Secrets 4

Abala si Maya sa preparation ng sportsfest,  nasa gym siya kasama ang officers ng SBO ng high school conducting a meeting. Since siya ang chairman sa event siya din ang nag designate ng iba’t-ibang committees and in-charge nito. Kaliwa’t kanan ang mga  tasks na dapat pa niyang tapusin at medyo malapit na rin ang event. Biglang tumunog ang phone niya, huli na ng naalala niyang iniiwasan pala niyang sumagot ng tawag kaya itinuloy na lang niya ulit ang pagsagot ng cellphone niya kaya bigla nahinto ang meeting niya with the ofiicers.

“Hello?”

“Hi Maya?”

“Yes it’s me, sino to?”

“It’s me Richard.. Richard Lim, hope you still remember me.”

 

Richard Lim..of course paano ba kita makakalimutan..

 

Nasa-isip ni Maya. Pumasok sa isipan ni Maya si Simon. Ang dahilan kung bakit ito at may isang taong nangungulit sa kanya ng tatlong araw na.

 

“Maya, are you still there?” tanong ni Richard sa kabilang linya ng di na siya ulit nagsalita pa. Gustong-gusto ni Maya patayin ang cellphone niya at ng matapos na ang tawag pero ayaw naman niyang mambastos ng taong wala namang ginagawang masama sa kanya kundi makipag-kaibigan lang.

“Yes..ummm Richard napatawag ka?”

“ahhh kasi nakapatay ang phone ni Simon, gusto ko sana siya maka-usap about something..kasama mo ba siya?”

“Ahh wala eh, nasa gym kasi ako ngayon. At this time nasa faculty na  yon. May ipagbibilin ka ba?”

“mmm di bale na baka daanan ko na lang siya diyan. Tapos na klase ninyo di ba?”

“It’s past 5 na kaya wala na ng class si Simon. Sige Chard, I have to go kasi naghihintay mga students ko. I’m in the middle of a meeting din kasi.”

“Uh, sorry naabala pa kita.Sige thanks for answering my call kahit busy ka.”

“Okay lang. Sige, bye..”

“Bye Maya.”

Pagkababa ay bumalik na si Maya sa meeting niya. Pasalamat si Maya at puro responsible ang mga katuwang niyang SBO kaya di na siya mahihirapan sa ibang gagawin.  Umabot din ng two hours ang naging meeting nila kaya madilim na ng pina-uwi niya ang mga ito.

“Ingat sa daan kids ha. ”

“Thank you po Ma’am. Di pa ba kayo uuwi?” tanong ni Nikki, ang secretary ng SBO.

“Hindi pa eh, may tatapusin lang ako sa office saka na ako uuwi.”

“Naku Ma’am kaya wala kang lovelife niyan kasi puro na lang kayo overtime dito sa school.” biro ni Niccolo.

“Oo nga eh..baka pwede ‘nyo ako ireto sa mga uncles ninyo at ng magkakulay din buhay ko?” ganting biro ni Maya.  Ganito kasi palagi ang naririnig niya sa mga estudyante niya. Di niya alam kung bakit ang lovelife niya ang nakikita gayung di lang naman siya ang single sa mga teachers. Siguro kasi, unlike sa  iba siya lang ang di pa nila nabalitaan na nagkaboyfriend na.

“Kayo talaga, si Ma’am nanaman ang nakikita ninyo, tayo na at gabi na oh. Alis napo kami Ms.Dela Rosa, ingat din po kayo” Saway ni Luke sa kanyang mga kasama.

“Okay,ingat din kayo. Yung mga list ng maglalaro I expect them to be finalize before Friday ha.’

“Yes, Ma’am.” sabay-sabay na sagot nila saka tumalikod at naglakad palabas ng gym.

Pinupulot na ni Maya ang mga gamit na nasa sahig ng nakita niyang pumasok ng gym ang janitor.

“Mang Ben! Sorry at medyo natagalan kami. Naghahanda na kasi kami para sa Sportsfest.”

“Okay lang po yun Ms.Dela Rosa..ako na po bahala dito.”

“Salamat po. Sige po alis napo ako. Ingat po kayo dito Mang Ben.”

“Sige po. Ingat din po kayo Ma’am.” ngumiti lang si Maya saka tumalikod at naglakad palabas ng gym.

 

Nagpunta na siyang faculty room, pagdating doon ay nadatnan ang mga kaibigan na masayang nagkukwentuhan kasama si Richard. Napakunot noo siya kung bakit andun na naman ang lalaking iyon.

“Girl halika na..tagal mo naman.” tawag ni Doris kay Maya.

“Hi!” bati naman ni Richard sa kanya sabay ngiti.

“Hello” ngumiti din siya, sabay lapit sa mesa niya at upo. Inilabas niya ang mga bond papers na nasa loob ng drawer para magsimulang magsulat ng inawat siya ni Sabel.

“Hoy hoy hoy..ano ang gagawin mo?”

“Magsusulat ng criteria para sa Sportsfest… bakit?”

“Ha? Ano ka ba, anong oras ba tayo uuwi?”

“Ha? Ako ba hinihintay ninyo? Kala ko may tinatapos din kayo kaya di pa maka-alis.?” nagtatakang tanong ni Maya sa mga kaibigan.

‘Maya naman..ikaw ang maysabi kanina hintayi ka namin.” sagot ni Simon sa kanya.

“huh? sabi ko yon?” napa-isip bigla si Maya pero wala talaga siyang naalala na sinabi niya yon sa kanila. Ang naalala lang niya ay ang mga dapat niyang tapusing trabaho.

“Maya halika na.” iniligpit ni Doris at Sabel ang mga gamit niya sa mesa habang si Simon naman ay hinihila na siya papalabas ng faculty. Si Joma naman at Richard ay nakasunod sa kanila habang nakatawa.

 

Nasa loob na siya ng sasakyan niya habang si Simon ang nagmamaneho. Silang dalawa lang ang nakasakay at nasa sasakyan ni Richard ang tatlo naki-angkas.Di niya alam kung dapat ba siyang mainis dahil may trabaho siyang napending o magalit at pilit siyang pinagdi-date ng mga kaibigan with Richard.

“Simon ano ka ba naman. Alam mo naman hindi pwede di ba.”

“Maya assuming ka, gusto lang naming kumain ng libre!”

“Ang sama ‘nyo talaga at dinadamay ‘nyo pa ako! May tatapusin pa akong trabaho kinakaladkad ninyo ako sa mga gimik ninyo.” tumatawa pa si Simon bagay na mas nagpapainit ng ulo niya.

“Hindi..kanina kasi ng pagdating ni Richard nagkataong andun din yung tatlo kaya pati sila inanyayahan narin niya. For the boys lang sana kaso napasubo si Richard sa pag-imbita. Wala kasi yong mga kakilala dito sa San Nicholas kaya ako ang laging na-aanyayahan. Nakikipag kaibigan lang yun sa atin.”

“Ahh bakit saan ba siya galing?”

“Sa Manila. Sabi niya last time, napadpad lang siya dito sa atin kasi nakulitan sa lola niya. Gusto na kasi ng lola niyang mag-asawa na siya kaso wala pa siyang girlfriend kaya kung sinu-sino na lang ang nirereto sa kanya. Nang sinabi niyang gusto niyang pumunta ng ibang lugar para mag establish ng business oh his own inutos ng lola niyang pumunta dito. Ayaw niya din sana but when his lola promised di na siya kukulitin about marrying hayun nakumbinsing dito na mamalagi.”

“ummmm” tango si Maya habang nakikinig sa kaibigan.

 

Hayun… nakikipag kaibigan lang pala. Akala ko ..

 

Pagdating sa restobar ni Richard, kumain at nagkwentuhan lang sila ng kung anu-ano. Since naka uniform di pwedeng mag-inuman ang boys kaya nagkasya na sila sa food ang kwentuhan. Past 8 pm na ng nagyayang umuwi si Maya. Nagtaxi na sina Doris, Sabel, at Joma habang si Simon naman ay sa kanyang kotse sumakay. Pagdating ng bahay nakatanggap siya ng text mula kay Richard asking her if dumating na ba siya sa bahay nila. Di niya pinansin ang text, pagkatapos magbihis  ay agad sinimulan ang trabahong di niya natapos. Maya-maya ay narinig niya ang cellphone na may tumatawag at nang silipin si Richard ang tumawag.

“Hello?”

“Hello, Maya it’s me.”

“Yes, alam ko. Bakit?”

“Ahh di ka kasi nag-reply kaya tumawag na ako. Nasa bahay kana?”

“Oo kanina pa..sorry nawala sa isip ko. Nasa daan pa kasi ako ng nagtext ka kanina pagkadating ko nawala sa isip ko ang magreply.” palusot ni Maya.

“Ah, okay..Just wanted to make sure na okay ka.”

“Okay lang ako don’t worry.”

“Maya.. may gagawin ka bukas?” natigilan si Maya, ayaw niya talaga mag assume pero parang doon na papunta ang usapan kaya dali-dali siyang nag-isip ng dahilan para makaiwas.

“Oo, meron akong meeting with the committees in preparation sa activity sa school. Bakit?”

“Ahh gusto ko lang sana kita ayain kumain sa labas?”

“Naku..sorry Chard kaso busy ako, sina Simon na lang ayain mo..oi malulugi ka niyang pag lagi mo na lang kami nililibre.” nagbiro si Maya para di gaanong halata na umiiwas na siya, narinig naman niyang tumawa si Richard sa kabilang linya.

“Okay lang..sige sila na lang yayain ko..pero sa susunod ha.”

“No problem, basta di busy.”

“Okay sige..bye Maya.”

“Bye.” lubos ang saya ni Maya at di nagpumilit si Richard na sumama siya. Mabuti na lang at merong activity sa school kaya meron siyang alibi at maka-iwas siya kay Richard. Di pa man siya nagkakaboyfriend pero alam niya ang mga ganoong eksena. Madaming beses na ding may nagtangkang manligaw siya pero sa ka-iiwas niya nagsawa  ang mga ito at di na nagpakita.

 

———-♦ ♦ ♦ ———-

“Ma’am, may naghahanap sa inyo andun sa faculty room sabi ni Sir Simon.” nilapitan si Maya ng isang estudyante niya isang hapon habang abala siya sa try-out ng mga estudyante sa gym. Nagtaka siya pero ng sumagi sa isip niya si Richard.

“Sabihin mo kay Sir Simonn mo maagang umuwi si Ms. Dela Rosa kasi masama ang pakiramdam. Sabihin mo di mo ako nakita dito sa gym.” utos ni Maya sa estudyanteng lumapit sa kanya. Nagtataka at napakamot ng ulo ang bata pero napilitan paring sumunod sa kanya.

Ilang araw na rin niya itong iniiwasan kasi panay ang pagpapakita nito ng motibo na interesado ito sa kanya.

     Simon!!! Lagot ka talaga sa akin. Tahimik na ang buhay ko bakit pinagugulo mo nanaman.

 

Sinadya talaga ni Maya na gabi na siya kung umalis ng school para lang makaiwas sa mga kaibigan. Di bale abutin ng alas nuwebe ng gabi huwag lang talagang mapasubo sa mga ito. Isang gabi, nakahiga na siya ng biglang tumawag si Richard.

“Chard, bakit?”

“Hello Maya, kumusta na?”

“Eto busy sa school..ikaw kumusta?” naiilang man magtanong at di naman sila close napilitan paring magpakitang-tao ni Maya. Maayos at gentleman naman makipag-usap si Richard kaya di niya namalayang medyo napatagal ang kwentuhan sa telepono. Nang matapos ang tawag, di sinasadyang napangiti si Maya. Masaya kausap si Richard,palabiro at matalino. Kung anu-ano na lang napagusapan nila kaya umabot nag halos 2 oras ang tinakbo ng usapan.

 

    ———-♦ ♦ ♦ ———-

Pagdating ni Maya sa school isang araw may nakita siyang nakalapag na bouquet sa mesa kaya nagulat siya. Walang card kaya di niya malalaman sino ang nagpadala, di naman alam ng mga kasama niya kanino galing kasi pagdating nila andun na daw yun at baka ang guard ang naglagay. Lunch time na ng nasagot ang tanong niya.

“It’s from you?”tanong niya kay Richard sa kabilang linya.

“Yes, pambawi ko sa ilang gabing pangungulit ko sa’yo sa phone.” ilang gabi na kasi napupuyat si Maya dahil sa mga tawag ni Richard, ayaw niya magpakita dito kaya sa cellphone siya kinukulit. Okay lang din naman sa kanya kasi nag-eenjoy siyang kausap ito. Pero di alam ng mga kasama niya na may tawagan ng nagaganap sa kanila. Di niya sinabi at alam niyang tutuksuhin na naman siya ng mga ito.

“Salamat sa flowers, nag-abala ka pa.”

“And sana pagbigyan mo ako mamaya?”

“Bakit? Anong meron?”

“Para todong bawi na..sana pumayag ka ng mag-dinner tayo?” nag-isip si Maya ng ilang sandali.

 

Kung ganitong pinupuyat mo lang din ako, why not?

 

“hmmm okay..”

“Talaga?!’ halatang nagulat din si Richard sa sagot ni Maya.

“Oo na nga..”

“Sige, I’ll pick you up after class?”

“No, ako na lang ang pupunta diyan kasi uuwi pa ako to change.”

“Ahh okay..sige see you then?”

“Okay..I’ll text you if on the way na ako.”

 

Part of her gustong bawiin ang sinabi niya pero deep inside parang kinikilig din siya. Pero she will take the risk.

 

Bahala na…di naman siguro masama makipagkaibigan..

 

 

 

 

 

 

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: