The Garden and the Butterfly: Wrong Move

Flashback..

Kunot ang noo habang binabasa ni Maya ang papeles na nasa kamay niya. Sa harap ng mesa naman ay nakatayo si Doris habang tinititigan siya ng mabuti.

 

RL Group of Companies..Roberto Lim..Don Roberto Lim..Lim? ..  Richard Lim..

 

“This is bullshit!” tumayo at kinuha ang bag.

“Ma’am saan kayo pupunta?”

“Ipahanda mo ang sasakyan kay Joma at may susugurin tayo.”

 

 

“I told you to calm down Maya. Pag-usapan natin to ng mabuti. You won’t be able to understand all of this if galit ka.”

“Understand? Tell kung ano ang di ko naiintindihan dito Mr. Lim. ” hinagis ni Maya kay Richard ang papel na dala-dala niya from her office. More or less, alam na ni Richard kung ano ang nakalagay dun so he didn’t even bother to pick it up.

“Mrs. Lim are you sure alam mo na ang lahat?”

“Yes, it says it all. Our marriage is nothing but purely business..I can’t even believe it, nakuha ng daddy kong ipangbayad ako sa utang ng business namin sa inyo.”

Nakita ni Richard kung gaano kasakit iyon para kay Maya. Seeing her cry  is heartbreaking. It never occurred to him na ganoon din pala kasakit sa kanya ang pangyayaring yon.  The past few days naging masaya na sila sa piling ng isa’t-isa. Sure, he knew very well that this day is going to happen but not too soon.

 

     Please Maya don’t look at me like that. At least let me explain. Marami ka pang dapat malaman.

 

“Tell me Mr. Lim, meron pa ba akong dapat malaman huh?”

Seeing her that angry di na kaya pa ni Richard dagdagan ang sakit na nararamdaman ni Maya kaya di na siya nagsalita pa. Wiping her tears, she turned to leave. Di na niya kayang manatili at makita pa ang taong pinagkatiwalaan niya pero sa bandang huli ay nakaya pala siya nitong paikutin at saktan. Paglabas ng opisina ni Richard di na bumalik ng parking area si Maya kundi pumara ng taxi.

“Sundan nyo lang siya kung saan pupunta at huwag nyong hiwalayan..huwag ‘nyo na rin munang lapitan, bantayan ‘nyo lang kung saan at ano ang gagawin niya. Update me. ” bilin ni Richard kay Doris at Joma ng malaman nitong umalis na si Maya.

 

————————-

 

Alas nuwebe na ng gabi di  parin umuuwi si Maya sa mansyon. Nag-aalala na si Richard lalo pa’t alam niyang umiinom ito sa isang bar.

“Sino ang dumating? Jeff? Paano niya nalaman andiyan si Maya? Don’t leave that place and as soon as possible  iuwi niyo na si Maya . ”

Pacing the room with his hands clasp behind his head di na alam ni Richard kung ano ang gagawin niya. Maya is at the bar drinking, alam niyang di umiinom si Maya and worst kasama pa nito si Jeff.

 

Jeff Macavintal, bakit kailangan mo pang bumalik. ..

 

Di niya alam kong paano niya ipaintindi kay Maya ng di nasasaktan, una pa lang pero parang di na kakayanin ni Maya ang nangyari..paano pa kaya kung madagdagan pa. But he can’t give up now, the least he could do is to be strong para sa babaeng mahal niya.

Tumunog ulit ang cellphone niya, si Doris tumatawag ulit kaya dali-dali niya itong sinagot. Di niya akalain ang narinig na balita.

“What? Tumawag na ba kayo ng tulong? Sige papunta na ko ..”

 

—————————

 

“Doris where is she?”

“Sir nasa operating room po silang dalawa.Inaasikaso napo.”

“What happen? I told you to bring her home bakit magkasama sila?”

“Sir yun na nga sana ang gagawin namin kaso ayaw niyang sumama sa amin at nagpupumilit na doon sumakay kay Jeff Macavinta. Sa tingin namin di naman siya gaanong lasing kaya hinayaan namin at sumunod na lang kami sa kanila. Sorry po Sir.”

“What do you mean hindi gaanong lasing? The fact na uminom sana pinilit nyo si Maya na sa inyo siya sumabay.” galit na galit na si Richard kay Doris at Joma kaya pasigaw na itong nakikipag-usap sa dalawa, pinagtitinginan na sila ng mga tao sa lobby dahil sa taas ng boses ni Richard.

“Anong sabi ng doctor?”

“Di parin lumalabas eh.”

Maya-maya lumabas ang doctor sa operating room.

“Doc, ano yung kalagayan ni Mrs.L..I mean ni Ms. Maya Dela Rosa?”

“She had concussion because of the accident. Mamaya malalaman na natin ang resulta ng MRI and CT scan niya. Ipapatawag ko na lang kayo. For now hindi pa siya nagkakamalay.”

“Thanks doc..”

“Excuse me..the nurse will inform you later if may result na sa test na isinagawa namin sa kanila. ”

Nang tumalikod ang doctor, di parin magawang kumalma ni Richard. Under his care na aksidente si Maya. Habang naghihintay sa resulta tumawag na ito sa parents ni Maya to inform them.

 

————————————

The next day, nakalipat na finally sa recovery room si Maya. MRI and CT scan results says walang internal bleeding or bone fracture. But di parin nagigising si Maya. Si Jeff nasa kabilang room na at nagkamalay na din. Mabuti at naka seat belt silang dalawa pareho kaya di gaanong  malala ang epekto ng aksidente maliban sa  konting sugat sa ulo  nilang pareho dahil sa mga bubog na nabasag. Magtatanghali na ng nagkamalay si Maya kaya agad na tumawag ng doctor si Doris para matingnan kaagad ito.

“Maya are you okay? May masakit ba sa’yo?” tanong ni Richard sa kanya ng ina-alalayan niya itong umupo.”

“Okay lang medyo masakit ang ulo ko..ano bang nangyari?”

“Naaksidente kayo ni Jeff Macavinta habang papauwi na kayo.”

“Jeff? Andito si Jeff?”

“Oo, nasa kabilang room siya..baka mamaya pupunta yun dito para kamustahin ka. Kanina pumunta siya dito pero di pa nagising kaya bumalik sa kwarto para magpahinga ulit.”

“Ganun ba..asan ang daddy at mommy ko? ”

“I called them already pero sabi nila mahihirapan silang maka uwi kasi walang available na flight kaya ako lang ang mag-aasikaso sa’yo ngayon.”

Maya looked at Richard intently, he was glad kinakausap siya ni Maya despite what happened yesterday sa office nito.

“Bakit…Sir pasensiya kana ha, sino ka? Bakit andito ka sa room ko?”

Richard was shocked upon hearing those words. He stared at her but seeing the look in her eyes alam niyang di nagbibiro si Maya. Bigla namang pumasok ang doktor sa kwarto ni Maya.

“Ms. Dela Rosa mabuti at nagising kana. How are you feeling?”

“Doc, di niya ako kilala.” Richard blurted out. And everyone in the room was shocked as well, including Jeff na nasa pintuan.

After the check-up kinausap ng doctor si Richard sa kanyang clinic.

“Mr. Lim just as what you thought Maya is in a state of amnesia. Normal lang yun sa taong nakaranas ng car accident. Right now ang masasabi ko that she is still under observation. Di natin malalaman kung kailan totally maibabalik ang memory niya o maibabalik pa ba.”

“Doc bakit si Jeff naalala niya?”

“Meron ganyang mga cases, pero with Ms. Dela Rosa’s case we will find out after series of test kung anong klaseng amnesia and what we can do to help her. We could only hope temporary lang to and di matatagalan at babalik din memory niya. ”

After kinausap ng doctor si Richard at magbilin sa kanya kung ano ang mga dapat niyang gawin na makakatulong sa pagpapagaling ni Maya, agad siyang nagbalik sa kwarto nito  at nadatnan niyang magkausap sila  Jeff . Hawak ng binata ang kamay ng asawa niya.

“Maya I’m so sorry, di ko sinasadya.”

“Jeff alam ko naman di mo intensyon saktan ako eh. Aksidente yun walang may gustong mangyari.”

“Kung may masamang nangyari sa taong pinakamamahal ko di ko alam kung ano ang gagawin ko.”

Nagulat si Richard sa narinig, nasa labas lang siya ng pintuan at nakikinig sa dalawa habang naguusap. Gusto sana niyang pumasok at suntukin si Jeff dahil sa nagawa niyang kasalanan kay Maya pero  pinipigil niya sarili niya ng maalala ang sabi ng doktor na bawal ma-stress si Maya. Nadagdagan pa ang pagkagulat ni Richard ng marinig niyang magsalita muli si Jeff.

“Magpagaling ka at ng maumpisahan na natin ang preparasyon ng kasal natin. After what happen  narealize kong di ko kaya mawala ka sa akin. Marry me Maya..”

“Jeff .. di ba magkaibigan lang tayo?”

“Siguro nga merong mga detalyeng di mo pa naalala dahil sa aksidente pero, matagal na tayong may relasyon at nagkasundo na magpakasal na.”

Sa narinig di na kinaya ni Richard kaya napasugod siya sa loob at nasuntok si Jeff.

“Mr.Lim! Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Maya ng makita niyang sinuntok ni Richard si  Jeff.

“Umalis kana dito kung ayaw mong basagin ko ang mukha mo. Pagkatapos mong ipahamak si Maya  ngayon naman…”

” Kung sino ka man ikaw ang dapat umalis dito, ano ang karapatan mo para manggulo at manuntok kay Jeff!!.”

Nagulat si Richard ng makita ang galit sa mata ni Maya. Di siya makapaniwala sa narinig niya mula kay maya. Nang mahimasmasan naalala niyang di pa pala siya kilala ni Maya. With a heavy heart wala na siyang nagawa kundi sundin si Maya. Tumalikod na siya at iniwan silang dalawa.

 

I swear Maya babawiin kita. Di ako papayag na ganun ka na lang mawawala sa akin. Pagbalik ko sisiguraduhin kong ako ang pipiliin mong manatili sa tabi mo at hindi si Jeff.

 

Unexpectedly.. a tear falls from Richard’s eye.

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers