Protected: Just in Time 24 – A Dream of Forever

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Just in Time 23

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Just In Time 22

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Just in Time 21

     Pagkatapos marinig ang sagot ni Maya, di maipaliwanag ni Richard kung gaano siya na-disappoint kay Maya. Di niya akalain na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, parang di pa ito sigurado sa kanya at sa kanilang relasyon. Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili kung ano ang estado niya sa buhay ni Maya.

“Alam ko nagtatampo ka..or perhaps you’re angry but Chard sana pakinggan mo muna ako. Ayoko madaliin ang bagay-bagay sa atin, baka dadating ang araw pagsisihan natin pareho. “

” Maya, I know what I want. Matagal na akong handa, ikaw na lang ang inantay ko. Sa tingin mo ba pagsisisihan mo balang araw kung pipiliin mong magpakasal ka sa akin ngayon?”

Sa mga sandaling yon, naiipit si Maya sa sitwasyong kailanman di niya inakala kakaharapin niya. Sa puso niya gusto niyang tanggapin ang proposal ng kaisa-isang lalaking minahal niya ng lubos pero sa kabilang banda, may takot siyang nararamdaman na hindi pa siya handa na maging kapareha nito habambuhay.

“Chard, don’t get me wrong. I love you, gusto ko rin makasama ka pero sa tingin ko wala pa akong napapatunayan para maging karapatdapat para sa’yo. Marami pa akong dapat ayusin sa buhay ko, ayoko naman na magpakasal sa’yo na hindi pa ako okay at ang mga magulang ko. Gusto ko rin sana harapin ko muna si Bart bago ako makipag-commit sa’yo.  Just give me time please, Chard?” More

Just in Time 20

      Lately, sinusubukan ni Maya na  umiwas na magkaroon ng kaugnayan kay Bart. Ilang araw ng  nakakatanggap ng text messages si Maya mula sa  boyfriend nito Manila pero  binalewala niya ito. Madalas niyang pinapatay ang kanyag cellphone sa takot na ang susunod na matanggap niya ay tawag na . Kung bakit niya ginawa ito, unang-una dahil di niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa lalaki at ang pangalawa ay takot siyang hindi niya magawang makipaghiwalay kaagad sa oras na maunahan siya ng awa kay Bart. But when she received Emman’s text regarding Bart’s plan to go to San Nicholas, di na siya nagdalawang isip at tumawag na kaagad si Maya sa lalaki.

“Baby!” ito kaagad ang narinig ni Maya sa kabilang linya sa oras na sagutin na siya ni Bart. Ramdam ni Maya ang kagalakan ng lalaki sa ginawang pagtawag ni Maya.

“Hey.. kumusta ka na?” pinilit ni Maya na maging kaswal ang dating ng boses niya kahit na ba ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya.

“Kumusta na ako? Ikaw ang kumusta! Baby you don’t know how worried I am, ilang araw na kitang tinitext pero di ka naman nagrereply. “

“Oh..sorry..umm di kasi stable ang signal dito..” Sheess what a lame excuse! Napakagat na lang ng labi si Maya dahil sa ginawang excuse sa di pagtawag kay Bart. More

Just in Time 19

     Matapos maipaliwanag kay Richard tungkol sa ginawa nitong pagsasabi kay Maya ng dahilan kung bakit di na nagawang bumalik ng anak sa  Manila, iniwan ni Doña Esme ang dalawa para makapag-usap.

“Bakit di mo sinabi Chard? Mas naging magaan lang sana para sa ating dalawa ng pinagdaanan natin kung di ka naglihim.”

“Alam ko ..” huminto si Richard sa kanyang pagsasalita, nag-aalangang ipagpatuloy ang kanyang pagpapaliwanag. Sandali munang tumingin-tingin ito sa pinto na pinasukan ng ina kani-kanina lang. “Come… it’s better kung sa bahay ninyo na lang tayo mag-uusap.” Richard took Maya’s hand and help her up. Soon after, naglalakad na sila sa likod ng mansyon, patungong bahay nina Maya.

“Bakit ba Chard, seryoso ba at ayaw mong pag-usapan natin sa bahay ninyo?” di mapigilan ni Maya ang mangusisa kay Richard. Richard looked at her and nodded. “Oh..so di pa pala tapos ang mysterio..” Maya mumbled.

When they reached her home, Maya opened their door and they both went inside. Richard comfortably seated himself on the sofa while Maya went to the kitchen. Pagbalik ni Maya ay dala-dala na nito ang isang tray na may lamang isang pitcher ng orange juice at dalawang baso.

“Maya, di ka na sana nag-abala pa.” Richard helped her with the tray and placed it on the table infront of them while Maya took her place next to him at the sofa.

“Okay lang, besides naisip ko baka kailanganin ko rin ng maiinom kapag malaman ko kung ano pa yung sekreto mo. Gosh, how I hate secrets Chard! Bakit ba kasi kailangan pa na maglihim.” More

Just in Time 18

      “Mabuti naman …yang holding hands na yan, ibig sabihin niyan –” nakita ni Maya ang bahagyang pagngiti ng ama habang nagtatanong kaya napa-iling kaagad si Maya.

” Hiwalay na kami.” pahabol na hayag niya.

“Para sa kanya oo, per sa akin hindi ..kaya ayoko bitiwan tong kamay niya  Tay, para naman sana maramdaman niyang di maganda yung iniisip niya.” si Richard naman ang nagpaliwanag. Nakita ni Maya ang pagkunot ng noo ng mga magulang niya. Naguguluhan sa sinasabi nilang dalawa.

“Richard! Tumahimik ka na nga… saka pwede ba, bitiwan mo ng kamay ko…isa! …Dalawa!” pagbibilang ni Maya na talaga namang inis na inis na sa inaasal ni Richard. Unti-unting niluwagan ng lalaki ang pagkakahawak ng kamay ni Maya kaya kaagad naman nitong binawi ang kamay at nagmamadaling lumapit sa mga magulang upang magmano.

“Hay naku! Kailan pa ba kayo mag-aayos na dalawa ha?”

“Ewan ko nga sa kanya nay, nagpaliwanag na ako pero di parin ako pinapatawad. “

“Maya..malalaki na kayo, kailangan pa bang kami na naman ng tatay mo ang gagawa ng paraan para magkaayos na kayo? Mag-usap kayo ng maayos ‘nak. Alam naming galit at nagtatampo ka pero hayaan mo naman si Richard na..” More

Just in Time 17

    “Ang sabi mo noon I have loved you yesterday, I love you today, and will continue to love you tomorrow … bakit Maya, ang bukas ba sinasabi mo sa sulat na iyon nagtapos noong araw na iniwan kita? Hanggang doon lang ba ang bukas na kayang ibigay at hawakan ng puso mo Maya?”

Tinitigan ng maigi ni Richard si Maya sa kanyang mga mata. Gusto nitong malaman kung magsasabi ba ito ng totoo sa kanya o pagtatakpan ang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Mahigit dalawang taon man silang di nagkita, alam ni Richard sa kaloob-looban niya kilala parin niya ang buong pagkatao ni Maya. Ito parin ang dating Maya na kilala niya, ang Maya na di kailanman huminto sa pagmamahal sa kanya kahit ilang ulit niyang sinaktan noon.

“Sagutin mo ako Maya..gusto kong malaman.”

“Ilang ulit mo ng sinukat ang pagmamahal ko sa’yo Chard..ilang beses kong napatunayan noon na meron kang puwang sa puso ko sapat na yon para sagutin ang ang tanong mo sa akin.. pero anong silbi ng lugar mo sa puso ko kung paulit-ulit  lang akong nasasaktan at lagi mo lang itong iniiwan? May ibang taong gustong umangkin ng lugar na ibinigay ko sa’yo Chard, bakit ko ipagkakait sa sarili ko ang mahalin din ng ibang tao …bakit ko ipagkakait sa kanya ang lugar ng iyon sa puso ko Chard?” More

Just in Time 16

     Gumalaw si Maya mula sa kanyang  mahimbing na pagkakatulog ng maramdamang mainit ang kanyang likod at may kung anong bagay ang nakapulupot sa kanyang bewang. Nang magbalik na ang kanyang katinuan at naalala na kanina lang ay magkasama silang dalawa ni Richard sa sasakyan kaagad naimulat ni Maya ang kanyang mga mata at nakita na ang nakapulupot pala sa kanya ay ang kamay ni Richard. Nalaman niyang nakasandal pala siya sa lalaki at kasalukuyan itong nakatulog. Madalian niyang iwinaksi ang kamay ni Richard at  lumayo dito kaya nagising ito na gulat na gulat kung ano ang nangyari kay Maya. Nakita niya itong sa kabilang bahagi ng upuan, masama ang tingin sa kanya na tila handa siyang kainin ng buhay.

“Anong nangyari?” sigaw ni Maya ka Richard. Di malaman ng lalaki kung matatawa o maaawa sa naging reaksyon ni Maya. Bahagya siyang lumapit pero sumigaw lang ulit ito. “Anong ginawa mo sa akin?!” galit na galit na ito at pinandilatan siya.

“Wala!…Wala akong ginawa. Bakit, gusto mo bang may gawin ako sa’yo?” biro nito sa babae upang kahit papaano ay kumalma.

“Aaaaaaaa! Papatayin kita Richard Lim! Lumayo ka sa akin! “

“Maya, calm down! Baka may dumaan dito akalain pa may ginagawa ako sa’yo.” sinubukan niya itong abutin pero umilag si Maya.

“Huwag mo akong hawakan!” banta ni Maya sa kanya habang tinatakpan ang kanyang harapan at iniilag ang kanyang katawan upang hindi niya mahawakan. Nang makita ito ni Richard ay di na nakapagpigil at tumawa na ng tumawa.

“Maya, ano ka ba..please calm down..swear, wala pa akong ginawa sa’yo!” More

Just in Time 15

     Kinabukasan, maagang kumuha ng airplane ticket si Maya para makauwi ng San Nicholas gaya ng pinangako sa kanyang ama. Mabuti na lang at may nakuha pa siyang ticket para sa huling flight ng araw na iyon. Pagkatapos magpaalam ng madalian kay Emman  at sa kanyang boyfriend na si Bart, nag-empake na si Maya ng gamit at tinungo na ang airport.

Habang naghihintay ng boarding time sa airport ay tinawagan ni Maya si Tatay Arturo para kumpirmahin ang kanyang pag-uwi ng hapong iyon. Tuwang-tuwa ang kanyang tatay ng malaman ito. Inalam na din ni Maya ang kalagayan ng kanyang ina na sa kabutihang palad ay bumubuti na. Tuwing maiisip ni Maya ang ina ay di ito mapakali at gustong-gusto na nitong makita at makapiling.

Ilang minuto ang nakaraan ay nasa loob na ng eroplano si Maya. Kung kailan ilang oras na lang ay makikita na nito ang mga magulang, saka pa siya nakaramdam ng konting takot sa dibdib. At isa lang ang dahilan kung bakit niya ito nararamdaman sa kasalukuyan, ito ay dahil sa napipinto ding pagkikita nila ni Richard. Matapos ang dalawang taon, dumating na rin ang pagkakataong di na niya maiiwasan, ang paghaharap uli nila ni Richard Lim. More

Previous Older Entries

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 371 other followers

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 371 other followers