The Garden and the Butterfly : Unmask

Nasa harap ng laptop si Maya, nagbabasa. Ina-absorb lahat ng information na nakukuha niya. Habang si Richard naman nasa kama, mahimbing na nakatulog . Ilang gabi na din siyang sa kwarto na ni Richard tumutuloy. This night lang siya nakahanap ng pagkakataon na masilip ulit ang lappy, ng naiwan itong bukas ni Richard. May password kasi itong inilagay kaya di niya basta-basta nabubuksan.

Habang binabasa ni Maya ang documents na nakita niya sa laptop ni Richard napaiyak ito. Di niya akalain na ang ilang taong pinaghirapan ng mga magulang niya para sana ipamana sa kanya ang biglang nawala at nabaon pa ito sa utang. Ang now the transfer of management is bound to happen. Pagbalik nila officially hindi na sa kanila ang Fashion Sense. Wiping her tears, she turned off the lappy ng biglang nagsalita si Richard.

“You know you can always ask me Maya..di mo kailangan mag imbestiga behind my back.” bumangon si Richard at nagbihis bago ito humarap sa kanya.

Napatitig siya kay Richard at parang di na niya kilala ito. Sinong mag-aakala na ang taong karenyoso, overprotective, at mapagmahal na Richard Lim na alam aniya ay nagbabalatkayo lang pala. Na isa pala itong  gahaman na businessman.

“Kung tinanong ba kita aamin ka?”

“Bakit hindi? I did told you before you left the office that day na pag-usapan natin remember? Pero ikaw ang nag walk-out. Now, ask and I will answer you..”

“Does it matter? Alam ko na..marunong ako bumasa at umintindi kaya di mo na kailangan mag explain.” di parin matapos-tapos ang pag-iyak ni Maya.

“Hindi lahat ng nababasa at naiintindihan mo lahat totoo.”

“Tama ka, hindi nga lahat totoo. Tulad mo, nung una kitang nakita akala ko mapgkakatiwalaan kita .. inintindi ko daddy ko sa desisyon niya thinking that he did that for my own good..pero mali ako.”

With that tumayo si Maya at iiwan na sana si Richard ng muli itong nagsalita.

“Maya, hindi din lahat ng nakikita pinapaniwalaan. At lalong hindi lahat ng nakikita yun na ang kabubuan. ”

 

Tumayo na rin si Richard at tinungo ang shower room, iniwan niya si Maya habang humahagulhol na ng iyak.

 

———–♦♦————-

Kinabukasan maagang nag-empake ng gamit si Maya.  Sinabihan din niya si Mamang na mag-ayos din ng gamit. Nagtaka pa ang matanda ng makitang mugtong-mugto ang mata niya.

“I want to go home.” sinabihan ni Maya si Richard habang sila ay nasa mesa kumakain ng agahan.

“No, you still can’t go.” sagot ni Richard habang tinutuloy ang pagkain at di tumitingin sa kanya.

“Please Richard ayoko na makipagtalo sa’yo. Dinala mo ako  dito kasi iniwas mo ako sa stress at ng gumaling na. Maayos na ako kaya uuwi na tayo.”

“Yes that’s true, and as you said ako ang nagdala sa iyo dito kaya kung may taong magdedesisyon kung kailan tayo aalis ako yon.”

“I told you magaling na ako. I’m fine kaya umuwi na tayo.”

“Yes you are fine, pero ako hindi pa. Maghintay ka kung kailan ko gustong umuwi. Huwag mong paandarin ang pagka bratty mo kasi alam mong di yan uubra sa akin.”

“Bratty? Ako? You know from the very start hindi ako ganun. Naging puppet nyo na nga ako remember?!!” galit na galit na si Maya at di na kaya pang makaharap si Richard kaya umalis na ng mesa at pumanhik sa kwarto niya. Sinundan na lang siya ng tingin ni Richard at Mamang.

“Sir, alam na ba niya?”

“Di pa lahat..kaya nga ayoko muna siyang bumalik. Kailangan pa naming mag-usap pero ayaw niya akong pakinggan.”

Sa loob ng kwarto ni Maya, umiiyak nanaman ito ng maalala ang sitwasyon niya. Gustong-gusto niya tumakas, magpakalayo-layo..Di niya maiwasang mangarap na sana di na lang siya gumaling para di na siya nasasaktan ng tulad ngayon.

“Maya, open the door.”

“Go away ..ayaw kitang kausapin” fresh tears are starting to flow down her cheeks the mere thought of him makes her heart heavy. Kahit pinagtabuyan na, pinihit parin ni Richard ang doorknob at binuksan. Nakita siya nitong umiiyak kaya napabuntong-hininga na lang ito. Pumasok ito sa loob at umupo sa gilid ng kama ni Maya, facing the wall habang si Maya naman ay nakahiga, nakayakap sa kanyang unan facing the other side of the room.

“Maya, kahit konting oras lang..di mo ba talaga magawang pakinggan ako?” hinintay ni Richard na magsalita si Maya, naghihintay sa sagot kung papayag ba ito o hindi. Wala siyang narinig mula nito kundi hikbi. Di man masabi ni Richard pero sa tuwing naririnig niya si Maya mas lalong sumisikip ang dibdib niya. He promise her dad na aalagaan niya ito, pero heto si Maya ngayon umiiyak.

“Maya do you honestly believe kaya kang saktan ng daddy mo?” di parin ito umiimik. Napatingin siya nito , hinihintay niya baka sakaling tatapunan din siya ng tingin at magkaka interes sa sasabihin niya. Pero wala parin kaya nagpasya siyang ipagtapat ang lahat kay Maya maniwala man ito o hindi.

” Maya, maniwala ka man o hindi sa sasabihin ko bahala ka na..yung nakita mo sa laptop ko hindi yun totoo.”

“Anong hindi totoo Richard?”

“Yung utang ninyo..”

“What? What do you mean, gawa-gawa mo lang yon?” she move to look at him nagulat sa narinig kay Richard.

“No! Of course not..Hindi yon ang ibig kong sabihin. Well yes totoo ang utang but matagal na yung bayad. You need to know something, sana di ka mabigla.”

“Ano pa ba ang hindi ko ikabibigla Richard? Sa dami ng di ko alam I think di na bago sa akin ang mabigla.”

“Listen.. involve si Jeff dito.”

“Richard, can you just leave Jeff  out of this.. you expect me to believe you kung wala naman siyang kinalaman sa company namin?”

“Yes, wala nga siyang kinalaman sa company ninyo but his dad..alam mo naman that his dad is the Chief Financial Officer of your dad’s company before . And above all one of his best friend.”

“You mean?..no ..no..there’s no way that Tito would do that to dad.” di makapaniwala si Maya sa narinig mula kay Richard. Emir Makavinta is her dad’s most trusted friend kaya nga naging Chief Financial Officer din ito ng business nila. Technically sa kanya pinauubaya ni Greg ang financial side ng business nila dahil sa laki ng tiwala nito kahit naba accounting graduate din ang mommy ni Maya.

“Tell me what happen Richard..lahat and please ..please no more secrets..”

Nalaman ni Maya that years ago nag loan ang parents niya sa banko to finance the growing need of his parent’s business. May ilang years ding nakakabayad ng maayos ang kumpanya since maganda din naman ang takbo ng business nila. And nung kinailangan ulit ng expansion ang negosyo umutang ulit sila, and dito na nagsimula ang lahat. After 2 years di na nababayaran ng full ang obligasyon sa banko, di maintindihan ng daddy ni Maya kung bakit gayong wala naman silang problema sa benta sa bawat products na nilalabas nila. Nagpa imbestiga ang daddy ni Maya with the help of Richard’s dad, who happen to be a very close friend din pala ng daddy ni Maya. They found out na ang perang nilalabas ng daddy ni Jeff ay hindi lahat napupunta sa pambayad sa loan, 30 % ay sa isang bank account outside the Philippines, naipon lahat ng utang for years kaya lumaki ng lumaki. Sinekreto lahat iyon ng daddy ni Maya hoping na magbago din ang daddy ni Jeff at baka may pinagdadaanan lang na financial crisis din sa family nito. Later they found out that they are putting a business sa US. Richard’s dad helped Greg pay his debt sa bank and sinekreto lahat yun, that time naman nagresign ang dad ni Jeff at nagpuntang States. Ang huling alam nito bago ng resign is papalugi na ang negosyo nina Maya so he is offering to help, mag iinvest daw sa Fashion Sense.

“What? Bakit pa siya mag iinvest if alam niyang papalugi na?”

“Because alam niyang hindi naman, even that time bago siya umalis akala lang niya di na makakabangon from the debt and that your father only needs someone to help him pay his debt..ikaw mismo alam mong hindi kahit di ka pa nagtake over sa company ng parents mo. Akala siguro niya na dahil iniwan niyang may utang kaya di na makakabangon. After 2 years nalaman niyang nag survive ang company at tinanggihan ang offer na financial help kaya nag iba ng strategy.”

“Strategy?”

“Yes..he wants your dad’s business so badly dahil alam niyang establish na ito sa market dito sa Philippines. His business sa US didn’t make it..now he is after your dad’s business.”

“And what is trying to do? Tinanggihan ni dad ang proposal niya di ba?”

“Yes.. that is the reason why Jeff came in the picture.”

“What?”

“Yes Maya .. you heard me right. Ginagamit ni Emir Macavinta ang anak niya.”

“And nagpagamit din si Jeff?”

“Sadly yes..and i think di ko na dapat sabihin kung ano ang susunod na mangyari..”

“That’s why dad decided that instead of Jeff ikaw na lang? “

Di inaasahan ni Richard and tanong ni Maya.

“Pareho lang kayong nagpagamit ..”

     Paano ko uumpisahan sa’yo Maya.. di ako katulad ni Jeff. Matagal kitang hinintay, matagal na.

“No, Maya..hiningi ko to sa daddy mo. Matagal na.”

Nagulat si Maya sa pag-amin ni Richard sa kanya kaya napatitig siya nito. Si Richard naman ay seryoso ang mukha na nakaharap sa kanya.

“But sa tingin ko di ito ang importante sa ngayon. .. ready ka na bang bumalik at harapin sila?”

“Babalik na tayo?”

“Oo, bukas. Di  na natin kailangang itago ang relasyon natin. From the very start hindi temporary ang kasal natin. I intended to keep it forever, pangako ko yan sa daddy mo that day when I ask your hand for marriage.” looking at him isa lang ang naglalaro sa isip ni Maya.

     After everything Richard di ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan o iwasan. I don’t know if our marriage will save us.

1 Comment (+add yours?)

  1. eijoj20
    Mar 12, 2013 @ 11:58:02

    huhu…..bitin nanaman ako next chapter na po please😦 ang ganda kasi talaga promise….thanks🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: