The Garden and the Butterfly: Sleeping with the Enemy

Dahil di nakuha ni Maya ang sagot sa tanong niya sa dalawang nag-uumpogang bato, nag walk-out siya at iniwan ang dalawa. Umakyat ng kwarto at doon nanatili.  Dahil sa ayaw niyang lumabas kinatok na siya ni Mamang sa kwarto.

“Bakit ayaw mong lumabas? May problema?” pinapasok ni Maya ang matanda sa kwarto at nakipag-usap.

“Mamang…kasi feeling ko ang tanga-tanga ko. Bakit di ko parin maalala?”

“Bakit mo ba kailangang pwersahin ang sarili mo para maalala ang mga bagay-bagay? Hayaan mo na lang at alam naman natin dadating din ang araw na yan.”

“Mamang, may kailangan ba akong dapat malaman?”

“Bakit mo nasabi yan?” umiwas si Mamang tumingin kay Maya. Tumayo ito at sumilip sa labas ng bintana.

“Mamang sino ba talaga si Richard Lim?Bakit kailangan pa akong pabantayan sa kanya nina dad? At saka sina Daddy, di man lang ba sila nag-alala sa akin bakit di man lang nila ako tinatawagan? Si Jeff..totoo bang boyfriend ko nga siya?”

“Maya kumalma ka muna..di ko kayang sagutin lahat yan. Ang sa akin lang, sa ngayon  .. kung meron kang duda huwag kang basta-basta nagtitiwala. Wala ako sa posisyon para sagutin yan, sana maunawaan mo.”

“Mamang, kung meron mang taong inaasahan kong tutulong sa akin walang iba yon kundi kayo.”

“Pasensya kana Maya. Di bale, di ko man pwede pangunahan ang mga bagay pero andito lang ako para bantayan ka.”

“Salamat Mamang.”

————–

Dahil sa sinabi ni Mamang kay Maya, lalo tuloy siya nagduda. Mas lalo tuloy siya napapa-isip kung ano ba ang nangyari bago ang aksidente. Tuwing naaalala niya si Richard at Jeff may kung anong kirot sa dibdib, lalong-lalo na kay Richard. Sino ba siya at bakit dumating siya sa buhay niya. Napagod sa kakaisip si Maya, di niya namalayan na habang nakahiga sa lounge chair sa labas ng veranda ay nakatulog na siya.

 

“heyy don’t go” hinahabol ni Maya ang paru-paru habang lumilipad ito papalayo sa kanya. Dumadapo sa bawat bulaklak, ilang beses niyang tinatangka na mahuli ito pero hindi niya mahuli-huli kahit di naman ito mabilis na lumilipad. Isang beses na tiyempuhan niya itong nakadapo sa isang pulang rosas, dahan-dahan niya itong nilapitan..pigil ang hininga unti-unti niyang nilalapit ang kanyang kamay ng may tumawag sa kanya.

 

“Maya open the door!” sigaw ni Richard habang kumakatok sa pintuan.

“Go away! Ayokong makita ka!”

“Kanina ka pa di kumakain, kung di mo bubuksan ako ang magbubukas nito..remember may susi ako .”

 

Arrggghhhh just for once di mo ba ako tatantanan?

 

Wala siyang nagawa kundi buksan ang pinto. Pero di parin niya ito pinapasok.

“Bakit ano ang kailangan mo?”

“Here, kung ayaw mong bumaba..dinala ko ito..kumain ka.” inabot ni Richard ang tray na may lamang pagkain.

“Ayoko!”

“Huwag ka ng mag-inarte diyan. Ayaw mong kumain o mas gusto mong subuan kita?”

 

Shit!

 

“Akin na!” kinuha niya ang tray at sinarado ulit ang pinto. Inilapag niya ang tray sa may bedside table pero di ginalaw. Kahit kumakalam ang sikmura di parin siya kumain. Kahit hirap matulog dahil sa gutom, pinilit parin niya ipikit ang mga mata hanggang sa makatulog na lang siya ulit. Nang kumatok si Mamang kinabukasan ibinigay lang ni Maya ang tray at humingi ng gatas.

“Maya  di ka pa masyadong magaling, gusto mo ba ulit bumalik sa ospital? Huwag na matigas ang ulo bumaba ka na at ng makakain.”

Di parin siya napilit ni Mamang kaya kumuha na lang ang matanda ng gatas at inakyat ito sa kwarto niya. Buong umaga wala siyang ginawa kundi manood nng tv, magbasa ng magazines o di kaya matulog. Nang di makatiis, bandang hapon ay bumaba na si Maya.

“Glad that finally tapos na din ang welga mo!” Richard smirks. Naka-upo ito sa may dining table sa harap ng laptop niya.

Di pinansin ni Maya si Richard, tuloy-tuloy itong naglakad hanggang sa nakalabas ng bahay. Pupuntahan niya si Jeff. Simula kahapon di na niya ito naka-usap at di man lang ito nagpakita sa kanya para kamustahin siya. Pagdating ni Maya sa tinutuluyan nito narinig niyang may kausap ito sa cellphone niya kaya di muna niya inistorbo.

“Yes dad..Aayain ko na siya ulit..i’m hoping she’d say yes as soon as possible.”


Just then nakita siya ni Jeff kaya binaba ang cellphone.

“Maya! Sabi ni Mamang nagkulong ka raw.”

“Oo at di mo man lang ako dinalaw. . by the way, sino kausap mo si tito ba?”

“Yes, and sabi niya kailan daw ang kasal natin..”

“Oh! that..” napaisip si Maya. Nanahimik bago ulit nagsalita

“.. Jeff napagisip-isip ko.. saka na .. I hope you understand..”

“But..sweetheart, alam kong nag-aalala ka kasi sa kondisyon mo ngayon but then trust me, tutulungan kitang maibalik ang memory mo. After kasi mangyari ang aksidente naisip kong mas lalo dapat nasa tabi mo ako to protect you always.”

 

Protect me? Di ba ikaw kasama ko ng ma-aksidente ako..at saka, di mo nga ako dinamayan sa welga ko..kung di pa ako pumunta dito di tayo magkaka-usap.

 

‘Sweetheart?”

“Ahh sorry…just give me more time Jeff.. okay?”

“Okay..but please huwag mo na akong pag-antayin pa ng matagal. Si daddy naiinip na din, gusto na magka-apo” ngumiti si Jeff sa kanya. Nilapitan siya nito at niyakap. Ilang sandali pa’y hinahalikan na siya nito. Pilit siyang umiiwas, biglang sumagi sa isip niya si Richard. Nakita niya ang mukha ni Richard at  ito ang humahalik sa kanya kaya bigla niya natulak si Jeff.

“Hey?! What’s wrong?!” nagulat ito sa ginawa niya.

“Sorry!” naguluhan si Maya sa kanyang nakita kaya tumalikod ito at tumakbo papalayo doon.

 

Ano yon? Bakit…hindi..hindi totoo yon..Siguro dahil sa sobrang inis ko sa kanya kaya bigla na lang sumusulpot ang mukha niya..

 

Worried and puzzled, nagmamadali si Maya pabalik sa resthouse.

 

———————

 

 

“Mamang, si Jeff nagyaya nanamang magpakasal na daw kami.”

“Ano? Pumayag ka?”

“Hindi, sinabi ko pag-iisipan ko muna.”

“Mabuti naman..sa sitwasyon mo ngayon di ka dapat gumagawa ng malaking desisyon tulad niyan. Hintayin mo muna ang tamang panahon.”

“Alam ko naman yon eh..Mamang, kanina may bigla ako naalala..pero bakit kasama ko si Richard?”

“Bakit di mo siya tanungin?”

Di na kumibo si Maya. Naisip niyang, ngayong unti-unti ng bumabalik sa kanya ang nakaraan isa-isa naring masasagot ang mga tanong niya. Nagpasya siyang huwag ipaalam sa iba ang kanyang mga naaalala.

 

Isang gabi..

 

“Doris, kumusta na diyan? Naayos mo na ba? Good. Hopefully pagbalik namin diyan nasa plan B na tayo.  Yes, of course I’ll be the one to handle it..”

 

Doris..

 

Naalala ni Maya ang isang babaeng matangkad, mahaba ang buhok, at may bangs. May naalala din siyang bahay, matanda, kwarto, at isang kaganapan sa loob ng kwarto kasama si Richard..

 

Arghhh

 

Hawak ang kanayang ulo kumikirot na naman ito. She was caught by Richard eavesdropping dahil sa ingay niya kaya naputol ito sa pakikipag-usap sa telepono. Nilapitan siya at inalalayan para maka-upo sa sofa.

“Sumasakit na naman ang ulo mo? Ilang beses na ba yan?” Isang concern na Richard Lim ang nasulyapan ni Maya habang namimilipit sa sakit ng ulo. Di na niya nagawang sumagot kaya binuhat siya nito at dinala sa kwarto niya. He laid her on her bed saka kinuha ang gamot at pina-inom sa kanya. Binantayan siya nito hanggang sa makatulog na siya. Nagising si Maya ng madaling araw, nagulat siya ng makita si Richard sa tabi niya at nakayakap sa kanya habang nakasandal naman ang ulo niya sa dibdib nito. Di niya maintindihan ang sarili niya pero bakit parang pamilyar sa kanya ang ganoong eksena.

She looked up and saw him still asleep. Chance na niyang maaninag ng malapitan ang lalaki.

 

Hmmmm  I admit..gwapo ka din lalo na if di nakasalamin. If you would only smile often siguro mas lalo na..hayyy sino ka ba talaga Richard Lim?

 

Richard stirred. Kaya kinabahan si Maya, dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap kay Richard pero gumalaw it at mas lalo nitong  sinubsob sa kanyang dibdib ang ulo ni Maya. Sa pagkakataong ito lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Di niya maintindihan ang sarili.

 

Maya Dela Rosa..this is freaking bad! You are sleeping with your enemy !! Don’t tell me dahil lang dito gusto mo na siya? GUSTO?!.. NO! ..DEFINETLY NO!!!

 

Just then..Richard move, open his eyes,stared back at her and then he kiss her. Lingering the kiss till they are out of breath. The kiss travels down to her throat, then extends further to the top of her bossom. Still in shock. Maya remembered the familiar sensation, the kiss, the caress of his hand on her body…Now he is above her, staring down at her as if trying to read her soul…

 

NO!! This can’t be.. Richard..

 

“Maya.. ”

“Richard..please stop.” begging him

“Maya..” she saw the hurt in his eyes..Di niya maintindihan bakit pati siya nasasaktan din.

“Umalis ka na please…please..Ang bigat mo di na ako makahinga!!!”

 

😛😀😀

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers