The Garden and the Butterfly: Vacation 2

dfayette511

After ng nangyari kanina sa beach, di na talaga kinaya ni Maya ang panghihigpit ni Richard kaya tumawag na siya ng rescue.

     And why not? Boyfriend ko siya di ba.. so dapat lang kong nasaan ako alam din ng boyfriend ko. Ang higpit niya daig pa si Dad and Mom. Bukas start na ng bakasyon grande ko… and ikaw Mr.Richard Lim..manigas ka!

 

Maya sleep with a smile, sa isip niya dahil dadating na ang back-up niya everything will turn out alright. Wala ng makakapigil sa kanya kahit na ang singkit na si Richard Lim.

Morning came, maagang nagising si Maya and maagang bumaba ng resthouse. Excited na siya to see Jeff. Ilang sandali pa nakita niyang may kotseng paparating. The moment nakita niya na bumaba ng kotse si Jeff agad niya itong sinalubong. When he saw her agad namang yumakap si Jeff at binigyan siya ng halik sa pisngi. Nakita lahat yun ni Richard na sa panahong yun ay nasa harap din pala ng bahay nakatayo kasama si Mamang.

“Mamang akala ko ba sabi ko di dapat malaman ni Jeff, bakit andito yan ngayon?”

“Di ko rin alam Sir kung paano niya nalaman..baka tinawagan ni Maya.”

 

Jeff ayaw mo talagang tumigil..sinasamantala mo ang sitwasyon ni Maya. You and your evil plans..akala mo siguro hahayaan lang kita.

 

Kumukulo ang dugo ni Richard habang tinitingnan si Maya at Jeff habang magkahawak ang kamay na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila.

“Good morning Mamang..brod kumusta..”

“Bakit andito ka?” agad na tanong ni Richard, di man lang nakipag-kamay kay Jeff.

“I invited him.” sagot ni Maya kay Richard ng makitang nakakunot ang noo  nito.

“Who told you that you can invite him here?”

“At bakit naman hindi? He is my boyfriend!”

“Boyfriend?!!..Look, your parents wants you to rest after the accident which..which was caused by your so-called boyfriend! .. they want you to stay away from him..” may diin pa talaga ang pagkasabi ni Richard kaya nanlaki ang mga mata ni Maya.

“Excuse me?” this time nameywang na si Maya at aktong susugurin si Richard mabuti na lang at napigil ni Jeff.

“Sweetheart stop!”  hinila ni Jeff si Maya at inakbayan ito. Bagay na mas lalong ikina-inis ni Richard.

 

Sweetheart? Damn Jeff pati tawag ko sa kanya kinopya mo pa?

 

Clenching his teeth and fist, he sigh.

“Fine! You can stay but not here..mag register ka doon at maghanap ng sariling kwarto. You cannot stay here sa loob ng resthouse.” tumalikod na si Richard at  iniwan silang tatlo sa labas.

“Nakakainis Mamang! Bakit ba kasi kailangan pa akong pabantayan nina dad sa kanya! Nakaka bad vibe, umagang-umaga naiinis na ako!”

“It’s okay Maya..halika tulungan mo na lang akong maghanap ng kwarto. Sana meron pang bakante.”

“Oo nga pala..Mamang, tutulungan ko muna si Jeff ha, punta lang kaming reception.”

“Okay, bumalik kayo kaagad para makakain. Di kapa nakakain at mukhang itong si Jeff ay ganun din.”

“Ay oo Mamang, ang aga ko kasing umalis ng bahay. Gusto kasi nitong sweetheart ko maaga din akong dadating dito.” nakangiting sagot ni Jeff sabay halik sa buhok ni Maya.

Nagpunta ng reception sina Maya at Jeff upang magtanong ng bakanteng kwarto. Luckily may isang nabakante kahapon, medyo malayo din sa resthouse at nasa kaliwang bahagi ng resort kaya kailangan pa nilang maglakad ng medyo malayo-layo rin. Jeff and Maya found out that it was a mini tiki house, good for four. May sariling maliit na kusina, banyo, kwarto, at may maliit na salas. And kahit nag-iisa lang si Jeff wala na naman ding ibang bakante so napilitan siyang kunin ito. Tinulungan ni Maya na mag-ayos ng gamit si Jeff bago sila lumabas para magpunta ng resthouse. Nadatnan nilang nasa harap ng mesa na sina Richard at Mamang kaya agad silang umupo na din, si Jeff ay umupo sa tabi ni Maya. Gusto sanang magprotesta ni Richard pero alam niyang di pwede kaya di na lang siya umimik habang si Mamang naman ay nanahimik na rin.

Nag-enjoy ng todo si Maya. Buong araw magkasama silang dalawa ni Jeff sa dalampasigan. Naghaharutan, naliligo, at kumukuha ng larawan. Kung titingnan mo sila parang bagong kasal na nagho-honeymoon. Habang naliligo nakita ni Maya ang kanyang mga bagong kakilala kaya pinakilala din niya si Jeff sa kanila.

“Jeff, sila yung mga tauhan nina Mr.Lim dito..”

“Ahh, nice meeting you. Ako si Jeff boyfriend ni Maya.”

“Hello po Sir Jeff..Sana po mag-enjoy din kayo dito. Ma’am Maya, mauna na po kami. Kailangan pa kasi naming makausap si Sir Richard.”

“Ah ganun ba, bakit anong meron?”

“ahh kasi po..hihingi lang sana kami ng tulong. Yung kapatid ko kasi kailangang dalhin ng ospital kaso wala po kaming pera..”

“Ganun ba..sigurado kayong tutulungan kayo nun? Tell me if meron akong maitutulong sa inyo” nag-aalala si Maya. Sa tingin niya di kasi maiintindihan ni Richard ang mga ito.

“Di naman siguro Ma’am..sige po puntahan po muna namin si Sir.”

“Okay..basta ha andito lang ako..if di niya kayo tutulungan ako ang tutulong sa inyo huwag kayong mahiyang sabihin” tumalikod na ang mga kaibigan. Tanaw pa rin ni Maya ang mga ito habang papasok ng resthouse.

“Sweetheart, alam kong mabait ka and maaalahanin but di mo pa kasi sila kilala ng lubusan. Huwag kang masyadong kampante at baka aabusuhin lang nila kabaitan mo.”

“Hindi naman siguro Jeff…mabait ang mga taga-rito.”

Ilang minuto ang lumipas nakita ni Maya na palabas ang mga kaibigan sa resthouse kaya agad niya itong nilapitan.

“Oh ano? Tinulungan ba kayo? Kung hindi ako na. Wait kukunin ko lang ang wallet ko sa..”

“Huwag na po Ma’am binigyan niya po kami, ang bait nga kasi sabi niya di na daw ibabawas sa sweldo namin..bait talaga ni Sir ..kahit noon pa kaya mahal na mahal namin yan.”

“Talaga? Mabuti naman..”

“Oh sige po, kailangan kasi naming magmadali…”

“Oh sige..balitaan nyo ako ha ..kita na lang tayo..”

 

Kita mo nga naman akala ko di ka marunong makipag-kapwa tao..

 

Nasa isip ni Maya habang tinitingnan ang papalayong kaibigan.

Nang gabing yon,  tanaw nanaman ni Maya ang kasiyahang nagaganap sa may dalampasigan. Andun din si Richard kasama si Mamang. Mabuti at andun si Jeff kaya di na siya gaanong na out of place kasi may kasama siya habang naka upo sa isang beach chair sa harap ng infinity pool.

    

There is something with you Richard Lim..bakit sa akin parang ang suplado mo, wala pa akong ginagawa pero nakakunot na ang noo mo. Mabait ka naman sa iba, yung mga tauhan mo nga gusto ka din… Bakit ang init ng dugo mo sa akin?

 

“Sweetheart? hey..kanina pa ako nagkukwento sayo dito pero di ka pala nakikinig..”

“Huh?!..ay sorry..meron lang akong iniisip.”

“Ano yon? Jeff, kasi sabi mo sa ospital di ba na matagal na tayo..bakit parang wala akong naaalala?”

“Ahhh , kasi nga di ba meron kang amnesia. Don’t worry sabi naman ng doktor mo unti-unti babalik din yun..”

“Kasi di ko alam parang…may kakaiba lang..i can’t say what exactly pero..”

Holding her head pilit itinatago ni Maya ang sakit ng ulo niya, it always happen everytime may gusto siyang alalahanin sumasakit ang ulo niya..napansin ni Jeff ito kaya inilapit nito ang kanyang upuan kay Maya.

“Are you okay?..”

“Yes, okay lang..napagod lang siguro ako..”

“Wait pupuntahan ko lang si Mamang..”

“No Jeff huwag na..”

“Hindi pwede baka kung ano pa ang mangyari sa’yo..” umalis na si Jeff at pinuntahan si Mamang. Nakita ni Maya na nang marinig ito ni Mamang at Richard ay dali-dali silang naglakad papunta sa kanya. Nauna pang lumapit si Richard sa kanya at nagtanong.

“Are you alright? Halika na kailangan mo ng magpahinga. Ang tigas kasi ng ulo mo, buong araw kang nasa labas. Sabi nga ng doktor bawal ka munang magpagod!”

“Oh..will you stop that .. lalo mo lang pinapasakit ang ulo ko eh.” inalalayan ni Richard si Maya para tumayo.

“Ako na bro..saan ba ang room niya?”

“Move over..kung sana di mo siya kinunsinte di sana mangyayari to.” singhal ni Richard kay Jeff.

“That’s it..bitawan mo ako! Ang ingay mo Richard Lim!” singhal din ni Maya kay Richard at iniwan silang tatlo na naka nga-nga. Pumasok na si Maya na mag-isa sa loob ng bahay.

 

Kinabukasan….

 

Maya is enjoying the early morning sun and the soft breeze  at 7 a.m. Tulog pa si Jeff at  hindi pa siya pinuntahan so she decided to go out alone. Wearing another red skimpy two-piece. She decided to rest after a swim, Lying flat on her stomach over a beach towel spread on the sand.Di niya namalayang papalapit na si Richard sa kanya.

“Woahhh! what the heck!!!… Anong problema mo?” napa-upo si Maya, nagulat  ng maramdaman ang malamig na tubig na unti-unting ibinuhos ni Richard sa likod niya.

“I told you not to wear that, bakit ang tigas ng ulo mo! Kagabi dinadaing mo ang sakit ng ulo mo pero ngayon andito ka nanaman at nagpapadisplay ng katawan mo!”

“Can you just leave me alone?”

“Bro.. pwedeng hayaan mo na lang si Maya? Nag-eenjoy lang naman yung tao, and besides this is a beach kaya natural lang ang suot niya.Ako na bahala sa girlfriend ko.” papalapit na si Jeff sa kinaroroonan nina Maya at Richard.

Nang marinig yun, si Jeff naman ang binalingan ni Richard.

“Let her be? After what happen kagabi? Ang lakas ng loob mong tawagin siyang girlfriend mo! You know very well kung ano ang totoo. Huwag mong ubusin ang pasensya ko. Tell her the truth or else ako ang magsasabi sa kanya.”

“Easy..ang aga bakit ang high blood mo?” pabirong sagot ni Jeff pero halatang kinakabahan naman.

“What truth? Jeff?”tanong ni Maya sa kanya.

“Wala sweetheart.. kasi..”

“So di ka talaga aamin Jeff?” challenge ni Richard kay Jeff.

“Jeff?” tumayo na si Maya at kinumpronta ang dalawa.

 

Ano ngayon Jeff? Kaya mo bang magsinungaling ulit?

 

Nasa isip ni Richard habang nakatitig kay Jeff, kuyom ang kamay at nagpupuyos sa galit.

 

Sino ka ba Richard Lim at kailangan mong umeksena palagi? Bakit kailangan mong sirain ang lahat?

 

Tanong naman ni Jeff sa kanyang sarili habang nakikipagtitigan kay Richard.

“Wala bang magsasalita sa inyo o pag-uumpugin ko kayo?!!! ” bulyaw ni Maya sa kanilang dalawa.

 

 

 

Photo Credit to Donna Gagaracruz. See more of her art here.

1 Comment (+add yours?)

  1. Trackback: [FAN ART] Maya @ San Nicolas Resort. =)) | Canistel's Gallery.

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers