The Garden and the Butterfly : Better-half

After ng revelations ni Richard kay Maya nagdesisyon itong uuwi na sila kinabukasan. Di malaman ni Maya kung matutuwa ba siya or matatakot. Ayaw man niya aminin sa sarili pero nag-aalangan siya kung talagang kaya niya harapin ang mga taong naging dahilan kung bakit nasadlak siya sa kanyang sitwasyon ngayon.

“Maya, tomorrow pagbalik natin kailangan na natin ipaalam ang tungkol sa kasal natin. Prepare yourself for sure daming magtatanong.”

“Do I have to tell them the truth?”

“Ikaw ang bahala..but if you ask me, I think its best not to mention about what happened years ago kasi your dad tried his best na  hindi ito lumabas to protect you, the company, and kahit papaano yung pinagsamahan nila ng dad ni Jeff.”

“But if people are going to ask about the marriage, you know this happened because of that incident.”

“I told you that’s not the reason. ”

“Come on Richard.. stop pretending..”

“Why is it so hard for you to understand that Maya?”

“Because it doesn’t make sense!”

Biting his lips to prevent further arguments Richard let go of a big sigh. He admit, it doesn’t make sense for her..if only he could tell her the other reasons..but it’s not the right time yet.

“What? Are you just going to stare at me? ”

“Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas.” Richard turned off his lamp and turned to face the other side of the bed. Maya did the same.

 

     Huh? Uulan ata ah..wait..Great! Wala pa nga akong nahanap na masisilungan ..Uyy bakit andito kapa?  Nagtaka si Maya kung bakit kahit umuulan na di parin tumigil sa kalilipad ng paruparo. At mas lalo tuloy lumalabas ang ganda ng kulay nito. Ganda mo talaga, halika dapo ka muna dito para makasilong ka… Napangiti si Maya ng dumapo nga ito sa palad niya, na parang naintindihan nito kung ano ang kanyang gustong ipagawa sa paruparo. Itinakip niya ang kanyang kabilang palad at ng di na mabasa ang paruparo habang naghahanap ng masisilungan. “Bata! Dito..halika!” nakita ni Maya ang isang batana kumakaway sa kanya.

 

“Maya..Maya..wake up..” nangminulat ni Maya ang kanyang mata tumambad sa kanya ang gwapong mukha ni Richard.

 

     Sabi nila malalaman mo daw kung gwapo o maganda ang isang tao base sa kung ano ang itura nila kapag bagong gising..gwapo mo talaga. Yang singkit mong mata na parang nagsusuplado palagi..ang kissable lips  mo..ang matangos mong ilong..your smile..smile? Bakit ka naka smile? Di pa tayo bati ah!

 

Napabalikwas si Maya ng maalala na di pa pala niya napapatawad si Richard. Si Richard naman napangiti ng mapagtanto niyang kahit konti meron parin pala siyang kakaibang epekto kay Maya kahit pa ba sabihing galit ito sa kanya. Bumangon na rin ito at tumayo na ng kama.

“Ahhh..”

“Anong nagyari sa’yo?” Tanong ni Maya ng makita si Richard while stretching his arms .

“Sakit ng braso ko..di kasi kita pwede gisingin kagabi, himbing na himbing ang pagkakatulog mo sa braso ko..buti nga you moved your head sa may dibdib ko kundi ..”

“What? Di kaya totoo yun..” tanggi ni Maya.

“Okay di na totoo  kung ayaw mong umamin..sige na mauna kana sa shower kailangan nating maka-alis ng maaga.” dala ng hiya di na nagawang tumanggi ni Maya at mabilis itong tumayo at tinungo ang bathroom. Si Richard naman ay napangiti. Ang di alam ni Maya siya ang nagkusang gawin yun kay Maya ng nakaraang gabi. Gustong-gusto kasi niya na niyayakap si Maya pag natutulog na siya or else di siya gaanong makakatulog just like those nights noong di pa bumalik ang memory ni Maya. Gustong-gusto niya na naaamoy ang buhok ni Maya and the warmth of her skin next him. Somehow it relaxes him na parang naging  sleep therapy na niya.

When Maya is done, si Richard naman ang pumasok sa bathroom para magshower. Maya is relieve to know na makakapagbihis siya ng di naiilang kasi wala si Richard. Minutes later..

“Richard!””

“What?!” nagulat din ito ng bigla na lang sumigaw si Maya paglabas niya ng banyo.

“Anong ginagawa mo?”

“Anong ginagawa ko? Wala naman akong ginagawa ah..bakit ano ba gagawin ko?” nagtataka si Richard kay Maya.

“Ano yan?” sabay turo sa kanya, si Richard naman napatingin sa kanyang sarili.

“What?”

“Bakit ka lumabas ng ganyan?”

“Huh? Bakit ba?Eh, magbibihis ako”

“Magbibihis? Sana sinabi mo para lumabas ako!”

“Maya?! Ano ba!” tumawa si Richard ng maintindihan niyang naiilang si Maya na makita siyang hubad at towel lang ang nakatakip sa may beywang.

“Mag-asawa tayo, normal lang naman to di ba. And besides ilang beses mo na ako nakitang ganito, kita mo na nga lahat pati kaluluwa ko. Kung maka tili ka parang di mo rin ako sinisilipan noon ah.”

Hiyang-hiya si Maya sa narinig mula kay Richard. Naalala tuloy niya ang insidenteng yon. Di niya inaasahan wala palang underwear si Richard sa ilalim ng towel nito kaya ng tinanggal ni Richard ang towel kumaripas siya ng takbo papuntang kwarto niya. Di makapaniwala sa nakita niya.

“Nakakainis ka na talaga!” sabay talikod at alis ni Maya. Iniwan niyang tumatawa si Richard sa loob ng kwarto nila.

Umalis na sila ng San Nicholas. Sa pag-alis nila baon ni Maya ang mga magaganda ang di gaanong kaaya-ayang ala-ala ng  resort. Malungkot at iniwan niya ang isang magandang lugar at ang mga bagong kakilala. Di niya alam kung kailan siya muling makakapunta doon or kung makikita pa ba niya ulit ang lugar. Sa pagbalik sa realidad, may konting takot si Maya.. di na alam kong ano ang susunod na mangyayari, pero ngayon kahit papaano sa kanyang pagbabalik di na siya ang Maya Dela Rosa a.k.a Mrs. Maya Dela Rosa Lim na walang alam sa mga nangyayari noon.

“Don’t worry, I’m here to help you. Di kita pababayaan, haharapin natin sila ng magkasama. ” Richard assures her while holding her hand.

 

Can I really trust you Richard Lim? Are you really that kind of person? Your eyes tells me you are but somewhere in my mind tells me otherwise..

 

 ———-♦♦♦———-

Monday, sabay si Maya,Richard, Doris, at Simon na pumasok sa Fashion Sense building. The moment Rafi saw them she is surprise but manages to smile and welcome them.

“Thanks Rafi, by the way this is Mr. Richard Lim, my husband.”

“Hus-husband po ma’am? ” Maya smiles as if telling her what she heard was right.

“Uh..hello po Sir, I’m Rafi Alcantara the secretary of Mr. Dela Rosa and now for Miss..I mean Mrs. Lim.”

“Hello Rafi” Richard smiled at her and shook her hand. They then went inside Maya’s office while Doris and Simon stays outside.

“Rafi I think alam mo na ang tungkol sa change of management na naganap? I believe that while I’m away napaliwanag na ito ni Doris?”

“Yes, ma’am.. and nasabihan na din ang lahat dito sa Fashion Sense. Wala namang gustong umalis since sabi nila may-ari lang naman daw ang napalitan, when we assured them na yung sa salaries and benefits nila ay ganun pa rin wala namang nag render ng resignation except may konting kalituhan lang po..”

“What is that?”

“Meron kasi usap-usapan na sina Sir Jeff daw ang bagong may-ari? Di kasi namin ni-reveal ni Doris ang pangalan ng bagong may-ari and apparently may isang taong nag spread ng rumors about an incident daw that happen in a bar kung saan kasama mo si Sir Jeff..rumors says you two are dating daw. Sorry if ako pa ang nagsabi nito but I think you should know this.”

“Walang katotohanan yung tungkol kay Jeff. That incident when that happened  kasal na kami noon ni Richard..even before pumasok ako dito. Sinekreto lang namin yun. About the new owner, tell them its Mr. Richard Lim.”

“Okay ma’am..ahhh ma’am I’ll write a notice about it and pass it to the different department ..pero Ma’am sino na po ang ilalagay kong mamamahala..is it you or si Sir?”

“Of course Rafi si Maya parin. I have other businesses to attend.”

Di makapaniwala si Maya sa narinig. Ang buong akala niya si Richard na ang hahawak ng Fashion Sense.

“I’m sure sasaya ang mga tao dito to know that she will still stay with us. All these time ang worry lang naman namin mawalan ng isang mabuting employer. I’ll go ahead, Ma’am..Sir excuse me po.’

Ngumiti lang si Richard kay Rafi. When the door close tiningnan niya si Maya and saw her teary eyed.

“Maya, what happen? Why are you crying?”

“I thought..”

“Thought what? Na mawawala na ang Fashion Sense sa inyo? No! Pangalan ko lang naman ang hiniram dito..lahat ng to sa’yo parin..pinaghirapan to ng parents mo di ko kaya kunin sa iyo ito.”

“Thank you .. di mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.”

“And I am more than happy to finally have you in my life..sana tandaan mo yon.”

Di man kayang sabihin ni Maya kay Richard pero nagpapasalamat siya na sandaling iyon pilit nitong binubura ang mga pag-aalangan niya sa kanya. For the first time nagpapasalamat siya na si Richard Lim ang dumating sa buhay niya at hindi iba.

7 Comments (+add yours?)

  1. itsmekhaye12
    Mar 14, 2013 @ 14:12:28

    Mama con.. san na next?

    Hehe..

    Reply

  2. miganne
    Mar 13, 2013 @ 12:32:49

    ate con ..yong kasunod na ..,hehehe ataters lang😀

    Reply

  3. eijoj20
    Mar 13, 2013 @ 09:04:15

    ang ganda na iyak ako sna ma post agd yung kasunod thanks🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: