Connivance 3: “Overheat!”

Maya is at TA for her second day of training. She met Ina at the lobby.

“Hello Ms. Ina”

Maya stop to greet her with the usual jolly tone.

“Hello Maya! How’s the training so far?”

“Okay lang naman po Ms. Ina. Dami ko na po natutunan kahit second day pa lang.”

“Good..good. I know Mr. Ventura will not regret his decision. Matalino ka and very hardworking, maybethose were  the reasons why he offer you this.”

“Thank you po, Ms. Ina”

“You’re welcome Maya. Oh by the way, I don’t know if nasabihan na kayo about the sudden party thisevening..actually di sudden but more of surprise party for our boss?”

“Umm opo nasabihan na po kami tungkol dyan sa gagawing party .”

“Oh good! .And please, please keep this a secret..okay? Na inform na ba kayo na kasali ang trainees?”

“Ha? Hala! Di ko kasi alam..baka di na siguro ako pupunta Ms. Ina kasi wala ako susuotin..yung iba sasabihan ko na lang para makapunta sila. Sige po aalis na po ako. Bye po Ms. Ina.”

She turned to leave but Ina stopped her.

“No Maya wait. Actually Mr. Ventura asked me to make sure that you will attend tonight. He said to tell you this is what he is telling you daw last night?”

“Last night? Ahh oo nga pala..Paano yan di naman kasi niya sinabi party eh. Wala ako susuotin po.”

“It’s okay, total paalis na din ako sumabay kana at meron akong ibibigay sa’yo na dress. Namili kasi ako kahapon and medyo di ako comfortable sa nabili ko and mukhang kasya yun sa iyo so ibibigay ko na lang sa’yo.”

“Ha? ehhh, nakakahiya po kasi Ms. Ina..”

“Maya halika na..para di ka mag-alangan na tanggapin yun, just think of it as my welcome gift sa’yo ..okay lang ba yun Maya?”

“ehhh..ikaw po bahala..sige thank you po  ha.”

“No problem Maya..oh halika na.”

Sa kotse Ni Ms. Ina…

“Maya, can I ask a favor?”

“Favor po Ms. Ina? Opo naman..sa dami ba naman ng favor na ginawa mo sa akin syempre gusto ko po rin kayo mapasuklian yun. Ano ba yung Ms. Ina?”

“Maya can you ask your boss na siya na lang maging date ko tonight?”

(Booom! sabi ko na nga ba.. hayy buhay mo nga naman Maya tsk tsk tsk … pano pa ako makaka-hindi nito kung nasa sa’yo nakasalalay ang susuotin ko mamaya?)

Walang ibang magawa si Maya kundi bumuntong-hininga habang nakatitig kay Ms. Ina .

“Okay lang ba Maya? Can you do it?”

“Okay po Ms. Ina..susubukan ko po…teka lang po ha tetext ko.”

Maya sent Sir Chief a text.

<Sir Chief, meron po sana ako favor gusto hingin sa’yo.Kung okay lang po.>

 

“Wait Liza, I need to call Maya.”

After Liza left the office, Sir Chief then called Maya.

“What is it Maya?”

“Sir Chief bakit ka pa tumawag pwede namang text lang..”

 

(Atat ka rin Sir Chief noh..eh di ngayon wala na akong choice kasi madidinig ni Ms. Ina paano kita ico-convince..di ko pa naman feel i-convince ka hmmphh!)

 

(Maya seryoso ka ba? Di mo ba alam kanina ko pa gustong marinig boses mo? Kung di lang panay angpabalik-balik ni Liza dito kanina pa sana ako nakatawag sa’yo.)

 

“I prefer call over text Maya, mas madali ko pa malalaman. What is it?”

“Ahh, ano po kasi..sir wait lang ha…excuse lang po Ms.Ina ha”

Lumabas muna si Maya sa kwarto ni Ms. Ina bago niya tinuloy ang gusto niyang sabihin. She doesn’t want Ms.Ina to know na di talaga siya mag-eefort para i-convince ang boss niya to go and be her date.

 

“Maya get to the point..don’t keep me waiting.”

“Sorry po Sir..si Ms. Ina kasi gusto sana niya ikaw ka-date niya mamaya sa company party. Meron kasi surprise party sa TA mamayang  gabi, wala siguro ka-date kaya ikaw ang naisip i-date. Pero if di pwede..”

 

(Eh di mas mabuti.. hehehe)

 

“Date? Me?..hmm ikaw ba pupunta ka ba dun sa party mamaya?”

“Opo, kasi sabi kailangan daw andun kami eh.”

“So kung pupunta ka mamaya, you will also need a date?”

“Date? Ako?”

Bigla natigilan si Maya.

(What if kagaya nung sa summit ang mangyayari..No Maya! Di na siya pwede magalit sa’yo..nag-usap na kayo di ba? Sabi niya he will stay out of your business. Di ka na niya pipigilan if kasama mo si Sir James. .. sad na, ala na talaga chance..tsk tsk tsk)

“Maya are you still there?”

“Yes, Sir Chief!..date? yes meron na po.”

“Huh? Eh sino naman yun?”

“Ahh si Sir James po!”

“Okay then please tell Ina I’ll be there!”

tooooottt!

 

(Ayy tsk di man lang nagpaalam? Baka na lowbat..)

 

Maya sigh..

(Wala na Maya..end of your lovelife na, di man lang naka move ng one inch patay na..Ms.Ina, Sir Chief..wala ka ng magagawa..)

 

(Sinasaid mo talaga pasensya ko James Ventura!Tingnan na lang natin sino mas gwapo mamaya. At ikaw Maya..humanda ka! Pag nakita mo damoves ko mamaya nganga ka sakin.)

 

[Ay alam na namin yan Sir Chief..yang damoves mong slow pa sa pagong..alam na alam na..magho-holy week na nga oh ni isang move ala ka pang nagawa!..hek!naglabas ng sama ng loob?😀 }

Evening came and the party started already. A table was shared by Sir Chief with Ms.Ina and Maya with Sir James. Ilang si Maya, from the moment she arrived di talaga siya mapakali.

After dinner..

“Are you enjoying the party Maya?”

James, who is sitting closely asked her habang tinititigan siya.

“umm oo..first time ko pa to na experience. Kasi sa amin yung party di naman ganito..”

“Talaga? I’m happy that you are enjoying the night and fortunately ako pa ang naging date mo. I hope thiswill not be the last “first time experience” you will have with me Maya..hmmm, i have an idea why not  i-tweet ko kaya to.”

James said while retrieving his mobile phone sa bulsa.

“Tweet?Anong tweet?”

“Tweet, yung sa twitter?..kung ang facebook may status ang twitter my tweet..gets mo na?”

“ahhh twitter pala..kaw talaga Sir James..”

Napatawa si Maya sabay slight hampas sa braso ni Sir James. Si Sir Chief naman inis na inis na habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang dalawa.

 

(Tsk! I-tweet ko kaya yang mukha mo na may black eye? Ilang favorite at retweet kaya matatanggap ko! Kanina kapa namimihasa ha, yang kamay mo Ventura tanggalin mo sa likod ni Maya! Baka matweet mong naghahanap ka ng kapalit sa  kamay mong bali!)

 

“Ahh Mr. Lim, mukhang mas maganda ang angle namin ni Maya kung ikaw ang kukuha ng photo namin. Pwede bang makisuyo na picturan kami?”

Iniabot ni James ang cellphone niya kay Sir Chief.

“Ahh.. no, Sir James ako na lang siguro?”

Offer ni Ms. Ina. But Sir Chief told her that siya na ang kukuha.

“Okay, here it is, Maya..say cheese..one more pa Mr.Lim ..oh Maya wacky naman!”

James did the famous peace sign habang naka-akbay kay Maya while Maya followed him.

Snap!

“Ay ako din Sir Chief, ito naman sa cellphone ko”

Binigay ni Maya cellphone niya, nganga si Ricardo, walang nagawa.

(Sir Chief peace lang po tayo ..walang basagan ng trip..mata mo nag-iisang guhit na habang noo mo kasing lukot na ng ampalaya  ..parang kakaininmo na kami ng buhay! Peace na talaga!)

Nasa isip ni Maya.

(Damn Ventura! Sakit na ng batok ko sa pinaggagawa mo..titiisin kita at ayoko magkagulo nanaman kami ni Maya ng dahil lang sa’yo.)

 

Music started and some couple are having fun dancing at the dance floor already. James asked Maya to dance but she decline the offer telling him masakit ang paa niya when in fact di talaga siya marunong sumayaw so James asked Ms. Ina instead. When they left.

“Maya!”

“Sir Chief?”

“Gusto mo umuwi na tayo?”

“hmm Sir Chief mamaya na lang po kasi maaga pa naman po and di pa po ako nakapag-paalam kay

Sir James.”

“Why?Do you need his permission first before you can leave?”

“Opo, kasi pangit naman kung aalis lang ako tapos di magpapaalam. Siya po kasi nag-invite sa akin dito.”

“So this is what it’s all about?”

“Ang alin po Sir Chief?”

“Yung kagabi, di ba nagpaalam ka? Sabi mo male-late ka sa pag-uwi?”

“Ahh yun…baka..”

“Anong baka? You mean di pa to? Don’t tell me Maya may pupuntahan ka pang iba after this?”

Nagkibit balikat na lang si Maya, one thing na mas kinaiinisan pa ni Sir Chief.

“Bakit nga pala parang di ko nakita mga co-trainees mo? Akala ko ba kayo lahat?”

“Hmm akala ko nga eh, pero sabi ni Ms.Ina ako lang daw pala talaga inimbitahan ni Sir James.”

 

(My patience is getting thin Maya. Please don’t do this to me.)

 

The music slowly changed, the song Wonderful Tonight was played at the party. James went bak to the table and  ask Maya to dance. Di na niya na decline si James this time kasi hinila na siya.

“Just follow me Maya. We’ll go slow I promise.”

At the dancefloor…Its only James and Maya who were dancing while everyone was watching them. Mukhang napagkasunduan ng lahat na tingnan na lang ang dalawa and i-admire kung gaano sila ka bagay tingnan. On the other hand James is smiling..no grinning is the perfect word.

“Maya relax..mahahalata ka niyan eh..”

James leaned closer and whispered it to Maya. He lead both of Maya’s hands to his neck while he hold her hips. They are now dancing in rhythm to the beat of the music.

“Sir James .. ano ba naman kasi pinag-gagawa mo..parang gusto ko na maghukay dito sa center ng dancefloor at ibaun sarili ko dito. Nakakahiya..”

“Smile Maya..smile ..kita mo si Sir Chief?”

“uhmmm oo, at mukhang nag-aapoy na ang tenga at mata niya katititig sa atin.”

“hehe ako nga parang ang hapdi na ng likod ko, parang may laser beam tumatama..basta ngiti ka lang.

Don’t worry di ka mapi-principal’s office.”

Napatawa si Maya. At the corner of her eyes  nakita niya that Sir Chief left the table and is now heading towards the door. Scared but she was enjoying the tease.

Later that evening …sa parking lot.

“Ina thank you for the invitation. I think I should be going. Late na rin kasi and tomorrow my work pa.”

“No it’s okay Richard. Thank you for accepting my invitation too, though it was a very short notice pero di mo parin ako binigo. I had fun..I hope you enjoyed the party.”

“Yes I did..ahh by the way do you need a ride? I can drop you at your place…”

“No no  thanks..okay lang, anyway i still have to wait pa din baka may last minute instruction for tomorrow and I brought my car.”

“Okay then,,bye Ina.”

“Bye Richard..sige pasok na ako ha.”

Pumasok na si Ina sa loob. Tinawagan ni Sir Chief si Maya sa phone niya but naka ilang ring na pero di pa sinasagot ni Maya, insaktong palabas naman sina Maya at Sir James, nagtatawanan habang nagkukwentuhan. James saw Sir Chief first.

“Mr. Lim..andito ka pa pala.”

“Ah yes, I was waiting for Maya. I was calling your phone Maya pero di mo sinasagot.”

“Ay! naku sorry Sir Chief di ko napansin. Bakit po?”

“We’re going home.”

“Ah Mr. Lim parang ackward naman ata na ikaw ang mag-uuwi ng date ko habang ang date mo andun sa loob?”

“I already informed her na uuwi na ako and besides she brought her car with her so di ko rin siya pwede ihatid. Let’s go Maya.”

“Teka teka teka.. give me a few minutes okay. Maya ..”

Hinila ni James si Maya palayo kay Sir Chief.

“Oh Maya..this is it..remember the one I told you yesterday? I bet masasagot na yun tonight.”

“Ha? Oh ano nga?”

“Basta .. wait ka lang… its not me ang sasagot sa’yo. Pag-uwi mo may taong magsasabi sa’yo ng sagot.”

James smiled at her but Maya is still confused.

“Oh sige na umuwi ka na. But before that..”

James hugged her tightly.

Habang si Sir Chief?

[Oh well … parang nag go-glow in the dark ang ulo sa lakas ng apoy, joke! Back to the story]

(That’s it Maya!)

 

Busina to the highest level with matching bulyaw pa.

 

“Maya! Buong gabi na lang ba kayo magyayakapan ‘dyan? Gusto ‘nyo ba bumili pa ako ng popcorn at soda habang pinanonood kayo?”

 

(I swear Ventura di lang kita ibabaun sa popcorn at lulunurin sa soda pag di na ako makapag-pigil sa’yo.)

 

Sa isip ni Sir Chief while watching them both hands on his hips, kunot ang forehead, nanliliit  ang mga mata ,and pigil ang hininga to control himself.

 

“Oh ayan na! Galit na naman ang mama..!”

James pinched her cheeks slightly as a sign of letting her go.

“Oh sige na ..Bye Maya.”

“Sige Sir James, bye”

“Maya .. wala bang kiss?”

Pressing himself forward as if trying to kiss her.

“Ay ay ay Sir James..wala sa usapan yan..ikaw talaga!”

Instantly si aboridong mama shouted.

 

“Maya! ”

“Sir Chief!…sige na Sir James..ba-bye na..nag-aapoy na sa galit ..eh..”

“Bye Maya, ingat sa apoy at baka mapaso ka ..see you tomorrow”

Pagka-pasok sa sasakyan, padabog na sinara ni Sir Chief ang pintuan.

“Seatbelt!”

“Opo Sir,Chief.”

Pinaharurut ni Sir Chief ang sasakyan palayo dun leaving James giggling.

“Bye lovebirds! Ang kyoooot ‘nyo mag-away! ”

While waving to Maya and Sir Chief.

“Ehhh Sir Chief, okay naman break ng sasakyan mo no? Ayoko ko pa kasi ma-meet and greet si San Pedro”

Maya is super scared! Halos paliparin na kasi ni Sir Chief ang kotse niya sa inis.

“Shut up Maya!”

“Sir for life ba or temporary lang gusto mo? Shut up na kung shut up pero huwag ganito. Bakit ka ba nagmamadali?”

“I said, shut up!”

“Opo!”

Maya answered while tightly gripping the strap of her seatbelt. Silently she is praying kasi talagang tense na tense na siya sa inaasal ni Sir Chief.

Ring Ring

 

“Hello Sir James..pwede mamaya ka na tumawag kasi shut-up daw muna eh..please!”

“Anong shut-up?..nag-aaway na ba kayo? Ganito na lang, saglit lang to promise. Nakalimutan ko kasi sabihin sa’yo na paki-count kung ilang beses ka tinawag ni Sir Chief ngayong gabi. Mamaya pag kalmado na yang mamang yan tanungin mo siya kung bakit ba Maya siya ng Maya sa’yo kanina ha. Okay, yun lang..Sige bye Maya.Sweet dreams.”

Puzzled si Maya kung bakit kailangan niya gawin yun pero sa takot niya di na matandaan ilang beses kahit paulit-ulit pa niya gusto matandaan ang mga nangyari buong gabi sa party.Nang muling tumutok sa daan she noticed that iba ang kanilang tinatahak na direksyon.

(Saan na ba to?… Lover’s Den?. Heaven and Paradise Inn?..teka.. Lover’s Den?..Inn? Sir Chief don’t tell me..)

 

“Sir Chief saan mo  ko dadalhin?”

“Shut up Maya!”

“Sir di ako papayag! Ibaba mo ako!”

“No Maya, sasama ka sa  akin sa ayaw  at gusto mo. I deserve this! And honestly dito tayo dapat nagpunta kanina pa. ”

to be continue …

[Yikes! kamusta naman ang damoves ni Sir Chief? ..Daanin ba naman sa santong paspasan si Maya? Ano to Sir Chief..Minute to Win It? ]

 

 

 

 

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers