ay taliwas sa kanyang inaasahan. Pagkatapos basahin ng ilang ulit ang huling mensahe ni Richard naisip pa niyang baka nanaginip lang siya pero hindi. Matagal din ang panahong ginugol niya sa pag-iyak hanggang isang araw ay napagod na siya at nagdesisyong magpatuloy sa buhay at kalimutan si Richard. More

Just in Time 13

     Habang nasa grocery ang dalawa, noong una ay panay ang iwas ni Maya na magkasabay sila sa paglalakad ni Richard pero lagi lang itong nakakahabol sa kanya. Nahihiya naman siyang iwasan ito lagi at baka mahalata ang lalaki at masamain ang gagawin kaya sa huli ay hinayaan na lang niyang magkakasabay silang dalawa. Si Richard ang nagdala ng cart habang si Maya ang kumukuha ng bibilhin nila. Di nito inasahan ang  narinig niya sa mga saleslady na naroon, sinabi nitong bagay daw sila habang ang isa naman nagsabing baka raw bagong kasal silang dalawa.  Bagay na ikinasaya ni Richard at ikinailang naman ni Maya nang marinig iyon. Mula ng marinig iyon ni Maya ay di na nawala ang pamumula ng pisngi ni Maya, nang mapansin ito ni Richard ay kaagad naman siyang pinagsabihan na huwag na lang pansinin ang mga tao sa paligid para matapos na sila at makauwi na.

Pagkauwi nila, pinagluto ni Maya ng kare-kare si Richard. Kahit di naman ito hiningi ng binata sa kanya, mas minabuti ni Maya na ipagluto siya ng paborito nitong ulam kesa sa abalahin pa niya ang sarili na mag-isip ng ibang putahe na ipapakain sa lalaki. Habang magkaharap ang dalawa habang kumakain ay nakakahiyaan pa. Tuwing nangyayari ito, si Richard ang laging gumagawa ng paraan upang makapag-usap sila. Nagtatanong ito ng kung anu-anong bagay para lang manatili ang pag-uusap na nasimulan nila.

More

Just in Time 12

Kinabukasan, Linggo ng umaga, maagang lumabas ng kanyang kwarto si Maya. Dahil sa nangyari kagabi, wala siya halos tulog kakaisip kay Richard at sa sinabi nito sa kanya. Ikinabigla niya ng lubos ang ginawang pagtatapat ni Richard . Tuwing  pinipilit niyang ipikit ang kanyang mga mata, naririnig parin niya ang boses ni Richard habang sinasabi ang katagang I love you  sa kanya  . Papasikat pa lang ang araw ng bumangon si Maya. Nagkusa na siyang magluto ng kanilang agahan habang natutulog pa ang kanyang mga magulang. Naisip niyang sorpresahin ang dalawa para makabawi man lang siya sa dalawa.

“Oh ,’nak..ang aga mo ata? Nakapagluto ka na?” nagulat ang nanay niya ng makita ang pritong itlog, tocino, at sinagag na kanin  na nakahanda na sa mesa.

“Surprise!” bulalas naman ni Maya sa kanyang ina. Sinusubukang maging masaya ang dating ng kanyang tono para di mahalata ni Nanay Teresita na wala siyang tulog mula pa kagabi, pero kahit anong pilit ay di siya nagtagumpay. Napakunot ang noo ng nakatitig siya dito.

“Di ka ba nakatulog? Bakit ganyan ang mata mo?” tinuturo pa ng ina niya ang kanyang eye bags.

“Eii ‘nay..huwag mo ng pakialaman ang eye bags ko. Matagal na yang nagre-renta diyan, di mo lang napapansin. Nadadaan lang sa concealer minsan. ” umupo na si Maya sa pwesto niya sa mesa at sumunod naman ang ina na ayaw paring tantanan ang kanyang napansin sa anak.

“Nagre-renta? Kailan pa? “

More

Just in Time 11

     It’s already 7 a.m nang magising si Maya kinabukasan. Pagmulat ng mga mata nito ay nagtaka pa siya ng mapansing iba ang paligid niya hanggang matandaan nitong nasa probinsiya nga pala siya.  Kaagad na itong bumangon at inayos ang kanyang higaan. Pagkatapos magsuklay ay lumabas na ito ng kanyang kwarto bitbit ang kanyang toothbrush at tuwalya.

“Good morning , ‘nak! Happy birthday!” kaagad na bati ni Nanay Teresita ng madatnan niya itong nag-aayos ng kanilang agahan sa kusina. Napangiti si Maya nang marinig ang pagbati ng kanyang ina sa kanya.

“Thank you, nay!” inakap siya ng ina nito at hinalikan sa pisngi.

“Mabuti at maaga kang nagising at may pupuntahan tayo pagkatapos nating mag-agahan. Maligo ka na muna doon habang tinatapos ko tong niluluto ko.”

“Pupuntahan? Saan naman tayo pupunta ng ganito kaaga? Si Tatay nga pala asan na?” sumilip si Maya sa may bintana nila sa pag-aakalang nasa labas lang ang tatay nito. More

Just in Time 10

Sa loob ng maraming araw na di nakakausap ni Richard si Maya, puno ng pag-aalangan si Richard kung ano ang mangyayari sa napipinto nilang pag-uwi sa San Nicholas. Nakahanda na ang plane ticket nila ni Maya pero di pa alam ng dalaga kung anong oras ang flight nila. Byernes ng umaga, dinayo na naman ni Richard ang unit ng babae. Pagpasok pa lang niya sa loob, pakiramdam ni Richard ang haba na ng panahon simula ng huli siyang nakapasok ulit. Bigla siyang nanibago kahit na ilang araw lang itong di niya napuntahan. Kung di lang talaga sila uuwi ni Maya ng San Nicholas, di siya ulit pupunta dito para hayaan muna si Maya na mapag-isa.

“Here’s your ticket. Mamaya, 4 p.m ang alis ng eroplano. ” inilapag ni Richard ang papel sa ibabaw ng dining table ni Maya. Nadatnan niya ito habang kumakain ng breakfast. Hinintay niya itong magsalita pero tinitigan lang nito ang papel na nasa harapan. ” Hihintayin kita Maya, please huwag mong baguhin ang isip mo sa pagsama sa pag-uwi . They’re all expecting to see you.” Sa sinabi niyang yon, panalangin ni Richard ay nagawa na niyang kumbinsihin si Maya na umuwi kasama siya. More

Just in Time 9

Pagkatapos ng nangyari Linggo ng umaga ay din muling nagkausap pa ang dalawa. Panay ang iwas ni Maya kay Richard. Tuwing dinadayo ng lalaki ang condo niya, nagbabakasakaling di na mainit ang ulo at makikipag-usap na sa kanyag ay nagkukulong si Maya sa kwarto niya . Isang beses ay sinubukan niyang mag-antay pero inabot na ito ng madaling araw di na muling lumabas pa si Maya.

Kahit di sinasagot ni Maya ang text ni Richard sa kanya ay di parin nawawalan ng pag-asa si Richard. Tuwing umaga, dahil di na sumasabay si Maya sa kanya papuntang school  ay tinitext niya ang dalaga para sabihing mag-ingat ito sa byahe papunta at pauwi galing school. Tuwing hapon naman ay tini-text para magtanong kung naka-uwi na ba si Maya o kung gusto ba nitong magpasundo. Pero sa kabila ng ilang beses niya itong ginawa di na siya nakatanggap ng sagot mula kay Maya. Ilang beses din niyang sinubukang tawagan ito pero lagi na lang pinapatay ni Maya ang cellphone niya.

Dahil sa nagaganap na di pagkakaunawaan ng dalawa ay mas lalong nawawalan na si Richard ng pag-asa kay Maya. Kahit ang pagiging kaibigan na lang sana na meron sila ay parang namimiligro na ding mawawala ng tuluyan. Pakiramdam ni Richard ay tuluyan na siyang itinatakwil ni Maya sa kanyang buhay at wala na itong balak na siya ay kausapin o makita pang muli.Walang ibang sinsisi si Richard kundi ang sarili niya. Dahil sa mga maling desisyn at sa pagiging seloso niya, mawawala na si Maya ng tuluyan sa kanya. More

Previous Older Entries

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 320 other followers

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 320 other followers