Sir Chief: …I-Date Mo Ako!

First :Sossy and Classy

At 8 p.m Maya and Sir Chief arrived at the restaurant. It was their first date.  Sir Chief made the reservation a couple of days ago when Maya finally agreed to go out on a date with him. She is wearing a floral printed  v-neck princess cut  dress  while he is wearing a light blue long-sleeved shirt and black pants, they look so good together, everyone would think they are truly a match made in heaven.  Inside,they were ushered by the waiter to their reserved table.  Maya let Sir Chief choose the food since she is not familiar with the menu they are serving. While waiting for their food, the waiter served them with a bottle of red wine.

“Maya..relax huwag ka masyadong kabahan. “

Nahahalata na kasi ni Sir Chief ang pagka aligaga ni Maya. He smiled at her.

“By the way, days na lang ang bibilangin start na ng cabin crew training mo. Are you excited?”

“Oo naman Sir Chief. Matagal ko na tong pangarap, swerte ko nga at may mga taong tumulong sa akin para mas mapadali ang pagtupad ko ng pangarap na yon. Salamat Sir Chief ha.”

“Sir Chief..when will you learn not to call me Sir Chief? Is it that hard to call me Richard?”

“Sorry, di kasi ako sanay tawagin ka ng ganun. Ri ….Richard gusto ko lang mag thank you ulit.”

“You know that if it comes with you  and if I know that it would be good for you I’d gladly help you even if it means that we can’t be together as often as now. I just wish that even if you will be busy, you will still find time for Abby and of course for me.”

“Oo naman po.”

“Po? Kanina Sir Chief ngayon naman po. “

“Sorry.”

“It’s alright, I understand.”

Sir Chief answered her with his sweetest smile.

“Let’s enjoy this night sweetheart. We only have a week  left before your training, it would be very tough for me to get  to spend time with you like this. As much as I want to stop you from going, but whenever I think of how excited you are, I don’t want to spoil that happiness because of my selfishness.”

“Thank you Richard.”

“Just promise me one thing.”

“Okay, ano yun?”

“Please leave even a small part in your heart for me . Your dreams may take the biggest part of your heart but please leave that part and never let anything nor anyone replace me.”

“Richard..”

“I perfectly understand why you need to do this Maya, sana when you get there, time will come ako nanaman ang mag-occupy ng biggest part ng heart mo.”

 

Magsasalita pa sana si Maya but the waiter came back dala ang food nila. They started eating their dinner while nagkukwentuhan. When they are on their dessert someone caught Maya’s attention.

“Why?”

“Richard, kilala ko siya.”

“Who?”

Sir Chief turned his head and saw this chinito guy at the next table with three female companions and another guy. Obviously he doesn’t know him since it’s his first time seeing him. If he is not mistaken the guy she is referring to is not a Filipino.

“Are you sure? I think di siguro sweetheart. The way he looks and the way they are talking they are Koreans.”

“Oo nga..di ako pwede magkamali..siya yun!.”

“Sino nga?”

“Yoo Ah In! Oh my gee! Di ko akalain makikita ko siya dito sa Pinas.”

Halatang na excite pa si Maya kasi sobrang kilig niya at namumula pa. Shaking his head napatawa na lang si Sir Chief.

“Bakit sino ba siya?”

“Ano ka ba Richard! Yoo Ah In siya yung isa sa mga bida dun sa Sungkyunkwan Scandal. Korean star yan at magaling din kumanta. Grabe gwapo niya talaga! Wait papunta siya dito siguro pwede ako magpa autograph noh?”

“Sweetheart I don’t think that’s a good idea.”

Bago pa natapos ni Sir Chief ang sasabihin niya tumayo na si Maya sa sobrang excitement niya.

“Anneonghaseo!”

Bati ni Maya sabay bow kay Yoo Ah In. Huminto naman ito at bumati din sa kanya.

“You are Yoo Ah In, right? From Sungkyunkwan Scandal?”

Medyo naguguluhan si Yoo Ah In sa kanya kaya tumawag sa kanyang kasama. Nang lumapit nagpakilalang Cath at isang Filipino interpreter daw.

 

“Hi kumusta, ako nga pala si Maya Dela Rosa. Ito pala kasama ko si Mr. Richard Lim. Gusto ko lang sana magpa autograph sa kanya kung pwede?”

“Ah okay, sige sasabihin ko lang sa kanya ha.”

Ininterpret ni Cathy kay Yoo Ah In, pumayag naman sabay ngiti sa kanya at sabing okay.

Kumuha si Maya ng papel at ballpen sa bag niya. Di na maipinta mukha ni Sir Chief sa mga panahong yun.  Pagkatapos magpa autograph, nagpapicture pa si Maya at Ah In at nag shakehands bago sila iniwan nito para magpunta ng wash room.

“Seriously Maya sa lahat ng nandito nakilala mo pa siya ha.”

“Oo naman, paano mo ba makakalimutan ang mukhang yon? Naging baliw kaya ako ng sobra sa SKKS noong ini-air pa ito dun sa Korea. Gwapo di ba?”

Sabay kindat ni Maya kay Sir Chief. For the rest of the time na andun sina Sir Chief at Maya sa restaurant walang ibang ginawa si Maya kundi mag kwento ng tungkol sa Korean star na nakita. Sir Chief patiently listen to her kahit di siya makarelate sa pinagsasabi ni Maya.

Sa kotse habang papauwi.

“Sweetheart did you enjoy the night?”

“Sobra, salamat at dinala mo ako doon. Na meet ko pa si Yoo Ah In !!!”

“Maya Dela Rosa!”

Richard snapped. He can’t help it. He thought magiging intimate and special yung date nila because it was their first but it seems like di ganun ang dating kay Maya. Walang ibang bukambibig kundi ang lalaking yon.

“Bakit?”

“I thought this is our night? Bakit parang feeling ko naging unforgettable lang ito sa’yo because of that guy? Sino ba ka-date mo yung Yoo Ah In na yon o ako?”

“Oh! Sorry sobrang happy lang talaga ako. “

“Yeah right!”

Tumahimik na lang si Maya. Pag ganoong mga eksena na lalo na sumisingkit ang mga mata ni Sir Chief natatakot na siyang magsalita at baka lalo pa magalit. Pagdating sa bahay pagkababa sa kotse diretso na sa loob ng bahay si Sir Chief, di man lang siya pinagbuksan ng pinto at di man lang nag- good night sa kanya.  Nagkasalubong pa sina Sir Chief at Manang Fe sa may pintuan pero di man lang niya sinagot ang bati ng matanda.

“Anong nagyari dun Maya?”

Biglang tumingala si Maya sa langit kaya napasunod si Manang Fe. Nang makita ang buwan.

“Alam na?”

Nang maintindihan ni Manang Fe  nagtawanan na lang silang dalawa.

 

 

Second: Marathon,Walkathon,Joyride, etc

 

Maya is in a payphone. Calling the mansion.

“Manang Fe, naka alis na ba si Sir Chief dyan?”

“Oo mga ten minutes na bakit?”

“Kasi Manang nabasa ko yung text niya paglabas ko ng klase. Magre-reply n a sana ako kaso namatay yung cellphone ko di ko pa naman dala ang charger ko.”

“Naku paano yan?”

“Manang kung tumawag si Si Chief diyan paki sabi na lang na sa Lilly Ann’s niya na lang ako daanan. Alam niya yun kasi parati niya yung nadadaanan dito papuntang school. Di ko kasi siya matawagan kasi di ko memorize yung number niya.”

“Sige sasabihin ko na lang sa kanya.”

 

Halos mag-iisang oras na di parin nakikita ni Maya si Sir Chief na dumaan kaya nakitawag ulit siya sa loob ng Foodhouse.

 

“Manang tumawag na ba?”

“Oo tumawag siya kanina sabi ko magkita na lang kayo dun. “

“Talaga?Di ko pa kasi siya nakikita dito eh..Sige po .”

Lumabas ulit si Maya para mag-antay. After 15 minutes na di dumating pumasok ulit siya at tumawag sa mansion.

“ Manang wala pa rin eh.”

“Kakatawag lang niya Maya, bago ka tumawag kakausap ko lang sa kanya. Nag-aantay na daw siya dun sa Liliann’s, mukhang nagagalit na nga eh. Kung di ka pa raw niya makikita after 10 minutes aalis na daw siya doon.”

“Ha? Bakit siya nagpuntang Lilian’s eh bus terminal yun . Andito ako sa Lilly Ann’s Food house.”

“Naku! Pasensya ka na Maya akala ko Lilian’s ..yun lang kasi alam ko di ko alam meron din palang Lilly Ann’s Foodhouse. Eh yung terminal lang kasi naalala ko nung sinabi mo Lilly Ann’s. Sige sasabihin ko sa kanya.”

Pagkababa ni Maya sa telepono naisip niyang baka di na tumawag si Sir Chief sa bahay dahil sa galit kaya nagpasya siyang sumakay ng taxi papuntang bus terminal para mapadali. Eksaktong  paghinto niya sa tapat ng terminal nakita niyang paalis ang sasakyan ni Sir Chief kaya pinasundan niya ito sa taxi. Huminto ang taxi ng nag-red ang traffic light at kita niya na apat hanggang anim na sasakyan lang ang pagitan nila sa sasakyan ni Sir Chief kaya naisipan na niyang bumaba at kakatokin na lang niya si Sir Chief para makalipat sa sasakyan nito. Saktong nasa  pang apat na siya na sasakyan when the traffic light switched to yellow kaya naisipan niyang di na siya aabot. Nakita niya ang isang jeep kaya doon na rin siya sumakay. Habang patuloy na umaandar yung jeep minsan nagtatabi, minsan naman nauuna or nahuhuli ng konti yung mga sinasakyan nilang dalawa. Panay ang kaway at tawag ni Maya kay Sir Chief sa tuwing nagkakatabi ang kanilang sinasakyan para lang mapansin siya at huminto si Sir Chief pero talagang di siya napapansin nito.

Few minutes passed huminto yung jeep kasi traffic dahil sa re-routing na nangyayari at may daan na ginagawa sa kalyeng dadaanan nila. Nakita ni Maya na nasa unahan lang nila ang sasakyan ni Sir Chief kaya nagbayad na siya  sa jeep at bumaba ulit. Sakto namang pagkababa niya umandar nanaman ang mga sasakyan pero dahil nga sa traffic di gaanong nakakalayo ito. Halos gusto ng lumipad ni Maya para lang maabotan niya ang sasakyan ni Sir Chief. Di alintana ang panganib ng mga sasakyan,usok, at init, ang nasa isip makita lang siya ni Sir Chief.

Nang nakita niyang di niya mahahabol ito kung patuloy na andar-hinto, andar-hinto ang gagawin ng sasakyan, sakay siya ulit sa isang jeep na nakita. Tuwing magtatapat na naman ang kanilang sinasakyan kaway at sigaw ang kanyang ginagawa pero wala pa ring nangyari. Nang muling huminto ang jeep di siya bumaba ulit kasi baka pagkababa niya aandar nanaman ang mga sasakyan. Pagod na siya, gutom at nauuhaw. Sa oras ng alas dos ng hapon sino ba naman ang di mapapagod sa pakikipaghabulan sa kalye.

Lumipas ang 5 minutes di parin gumalaw ang mga sasakyan kaya sa isip niya kaya na niyang maabotan si Sir Chief total malapit lang rin naman ang distansiya nito sa jeep na sinasakyan niya. Nakita din niyang binaba ni Sir Chief ang bintana ng kanyang sasakyan kaya sigurado siyang madidinig na siya nito kung tatawagin na niya ito. Pagkabayad at pagkababa niya.

(Lord please huwag mo muna pagalawin tong mga sasakyan please.)

Dasal ni Maya habang nagmamadaling lapitan ang kotse ni Sir Chief. But she noticed that the cars ahead were slowly moving already so she shouted.

“Sir Chief! … Sir Chief!”

Slowly gumagalaw na ang kotse ni Sir Chief kaya sigaw siya ulit. Nakailang sigaw na siya pero di pa rin siya narinig ni Sir Chief.

“Richard!…Richard!”

Sigaw niya ulit. Lahat at ng tao doon sa kanya na nakatingin maliban sa taong tinatawag niya. Inis na inis na si Maya, sa halos isang oras niyang naghahabol kay Sir Chief ngayon lang niya naramdaman ang hiya. Lahat sila nakatingin sa kanya at parang pinagtatawanan na siya. Sa inis niya.

“Ricardo!”

Sakto naman huminto yung sasakyan at dumungaw si Sir Chief sa may  bintana ng kotse niya napansin ng isang lalaki ang pagtawag ni Maya kay Sir Chief.

“Boss ikaw ata yung tinatawag ng babaeng yan kanina pa.”

“Maya!”

Gulat na Sir Chief ang nakatingin sa kanya.Dali-dali siyang lumapit sa kotse ni Sir Chief at sumakay.

“Where have you been?”

“Tinatanong mo ako where I’ve been?! I’ve been to London to look at the queen! Kanina pa ako habol ng habol sa iyo mula doon sa terminal hanggang dito. Pinagtatawanan na nga ako ng mga tao.”

“You mean ..”

“Oo, nag joyride ako..nag jogging, nag walkathon para lang maabotan ka, daig ko pa ang nagwelga sa kalsada…kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo kung di ka pa tawagin ng Ricardo di ka pa hihinto!”

Sumbat ni Maya. Naiinis man pero di makuha ni Sir Chief na magalit kasi alam niya, mukha pa lang ni Maya, kaawa-awa na.

“Maya oh, tissue.  Punasan mo muna pawis mo.”

Nang pinunsan ni Maya ang mukha.

“Oh my gee! “

Gulat na gulat si Maya sa nakikita. Ang putting-puti na tissue ngayon ay sobrang itim na at ito ay nanggagaling sa kanyang mukha.”

Gustong tumawa ni Sir Chief pero pinipigilan niya. Naaawa na siya kay Maya. Gusto pa sana niya ituloy yung surprise date na pinaplano pero di na uubra considering pagod na silang dalawa. Along the way walang kibuan ang naganap, nagpapakiramdaman sa huli nanatiling tahimik na lang.

(Richard di mo man lang ba makuhang pagaanin ang nararamdaman ko. Kahit simpleng sorry kasi pinahirapan kita or gusto mo bang kumain kasi halatang gutom ka or mag offer na bumili muna ng tubig kasi uhaw na uhaw na ako?)

Nasa isip ni Maya habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

(Maya sorry, di ko ginusto yung nangyari. Bakit kasi di mo na lang ako inantay? Please don’t be mad, I hate it when you get mad. Hirap mo suyuin .)

These are the words that he would want Maya to hear from him. He glances on her once in a while all throughout the drive home to see if he can talk to her already, but Maya is really upset. When they arrive home di na inantay ni Maya na pagbuksan pa siya ng pinto. She stormed out of his car. Nasalubong ni Maya sina Doris, Sabel, at Manang Fe sa may pintuan.

“Hay Maya! Anong nangyari sa’yo?!?!!”

Napasigaw sa gulat sina Doris at Sabel kay Maya. Di man lang huminto si Maya para pansinin ang dalawa.

“Doris ..Sabel..”

Tinawag ni Sir Chief ang dalawa and gestured them to keep quiet. Napatakip na lang ang dalawa sa kanilang mga bibig while Manang Fe approached Sir Chief to ask in a whisper.

“Ano ang nangyari Ricardo? Bakit ganun ang itsura ni Maya, napano ba ang batang iyon?”

“Kasi po sa kakahabol po niya sa kotse ko mataas-taas din yung nilakad at tinakbo niya.”

“Sorry kasalanan ko.”

“It’s okay Manang. Wala namang may gusto sa nangyari eh.”

Sa loob ng banyo…

“wahhhhhhh sakit ng  paa ko…and dumi-dumi ng mukha ko…ang buhok ko..huuuuu…Di ko nga kinaya yung nag jogging si Rafi sa village tapos pinahabol habol mo ako ng ilang kilometro at tirik pa ang araw..huuuu”

Ngawa si Maya.  Si Sabel  at Doris naman na nakikinig sa kanya sa labas panay ang tawa sa kanya.

 

Third: Oppa Richard Style

Paglabas ni Maya sa TA nakita niya si Sir Chief na nag-aantay sa kanya sa labas ng kotse nito sa may parking area.

“Oh bakit andito ka Sir Chief?”

“Surprised? “

Sinalubong siya ni Sir Chief ng ngiti. He was about to grab her hand when she stopped him.

“Andito tayo sa TA umayos ka.”

“Sorry. Let’s go?”

“Saan nga tayo pupunta?”

“Mamimili.”

“Ng ano?”

“Nang gamit sa bahay. I mean sa grocery. Manang Fe is not feeling well  so I told her to rest then I told her tayo na lang mamimili for her.”

Maya was surprise. Eversince napadpad siya kina Sir Chief never pa niya nakitang nag grocery ito para sa bahay. It’s always Manang Fe or Doris and Sabel.

“Uh okay..binigay ba ni Manang Fe yung listahan ng bibilhin?”

“Wala eh. Nakalimutan ko hingin sa kanya.”

“Ah sige tatawagan ko na lang.”

“No Maya mamaya na lang pagdating doon sa grocery okay.”

“Okay.”

 

Sa grocery while Sir Chief is pushing their cart.

“Maya just put anything na nakikita mong ginagamit natin sa bahay. Don’t bother  Manang Fe, she might be resting already.”

“Okay Sir Chief.”

“There you go with that Sir Chief again, I told you to stop calling me that when its only the two of us.”

He whispered at her, he’s lips are barely an inch away from her ear kaya medyo nakikiliti si Maya.

“What? Don’t tell me affected ka? Paano na lang kaya if I kiss you again.”

Siniko ni Maya si Sir Chief sa tagiliran niya so he giggled. He let his left hand push the cart while he pulled her closer to him, he then place his right hand to her waist, then slowly reach for the right handle of the cart. Na-sandwich si Maya between the cart and Sir Chief na nasa likod niya.

“Push the cart too Maya masyado ka ata lazy ngayon.”

Sir Chief said teasingly while pushing Maya along with the cart.

“Richard! Tigilan mo nga yan.”

Naiilang na si Maya kasi pinagtitingnan na silang dalawa ng mga tao. Ang mga babae naman dun ay sobrang kilig na kilig sa kanila. Maya is blushing from head to toe.

Sir Chief is super touchy. Sometimes he would reach out for her hand and intertwine his fingers on hers. .. or his hand on her back holding her there, on her waist, or over her shoulder.

“Richard mamili ka muna dito.Babalikan lang kita pupunta lang ako doon kukuha ng soap. Stay ka  na lang dito babalikan kita.”

Walang choice si Sir Chief kasi iniwan niya kaagad habang namimili ng prutas.

(Salamat at nakawala din. Si Ricardo parang naka drugs lang ang harot-harot.)

Wika ni Maya sa isip. While looking for the soap na ginagamit nila sa bahay nakita siya ng isang promodizer.

“Hello Ma’am good afternoon. We have this new product Ma’am baka gusto po ninyo subukan. Meron kami promo since bagong labas pa lang siya sa market meron po siyang discount ngayon. Maganda to Ma’am kasi my moisturizer na siya maganda para sa maganda mong skin.”

“Naku ha nambola ka pa. Nagpapaganda ba talaga yan?”

Maya joked.

“Naku Ma’am lalo po kayong gaganda nito.”

“Talaga, sige na nga matry din.Naghahanap din kasi ako kapalit nung ginagamit ko eh.”

“Maya.”

Sumunod si Sir Chief kay Maya. Nag iisang maliit na guhit nanaman ang mga mata.

“Oh Richard. Ano  tapos kana? Bakit ka sumunod sabi ko maghintay ka lang doon di ba.”

“Who is he?”

Tanong agad ni Richard pagkalapit.

“Sino?”

“Yun?”

“Ha? Ewan ko..ano yun promodizer ng sabon meron kasi inaalok na bagong labas na sabon.”

“Di mo kilala then nakikipag-usap ka? You’re not supposed to talk to strangers Maya.”

“Hello?! Gawin ba akong si Abby? Tara na nga.”

While walking away from there Sir Chief glanced back at the promodizer. Kawawang promodizer walang kamuangmuang sa nangyari.

Nadaanan nila ang lane ng wine. Sir Chief stopped and started looking for his favorite wine.  Someone approached him, a promodizer she guess. . A sexy promodizer to be exact kaya slowly lumalayo siya sa dalawa pretending she is looking for a wine also at nung di na siya napansin ni Sir Chief she went to the other lane.

 

“Maya!”

“Sir James!”

“What are you doing here?”

“Oh..namamasyal?”

“Pa-cute ka Maya?”

Then they laugh.

“Kayo po bakit kayo andito?”

“Ah, sinamahan ko Tita ko. She’s there namimili ng kitchen utensils. I was looking for something when I noticed you here. Sino kasama mo?”

“Uhmm ..”

Maya saw Richard coming out from the lane of wine so.

“Si Sir Chief po. Di kasi maganda ang pakiramdam ni Manang Fe kaya kami yung namili.”

“Date?”

James whispered, teasing her.

“Maya let’s go.”

Di na lumapit si Richard sa kanila when he saw James. Nagpaalam na si Maya kay Sir James.

“I was looking for you.”

“Ah sorry, di ko namalayan eh.  Akala ko kasi nakasunod ka sa akin.”

“I called you kanina but when I looked back wala ka na. Were you looking for something or for someone?”

“Richard away nanaman ba to?”

He went ahead of her pushing the cart leaving her behind .

( Hay Ricardo di na kita naiintindihan. One minute you’re sweet next naman napaka grumpy mo! Nag a-andropause na ata to eh!)

Habang naiisip yung andropause napatawa si Maya.

“What’s funny?”

“Wala..sige na bayaran mo na yan.”

 

Pagdating sa mansion…

“Oh Manang Fe bakit andito ka? Di ba maysakit ka? Magpahinga ka na lang hayaan mo na lang kami ni Joma ang mag-aasikaso nitong mga pinamili naming.”

Saway ni Maya kay Manang Fe ng tumulong ito sa kanila para maibaba ang mga bag na groceries.

“Sinong maysabi may sakit ako? “

“Sir Chief akala ko ba..”

Magtatanong pa sana si Maya pero iniwan na siya nito at pumasok kaagad. Halatang di maganda ang mood.

“Maya..nag-away nanaman kayo?”

Maya shrugs.

“Bilog nanaman ata ang buwan kaya mainit ang ulo “

Biro ni Maya para di gaanong mag-alala si Manang  Fe.

 

Later that night, nag aayos ng kubyertos sina Maya at Manang Fe.

 

“Maya pwede ka bang makausap?”

“Po..bakit po Manang Fe?”

“Ano bang nangyayari sa inyo ni Ricardo? Tuwing umuuwi kayong magkasama lagi na lang kayong magka-away?”

“Ewan ko kasi sa kanya Manang, di ko maintindihan. Ngayon sweet tapos biglang nag-iiba ang mood ng bigla-bigla.”

“Ayusin ‘nyo yan Maya. Malapit na training mo, mawawala ka ng 2 buwan. Akala ko ba sabi ni Ricardo susulitin niya ang mga araw habang nandito ka pa? Ano ba nagda-date lang ba kayo para lang mag-away?”

“Date? “

“Bakit hindi ba?”

“Wala naman siyang sinabing date eh.”

 

Napaisip si Maya sa sinabi ni Manang Fe.

 

Sa veranda …

 

“Sir Chief, kape ‘nyo po.”

“Just leave it on the table Maya.”

Maya placed the cup of coffee on the table. Nakatalikod si Sir Chief while nakatukod ang mga braso sa railings ng veranda. He didn’t even bother to turn his head and look at her.

(Ohh di man lang ako tiningnan? Nagtatampo talaga mahal na hari ko ah.)

Slowly she approached him.

“I said leave it there.”

Magsasalita pa sana si Sir Chief ng maramdaman niyang niyakap siya ni Maya sa likod. Nabigla si Sir Chief. This is the first time na si Maya ang nag initiate. He wanted to turn around and hug her back but no, he resisted. For him napaka sweet ng moment na yon and he doesn’t want to spoil that by giving in easily. But instead nakuntento na muna siya na hawakan ang mga kamay ni Maya and feel her.

“Sorry.”

Maya started. She leaned her head on his nape.

“And why were you sorry? For what?”

“For ruining the dates that you planned.”

“So you knew?”

“Kanina lang..nag-usap kasi kami ni Manang Fe. Di ko naman kasi alam na nakikipag-date ka. Bakit di mo kasi sinabi .. at saka may nakikipagdate ba sa kalye at sa grocery?Yan tuloy.”

“I wanted to surprise you and para naman unique yung date natin kasi ang hirap mo imbitahan sa restaurant … And besides a unique lady deserves a unique date di ba? But we always end up fighting. I hate it, you know minsan I can’t control my anger.”

“But still sorry. Lalo na kanina. Alam ko naramdaman mo iniiwasan kita, kasi naman di ako sanay ng ganun. Gusto ko steady lang. Yung parang tulad lang noon. Isa pa paano kung may makakita na kakilala mo or ng mga bata,syempre  di pa nila alam. Kailangan natin mag-ingat.”

“So what? Gusto ko na nga sabihin sa kanila kaya lang pinipigilan mo pa ako.”

While saying this he turned to face her, he then hold her shoulders while Maya’s hands rests on his waist. Looking in her eyes Maya senses what he is trying to say to her.

“No, di pa kasi ngayon ang right time. Maghintay pa tayo.  Give me time…baka pagkatapos ng training pwede na.”

Assuring him with her sweetest smile.

“Promise?” Sir Chief ask her.

“Promise.”

Richard hug her and she hug him back, tighter. They stayed like that for a long time. Savoring every second of it.

“ I love you, Ms.Maya Dela Rosa.”

“I love you too Mr.Supladong Richard Lim.”

“Hey!”

She laugh. He kiss her head then hug her  even more tighter.

“I guess this is the best date we ever had. Nag restaurant na tayo, nag try mag date sa grocery ..pero sa veranda lang pala ang bagsak natin“

“Oo nga, bakit pa nga ba kailangan nating lumayo if pwede naman pala tayo magdate dito sa veranda? Ikaw kasi kung saan saan mo pa gusto. May grocery ka pang nalalaman, pati si Manang Fe dinadamay mo pa.”

“Sorry, feeling ko kasi di kita pwede masolo dito kasi nga di pa nila alam.”

“Ay oo  nga pala. “

Bumitaw si Maya kay Richard.

“Where are you going?…”

“Baka may makakita sa atin.”

“No, let’s stay this way..a little longer pa. First pa ‘to kaya susulitin ko na.”

Pinabayaan na lang ni Maya si Richard when he pulled her again and hug her back. She slowly leaned her head back on his chest and wrap her arms around his waist, she could hear his heart thumping wildly. And his breathing beyond normal.

(Bakit parang kinakabahan ka Sir Chief? Huwag ganyan ano ba..pati ako kinakabahan sa’yo.)

“Richard, sa totoo lang..kinakabahan ka noh?”

“Sweetheart…kailangan pa bang ispell yan?”

“Anong ibig mong sabihin.”

“Kung ano man ang iniisip mo yun na rin yon..huwag mo na ipa elaborate at baka di ako makapag-pigil..”

“Sabi ko na nga ba takot karin makita ng mga bata kaya ka kinakabahan.”

“What?”

Natawa si Sir Chief.

“Naïve ka ba talaga Maya…”

“Bakit nga?”

“Basta..shhh.”

He hushed to quiet her.Then suddenly he is humming  the song  The Way you Look Tonight and slowly began dancing that slow dance. She followed his lead, enjoying their special moment together. Hugging while dancing.

“Sweet mo naman.”

“I love that song, whenever I hear that ikaw palagi ang naaalala ko and maybe tonight will be one of the special ones added to it whenever I hear that song.”

Richard sigh that makes Maya look at him.”

“Oh bakit?”

“I could stay like this forever Maya, I hate to think that days from now di na kita makikita ng madalas dito sa bahay. I’ve been through those boring nights with paper works till midnight. I always look forward to the time of spending my nights talking with you here. When you came, I always love waking up in the morning then being greeted with that warm smile at the breakfast table. Since you came into our life, days are full of fun ..sabi mo nga good vibes. When you go I don’t know if magiging ganun parin dito. This house will never be the same again. This will never be a home without you in it.”

“Richard, hanggang andyan ako sa puso mo you will always find a home. Malayo man ako just remember dyan ako nakatira kaya kahit saan man ako mapadpad,uuwi at uuwi parin ako kasi andito ang home ko. Huwag ka na masyado malungkot pwede mo naman ako tawagan di ba. Meron din kami breaks and I promise uuwi ako agad dito para makasama ko kayo. Ayoko man mapalayo sa’yo pero kailangan eh. Malay mo yong sinabi mo sa akin sa restaurant magkatotoo yon. Tiwala ka lang dadating at dadating din tayo diyan.”

“I’m counting on that sweetheart.”

Then they sealed their promise with a deep and passionate kiss.

Ano ba dapat title sa Date sa Veranda?

.

.

.

.

.

Romeo-Juliet Date?

 

 

 

 

 

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers