The Garden and the Butterfly: Taming Love

joggingFive days after the wedding, umalis si Richard for a business trip leaving Maya with her staff. Worst, di pa definite kailan talaga ito makakauwi kasi may aayusin daw na problema on one of his businesses sa Sta.Monica. Walang ibang magawa si Maya kundi manood ng tv, magbasa ng books, mag internet,kumain, at matulog habang wala ito.

 

    Arggghhhh ano ba naman to!

Nasa isip ni Maya habang nakahiga sa kama. Naisipan tuloy niya mang-usyuso sa bawat silid ng bahay. Baka sakali merong mga bagay na makikita that would help her get to know her husband better.

    

     Oh okay, saan ba? Office!

Pumunta siya sa opisina nito sa kabilang kwarto. At di nga siya nagkamali. Maraming bagay ang andun na makakatulong sa kanya.

     ummmm cute naman ng pictures niya dito..siguro ito yung daddy niya kasi kamukhang-kamukha niya ito.

Amanda said to herself habang tinititigan ang larawan ni Richard na kasama ang isang matandang lalaki. Picture ni Richard at ama nito habang nasa isang fishing vacation ang kanyang nakita. Sunod niyang nakita ang isang larawan ni Richard in a basketball uniform holding an MVP award.

     So you like basketball. Siguro college days mo to, dami siguro girls nagkakagusto sa’yo noon kasi ang gwapo mo kahit halatang pawis ka na oh mukhang ang bango parin!

Napangiti si Maya habang tinititigan niya ito. Pero ng nakita ang kasunod na larawan medyo napa-ismid na kasi nakita niya ang larawan ni Richard with a bunch of girls. Same day ata kinunan ang larawang yun kasi parehong uniform ang suot ni Richard.

tok tok tok

“Mrs. Lim, si Sir po nasa phone.”

Binuksan ni Maya ang pinto ng office at kinuha ang phone na dala ni Doris. Pagkabigay nito sa kanya ay umalis din ito kaya isinara niya ang pinto kaagad.

“Hello?”

“Hello Mrs. Lim!” halatang nakangiti si Richard pagkasabi nito sa kanya. Di pa man matagal na nagkasama pero kabisado na ni Maya si Richard. Alam nitong mahilig itong mang-asar lalo pa’t madaling mag-blush si Maya tuwing naririnig niya ang mga terms of endearment nito sa kanya.

“Sweetheart, namumula ka nanaman ata?” Maya heard a low giggle on the other line.

Damuhong ito,tinawagan lang ba niya ako para asarin?

“Hindi ah! Oh bakit tumawag ka?” tanong ni Maya na may halong inis ang tono.

“Anong ginagawa mo?”

“Marami…kumain,matulog,magbasa,manood ng tv, at mag-internet.”

“Wow..dami naman … try mo rin kayang isipin ako paminsan-minsan para masaya.”

Assuming ka talagang singkit ka! Nakakainis ha, absence makes the heart grow fonder talaga kasi namimiss na kita.

“I miss you Mrs.Lim!”

“Ewan ko sa’yo Richard Lim, if I know marami kang  chicks na kasama ‘dyan”

“Uyy seems like my wife is finally jealous? Firs time to ha” narinig nanaman ni Maya na tawa  ni Richard. He is really enjoying the moment.

   Teshhhh ano ba kasi yung sinabi ko..

“Hindi noh..nakita ko lang dito picture mo sa office. Seems like you love to be surrounded by beautiful girls. ”

“Oh! That one..college days. . but hey di ako playboy tulad ng iniisip mo. They are the ones na lumalapit hindi ako.”

“Yeah yeah..Mr. Lim I know.” di naniniwala si Maya.

“And besides, normal lang yun kasi gwapo ang asawa mo.”

“Talaga! Di ko alam yan ah. .”

“Kunwari kapa ikaw tong napapa nga-nga lagi.”

“Conceited ka talaga!” di maiwasang mahiya ni Maya kaya namula siya kahit wala sa harap niya si Richard. Narinig niyang tuma-tawa si Richard bagay na mas lalong kina-iinis ni Maya.

“Mr.Lim I don’t care if you go flirting with other girls just be discreet okay ayokong malaman nina daddy. Besides pwedeng gawin ko yung alibi para makipaghiwalay sa’yo for sure di hahadlang sina dad.”

“Are you threatening me Mrs.Maya Lim?”

“Whatever you say Mr. Richard Lim.”

“hmm did you miss me already?”

“No!” pasigaw na sagot ni Maya

“Really?”

“Yes!”

“Bad!”

Maya chuckles, nai-imagine niya ang mukha ni Richard pag nagagalit ito.

     Yes! Nakaisa rin ako sa’yo!

“Then fine…I don’t miss you too.” biglang umasim mukha ni Maya sa narinig.

“I miss, miss, miss, miss, you Mrs. Maya Dela Rosa.” tahimik si Maya, nakikinig..di alam ano ang isasagot. Her heart beats faster, feeling niya natameme siya sa narinig.

     Gosh! Ricardo confession na ba yan? Are you trying to say may feelings ka na sa akin?

“Are you still there?” tanong ni Richard kay Maya ng di na siya nakapag-salita pa.

“Yep!”

“So…” tanong ni Richard kay Maya na parang nag-aantay ng kung ano ang masasabi niya.

Ring ring

Biglang tumunog ang cellphone ni Maya na nasa loob ng bulsa nito. Kinuha niya at nakitang ang Mommy niya ang tumatawag.

“So bye muna..si Mommy tumatawag.” palusot  ni Maya kay Richard.

Whew! Save by the bell! Thanks Mom.

“Oh, okay. I’ll call you tonight back to work na rin ako. Bye.”

“Bye.”

Pagkababa ni Maya sa phone ay ang kanyang cellphone nanaman ang sinagot.

“Mom! ”

Halos isang oras ding nagka-usap nina Maya at mommy niya. She learned that they are in France. Nagkwento ang mommy niya tungkol sa places na pinuntahan nila. Maya realized how much she missed her parents kaya medyo di maiwasang naging emotional siya habang kausap ang ina. Gusto rin sana niya maka-usap ang daddy niya pero tulog na raw ito.

🙂🙂🙂

Dinner time. Mas lalo tuloy na depress si Maya ng marealize na siya nanaman mag-isa ang kakain sa mesa kaya inanyayahan niya sina Doris at Joma na kumain kasama niya kaysa bantayan siya nilang dalawa na parang nagbibilang ng bawat subo niya.

“Naku Mrs. Lim sorry pero di pwede. Bawal po sa amin na sumabay sa inyo kumain.” tanggi ni Doris sa kay Maya.

“Please Doris? .. Ang lungkot-lungkot lang kasi na ako lang ang kumakain.”

“Eh bawal kasi talaga.” Doris is already shaking her head no pero persistent si Maya.

“Di naman malalaman ni Richard eh..secret lang nating tatlo.”

“Ma’am kami kasi malalagot if ever malaman ni Sir Richard.”

“Joma, secret nga di ba. Sige na please?”

Dinaan ni Maya sa kulit at pagpapa-cute si Doris at Joma kaya napapayag din niya ang mga ito. Masaya si Maya habang nakikipagkwentuhan sa kanila. Marami ding nalaman na personal information si Maya tungkol sa dalawa. Pero ng tanungin niya ng tungkol kay Richard ,ilag at di talaga niya sila napilit. Di na lang niya kinulit pa at baka sa susunod na ayain niya na samahan siya kumain kung wala si Richard ay di na pumayag.

“Pasensiya na talaga Ma’am. Matagal na kasi kaming nagsisilbi sa kanya. Mataas ang respeto namin sa kanya. Malaki rin ang tiwala niya sa amin kaya ayaw namin mawala yun. ”

******

     This is what I need! Fresh air!

Maagang gumising si Maya, sinadya talaga niyang gumising ng alas 4:30 para makapagjogging at para na rin makaiwas kina Joma at Doris. The two kept on  following her wherever she goes the moment she goes out of the door kaya sobra na siyang naiinis kaya iniwan niya ang mga ito, she was able to sneak out ng napansin niyang natutulog ang guard sa may gate. It was the third day mula ng umalis si Richard kaya super bored to death na talaga siya sa bahay. She spent two hours  jogging around the village before she decided to head back sa bahay. While jogging back nakita niyang papasok ang sasakyan ni Richard sa gate kaya dali-dali din siyang pumasok.

Wait! Kalma Maya. Huwag kang magpahalata na excited ka ng makita siya ulit. Pero hindi eh..na miss ko na talaga siya.

Napapangiti si Maya habang papapalapit na sa gate. Nang makapasok na siya,sakto namang pababa na ng sasakyan si Richard. Smiling at him as if telling him that she is glad to see him home.

“Maya! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” salubong ang kilay ni Richard na nakatingin sa kanya halatang galit.

“Richard..” di makapaniwala si Maya sa narinig na boses ni Richard. Imbes na ngiti ang isalubong sa kanya galit at sigaw ang narinig niya.

“Saan ka ba galing?”

“Jogging.” parang gusto umiyak ni Maya right there and then ..she can’t believe it pinapagalitan siya ni Richard infront of other people. Hiyang-hiya siya sa sarili.

“What the heck..jogging in that outfit?” Tiningnan siya nito from head to toe. Feeling tuloy ni Maya ang weird ng suot niya. Nakita niya na siya lang ang tinitingnan ng lahat ng tao sa bahay habang pinapagalitan ni Richard kaya tumakbo na siya papasok ng bahay.

“Maya! Don’t walk out on me!”

Agad nagtungo ng kwarto si Maya, pagkapasok ay dumiretso sa shower at doon namalagi ng mahabang panahon. Di mapigilang umiyak habang naliligo. Nang malamang nagshower si Maya ay hinayaan siya ni Richard at doon na sa kanilang bedroom ng antay. Nang mahimasmasan ay lumabas na si Maya sa shower at nagbihis. Pagkalabas niya ay nakita niya si Richard. Wala siyang balak kausapin ito kaya lumabas ulit ng kwarto.

“Maya come back!” galit na utos ni Richard, pero di parin siya nakinig nito. Lumabas ulit si Maya ng bahay at tinungo kung saan nakaparada ang sasakyan ni Richard. Nang makita si Simon.

“Susi.” sabay lahad ng kamay kay Simon.

“Sorry Ma’am pero…”

“Susi!” galit narin si Maya kaya nagulat si Simon, ng makitang papalapit na si Richard ay tiningnan niya ito na parang nagtatanong kung ibibigay ba niya o hindi.

“Where are you going Maya?” tanong ni Richard pero di parin siya umimik.

“Give it to her Simon.” binigay ni Simon kaya agad sumakay si Maya sa sasakyan, si Richard naman ay dali-daling sumakay sa kabila habang nagbibilin kina Simon na di sila susundan. Nang mapa-andar ang sasakyan ay pinaharurut nito palabas ng gate.

“Maya slow down!” sigaw ni Richard ng hindi parin kumalma si Maya habang nagmamaneho.

“Sumigaw kapa Mr.Lim at ibabangga ko na talaga itong sasakyan mo.” pananakot ni Maya habang mas lalong binilisan ang takbo ng kotse.

“Maya! Easy…look sorry okay.Can you just drive slowly.” kita ni Maya na parang natatakot narin si Richard.

“May takot ka parin pala. Bakit ba sigaw ka ng sigaw sa akin? Ano ba problema mong singkit ka!” galit na tanong ni Maya while slowing down.

“Can you just concentrate sa pagda-drive? Let’s talk when we get there. Baka saan tayo pupulutin if magtatalo pa tayo dito.”

Tumahik na silang pareho pero si Maya di parin matahimik ang galit sa kanyang dibdib. Tuwing naiisip niya kung paano siya napahiya kanina na-paptulin ang takbo ng kotse. Si Richard naman ay napapakapit sa kaba. Ilang sandali pa ang pumarada na si Maya sa labas ng isang bahay sa loob ng isang subdivision. Lumabas ito ng kotse at nagdoorbell . Si Richard naman ay sumunod nito ng tahimik. Gusto sana magtanong pero nagbago ang isip. Maya-maya ay may matandang babae ang lumabas.

“Maya!” halatang nagulat ang babae kaya dali-dali itong binuksan ang gate sa niyakap si Maya.

“Mamang! Kumusta na kayo?” nagkaiyakan pa ang dalawa.

“Okay naman. Halika pasok na.” huminto ito ng makita si Richard.

“Ah si Richard po.”

“Good morning po Sir.” tumango lang si Richard sa babae kahit nalilito parin ito kung sino siya.

“Richard si Mamang, katiwala namin dito sa bahay.” pinakilala ni Maya si Richard sa matanda pero di parin ito tumitingin sa lalaki halatang galit parin.

“Ah okay. Good morning po Mamang. Richard Lim po, asawa ni Maya.” kinamayan ni Richard si Mamang pagkatapos ay pumasok na sila sa bahay. Nauna si Maya habang yakap ang matanda, si Richard naman ay nakasunod sa dalawa.

“Bakit ka pala andito?

“Bakit di mo ba ako namiss”

“Syempre miss na kitang bata ka. Bakit ba di ka muna tumawag nagulat tuloy ako.”

“Ah pasensiya napo, biglaan kasi..” pagkasabi nito ay tiningnan niya si Richard na nasa tabi lang niya sabay ismid dito. Si Richard tuloy ay binawi ang tingin kay Maya at napahiya.

“Meron lang akong kukunin. Yung isang cellphone ko kasi naiwan ko pala, meron kasi akong kilala na gustong tawagan kaso di ko memorize yung number niya eh doon ko na save sa kabilang phone ko. Kukunin ko muna.”

“Ah sige kunin mo, di ko naman ginalaw ang mga gamit mo sa kwarto mula ng umalis ka kaya andoon parin yun kung saan mo nilagay.”

“Sige kukunin ko muna.” Iniwan ni Maya si Richard sa living room at pumanhik sa kanyang kwarto. Kumuha naman ng maiinom si Mamang  at binigay kay Richard. Nang ilang minuto na ang lumipas at di pa bumalik si Maya sinundan ni Richard sa taas matapos magtanong sa matanda kung saan ang kwarto nito. Nang maka-akyat at makita ang kwarto ni Maya, narinig niya itong my kausap sa cellphone nito. Nakatalikod sa pinto kaya di namalayang naka pasok  na pala si Richard at nasa may pintuan nakikinig sa kanya.

“yeah no problem. I’ll give you a ring..I missed you all too. I really hope I could get to see him too before he leaves. .. pick me up? no..I mean, I will just go there myself. ..thanks for letting me know Emman..yeah the one I just gave you..yes, you can call me anytime with that number…okay..I need to go..bye Emman”

Pagkatapos makausap si Emman  tumayo na siya at akmang lalabas na ng kwarto ng makita si Richard sa may pintuan.

“So you drive all the way here like a mad woman just to get that guy’s number?”

“What are you talking about? Do you honestly believe I drive all the way here because of that?”

“Looks like it Maya!”

“Whatever Mr. Lim!” lalabas na sana siya ng pigilan siya ni Richard.

“Hey!”

“Look! Ang ayoko sa lahat yung pinagbibintangan ako ng kung anu-ano. Ayoko rin na sinisigawan ako o pinagmumukha akong tanga. Kung meron kang problema sa akin kausapin mo akong maayos at huwag na huwag mo akong sigawan because it won’t work with me.Get that?  Kung sa tingin mo mapapaamo  mo ako sa sigaw mo then you’re wrong!” nagulat si Richard sa sinabi niya at sa titig ni Maya halatang di talaga ito padadaig sa kanya. This is the first time na nasigawan at napagsabihan siya.

“I would like to stay here for today Richard, ikaw na lang muna ang umuwi sa bahay mo. Bukas na ako uuwi.”

“No, if you stay here dito rin ako. Di ako uuwi na di ka kasama.”

“Bahala ka!” iniwan ni Maya si Richard at nagtungo ng kusina.

Nanatili si Richard sa loob ng kwarto ni Maya, tinitingnan ang mga pictures sa frame, sa album na nakita niya sa ibabaw ng beside table nito, at sa mg nakasabit sa wall. Nang di pa rin  bumalik si Maya at di na makatiis, bumaba sa ulit at hinanap si Maya, nakita niya ito sa may kusina na nakikipag kwentuhan sa matanda habang kumakain. Bigla tuloy tumunog ang tiyan niyan sa gutom, di pa kasi ito nagbreakfast. Kahit nahihiya lumapit siya sa dalawa.

“Pwedeng makikain?” nagulat si Maya at si Mamang sa kanya. Gusto tumawa ni Maya pero pinigilan ang sarili, ayaw ipahalata sa lalaki . Si Richard naman ay parang maamong tupa ang tingin sa kanya at kay Mamang, halatang gutom na gutom na. Tumayo ang matanda at binigyan siya ng plato para makakain.

🙂🙂🙂

It’s 2:00 pm already, si Maya ay nakahiga sa lounge chair sa may patio ng room niya while Richard is inside her room taking over her bed. She overheard Richard talking to someone over the phone.

“Yes, sorry di ako makakabalik kaagad. Email me the details i’ll check on it when I have the time. Thank you.”

She  was about to close her eyes when she heard him talk again.

“Stephanie, yes. Sorry I had to leave earlier. I’ll be there if I have time this week or next week. Don’t worry meron lang ako inasikaso kaya napabalik kaagad. Yes of course I won’t miss it. Sige I’ll call you again later if I see it na. Yes … bye. ..Simon yes, we’ll be staying here for tonight…”

tesshhhh Seriously he could pass as a call center agent. Ang ingay!

Tinakpan ni Maya ang tenga para makatulog. Ilang minuto rin niyang naririnig si Richard na may kausap ng kung sinu-sino sa cellphone nito at base sa nadidinig niya he is pacing around the room. Sa haba ng oras niyang nakikipag-usap di na namalayan ni Maya na nakatulog na siya. Nang magising past 4 p.m na. Bumangon siya at pumasok sa kwarto. Nakita niyang nakatulog din pala si Richard sa may kama niya na nakasandal ang likod sa headboard ng kanyang bed.

Nilapitan ni Maya si Richard, nakabukas ang tatlong butones ng shirt at nakataas na rin ang sleeve sa may braso. Just by looking at him alam ni Maya pagod ito di tuloy maiwasan niyang ma-guilty.She caress his cheek, but the moment she realizes her action Maya instantly withdrew her hand, too late nagising na si Richard and he is looking at her straight in her eyes and holds her hand.

“Sorry..about what happened earlier this morning.” Maya tried to avoid him and retract her hand but he tightened his hold.

“I meant it Maya. I was just so upset when I learned that you left.”

“Wala namang nangyaring masama sa akin, you saw me ng dumating ka. Ni galos wala di ba. Bakit kailangan mo pang manigaw?”

     Nawala ka ng ilang araw tapos pasalubong mo sa akin ay sigaw?

“Yes nakita nga kita kaagad but..”

“But what?”

“I don’t like seeing you dress like that.”

Whut?

“Bakit ano ba gusto mo mag jogging akong naka-gown? For heaven’s sake Richard your unreasonable!.”

“Pwede ka namang mag jogging ng nka pants di ba? Worst nakita ko yung mga kapitbahay nating mga lalaki nakasunod sa’yo”

“Nakasunod? Nagjo-jogging sila hindi nakasunod sa akin!”

     Yung totoo Richard, ano to selosan blues?

Richard pulled Maya kaya napa-upo siya sa kandungan nito. Hugging her tight so she won’t be able to escape.

“Richard!”

“Sorry na, please?”

“You should learn your lesson. Kahit napapayag ‘nyo ako sa kasalang ito, it doesn’t mean magiging sunod-sunuran na lang ako sa lahat ng gusto ninyo..lalong-lalo na sa gusto mo. ”

“Of course.. natakot lang talaga ako kanina baka meron na nangyari sa iyo. I promised your dad that I will take care of you.”

     So ganun lang pala yun.

Maya sigh. Akala niya kaya ito galit kasi nagselos sa nakita niya pero dahil lang pala sa promise nito sa daddy niya.

“You know Mr.Lim, walang mangyayari sa akin kasi wala naman akong kaaway. So stop that nonsense.” sabay tayo ni Maya when she sensed na lumuwang na ang pagkakayakap nito sa kanya.

“You’ll never know Maya. Pinoproteksyonan lang kita. Please don’t do that again. You must promise me. Never ever leave without telling me first.”

“There is something about that warning Richard, try telling me baka sakaling maintindihan kita.”

Umiwas ng tingin si Richard kay Maya. At biglang nag-iba ang tono ng pananalita, from mild naging sobrang seryoso na.

“I will … when the right time comes. Let’s stop this discussion. Yun parin ang desisyon ko, di ka pwedeng umalis na walang kasama. By the way tumawag daddy mo sa akin kahapon, he told me ikaw na daw muna ang bahala sa negosyo ninyo? He told me ng tumawag daw ang mommy mo sa’yo nagpaalam ka raw na ikaw na muna ang tututok doon while they are in their vacation?”

“Yes, nabo-bore na kasi ako sa loob ng bahay and besides di pwedeng walang mag aasikaso doon, wala namang ibang magaasikaso sa business ni dad kundi ako di ba.”

“Yes, of course. So when are you going to start working there?”

“Next week. Monday.”

“Okay.”

*************

Monday came, first day of work ni Maya,hinatid siya ni Richard sa office. She was greeted by the employees sa company with a very warm welcome with a bouquet of flowers before they started their day. Nangangapa parin siya on how manage her parent’s business but her dad’s secretary on her side she knows that slowly makukuha niya rin ang flow of work. It was almost lunch time and she was focused in reading the files  when she heard a knock on her door.

“Come in.”

“Ms.Dela Rosa delivery daw po.”

Medyo nagulat pa siya sa narinig na tawag ni Rafi sa kanya since these past few days lagi lang naman Mrs.Lim  ang naririnig niya from Richard or sa ibang kasama niya sa bahay. Since napagkasunduan na itago muna di pa alam ng lahat ng tao sa opisina that she is already married.

“Okay, kanino daw galing?”

“Di rin alam ng delivery man but I check Ms.Maya Dela Rosa ang nakalagay so I thought ikaw mismo ang tumawag.”

“Talaga? Ah sige pakilagay na lang diyan. Thank you Rafi, mag break na din kayo ha.”

“Yes po. Salamat. Balik na lang kami dito kaagad after lunch.”

“Okay.”

When Rafi left, Mayachecked the delivery and found the pork steak, rice, and manggo smoothie.  Nagutom tuloy siya bigla but nag-aalangan siyang kumain kasi di naman niya alam sino nagpadala.

     Hmmm parang alam ko na.

“Hello. Mr. Lim..ikaw ba nagpadala ng food?”

“Food? Anong food?”

“Yung dineliver dito sa akin. I thought ikaw yung..”

“Wait, someone delivered food for you. Don’t eat it!”

“OA ka talaga kong magreact. Baka sa staff to galing..sige I will just check on it first. Bye.” di na niya hinayaang magsalit pa si Richard. Alam niyang ipipilit parin niya ang gusto nitong huwag kainin ang food. Gutom na siya kaya kahit di niya alam sino magpadala kakain siya. Period. Just then someone knock at her door thinking it was Rafi pinapasok niya. And she was shock.

“Surprise!”

“J..Jeff?”

“Hi Maya! Surprise!!” Jeff winks at her.  Standing right at the door with both hands on is hips and flashing that adorable smile with his dimples showing . Maya counldn’t believe who she is seeing right now.

     Jeff! You’re back!

Photo Credit to Ms.Donna Fe Gagaracruz. Visit her photo gallery and see more of her creations here.

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers