Secrets 5

At exactly seven in the evening nasa parking area ng resto ni Richard na si Maya,checking herself one last time sa glasses ng kanyang kotse before she walks inside. She’s wearing a casual white mini dress and a wedge, which is not the usual attire na nakikita ni Richard everytime pumupunta ito sa school so it surprises him to see her that way. Na sanay na kasi siya sa jogging pants and shirt or slacks and blouse which she normally wear in school. Richard’s reaction pleases Maya but more than that, it surprises her as well realizing that she cares what he thinks about her.

“Hi”

Bati ni Richard sa kanya, he is at the door waiting for her wearing khaki pants and powdered blue polo. He really looks refreshing, actually all the time naman because he is one hell of a man but she must admit mas lalo ata siya pumopogi everytime nakikita siya nito.

“Hello.” bati din ni Maya sa kanya. She gave him a shy smile, looking at his reaction parang gusto niya bumalik sa kotse niya at umuwi na lang. Di Kasi siya sanay sa mga ganoong klaseng eksena, parang nasa t.v o pelikula lang.

“By the way, okay lang ba if we go to another place? You know for a change.” tanong ni Richard sa kanya the moment nasa harap na siya nito.

“Ha? Bakit? Saan naman?”

“I know a place na medyo decent naman, don’t worry.”

“Well..pero bakit pa kailangang lumayo?”

“Ummm tonight is special..and di naman magiging special if we will have our dinner here kasi palagi na lang tayong dito kumakain.”

“Asus para ka namang ..huwag na dito na lang tayo.”

“No Maya..I insist..and besides I already made a reservation..please?” pilit ni Richard sa kanya with pleading eyes.

“Actually kasi..nahihirapan akong mag adjust into a new environment..” amin ni Maya kay Richard. Natatakot kasi siyang magkalat knowing her phobia sa crowded places and di pa naman alam niya ang lugar.

“You don’t need to worry, I understand..before I book the reservation I see to it di ma-trigger ang phobia mo..basta you will be okay..trust me.”

“How did you know about my phobia?” nagtatakang tanong ni Maya sa kanya.

“Simon..he told me and warned be already. Before I ask you out, I asked permission first sa kaibigan mo.”

“Ganun? Hmmm pinagkaisahan nyo ako ano?”

“Hindi ahh.. gusto ko lang maniguro na okay lang din sa kaibigan mo. I know close friend mo siya and besides its best to ask first malay ko kung meron ka ng boyfriend mabugbog pa ako.” marahang tumawa si Richard.

“Oh well..sige na nga..I trust you ha..wala si Simon to help you if ever anong mangyari doon, I’m warning you.” bilin ni Maya.

“Promise..I’ll take care of you, trust me.”

 

     Trust..isang bagay na di ko basta-basta ibinibigay kahit kanino..even kay Simon, it took a while for me to fully trust him. Sana nga I can trust you Richard.

Ito ang mga bagay na naglalaro sa isip ni Maya habang lulan sila ng sasakyan ni Richard papunta sa lugar na sinasabi nito. Di pumayag si Richard na dalhin niya ang kotse niya kaya iniwan na lang nila ito sa labas ng resto ni Richard at babalikan na lang niya ang sasakyan mamaya pagkagaling sa lugar na pupuntahan nila.

 

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Dinala ni Richard si Maya sa isang floating restaurant. Maganda at very peaceful ang ambiance ng lugar. The lights coming from the array of cottages that comprises the whole restaurant brings life to the beach where the floating restaurant is situated. And since he knows di siya mapalagay if maraming tao, they have one cottage all by themselves. Food is serve buffet style. What she particularly notice is the different kinds of seafoods that they serve, which she likes best.

“I request that they serve us seafoods, sabi kasi ni Simon favorite mo yan.” Richard said to her when they move to get their food.

“Thank you, nag abala ka talaga..nakakahiya tuloy.”

“No, huwag kang mahiya. I did it para maging at ease and comfortable ka.”

“Thank you Richard.”

Pumili na sila ng food sa buffet table, and all throughout their dinner Richard is a gentleman, assisting her and making her feel like a princess. Di siya sanay sa atensyong binibigay ni Richard but she is really enjoying that moment. They talk about alot of things..what they like and their hobbies, etc.

“So, how did you ended up here in San Nicholas?” Maya asked, kahit alam na niya dahil sinabi sa kanya ni Simon gusto parin niya marinig ito kay Richard mismo.

“Well, it was because of my lola. She keeps bugging me about stuffs na ayaw ko. To get rid of that issue nag alsa-balutan ako.”

“You did?”

“No just kidding..” sabay tawa ni Richard ng nanlaki ang mga mata ni Maya.

“She wants me to get married after I came back from the US, setting me up on dates which I hate mosts..na realize ko di ako makakatakas ng basta-basta so I think of one way para di talaga siya makatanggi. Sabi ko I want to establish my own business, sa Manila kasi yung business nila ng lolo ko ang mina-manage ko, the main branch ng Tony’s. When she heard that sabi niya she will only allow it if dito sa San Nicholas and para din ma-manage ko rin yung branch dito para di na pumupunta si lolo dito. So I agreed, just to get away..sama ko noh?”

“Oo nga nakaka-inis pag ganun ..yung wala kang freedom, para kang de-susi..”

“Right..teka ikaw naman..tell me about yourself. Di ka masyado nagku-kwento.”

“Kasi wala namang masyadong iku-kwento. I lost my parents when I was still 5 years old. Pinalaki ni lola, napadpad dito for work tapos yun lang. Oh di ba exciting?”

“Weeeehhh if I know malihim ka lang talagang tao.” biro ni Richard sa kanya kaya umiiling si Maya to convince him that she is telling the truth.

Ilang oras din silang nanatili doon. Masayang nag-uusap kaya kapwa di namalayan ang oras. They decided to explore the beach before going back kaya nang tumayo na sila nagbayad na si Richard and thank the staff assigned doon sa cottage nila. On their way down sa beach, inalalayan siya ni Richard. He was holding her elbow and guides him as they made their way down the wooden stairs . Hinubad ni Maya ang wedge sandals niya para tumapak sa malamig na buhangin. Parang nainggit si Richard kaya hinubad niya rin ang sapatos at medyas niya. Nang makita ito ni Maya napangiti siya. Di niya inakala na di naman pala ganoon ka arte at classy si Richard kahit pa mayaman ito. Cowboy kung baga. Ilang sandali silang naglakad barefoot along the beach till nakakita ng spot na magandang umupo. Richard took his hanky and lay it down para upuan niya. She declines but he insisted. More kwentuhan pa ang naganap, parang di naubos ang mga bagay na mapagkukwentuhan nila. Almost 11 pm na nang mapansin ni Maya ang oras kaya nagyaya na itong umuwi.

“Ito naman maka yayang umuwi parang si Cinderella.” biro ni Richard ng makitang parang nagmamadali na itong tumayo. Nahiya tuloy si Maya.

“Kasi sobrang late na Richard. Babalikan ko pa ang kotse ko.”

“Why not ihatid na lang kita sa inyo tapos bukas ihahatid ko na lang din sa bahay mo ang sasakyan mo?”

“Ay huwag na, sobrang abala na yan..”

“Sige na Maya kas sobrang late na oh..”

“No hindi pwede..” tanggi ni Maya. Sa isip naman ni Richard baka nahihiya lang si Maya o natatakot na malaman ng lola na late na umuwi kaya di na siya nagpumilit pa. Naglakad na sila papuntang kotse niya at ilang minuto ay lulan na ng sasakyan pabalik ng resto niya. 20 minutes passed nakabalik na sila. He walks her to her car.

“Thanks Maya for this memorable evening. Sorry kasi sabi ko bawi ko to sa ilang gabing pinupuyat kita pero heto mapupuyat ka parin.”

“No okay lang…nag-enjoy din ako.”

“Really? So..sana hindi ito ang last time?”

“hmmm we’ll see..bahala na, di ako mangangako. But really, thank you.”

“No, I should be the one to thank you for this wonderful night..”

“Oh paano..mauna na ako ha.”

“Good night..”

He wanted to kiss her goodnight but the last minute he change his mind. Baka it would ruin everything. In his mind, there is still next time..

Sakay ng sasakyan niya, umalis na si Maya. At dahil late na, nilakasan niya ang speed ng sasakyan para maka-uwi na kaagad.

———- ♦ ♦ ♦ ———-

She’s got home just before the clock strikes 12.  Naghilamos para matanggal ang make-up tsaka nagbihis. Saktong kakahiga lang niya ng marinig ang cellphone na nag beep.

     Thanks for the wonderful night Maya. I really enjoyed the time I spent with you. Sana di pa yun ang last. Please…

Ito ang laman ng text message ni Richard kay Maya.

     Richard Lim..

She sigh .. the name itself puts a smile in her face, and it scares her.. the very least that she wants at this point of her life is to fall in love.

     Hindi pwede..

    

12 Comments (+add yours?)

  1. miganne
    Mar 24, 2013 @ 15:42:01

    bakit hindi pwede??hahahah inulit ulit ko lang sinabi nila >>LOL

    Reply

  2. nicks
    Mar 24, 2013 @ 07:48:34

    kaya pla secret yung title kasi hinde pwede sabihin? yun ba yun?🙂

    Reply

  3. felcarnelle2008
    Mar 24, 2013 @ 02:09:38

    sis con, bakit nga hindi pwede? 2nd d motion lang kay Meggy … suspenCe talaga ha … next please.🙂

    Reply

  4. canistel
    Mar 24, 2013 @ 01:33:48

    Binabagabag pa rin ako. Bakit kaya di pwede? Hmmmm…

    Reply

  5. charmtaz24
    Mar 23, 2013 @ 18:04:29

    bakit hindi pwede? hmmmmm….

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: