Secrets 1

At 6:30 a.m palabas na ng gate ang sasakyan ni Maya papuntang school where she works as a P.E teacher. For 3 years ito na ang kaniyang routine Mondays to Fridays, minsan nga even Saturdays and Sundays din. She’s heading towards the highway now, turn right, then finally towards the school. Passing through establishments she noticed the new restobar that will be opening that day.

     Eto ata yung sinasabi ni Simon na pupuntahan niya mamaya.Looks good naman, tempting ang offer ..maybe I should just think it over.

Finally papasok na ng school ang sasakyan niya. Sa parking area nakahanap siya ng space to park her car. Palabas pa lang ng kotse when she saw Simon.

“Good morning Maya”

“Morning!” sabay ngiti sa kanyang matalik na kaibigan.

“So are you going mamaya?” pinipilit kasi ni Simon na sumama si Maya sa opening ng bagong restobar. Maliit lang ang kanilang bayan kaya tuwing may bagong gimikan o pasyalan halos lahat ata ng tao pumupunta para makisaya.

“Pag-iisipan ko ha. I’ll tell you later. Let’s go,mamaya lang magbe-bell na.” yaya ni Maya kay Simon.

Papasok na sila ng school building when someone calls Maya.

“Ms.Dela Rosa.”

“Yes sir..”

“Later dumaan ka sa office at may pag-uusapan tayo about your request para sa PE department.”

“Sure sir, thank you. Dadaan ako mamaya.” Pagka sagot ni Maya tumalikod na si Mr.Santos at nagbalik sa kanyang office. Nagpatuloy naman sila ni Simon sa paglalakad patungong faculty room.

“Hay salamat at mukhang ma-approve na yung request ko. We badly need that equipments.” Inilatag na ni Maya ang gamit niya sa mesa sabay upo sa kanyang silya.

“Mamaya ha.”

“Kulit mo talaga Simon..pag-iisipan ko nga muna.Diyan ka na nga at pupuntahan ko muna mga estudyante ko.” Sabay tayo at dampot ng class record,whistle, cap and towel.

“Text na lang kita if ever I decide to join you later.” pahabol na sabi ni Maya habang nasa may pintuan na.

“Wait ko yan ha.” nakangiting sagot naman ni Simon, kumaway lang si Maya sa kanya habang palabas.

At 10:30 nasa third period class na niya sa school gym nang maalala ni Maya ang tungkol sa sinabing ni Mr.Santos.

“Matthew, please take over. Supervise the class, I will just leave for a few minutes to go the Principal’s office. ”

“Yes, Ms.Dela Rosa.Ako napo ang bahala dito.”

Inside the office of Mr.Santos ..

“Ms.Dela Rosa, approved na yung request mo for new sports equipments. Luckily we were able to contact someone to sponsor it for us. The owner of Tony’s Sports Gear wants you to go and pick the equipments personally, which I think is a good idea considering ikaw naman ang mas may alam kung ano talaga ang kakailanganin ninyo sa department. I will let you go doon sa store niya mamayang hapon after lunch.”

“No problems Sir, later after lunch pupunta ako to personally pick the equipments needed.” napangiti si Maya.

     Finally we will have what we needed. Matutuwa ang mga bata nito. We’ve been asking this for 4 months already.

“That’s all Ms.Dela Rosa, you can go back to your class. Just drop by here on your way sa Tony’s to get the passes you need para maka alis ng school.”

“Thank you Sir.” umalis na si Maya sa office ng principal at bumalik sa gym. There binalita niya sa kanyang mga estudyante ang good news na natanggap niya kay Mr.Santos. Tuwang-tuwa ang mga bata sa balita niya.

After lunch dali-dali ng nagpunta si Maya sa office para makakuha ng note para maka alis na siya ng school. Excited na siyang pumili ng kakailanganin ng PE Department.

Nang dumating sa Tony’s nagpakilala si Maya sa saleslady. Mukhang na inform na siya ng may-ari na siya ay dadating kaya tinawag nito ang boss. Habang wala pa tumingin-tingin si Maya sa mga naka display na sports gears para di mainip. Nagawi siya sa may lane kung saan ang ibat-ibang klase ng baseball bat naka display. Dumampot ng isang bat at sinuri ito nang may nahagip siyang eksena sa labas ng tindahan.

“Oh shit!” dali-dali siyang lumabas ng tindahan at tinungo ang parking area. Saktong lumabas ang saleslady nang nakalabas na siya sa may pintuan ng tindahan dala ang bola.

“Ma’am saan po kayo pupunta? Sir ..” dali-dali namang tinawag ng saleslady ang kanyang amo.

“Sir, yung babae umalis dala ang baseball bat!”

     Sa lahat ng kotseng andito ang kotse ko pa ang pinili mo! May katabi namang magarang sasakyan bakit itong lumang kotse ko pa naisipan mong nakawan.Lagot ka ngayon sa akin.

Di namalayan ng lalaki na papalapit na si Maya dala ang baseball bat. Abala sa paghalughog ng gamit ni Maya sa loob ng sasakyan kaya nang makalapit na siya hinataw na niya ng bat ang lalaki.

“Aray! Arggghhh!” sigaw ng magnanakaw habang pinagpapalo ni Maya. Papaluin pa sana ni Maya ng bat ang lalaki ng maagaw ito sa kanya, akmang papaluin din siya kaya lang naka ilag siya kaya sa kabilang sasakyan ito dumapo na naging dahilan sa pagkabasag ng bintana. Binitawan ng lalaki ang bat at sumugod sa kanya pero dahil sanay siya sa self defense di siya nagawang hawakan, sidekick ang inabot ng lalaki kaya natumba. Nilapitan ni Maya sabay hablot sa mga kamay nito and pinned them to the car para di na makawala.

“Sir, siya yung nagnakaw ng bat!” Dinig ni Maya at ng lumingon siya nakita niya ang saleslady na may kasamang lalaki, habang nakaturo yung mga kamay ng babae sa kanya.

“What? Excuse me?” inis na bulyaw ni Maya sa babae.

“Anong what what ka dyan? Pumasok lang ako sandali para tawagin ang amo ko bigla ka na lang lumabas dala ang bat. Magnanakaw ka!”

“What the..before you accuse  me of something please call the cop. Kailangang dalhin sa presinto itong lalaking ito.” di parin binibitiwan ni Maya ang magnanakaw.

“Anong nangyari dito? Who did this to my car?” Gulat ang lalaking kasama ng saleslady ng makita ang sira sa kotse niya.

“Siya po ang may kasalanan Sir!”  sagot ng magnanakaw.

“Shut up! Will someone please call the police?”

Nakita ni Maya na kinuha ng lalaki ang cellphone niya at may tinawagan. Pagkatapos nitong tumawag ay tinulungan din siya nitong hawakan ang lalaki. Maya-maya lang dumating na ang mga pulis at hinuli ang magnanakaw.

“Sir dadalhin na namin to sa presinto. Sumunod na lang kayo para sa interview at para sampahan din ito ng kaso.”

“Definitely, we’ll be there. And I think kailangang isama din tong babaeng ito.” sagot ng lalaki sabay tingin kay Maya.

“Ano?Bakit kasali ako eh ako yung nanakawan ng lalaking yan?”

——————-

Sa prisinto …

“Ilang ulit ko bang sabihin di ako magnanakaw?” sagot ni Maya sa pulis. Sa inis niya kumuha siya ng papel at ballpen sa bag niya, may sinulat sabay hampas ng papel sa mesa.

“Ito po chief. Contact this person at kailangan ko ng umalis.” Kinuha ni Maya ang bag niya sabay tayo.

“Where are you going? You can’t just leave?”

“Ms.Dela Rosa.”

“Chief you know me, alam mong di ako magnanakaw. Talk to this person and if you can prove na magnanakaw ako tomorrow morning ipasundo mo ako sa mga tauhan mo sa bahay ko!”

Lumabas na ng police station si Maya. Shaking his head he just can’t believe what this woman did.

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers