Secrets 2

dfayette565

Photo credit to Donna Gagarcruz.

Maya stormed out of the police station. Di siya makapaniwala sa nangyari, siya na nga itong muntik na mabiktima na akusahan pa siyang kasabwat ng magnanakaw. Gigil na gigil talaga siya sa saleslady kanina. Nagmamaneho na siya pabalik ng school ng mag-ring ang cellphone niya.

“Simon! Pabalik na ako dyan sa school. What? Oh yes, sasabihin ko pa sana sa’yo ang nangyari … ano? sinong maysabi niyan? yung babae? of course not! basta antayin na lang kita sa school pagkagaling mo dyan. “

Nalaman ni Maya na pinapunta ng presinto ang kaibigan niya. Naalala niyang iniwan pala niya ang contact number ni Simon sa pulis kanina kaya siguro pinapunta doon ang kaibigan niya.

Pagdating sa school agad nag report si Maya sa principal at nangako naman itong tutulong sa kanya. Sa sobrang inis niya pati ang mood niya sa klase  naaapektuhan din.

Naglalakad si Maya pabalik ng faculty office, uwian na ng mga estudyante niya kaya maingay na sa lobby ng school. May narinig si Maya na tumatawag sa kanya kaya huminto ito at lumingon sa likuran.

“Maya!” ngumingiti ito na parang nanunuya pa habang papalapit sa kanya.

“Simon wala ako sa mood kaya huwag mo ako umpisahan.” wika ni Maya ng makalapit si Simon sa kanya.

“Relax, okay na yung problema mo. Napaki-usapan ko na yung saleslady.” pagpapaliwanag nito sa kanya.

“Pakiusap? Ano yun? Sana hindi pakiusap yung ginawa mo para namang guilty talaga ako.”

They started walking again, side by side till they reach the office. Umupo si Maya sa mesa niya at inaayos ang mga gamit habang si Simon naman ay nasa sarili nitong mesa. Andun na rin ang mga kasama nitong mga guro na sina Doris, Sabel, at Joma. Sila yung mga kasamahan niyang sobrang malapit sa kanya at kung merong gimikan sila yung parating ka-join forces ni Simon sa pagkumbinsi sa kanyang sumama.

“Girl ano yung nabalitaan kong nangyari sa’yo kanina sa store habang kinukuha yung gamit para sa department mo?” tanong ni Sabel habang sinusuklay ang bangs niya.

“Ay oo nga, nagulat naman ako ha.” dagdag ni Doris habang nag-aayos din ito ng gamit sa sariling mesa.

“Hay naku! Biruin ‘nyo napagkamalan akong kasabwat ng magnanakaw?”

“Ano? Bakit?Magnanakaw ng alin daw” tanong ni Joma na nakaupo sa  ibabaw ng mesa ni Maya habang iniikot-ikot ang ballpen nito sa daliri at nakatingin sa kanya.

“Magnanakaw ng bat!” sagot naman ni Simon habang tumatawa at tinuturo pa si Maya. Sabay nagtawanan ang mga kaibigan kaya lalong na-imbyerna si Maya.

“Maya naman..alam namin love mo ang subject mo pero bakit humantong sa pagnanakaw sa bat?” dagdag na biro ni Sabel sa kanya.

“Ano ba!! Tama na nga yan..please! Sige kung di kayo titigil di ako sasama mamaya sa gimik ninyo.” sambit ni Maya para lang huminto na sa pang-aalaska ang mga kasama niya.

“Hoistt Doris,Sabel sasama na daw kaya tumahimik na kayo.” Saway ni Joma sa dalawang makulit na kasama. Huminto naman ang dalawa at tinakpan pa ang mga bibig para pigilan ang tawa nila.

Nang dahil sa nangyari sa Tony’s napasubo si Maya para sumama sa opening ng restobar. Pagpasok pa lang andami na ng tao kaya muntik ng mapa-back out si Maya kaya namn sinadya ng mga kasama nitong siya talaga ang mauna para may haharang sa kanya sakaling aatras siya.

“Simon..” tawag ni Maya sa matalik na kaibigan.

“Kalma ka lang. Ano ba huwag ka ngang pahalata na taga-bundok ka.” tumawa pa ito matapos siyang biruin.

“ehhh alam mo naman di ba..”

“Oo nga..di bale meron na tayong nakareserba na kwarto kasi di ba kaibigan ko ang may-ari nito.”

“Oo nga Maya,tsaka andito kami noh ano ba.”

Di kasi kumportable si Maya pag madaming tao kaya umiiwas siya sa mga ganitong lugar, bata pa lang may ochlophobia na siya o yung takot sa mga matataong lugar. Buti na lang andun din ang mga kaibigan. Habang papasok nasa likod siya ni Simon nakakapit parang batang takot na takot. Todo supporta naman sina Doris at Sabel na naka-kapit din sa kanya sa may likuran at gilid niya. Tinawag ni Simon ang waiter at nang malaman nito ang pangalan niya agad naman silang dinala sa isang exclusive room.

“Hayy salamat” agad nasigaw ni Maya pagkapasok sa loob ng kwarto.

“Ano ka ba naman Maya para kaming may dalang bata nito..alagain ang peg!” sabi naman ni Doris pagka-upo nito sa sofa.

Isa palang KTV room ang pinagdalhan ng waiter kina Maya kaya tili naman ng tili si Sabel dahil may nakitang mic.

“Ayan na!!!!!! Pipili na ako, hoist ako ang maunang kumanta ha.”

“Jusme Sabel, maghunos dili ka hoy! Baka meron makadinig sa’yo sa labas akalain may biik dito na kinakatay!”

“Tsehh! Kahit kailan talaga kontra ka.” reklamo naman ni Sabel habang pumipili ng kanta sa songbook na nakita.

Tumawa na lang sina Maya, nasanay na kasi sila sa ingay ng dalawa. Parang hindi mga guro kung umasta. Pero sa school nabansagan itong mga terror dahil sa kasungitan. Nakigulo na din sila sa pagpili ng kanta ng dumating ang waiter para kunin ang order nila. Pagkakuha ng order, agad naman itong umalis ng kwarto.

“Simon, sino ba yung kaibigan mong sinasabi mong may-ari nito? Ang yaman siguro ano kasi parang di man lang natagalan sa pagpagawa ng restobar at saka yung mga gamit dito sa loob halatang mamahalin lahat. At nakita ko yung presyo may kamahalan din ha, sana nga tumagal pa to kasi parang ito yung kauna-unhang restobar dito sa bayan natin. Tatangkilikin talaga to ng mga tao.”

“Oo nga eh.. mamaya dadaan daw yun dito. Baka busy pa sa mga tao sa labas. Swerte natin pinagbigyan akong kumuha ng isang ktv room. Pang VIP lang kaya to ngayong gabi. Actually na meet ko siya noon pa sa Maynila. Na-sorpresa talaga ako ng malaman kong kanya pala to. Nagkita kasi kami the other week at yun nga nang-imbita..ayoko naman palampasin to noh, minsan lang kaya to di ba.”

Maya -maya lang dumating na ang mga order nila kaya nagsimula na silang kumain at kantahan na rin. Buti na lang talaga sumama si Maya, kahit papaano ay nawala ang inis niya sa nangyari kanina. Nasa kalagitnaan na sila ng kasiyahan ng may kumatok at bumukas ng pinto.

Isang lalaking matangkad, maputi, nakasalamin, at gwapo ang pumasok. Naka-smile ito kaya mas lalo tuloy itong gumwapo dahil lumabas ang dimples nito sa pisngi. Lumapit si Simon nito at nakipagkamay.

“Simon! “

“Richard! Salamat talaga for inviting us here. Super nag-eenjoy na kami. Halika ipapakilala kita sa mga kasama ko.”

Dahil naka-upo si Maya nahaharangan na siya ni Joma na nakikipagkamay kay Richard ng pinakilala ito ni Simon.

“This is Doris and this is Sabel”

“Hi Doris..hi Sabel..which is which?” tanong ni Richard sabay lahad ng kamay habang nakatawa sa dalawang nag-uunahang babae.

“Ako si Doris” nakipagkamay si Doris kay Richard.

“At ako naman si Sabel” ito naman ang nakipagkamay kay Richard.

“I’m Richard, thank you at pumunta kayo ngayong gabi. I hope nag-eenjoy na kayo dito.”

“Mga kasamahan ko sila sa San Nicholas High School. And ito din pala ang bestfriend ko, kasama ko din sa school, Maya..this is my friend Richard.”

“Hello..heyy!” napalakas bigla ang boses ni Maya sabay turo kay Richard nang makilala ito.

“Ikaw?!” nagulat din si Richard ng makita siya.

“Oo ako bakit?!”

Sabay napatingin kay Simon si Maya at Richard na nagulat dahil sa sigawan ng dalawa.

“Kilala mo siya Simon?” sabay na tanong ni Maya at Richard kay Simon, nakatayo silang dalawa na nameywang pa habang nagtatanong.

“Bakit di mo sinabi?” sabay ulit nila.

“Teka!” sagot ni Simon habang nakataas ang mga kamay para huminto sa kakatanong ang dalawa.

“Malay ko ba magkakilala din kayong dalawa” depensa ni Simon sa sarili niya. Still nagtataka kung paano sila nagkakilala.

“Anong magkakilala..hindi ah!” sabay ulit nila.

“Hanep ah, magkasabay..” sabi ni Doris.

“Nakakatuwa..para lang ni-rehearse yung lines!” sagot naman ni Sabel kay Doris tapos hagikhikan silang dalawa kaya pingot ang inabot nila kay Joma.

“Magsitahimik nga kayo, tingnan ‘nyo si Maya at si Richard oh di natutuwa.”

“Simon, let’s go.” yaya ni Maya habang dinadampot ang bag niya.

“Where are you going?” tanong naman ni Simon na mukhang nag-aalala na.

“Uy girl, nagbibiro lang kami. Huwag ka namang pikon para namang di ka sanay sa amin,sorry naman!” pangungumbinsi ni Doris kay Maya para di na ito umalis.

“Bakit ka aalis?”

“Simon, heto lang namang lalaking to ang dahilan kong bakit ako napasyal ng presinto kanina. Siya yung nagsabi sa pulis kanina na kasabwat ko ang magnanakaw na muntik ng magnakaw sa sasakyan ko.”

“What? totoo ba yun Richard?”

“Yes..sabi kasi ng saleslady na may kinuha daw siyang bat at lumabas siya bigla ng store namin kaya akala namin magnanakaw siya at dahil naabutan namin siya sa parking area kanina while she tries to stop him from opening the car akala namin drama lang nila at para di mahalata nagkunwari itong hinuhuli ang lalaki. Di ko naman kasi akalain kaya niyang patumbahin yung gagong yon.”

“Naku brod, mali ka. Teacher yan si Maya, P.E teacher actually and moderator ng Martial Arts Club kaya marunong din sa self-defense.” paliwanag ni Simon sa kaibigan.

“Simon please umalis na tayo.” yaya ni Maya na nasa pintuan na.

“Miss look..ayoko ng gulo especially na opening night ngayon so please stay. Sorry sa nangyari kanina, pinaliwanag na sa akin ng saleslady kanina sa store. Please stay, ako na lang lalabas since madami din akong bisita na nasa labas nag-aantay sa akin to join them sa table nila.”

“Oh Maya halika na, di  ka din makakalabas diyan kasi di kami sasama sa’yo. Alam naman naming di ka lalabas ng pinto pag wala kami eh.” pananakot naman ni Doris kay Maya. Alam na alam kasi nitong takot sa maraming tao si Maya kaya nakakita ng paraan para di na umalis ang kaibigan. Wala namang nagawa si Maya, bumalik ito sa inuupuan kanina sa sofa habang si Richard naman ay nagpaalam na at lumabas na.

Ilang oras ding nanatili sina Maya sa loob ng restobar. Enjoy na enjoy sila sa pagkanta at pagsayaw maliban kay Maya na nasira ang mood dahil sa nangyari. Inaaliw siya ng apat pero di talaga mawala sa isip niya ang nangyari.

     Richard! Pangalan mo pa lang nag-iinit na ako. May araw karin sa akin. Di talaga ako matatahimik sa ginawa mong panghihiya  sa akin!

Photo Credit to Donna Fe Gagaracruz. Visit her blog by clicking here.

5 Comments (+add yours?)

  1. Charmaine Angeline Calimlim
    Mar 19, 2013 @ 09:03:30

    nag-iinit talaga sis ah! hmmmm…🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: