Secrets 6

Morning came, walang pasok kaya kahit alas otso na ng umaga tulog pa si Maya. Madaling araw na nakatulog si Maya kaya kahit may plano itong mag jogging ng maaga hindi narin nagawa sa sobrang puyat. Kumatok si Manang Fe sa kwarto niya upang gisingin siya.

“Maya alas-otso na..gising na..” ayaw niya sanang sumagot pero pag hindi niya sasagutin si Manang Fe alam niyang di siya tatantanan nito.

“Manang di ako magbre-breakfast…madaling araw na ako natulog kaya mamaya na ako babangon.”

“Ikaw ang bahala…”

Narinig ni Maya ang pag-alis ni Manang Fe kaya pumikit siya ulit para muling matulog. Ilang sandali ding siyang pabaling-baling sa higaan pero nahihirapang bumalik ulit sa pagkakatulog ang diwa niya. Mahapdi pa rin ang mata at parang ayaw niyang dumilat na, pero ang isip naman ay gising na gising at kung saan-saan na nagliliwaliw.

 

Ano ba naman to…wala naman sanang ganitong eksena ang buhay ko bakit ngayon bawing-bawi naman? Oo na..buong gabi, madaling-araw, hanggang panaginip mo na ako hina-hauting, pahinga naman kung may time!

 

“Arggghhhhh!!!” pigil na sigaw ni Maya habang tinatakpan ng unan ang mukha niya.

 

Gusto niyang magwala..mahirap aminin pero may puwang na si Richard sa puso at isip niya.

 

Kung bakit ka pa kasi nag-sorry..kung bakit ko pa kasi sinagot tawag mo..bakit pa kasi ako pumayag makipag-dinner sa’yo..bakit ba kasi ang gwapo mo..bakit ba kasi ang bait mo..bakit di mo na lang tinodo ang pagsusuplado mo…

 

“Argghhhh!!!” sigaw na naman niya habang takip ng unan ang mukha niya. Ilang sandali pa at  kumakatok nanaman si Manang Fe sa pintuan.

“Maya? Ka lang ba diyan? Bakit parang may naririnig akong paimpit na sigaw diyan”

“Opo Manang Okay lang..nag vo-vocalizing lang.”

 

 

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Lunes na Lunes pagpasok pa lang ng faculty siya na kaagad ang nasa hot-seat. Di siya tinantanan nina Doris at Sabel sa kakatanong kung totoong may date na naganap at kahit anong kulit sa kanya ng mga kasama ni isang tanong wala siyang sinagot. Para maka-iwas lumabas ito ng faculty room at nagtungo ng gym.

Buong umaga niyang iniwasan ang mga kasama niya, pati si Simon nakahalata na kaya panay ang text pagka-lunch break nang di pa rin siya nagpakita sa kanila. Kung saan alam niyang andun ang mga kasama niya sadya niyang iniwas ang mga lugar na ito.

Si Richard naman, tatlong araw na niyang di sinasagot ang text at tawag. Kaya nang di parin siya nagparamdam buong araw ng Lunes, kinabukasan ay nagpadeliver ito ng lunch sa kanya. Kakapasok niya ng office ng nakita niya ang box na nakalagay sa mesa niya kaya agad nagsalubong ang kilay niya at napasimangot.

“Oh Maya..tititigan lang ba natin yan?” Tanong ni Doris sa kanya.

Gusto niyang ipatapon ito pero dahil sa pagkain ang laman ibinigay niya ito sa mga kasama niya.

“Maya pwede ka bang maka-usap mamaya?” tanong ni Simon sa kanya na halatang nag-aalala sa kanya. Tiningnan lang niya ito at tumango bago siya muling lumabas ng faculty.

———- ♦ ♦ ♦ ———-

“Maya ano bang problema mo?” tanong ni Simon sa kanya.

Nasa loob sila ng kotse ni Maya habang nasa parking area ng school nila.

“Wala..gusto ko lang umiwas na habang maaga pa.’

“Okay ka lang? Baka sabihin ng tao masyado kang assuming. Nanliligaw na ba?”

“Hindi..wala pa..pero babae ako alam kong doon din yon papunta. “

“And so? Ba’t di mo enjoyin muna para naman magkaroon ng spice yang buhay mo?”

“Spice? Hello! Alam mo ba sinasabi mo? Di ko yon kailangan Simon..masyado ng maraming spice ang buhay ko, ayaw ko ng dagdagan pa.’

“Tell me honestly..yun lang ba talaga ang dahilan, kasi ayaw mong dagdagan pa ang sinasabi mong ‘spice’ sa buhay mo?”  humarap si Simon kay Maya at tiningnan siya diretso sa mata.

“Okay..I admit! May attraction na nga! And I’m hating myself kung bakit nararamdaman ko to. Araw-araw hinihintay ko mga text niya.. mga text  na di ko nirereplyan at binubura ko pagkatapos kong basahin..mga tawag niyang di ko sinasagot, na kahit ba binura ko na sa phonebook ko ang pangalan niya pero name-memorize ko naman ang number niya…” tumawa si Simon habang nakatingin sa kanya.

“Malala ka na Maya! ” umiiling ang ulo ni Simon habang sinasabi ito.

“Kaya nga!”

“In-love kana!”

“What? Hindi noh! Sabi ko nga attraction lang di ba…crush! Paghanga!”

“Ilang taon ka na?”

” 25″

“Crush? …Paghanga? ano yan PBB teens ang drama? Umayos ka nga Maya?”

“Simon naman eh!’

“Kasi naman ayaw mong aminin..alam mo bang nahihilo narin ako sa inyong dalawa? Ikaw yung umiiwas, yung isa naman parang spy makatanong sa akin. Dinadamay ‘nyo pa ako sa trip nyong taguan. Ano ba Maya?.. Kausapin mo  na kasi.”

“Ayoko nga..”

“Bakit ba ayaw mo, simple lang naman yun di ba..kung ayaw mo sabihin mo sa kanya para naman di magmukhang kawawa yung tao habol ng habol sa’yo.”

“Ehh kasi naman alam mo naman di ba..madali lang nahahalata pag nagsisinungaling ako. Baka pag magharap na kami ..”

“Bakit pa kasi umiiwas eh may gusto karin naman pala.”

“Alam mo naman kung bakit di ba..”

“Maya just think about it..baka advantage pa nga tong nangyayari sa’yo ngayon di ba..pag-isipan mo muna huwag mong ipairal ang takot mo. Alam mo namang di kita iiwan di ba..at saka..”

“Ano?”

“Sana magka-boyfriend kana para magka girlfriend narin ako!” sabay ngiti ni Simon sa kanya.

‘Ganun? So sagabal pala ako?”

“Oo..alam mo naman yun di ba?”

Gustong isipin ni Maya na isang biro lang yon ni Simon pero alam niyang kahit may ngiti ito sa mukha, alam niyang totoo iyon.

     ———-♦ ♦ ♦———-

“Maya!” nagulat si Maya ng makita kung kanino nang galing ang boses na iyon. Nasa parking area na siya at pasakay na sana sa kotse niya para umuwi ng may tumawag sa kanaya. Si Richard.

“Richard? Anong ginagawa mo dito?”

“I came here to see you.”

“Gabi na ah..paano ka nakapasok dito?”

“I asked permission sa principal ninyo. You were in your meeting with your students kaya di na kita inabala and when Mr.Santos learned that pumayag din siya na maghintay na lang ako dito.”

“May kailangan ka?” tanong ni Maya kay Richard kahit alam niya kung bakit siya nito pinuntahan.

“Did you lost your phone?”

“No” di na siya makatingin ng diretso kay Richard at nagkunwaring may hinahanap sa bag niya kahit wala naman.

“I kept texting you but got no reply from you…I called you several times but you never answered your phone..Iniiwasan mo ba ako?”

Natigilan si Maya sa kanyang ginagawa. Alam niyang dadating ang oras na to pero kahit ilang ulit na niyang nirehearse ang gusto niyang sabihin parang nawalan siya ng boses para sumagot kay Richard.

     Paano ko ba sasabihin na “oo, iniiwasan kita” pero deep inside ayaw ko sana?

“Maya?”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Maya.  Si Richard naman ay nakatingin sa kanya na parang nagtatanong ang mga mata.

“Bakit?” tanong ulit ni Richard ng di siya umimik.

“Akala ko ba okay na tayo?”

“Ayoko maging okay tayo Mr. Lim ..”

“Bakit nga?”

“Bakit nga ba kailangan nating maging okay..wala naman sigurong masama kung di tayo maging okay Mr. Lim di ba? “

“Maya .. no it’s not okay. I want to get to know you more.”

“Bakit?”

“Because.. because I’m starting to like you.”

“I’m sorry Mr. Lim .. I have to go.”

“Maya, please..let’s talk about it..bakit di pwede kitang magustuhan?”

“Kasi di pwede..I promise myself na ang taong una kong i-entertain na  manliligaw will become  my first and my last. And I know di ka pwede kasi di ka paready, and since di tayo pareho ng  plan hanggang maaga pa huwag mo ng simulan pa.”

“And who said I’m not ready? At my age di pa ba ako ready Maya? I am just waiting for the right one and obviously I found her already, kaya lang isang linggo na niya akong iniiwasan.”

Di makapaniwala si Maya sa narinig. Habang tinititigan siya ni Richard pakiramdam niya para siyang nanghihina. Ang lakas ng kabog ng dibdib abot hanggang sa ulo niya. Bigla tuloy siya nanlamig at pinagpawisan. Gusto sana niyang magsalita pero bakit parang pakiramdam niya, siya ay  nauubusan ng laway.

     Richard Lim..di mo alam ang pinapasok mong problema. Huwag kang magsalita baka di mo mapapanindigan yan.

    

 

2 Comments (+add yours?)

  1. yan
    Mar 25, 2013 @ 05:49:58

    nice story.. why is it SECRET yung Title? what is the reason of Maya? may be on the next chapter… we got an answer..

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: