Secrets 3

Monday morning, nasa 2nd period na ng klase nang pinatawag ulit si Maya ni Mr. Santos sa opisina nito. Pagkatapos mag-assign ni Maya ng isang estudyante para tumingin sa buong klase habang wala siya agad itong nagpunta ng Principal’s office. Pagpasok doon ay nakita nitong  maykausap ang principal sa telepono kaya naghintay muna siyang matapos ang pakikipag-usap ni Mr. Santos saka siya nagsalita.

“Good morning po Sir. Pinatawag ‘nyo po ako?” tinuro ng principal ang upuan sa harap niya kaya umupo na si Maya.

“Yes, Ms. Dela Rosa. About sa gaganaping sportsfest ng school, since ikaw ang in charge sa P.E department you have to prepare for the program . And I would like to remind you about the intramurals din.”

“Oo nga pala Sir, sige po Sir mamaya ipapasa ko yung report para sa gagawing sportsfest and yung sa intrams narin kung ano pa yung mga kailangan ng students i will also include it sa report.”

“Okay. By the way since di mo nakuha last time sa Tony’s yung mga gamit sa department mo bumalik  ka doon mamaya.”

“Sir? Ako po?” medyo tumaas ang tono ng boses ni Maya kaya napataas ang kilay ng kaharap niya.

“Oo ikaw, bakit wala namang ibang mas may alam kung ano ang mga kakailanganin sa department mo kundi ikaw di ba. ”

“Pero Sir, alam mo naman yung nangyari last time di ba.”

“Oo, pero nag sorry na naman sila sa iyo di ba. Kung ayaw mo magpunta mag-isa magpasama ka na lang ng co-teachers mo.”

“Pero Sir..”

“Wala ng pero pero Ms. Dela Rosa..its either ikaw ang kumuha or ipa-cancel na lang natin yung ex-deal.” itinaas ni Mr. Santos ang kamay niya to dismiss the issue. Wala ng magawa si Maya kundi magbuntong-hininga. Wala naman siyang choice, matagal na nilang hinihintay ang mga gamit na yon and she can’t afford to lose the chance of getting them just because of her personal reasons.

“Okay Sir, dadaan ako doon mamayang hapon. Paki-inform na lang po sila na may pupunta doong limang guro ninyo.”

“Lima?”

“Yes Sir, mahirap mag-isa Sir.. mabuti na rin yon para kung sakaling ipapakulong nila ulit ako may mga kasama akong limang kakilala ko.”

Mr. Santos scoff and shake his head. Si Maya naman di pa man nakakabalik sa Tony’s nag-iinit na ang ulo. Ilang sandali lang at nagpaalam na si Maya sa principal at bumalik sa klase niya.

 

Lunch time, sa canteen ng school.

 

“Mamaya?” tanong ni Simon kay Maya. Nasa iisang mesa sila kasama nina Joma, Doris, at Sabel kumakain ng lunch ng ibinalita ni Maya sa kanila na meron sila pupuntahan mamayang hapon pagkatapos ng klase.

“Eh bakit pati kami kasali?” tanong din ni Sabel sa kanya habang sumusubo nag pagakin.

“Girl, kaya mo na yan..” sabi naman ni Doris.

“Ano ba naman kayo, samahan ‘nyo na lang ako please. Alam ‘nyo naman yung nangyari last time di ba. Baka pagbintangan na naman ako ng kung anu-ano, mabuti na yung may kasama ako.”

“Teka Maya, ibig mong sabihin bahala na kung pagbintangan ka ulit basta kasama mo kami?” tanong ni Joma kay Maya, umiinom ito ng tubig sa baso niya.

“Oo, mahirap kaya mag-isa. Di ba sabi ‘nyo palagi kapit bisig?”

“Ano yon Maya, kapit bisig hanggang sa kulungan?”  tanong ni Doris.

“Oo..” maikling sagot ni Maya habang sinusubo ang pagkain sa bibig niya.

Napatawa ng malakas si Simon habang si Joma muntik ng maibuga ang iniinom na tubig sa harap ni Sabel mabuti at naka-ilag ito.

‘Oi Joma ha, umayos ka..alam kong makulit tayo pero pag andito sa school di mo ako pwedeng gina-ganun  ganun lang hmmm” pagbabanta ni Sabel sabay akmang babatukan si Joma.

 

Tumawa si Maya, kapag ganoong kinakabahan siya tanging ang mga kaibigan niya ang nagpapakalma sa kanya. Tawanan at kulitan lang ng mga ito napapawi ang nararamdaman niya. Di niya maintindihan pero iniisip pa lang niya na babalik siya sa Tony’s parang may kakaiba siyang nararamdaman na di niya maintindihan.

 

———- ♦ ♦ ♦ ———-

“Miss..siguro naman natatandaan mo pa ako?”

tanong agad ni Maya ng humarap sa kanya ang saleslady na nakaharap niya noong unang punta niya sa Tony’s. Nakita niyang medyo namula ang babae ng makilala siya kaya medyo ngumiti na lang si Maya dahil sa bahagyang naawa siya sa saleslady.

“Good afternoon po Ms. Dela Rosa. Sorry po sa nangyari noong nakaraang araw. Sorry po talaga.” bumuntong hininga na muna si Maya bago uli nagsalita.

“Miss, sana di na uli mangyari yon.  Pinapatawad na kita, sa sususnod siguraduin mo yung nirereport mo sa may-ari ha para di tayo parehong naaabala at napapahiya. Anyway, na-inform na kayo na may dadaan dito para kumuha ng gamit?”

“Hmmm wait lang po ha. ..” umalis sa harap counter  ang babae at may tinawag sa loob ng isang maliit na kwarto. Nang bumalik ito nakasunod na ang isang lalaki.

     Richard!

“Simon! Good afternoon brod!” nagkamay ang dalawa bago ito humarap kay Maya at ngumiti. Agad napansin ni Maya ang dimples ni Richard at ang singkit nitong mata na sabay ngumingiti sa labi niya. Medyo na bothered si Maya sa nakita, amin ni Maya attractive si Richard. Ma-dimple at singkit na lalaki ang isa sa mga katangiang gustong-gusto ni Maya sa isang lalaki.

“Hello Ms. Dela Rosa, so kukunin ‘nyo na yung gamit sa school?” tanong ni Richard na parang walang nangyari sa kanila nung nakaraang araw.

“Yes Mr. Richard..”

“Lim..Richard Lim..” reaching out his hand for a handshake. Medyo nagtataka at naiilang si Maya na tanggapin ito pero pinagtitinginan na siya ng mga kasama na parang iniuutos ng mga mata nila na tanggapin ang kamay nito.

“Sana kasabay sa handshake ay ang paglimot sa nangyari noon?” sabi ni Richard sa kanya habang hawak ang kamay niya.

“Let’s pretend this is the first time that we meet..pwede ba yun Ms. Dela Rosa?” naiilang  pero di na siya pwedeng mag inarte pa, boses pa lang ni Richard parang naglalambing na. Biting her lower lip and with a heavy sigh, she nodded.

“Thank you. .” binitawan na ni Richard ang kamay niya kaya parang nabunutan na siya ng tinik at nakahinga ng maluwag. Habang hawak kasi ni Richard ang kamay niya at nakatitig sa kanya para siyang nanghihina.

“Pwede na ba kami pumuli?” agad niyang tanong para maka iwas na sa nakakailang na sitwasyong iyon.

“Sure.. Liza..” tawag ni Richard sa attendant.

“Sir?”

“Paki-assist sa kanila.”

“Sige po sir ..Dito po tayo Ma’am” dinala siya ni Liza sa lane ng ibat-ibang gamit pang sports.

Dumaan ang isang oras at sa wakas natapos na rin ang pamimili nina Maya. Sa dami nito at 5 pa silang magkakasama sa sasakyan ni Maya di ito nagkasya kaya nag-offer si Richard na tulungan sila. Ang ibang gamit ay doon isinakay sa kotse ni Richard kasama si Joma at Doris habang ang iba naman ay sa sasakyan ni Maya, kasama naman niya doon sa sasakyan niya sina Simon at Sabel. Inihatid nila ang mga ito sa school. Dumiretso sila sa gym at doon dinala ang mga gamit, dahil si Maya ang incharge, kinailangan niyang icheck at ilista ang mga dala nito para din magawan ng report at maipasa sa principal nila kinabukasan, kaya iniwan na siya ng mga kasama at nagpaalam na pupuntang faculty. Nang matapos at maiayos sa lalagyan ang mga dinala ay lumabas na ito ng gym at tinungo ang opisina nila para makasama na ang mga kaibigan, nabungaran niya sa faculty room si Richard habang naka-upo sa silya sa harap ng mesa ni Simon. Buong akala niya umuwi na ito.

“Maya, mabuti at andito ka na. Kain muna tayo bago tayo umuwi pwede ba? Nagugutom narin kami eh.” tanong ni Doris sa kanya.

“Oo nga,  pinahirapan mo kaya kami kaya ilibre mo kami ha.” dagdag ni Sabel.

“Anong pinahirapan Sabel eh parang yung volleyball lang kaya dala mo kanina gusto mo lang talaga ilibre ka ni Maya.” saway agad ni Joma kay Sabel.

“Oo nga, nagpatulong ako sa box na dala ko kanina nagkunwari kang di mo narinig..”

“Oo na..alam ko naman di ninyo ako titigilan kong di ko kayo pagbigyan. Saan tayo?”

“Ba’t di nalang doon sa restobar ko? Ako na lang ang manglilibre sa inyo.” Richard offered kaya agad namang sumang-ayon si Simon.

“Oo nga, kain na lang tayo ng dinner para pagdating sa bahay di na kailangan pang magluto.”

Since lahat naman ay parang sumang-ayon sa suggestion ni Richard, kahit tutol si Maya deep inside, pumayag na rin siya. Nagpunta sila sa restobar. Dinala sila ulit sa isang private room na parang mga VIP kung ituring. Tahimik lang si Maya, nakikinig sa mga kasama habang kumakain ng napansin ni Richard at nagtanong kay Simon ng pabulong.

“Ganyan ba talaga siya katahimik?” sabay nguso nito kay Maya, si Maya naman ay walang kamalay-malay habang kumakain at ang mga mata ay nasa pinggan lang niya. Ngumiti si Simon sabay iling.

“Makulit yan, siguro naninibago lang kasi ngayon ka lang nakasama samantalang itong sina Sabel at Doris kahit saan talaga di sila mapatahan.” bulong naman ni Simon kay Richard.

Ilang oras pa silang  nanatili doon sa restobar bago naghiwalay. Si Maya inihatid si Simon sa bahay nito since madadaanan naman nito ang bahay ng kaibigan. Pagkababa bigla itong may naalala kaya tinawag muli si Maya.

“Bakit may nakalimutan ka?”

“Ahh..huwag mo akong batukan ha.” warning nito.

“Bakit?”

“Kasi..yung number mo pala binigay ko kay Richard.”

“Ano? Loko ka talaga..bakit mo yon ginawa?”

“Ehhh…di ba friends na naman kayo? Tsaka..feeling ko may-gusto sa’yo yung tao.” sabay takbo ni Simon na tumatawa papasok ng gate nito.

     Loko-loko ka talaga..tahimik ang buhay ko guguluhin mo lang ata.

Kaka-start pa lang niya ng kotse ulit ng biglang tumunog ang cellphone niya. Number lang ang nakita kaya di niya ito sinagot at baka si Richard na ang tumatawag. Ilang ulit rin itong nagriring bago huminto.

Papasok ng gate si Maya ng tumunog ulit yung cellphone niya ng makitang ang lola niya ang tumatawag agad itong sinagot.

“Nana!”

 

Masaya si Maya at muling naka-usap ang lola niya. Minsan na lang niya ito nakakausap at kung tumawag naman ito ay hindi nagtatagal kaya nilulubos niya ang pagkakataong nakakausap niya ito. Bigla tuloy niya naalala ang Saint Vincent at ang naiwang buhay doon. Alam niya balang araw makaka-uwi din siya doon, kung kailan hindi pa niya alam.

Nasa loob na siya ng kwarto niya ng matapos ang tawag ng lola niya. Pagpasok ay inilapag ang gamit at cellphone sa mesa saka pa siya nagbihis. Nagriring nanaman ang cellphone niya at ng makitang number lang ito bigla siya kinabahan, ilang sandali pa di parin ito tumatahimik kaya pinulot niya ito at sinagot baka kasi di naman si Richard ang tumatawag at emergency ito.

“Hello?”

“Hello..Maya?”

“Yes, sino to?”

“It’s me..” Nang mabosesan mas lalo pa kinabahan si Maya..

 

“Let’s talk! Maya, you..” di pa man tapos ang sasabihin ng taong nasa kabilang linya agad pinatay ni Maya ang cellphone niya.

 

Not now..Ayoko! Leave me alone!

 

Napa-iyak si Maya ng maalala ang lola niya. May halong takot at pag-aalala, pinipilit niyang huwag mag -isip ng negatibo pero di parin niya maiwasang mag-alala

 

Nangako ako tutuparin ko yon! Please huwag mo na ngayon..please..

 

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Maya iyon  habang inaalala ang mga sandali sa kanyang nakaraan.

 

 

 

 

 

 

2 Comments (+add yours?)

  1. charmtaz24
    Mar 20, 2013 @ 17:24:06

    AY! may ganon?! hala!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: