The Garden and the Butterfly : Maya’s First Love

8501890363_660005bce6_b

Photo by Donna Fe Gagaracruz

“Jeff!”

Nagulat si Maya when she saw Jeff. Matagal na din niyang di nakita si Jeff mula ng nagpunta itong America.  Maliban kay Samantha si Jeff ang una niyang naging matalik na kaibigan. From grade school hanggang high school sila ang palaging magkasama. Di lang kasi sila ang close, pati parents nila matalik ding magkaibigan mula high school.

“Maya!” nilapitan siya nito at niyakap sabay halik sa pisngi.

 

     Si Jeff nga!

 

“Kailan ka dumating? Have a seat.” Pina-upo ni Maya si Jeff, good excuse para naman maka-upo rin siya. Nangangatog din kasi ang tuhod niya after seeing him most especially when he kiss her. Kiss pa lang sa cheeks pero may effect na sa kanya, ganun ka espesyal sa kanya si Jeff.

“One week na rin Maya. I even called you sa bahay ‘nyo but Mamang said di ka na raw doon nakatira.”

Naalala ni Maya si Richard.

 

     No..di pa pwedeng malaman ni Jeff ang tungkol sa kanya.

 

“Ah yes, wala kasi sina dad..alam mo naman yun masyado mahigpit kaya he asked his friend kung pwede akong doon muna sa kanila tumira muna .” napatawa si Jeff sa narinig.

“My God Maya, ang laki na natin hanggang ngayon pinababantayan ka parin ni Tito?” napa-iling ito habang tinititigan siya.

“Oo nga eh..but wait, are you here for a vacation?” tanong ni Maya kay Jeff para narin i-change ang topic at baka magtanong pa saan siya nakatira ngayon. Lalo pa siyang mahirapan mag-explain sa kaibigan.

“No, I’m here for good.”

“Oh! good to hear that Jeff.”

“Yes, may unfinish business kasi ako dito .. di ako makaka move-on if di ko yon babalikan.” He is staring at her as if telling her something. Kung ano man yon dama ni Maya ang seriousness sa mga titig sa kanya ni Jeff.

Jeff and Maya talked for almost an hour over lunch sa office nito bago nagpaalam si Jeff.

“Tatawagan na lang kita ha.” Jeff kissed her cheeks and wave bago umalis.

When Jeff left balik sa trabaho si Maya. She spent the whole afternoon doing the paper works. At five she received a call from Richard telling her that he is already waiting at the parking area.

“Bakit ikaw ang andito?”

“Why? Di ba pwedeng sunduin ng husband ang wife niya sa office?”

“Di naman sa ganun, akala ko lang kasi di muna natin pwedeng ilantad na tayo di ba.”

“Hanggang parking area nga lang ako di ba. And besides we agreed that kung di mo pa ako pwedeng tratuhin na asawa I can act as your boyfriend muna, and boyfriend do this, right?”

 

Tama nga naman Maya bakit ka ba nagrereklamo?

 

One thing na pinagpapasalamat ni Maya kay Richard is that even if they are already married, he tries his best not to rush her. There are times when he losses his temper at certain situations but he never force her to do things na hindi niya kaya but instead siya pa itong nag suggest to take things slowly. He also takes care of her, kahit minsan over protective than her dad pero alam niya that the intention is real.

 

————————–

 

Another busy day sa Fashion Sense, ang kumpanya ng parents ni Maya. Buong araw nanaman siyang nagbasa at nag assess ng mga papeles sa opisina, mabuti na lang talaga at nakinig siya kay Richard na magpatulong kay Doris or else di mangangalahati ang trabaho na matatapos niya sa araw na yon. Around four ng hapon ng nakatanggap siya ng tawag galing kay Jeff. Inviting her out, kasama ang barkada niya.

“Ma’am I suggest tawagan ‘nyo po muna si Sir.” paalala ni Doris matapos ibaba ni Maya ang phone. Napaisip tuloy si Maya.

 

But di niya ako papayagan. Sandali lang naman ako doon kaya okay lang siguro.

 

Tumuloy parin si Maya sa bar kung saan naroon sina Jeff. Si Doris at Joma nasa kotse naghihintay. Pinagbawalan niyang tumawag kay Richard at sabi niya sandali lang sila doon. Napasarap ang kwentuhan nina Maya at ng mga kaibigan kaya di na niya namalayan ang cellphone niya na kanina pa tinatawagan ni Richard. When she went to the washroom, she remembered Richard kaya naisipan niyang tawagan ito.

 

     20 Misscalls! Shucks!

 

“Hello, I’m sorry di ko napansin ang tawag mo kanina.”

“Are you still in your office?” napansin niyang mahinahon pa itong magsalita, sa isip niya di pa nito alam na kanina pa siya umalis ng opisina.

“I’m sorry di kita nasabihan kaagad. Andito kami ngayon sa bar. Dumating kasi kaibigan ko nagyaya and since matagal narin kaming di nagkita kaya nakipagkita ako. Late na ako makakauwi.”

“What?! Maya what’s wrong with you? Ganun ba ako ka di importante sa’yo?”

Bigla tuloy na guilty si Maya. Pero kahit siya di niya maintindihan sarili niya bakit kailangan pa niyang ilihim kay Richard ang tungkol sa pagkikita nila ni Jeff.

“Sorry talaga. Andito naman sina Doris at Joma.”

“Fine! Asan ba kayo?”

Sinabi ni Maya ang location ng bar pagkatapos nagpaalam na si Richard. Bumalik narin si Maya sa table nila kung saan naghihintay ang mga kaibigan niya. Chikahan,tawanan, at sayawan sa dancefloor buong gabi. Kahit medyo late na di namalayan ni Maya ang oras. Maya-maya pa kanya-kanyang grupo na sila, si Jeff at si Maya ang magkausap.

“Maya, sabi ni dad ikaw daw muna nagasikaso sa management while they’re on vacation?”

“Yes, wala naman akong ginagawa kaya I told them ako na lang, wala namang iba na papalit sa kanila kundi ako di ba. ”

“I agree and that’s good para makapagpahinga narin si Tito Greg.”

“Oh my gee..guys!” tumili si Angela kaya napatingin lahat ng kasamahan nina Maya sa table nila sa kanya.

“Look at that guy.Ang gwapo!Papalapit na siya dito, kanina pa yan nakatingin sa akin eh. Ngayon mukhang lalapit na dito.” Parang kinikilig na sabi ni Angela sa kanila. Sinundan nila ng tingin ang tinutukoy ng kaibigan.

 

     Ri-chard?! Anong ginagawa niya dito?

 

“Hi. Mind if I join you?” tanong ni Richard ng makalapit sa table nila. Si Maya di alam kung ano ang gagawin ng sa kanya nakatingin si Richard.

“Ummm guys, this is Richard, mga kaibigan ko. Si Jeff pala,siya ang nag invite sa akin dito.”

“Magkakilala kayo?” tanong ni Angela sa kanya na parang naiinis pa.

“Yes,she lives with me.” sagot ni Richard kay Angela.

“Lives with you? Maya?” tanong ni Jeff sakanya.

“Yes, naalala mo yung sabi ko kahapon? Siya yung kaibigan ni dad.”

“Ah .. I’m Jeff Makavinta, Maya’s friend. Ito naman mga barkada ko.” Isa-isang pinakilala ni Jeff ang lahat ng nasa mesa nila.

“Have a seat Richard. Umurong ka nga doon Anthony.” sabay tapik ni Angela sa kaibigang lalaki na naka-upo sa tabi nito. Wala ng choice si Richard kundi umupo sa binakanteng upuan sa tabi ni Angela. Now he is seated across Maya and Jeff who is closely seated beside her. Parang tagos sa laman kung makatitig si Richard sa kanya kaya di siya makatingin ng diretso kay Richard. Lahat ata ng babae kay Richard na nakatuon ang atensyon. Si Angela panay ang pa-cute kay Richard kaya inis na inis si Maya. Kung makatawa sa corny jokes ni Richard parang ngayon lang nito napakinggan may pahampas-hampas pa.

Buti na lang andun si Jeff kaya may kakwentuhan siya habang abala ang iba kay Richard. Nagkwento si Jeff tungkol sa buhay niya sa America, kung ano ang mga nangyari sa kanya at kung bakit siya umuwi.

“Sabi mo the other day may unfinished business ka dito?”

“Yes.”

“And what is it?” tiningnan ni Jeff si Maya sabay lapit ng bibig sa tenga niya para marinig niya ang sasabihin niya.

“You.”

Nagulat si Maya sa narinig. Noong highschool pa sila pinagkamalan silang magkasintahan but it never happen. It was basically one-sided love for Maya, at ngayon parang hindi na. She realize na they felt the same way, they have the love but only in the wrong time.

 

     Love at the wrong time Jeff, noon at lalong-lalo na ngayon.

 

“Maya.” hinawakan ni Jeff ang kamay ni Maya.

“I think I need to go to the restroom.” sabay tayo ni Maya. Di na niya hinintay pa na sumagot si Jeff at dali-dali siyang pumunta sa restroom para makaiwas. Napabuntong hininga na lang si Maya ng maalala ang sinabi ng kaibigan sa kanya. Narinig niya ang cellphone na may mensahe siya kaya kinuha ito at binasa.

 

I saw that and I didn’t like it Mrs.Lim!

 

Kumunot ang noo niya sabay buntong-hininga. Lumabas na lang ulit siya ng restroom at nagdesisyon na magpaalam na sa mga kaibigan para maka-uwi na. Natakot na siyang humarap kay Jeff ulit. Sa hallway  nakita niya si Anthony na halatang lasing na.

“Maya!”

“Yes?”

“Babalik ka na sa loob?”

“Oo, magpapaalam na ako late na.”

“Ako na lang maghahatid sa’yo halika na.”

“Di na, may driver akong kasama and besides di ka na pwedeng magdrive kasi lasing ka na oh. Sige mauna na ako” Umiiwas na si Maya kasi nahahalata na niyang parang may di magandang balak si Anthony.

 

     Huwag ka lang sanang makita ni Richard baka magkagulo pa dito.

 

Bigla siyang hinawakan ni Anthony sa braso at pilit siyang sinasama palabas.

“Bitawan mo nga ako Anthony, huwag kang mag-iskandalo dito.”

“Hindi ah. Ihahatid lang kita, ako na ang bahalang magsabi kay Jeff.”

“Bitawan mo nga ako eh!” Maya is now trying to free herself from his grip when suddenly Jeff appeared from the boy’s restroom.

“What is happening here? Anthony!”

“Jeff tulungan mo ako. Si Anthony kasi nagpupumilit na ihatid ako.” Di parin binibitawan ni Anthony si Maya kaya hinatak na siya ni Jeff sabay suntok kay Anthony.

“Don’t ever touch her again. You hear that?” this time tuluyan ng nabitawan ni Anthony si Maya habang nakahiga na siya sa sahig sa lakas ng suntok ni Jeff. Bigla naman sumulpot si Richard at ng iba pa nilang kasama, madami na ring customers ng club ang naki-usyuso sa nangyari.

“Maya! Let’s go!” Grabbing her hand, he lead her out the club.

Pagdating ng parking area wala na ang kotse ni Maya, kaya kay Richard na siya sumakay. Tahimik lang si Richard habang nagmamaneho, but the way he is gripping the steering wheel and the way he is clenching his teeth looks like any minute he might explode so she remained quiet . Pagdating sa bahay, nakabihis na at lahat di parin umiimik si Richard.

 

Nakakapanibago naman! Dati di lang niya gusto ang suot ko sumisigaw na, ngayon naman..

 

“Richard.” tawag ni Maya ng lumabas siya ng walk-in closet at ito’y papasok naman sa  shower room pero di man lang siya tiningnan nito at nagpatuloy sa pagpasok. Hinintay ni Maya si Richard, nasa harap siya ng vanity mirror  at nakaupo ng pumasok si Richard ulit sa bedroom nila.

“Richard”

“Maya let’s sleep.” sagot ni Richard habang humihiga sa kama facing the other side. With a sigh tumabi na lang si Maya kay Richard kahit di palagay ang loob. Since the wedding night wala pa nangyari sa kanila ni Richard, di na sana iba sa kanya ang gabing ito but then knowing that he is mad and he is ignoring her makes her sad. She remembered Jeff and his confession. She remembered their high school days, the heartache when he left ..

 

Parang kailan lang .. kung noon lang sana Jeff.

 

Di parin makatulog si Maya kaya bumangon siya at nagtungo sa closet.

 

Hello Red, tagal ko nang di nag-update sayo no. Heto malungkot..may kasalanan kasi ako, alam ko naman yon. Iba lang kasi ngayon kasi di niya ako ini-imik nakakapanibago lang. Si Jeff pala bumalik na, medyo kasing kidlat ng pagbalik niya yung confession niya earlier kaya ito nawiwindang ako…di ko nga alam paano sabihin sa kanya..bye na muna, bukas sana magkausap na kami ni Richard.

 

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya dinampot ito .

“Jeff? Yes, okay lang..di naman..” narinig ni Maya na lumabas ng kwarto si Richard when she heard him slam the door.

“Jeff umm papatulog na kasi ako. Bukas na lang tayo mag-usap..” binaba na ni Maya ang cellphone at bumalik sa kwarto. Tama siya, si Richard ang narinig niyang lumabas kaya sinundan niya ito . Nagtungo siya sa opisina nito at narinig na may kausap sa cellphone.

“Opo, nakauwi na kami. Hindi naman. Yes, just as we expected..no, you don’t have to worry I can handle him, it’s her that I think I can’t handle.”

 

Is he talking with dad? Di ako tinatawagan ni dad but him parang everyday silang nagkakausap ah.

 

Pumasok si Maya sa office without knocking.

“Si dad ba yan?”

“Yes.” sagot ni Richard sabay bigay ng phone sa kanya.

“Dad!”

“Sweetheart, ano tong narinig kong dumating daw si Jeff?” tanong ng daddy ni Maya sa kabilang linya.

“Opo, anong nangyari at parang paos kayo?”

“Ubo lang to, malamig kasi dito parang di kaya ng katawan ko.”

“Aww, take care of yourself okay. And by the way, bakit si Richard lang tinatawagan ninyo ako hindi, nagtatampo na ako dad ha.” narining niyang tumawa ng mahina ang daddy niya. Si Richard naman lumabas ulit ng kwarto. Ilang sandali pa silang nag-usap ng daddy niya bago ito nagpaalam sa kanya. Pagkababa ay agad siyang sumunod kay Richard. Akala ni Maya bumalik si Richard sa kwarto pero wala ito, napansin niyang bukas ang ilas sa entertainment room kaya sumilip siya dito at nkita niyang nanonood ng t.v si Richard.

“Richard let’s talk. Huwag mo akong iwasan kasi di ako mapalagay pag ganyang tahimik ka. Tell me what’s in your mind.” she confronted him. Naka-upo si Richard sa couch kaya tumabi siya nito, shifting a little to face him.

“Huwag mo akong pilitin Maya baka mag-away nanaman tayo.”

“What’s new? Mas gusto ko yon kaysa di ko alam kung ano ang nasa utak mo. Game ako makipagtalo sa’yo tonight.”

“Do I have to tell you why galit ako?”

“No .. I know exactly why you’re mad and i’m sincerely sorry for that. Sorry kung bakit di ako nagpaalam, sorry kung bakit may nangyari na eksena kanina sa bar dahil sa katigasan ng ulo ko.”

“And?”

“And what? I already said I’m sorry..”

“Maya our marriage is not the conventional one like what others have  but I still don’t allow adultery.”

“Adultery? Are you out of your mind?! First, di ko boyfriend si Anthony and second wala akong balak magkakaso.”

“I’m not talking about Anthony! I’m talking about Jeff and Red!”

“Jeff and who?”

“Red! ”

 

     Red! Nagpapatawa ka ba?

 

Gustong tumawa ni Maya pero pinigilan niya ang sarili niya. Di na siya nagsalita pa.

“Now tell me that I’m wrong Maya.” Now he is totally facing her and looks at her straight in her eyes.

“He is my first love Richard … and first love never dies. Di nga naging kami but I loved him with all my heart.” iniwasan ni Maya ang tingin ni Richard sabay tutok sa tv.

“And now that he is back what is your plan?”

“Plan? Wala..”

“Good … because I don’t have any plan of sharing my wife either!”

Nagkatinginan si Maya at Richard, her on his eyes ..him  on her lips..

 

God Maya! .. I don’t know till when cav I control myself from kissing that irresistible lips of yours.

 

 

 

 

Photo credits to Donna Fe Gagaracruz. See more of her art creation by clicking here.

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers