Connivance 4: “Move On”

Pikit ang mata ni Maya  habang nag-aantay. Praying so hard.

(Lord, kung ano man mangyari ngayong  gabi..ikaw na bahala sa akin. Di ko to carry mag-isa promise.)

She felt na parang lumiko ang sasakyan ni Sir Chief and then nag slow-down . Pinawisan na si Maya.

(Ayan na… papasok na..ahh  ano ba gagawin ko…)

A little later.. the car stop.  Ayaw parin idilat ni Maya ang mga mata niya. Kinakabahan siya. Nawiwindang sa  takbo ng mga pangyayari. She heard that Sir Chief open his door then slammed it kaya nagulat  si Maya. Dahan-dahan niya binuksan ang kanyang mga mata.

(Teka ….Ba’t… ..)

Isang malaking buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Maya..

(Salamat Lord..Akala ko  may magaganap na..ayy ano ba naman kasi iniisip ko, ayun tuloy pahiya na naman ako kay Sir Chief!)

Turned out, dinala pala si Maya ni Sir Chief sa isang burol na kung saan kitang-kita ang buong city. Nasa labas na ng kotse si Sir Chief,  nakatalikod habang nasa mga bulsa niya ang dalawang kamay. Kahit di niya makita ang mukha at nakatalikod ito sa kanya alam niya bad mood pa rin, gusto sana niya lumabas ng kotse at i-enjoy ang view kaya lang natatakot naman siya .. after a while pumasok ulit si Sir Chief sa loob ng sasakyan, umupo sa driver’s seat pero iniwang bukas ang pinto, pumasok tuloy ang malamig na hangin sa loob ng kotse kaya bigla siya nilamig. Maya stirs, napansin ni Sir Chief kaya hinubad nito ang coat at binigay sa kanya.

“Here, wear this.”

“Salamat po.”

Back to being silent again si Sir Chief , sighing every now and then. Si Maya naman, sa lamig ng panahon hikab ng hikab. Maya-maya nauntog nang di mamalayan na naka-idlip pala siya. Nilingon niya si Sir Chief at napansing wala paring kibo na malayo ang tingin.

( Ano kaya iniisip ni Sir Chief? Sana naman di niya maisip ihagis ako dun sa may bangin sa inis niya sa akin kanina…)

“Sir Chief…Sir, pwede na ba ako magsalita ulit?”

Buntung-hininga lang ang sinagot ni Sir Chief sa kanya.

“Sir Chief magbibilang lang ba ako ng bunting-hininga  mo at hikab ko buong gabi?”

“Maya let’s talk..”

(Hay salamat naman at kalma na ang boses mo Sir Chief)

“Oo nga Sir Chief, yan nga  ang ibig kong sabihin. .”

“What happened Maya?”

“Po? Ang alin po Sir Chief?”

“Kanina?”

“Eh Sir Chief, ikaw nga gusto ko tanungin eh. Ano ba nangyari at ang init ng ulo mo? Nag-away ba kayo ni Ms.Ina?”

“Maya kayo na ba ni James Ventura?”

“Po? Hindi po..”

“If not .. then  gusto mo na ba siya?”

“Yung sa totoo?”

“Yes Maya, I want an honest answer.”

“Di ko po alam. Masaya siya kasama, madaling kausap, palabiro, gentleman,sweet, tapos ka-vibes niya  sina Nanay at Mamang.”

“Akala ko ba,  crush mo ‘ko?”

“Ha? Ehh..Sir Chief di ka pa rin naka-move on dun? Ako kasi nag move-on na.”

“Move on? What do you mean?”

“Move on na  po..2013 na ayoko na ng bad vibes gaya nung nangyari nung  December. Simula kasi nung nalaman mo yun nagkagulo tayo. Kaya ngayong 2013 ginawa ko part ng New Year’s resolution ang pag momove-on. Kaya sana ikaw din Sir Chief, mag move on kana rin.”

“What?!!”

Sir Chief was shocked sa narinig niya.

(Move on? Wala pa nga ako nagawa mag momove-on ka na?! )

“Who care’s about moving on Maya?  Sinabi ko ba sa’yo mag move-on kana?”

“Ano ibig mo sabihin Sir Chief?”

“ You mean you will stop liking me?.. no way Maya!!”

Sir Chief answered  shaking his head while staring back at her.

“Bakit Sir Chief kala mo di ko kaya? Kaya ko yun.. Akala mo lang hindi pero kaya ko.”

“No! You can’t do that?”

“Ano akala mo sa akin Sir Chief?.. . Di ko hahayaan sarili ko masaktan ng paulit-ulit sa’yo noh.”

“Then what about me Maya?”

“Ay ewan ko sa’yo..”

“Are you really serious Maya?”

“Hindi! ay  oo!..no I mean hindi!…Teka  .. teka lang Sir nililito mo po kasi ako..  ..”

“Then don’t stop liking me Maya…please ..please  keep on doing so . If magmo-move on ka, do it with me..let’s move on but not as your boss or your friend but your lover..your boyfriend..don’t leave me hanging like this. You said you like me but sa iba ka nakatingin. Ano yun ganun na lang, after confessing nawala na? How about me? How about my feelings for you?”

“Sir Chief!”

Nganga si Maya. Di makapaniwala sa narinig niya.

“You heard me right Maya. I like ..no I love you. .I really do. I love you Maya Dela Rosa.”

“Sir Chief? Wait lang..”

(Anyaree  sa kanya? Di kaya nalasing si Sir Chief?)

Maya remembered what happened kanina sa party..

“Mr. Lim I didn’t know that your  alcohol tolerance is quiet high.”

“Sir Chief, di ba magda-drive pa kayo? “

“Di ako malalasing ngayon Maya, I won’t..I need this to keep my eyes open .. contrary to what you believe,  di alak magpapalasing sa akin ngayon.”

(Don’t tell me ito ang effect ng wine sa kanya?)

“Sir Chief… lasing kana ata, parang ang late naman ng effect  ng ininom ‘nyo kanina?”

“Maya!”

Sir Chief is frustrated already.

“Sorry po..alam mo ba pinagsasabi mo Sir Chief?”

“For goodness sake Maya! Yes! “

“Ayan ka na naman eh..akala ko ba mag-uusap tayo?”

“Sorry..just please..please listen to me.”

Pakiusap ni Sir Chief kay Maya, and by just looking at him, her heart softens.

(Pa-cute ka na naman eh! ..ano ba!)

“Bakit? …I mean… paano? Kailan?”

“Medyo matagal na ng narealize ko but binalewala ko lang and because I enjoyed our friendship . Di ko lang na entertain yung feelings ko but alam ko meron . That time nung nalaman ko crush mo ako I was happy and relieved kasi nalaman ko you are also attracted to me. Di lang pala ako.  Pinag-isipan ko to Maya but that moment na naging ready na ako sabi mo naman normal lang yun..normal lang tayo.  I admit I felt bad kasi baka spur of the moment lang yung nangayari nung napa-amin ka but I know di ka ganyan.  But sa summit, iniiwasan mo na ako..worst, I felt na it is because you met James Ventura.  And he seems to be attracted with  you too.  Then came that argument .  Di ko na napigilan sarili ko, masisisi mo ba ako kung magselos ako ? Hinayaan kita to grow and for you to pursue your dreams..Di muna kita inabala kahit may feeling na ako sa’yo para makapag-focus ka sa studies mo at sa mga pangarap mo but then.. may isang James Ventura lang na lilitaw and then manligaw sa’yo? I felt threatened ..  jealous!”

“Selos? “

“Yes! I’m jealous..I’ve never been jealous..ngayon lang “

[Familiar ba? Hek! Bagay kasi eh..kaya pahiram muna John Lloyd. ]

Maya suddenly remembered Manang Fe.

“Maya alam mo ba kung bakit nasabi yun ni Ricardo?”

Manang Fe was referring to the call which she heard.

“Dahil nagseselos siya kay Mr. James Ventura kasi gusto ka niya”

“Manang ayaw ko maging assumera..kahit kinilig ako sa narinig ko kanina ayoko parin umasa.”

“Di ka naman nag aassume eh.. totoo naman yun.  Makikita mo, ilang araw na lang malalaman mo rin na totoo yung sinasabi ko.  Pag nangyari na ipapaalam na niya sa’yo ang nararamdaman niya, ako ang unang tao na magiging masaya para sa inyong dalawa. Sa ngayon tama yang ginagawa ni Ventura, ang pagselosin si Ricardo at ng matauhan na, aprub ako ‘dyan. Maki-ayon ka muna sa mga pangyayari Maya at hayaan mo muna ang boss mo sa TA”

“Maya..”

Napakurap si Maya ng madinig ang pangalan niya, nagbalik ang diwa sa kasalukuyang nagaganap sa kanila ni Sir Chief.

“Plano ko talaga sabihin sayo tonight ..here..sa secret place ko.  Only di ko pinlano na pupunta tayo sa party. When you called kanina, I was trying to finish everything sa office as early as possible kasi gusto ko sana iset-up tong place but when you said you will be attending the party with James Ventura nawala na ako sa focus.  Last night when you asked me, if I didn’t choked sa coffee ko siguro napaamin na ako but then you ran away again..so I planned but di parin natuloy..I guess ganun talaga when it comes to love..”

“Ano po Sir Chief?”

“Love can never be plan. Di mo pwedeng planohin kung kanino ka maiin-love at kung kalian muling titibok ang iyong puso. And when it comes di ka na makakatanggi or makakaiwas pa.”

“Sir Chief baka confuse lang kayo..”

“No Maya..di naman kita nagustuhan agad-agad dib a?.. so don’t say that confuse lang  ako. If you say, that maybe I just missed Alex, yes I missed her but it has nothing to do with why nagustuhan kita.  Di mo ba nakita kung gaano mo ako slowly binago?”

When she heard that last line she remembered Nikki during their stay sa San Nicholas.

“You know what  Ate Maya, you should come back. Kasi when you are not around its so different.  The house is super quiet and dad is always super masungit! The other day nagkatuwaan lang naman kami nina kuya sa bahay then he just got mad at us. I was scared kasi what if he will be a monster again just like before…I mean you know what dad is noon.  Konting ingay lang nagagalit na.”

“Talaga Ma’am Nikki? Bakit mainit ba ulo niya?”

“Yes, and laging nasa office niya nagmumuk-muk..natakot nga kami ni baby lumapit sa kanya baka mabulyawan na naman kami. Sina Manang Fe and Ate Sabel nga napagalitan. Akala niya kasi ikaw tumawag sa kanila as in O My G nakakatawa that time Ate Maya.”

“Ha? Bakit ano ba nangyari ma’am Nikki?

“Sabi pa naman ni Daddy ki ate Sabel ..Sabel your voice! Di ako makapag-concentrate sa trabaho sa ingay mo. At bakit sa inyo lang siya tumatawag yung boss niya di man lang niya tinatawagan” ..

“Bakit Ma’am Nikki hinihintay ba niya tawag ko?”

“Siguro Ate Maya kasi lagi siya nagtatanong kong tumawag kana daw ba and remember nung pasko? When Abby called you? He was asking Abby kung ano daw sabi mo.  Maybe he was worried about you kung naka uwi ka ba ng maayos or what. You know Dad is not like that Ate Maya, before, kami and his company lang naman nasa isip niya..but ngayon may paki-alam na siya sa mga tao sa bahay  and everything..tapos masaya na ang bahay.”

“Maya..wala ka ba sasabihin?”

“Di ko kasi alam ano sasabihin Sir Chief. “

(Di ko alam sasabihin Sir Chief  pero gawin meron…gusto ko mag tumbling sa tuwa! Bakit pa kasi ngayon ka lang nagtapat. )

 

Ring Ring

 

Nakita ni Maya na si Sir James ang tumatawag.

“Wait lang Sir Chief ha..”

“Oh Maya, ano kumusta na?”

( Eto pa yung isa oh…panira ng moment.. )

“Sir James bakit?”

Maya glanced on Sir Chief’s direction and saw him sigh and shake his head.

“kumusta na okay nab a?”

“Anong okay na?”

“Si mamang galit pacified na ba?”

(Pacified na sana pero mukhang umasim na naman ang mukha ng marinig ang pangalan mo)

“Sir pwede mamaya ka na tumawag? Meron lang kasi ako importanteng gagawin.”

“uhmm okay..sige balitaan mo ako ha?”

“Sige tawag na lang po ako mamaya. Sige bye”

She pressed the end button and returned her cellphone sa bag when she heard him sigh again.

“Sir Chief, mali yang ginagawa mo eh..dapat ganinto po inhale…hold your breath… saka na exhale.”

“What?”

“Sundan mo lang ako Sir Chief ha.”

Maya taught him the Sir James’ inhale-hold your breath-exhale way and he followed her.

“Oh diba mas maganda pang alis ng stress and nerbiyos?”

“Who taught you that trick maya?”

“Si Sir James po.”

Sagot agad ni Maya na naka bungisngis but pinawi agad ng makitang napakagat-labi si Sir Chief sa inis.

“Ay..peace po..sorry.”

“Maya..bakit tumawag si Ventura?”

“Ano po..wala po..secret po.”

“Maya..”

“Umm Sir Chief, pwede magtanong? “

Richard nodded. While he shifted his position to face Maya, crossed his arms on his chest,  then stared at her.

“Bakit po Maya ka ng Maya kanina?”

“Seriously Maya..di mo ba talaga alam o gusto mo lang marinig ulit?”

“Di naman po…mas gusto ko kung galing sa inyo ang explanation. Mahirap na kasi baka masabihan pa akong nag- aassume na naman. “

“Sa tingin mo bakit mo tinatawag ang isang tao?”

“Depende po..kung ikaw iisipin ko may kailangan ka..minsan  nga pag nasa bahay tayo pag tinatawag mo na ako, kape agad ang nasa isip ko. Di ba nga minsan sinasabi ko na lang agad ..kape Sir Chief?”

“ Ikaw talaga Maya..”

Ngumiti si Sir Chief.

“Ayan nakita ko na ngiti mo ngayon Sir Chief. Mas gwapo ka pag ganyang ngumingiti ka. Pag galit ka kasi nakakatakot ka..sabi nga ni Ma’am Nikki mukha kang monster.”

“Monster?”

“Opo..”

(Gwapong monster Sir Chief..)

“Oh Sir..ano na?”

“Ahh that.. to get your attention. Minsan kasi parang di mo na ako nakikita. Gusto ko lang iremind sa’yo  na  para bang..Hey Maya I’m here, saan ka ba nakatingin? Ganun…The way you  look at James Ventura kasi its different, di ka kasi ganun  sa akin.”

(Insecure? Hay y..kung alam mo lang Sir Chief, mata mo pa lang tunaw na puso ko!)

“Satisfied with my answer?”

“umm ..oo..kahit  tumatayo na lahat ng balahibo ko sa katawan sa sobrang cheesy “

“I know right..but yun naman talaga reason ko eh. “

“Sir Chief thank you po ha.”

“For what Maya? “

“For being honest.”

“Okay..then, are we settled?”

“Opo naman..Good vibes na ulit tayo.”

“Good vibes lang?”

“Oo..bakit po ayaw mo?”

“Gusto ko ‘syempre magkasundo na tayo..what I mean is di pa ba.. tayo?”

“Tayo?..ayy Sir Chief di ka naman nanligaw ah. Kahit crush kita gusto ko parin yung nililigawan ako.”

“Do I have to?”

“Oo.”

“I love you Maya Dela Rosa.”

“Tara na po Sir Chief hating-gabi na kasi..tapos maginaw na oh”

“And by the way Maya, you look stunning tonight.”

“Thank you po.”

“But  please don’t wear that next time when you are with me or with somebody else like James.”

“Bakit po? Akala ko ba maganda?”

“Yeah it looks good but it’s distracting me.. baka ..”

“Tara na Sir Chief! ..wohooo init noh?”

Sigaw ni Maya habang pinapay-payan ang mukha niya.

“Baliw ka Maya, kala ko ba maginaw?..”

Maya is already blushing so he stop teasing him. Tonight is more than enough.  Sarap ng feeling that he finally confessed his love for Maya. Tomorrow and the next days to come will be exciting. He will do his best to win Maya’s heart. After half an hour finally papasok na sila sa mansion. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Sir Chief.

( I-enjoy mo lang to Maya at bukas baka wala na to at baka panaginip mo na naman ito.)

“Thank you po Sir Chief.  Mauna na po ako pumasok  and salamat pala dito.”

Hinubad ni Maya ang coat ni Sir Chief at binigay sa kanya.

“Ahh Maya..”

“Po? Kape po Sir Chief?”

“No..come here.”

Sir Chief suddenly grab her arm and pulled her for an embrace and a sweet  and tender kiss!

Then out of nowhere..

“Ehemm… ano ba naman tong mga langgam oh, ang sakit sakit sa mata, este mangagat..makapasok na nga.”

Sabay walk-out ni Manang Fe..

Bigla napatalikod si Maya kay Sir Chief at kunwari ay nagpunas ng sasakyan  while si Sir Chief naman tumalikod and acted as if may nakitang dumi sa gulong.

Nang masigurong wala ng tao tumakbo na papasok ng servant’s quarter si Maya habang si Sir Chief naman ay naiwan.

(Damn! Kung bakit naman kasi magnakaw pa ng halik Ricardo. Pahiya ka tuloy. Damoves mong sablay!)

Pinagalitan ni Sir Chief ang sarili niya. Maya-maya pumanhik na siya sa kwarto. Narining niya ang cellphone niya na may nagtext.

< Ricardo sa tanda mong yan, di ka man lang ba marunong  humingi ng halik ng maayos? Pero okay na sana yung ginawa mo, pero sana yung di ka mahuhuli. Nakakahiya kang bata ka. Sa susunod huwag sa tapat ng bahay, dalhin mo dun sa likod, madilim dun at walang istorbo  ;-D >

Namula si Sir Chief sa hiya.

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers