Secrets 7

“Ano sabi niya?”

Tanong agad ni Simon sa kanya kinabukasan nang dumalaw ito sa bahay niya. Nasa harap sila ng tv, kumakain at magkasalo sa isang bowl ng chips, nanonood ng isang episode ng Wipeout. Napa-isip pa si Maya kung sasabihin ba niya kay Simon o hindi. Matapos ang unexpected visit ni Richard sa school kagabi lalong gumulo ang takbo ng isip niya. Simon’s visit is a relief, at least may makakausap siyang ibang tao hindi lang yung sarili niya.

“Ano na? ” tanong ulit ng kaibigan niya ng di parin siya sumagot.

“Sabi niya he is ready.”

“Ready? Saan?”

“Kasi sabi ko sa kanya di ko ini-entertain ang mga taong alam kong walang balak pakasalan ako kasi promise ko yon sa sarili ko.”

“Ha? Bakit mo yon sinabi?”

“Kasi buong akala ko makakalusot ako para tigilan na niya ako. Kasi di ba sabi niya kaya siya umalis ng Manila dahil nirereto siya sa ibang babae ng lola niya. Akala ko kasi wala pa talaga sa isip niya ang mag-asawa.”

“So akala mo makakalusot ka kung magsisinungaling ka ganun?”

“Ganun na nga..”

“Uhmmm ..so ano naman sinabi mo ng sabihin niyang ready na siya?”

“Wala.”

“Wala?”

“Alright..I told him bahala na.”

“Ayun!..pati ako pinagloloko mo, wala daw… Ano plano mo ngayon?”

“Ano nga ba gagawin ko? Naguguluhan na ako Simon.”

“Are you asking for an advice or gusto mo lang merong makinig sa drama mo?” when she nods  pinatay ni Simon ang tv at humarap sa kanya. She knows that she really needs his advice so she didn’t protest when he did that. At this point, kailangan niyang makinig ng maigi kung ayaw niyang laging napapraning sa nangyayari sa kanya.

“Why not give him a chance. I know him Maya. And I know that bukod sa akin at sa lola mo, capable din siyang protektahan ka. And at this point kailangan mo ding sumaya. Saan man aabot ang relationship ninyo at least naging masaya ka at one point of your life.” ilang sandali din silang tumahimik, nag-iisip ..

“Simon, have I ever told you how lucky I am to have you? Thank you. Sobrang salamat talaga.”

“Sos..magdadrama kana naman eh. Sabi ko noon di ba, dito sa San Nicholas bawal ang bad vibes. Gusto ko masaya ka while you are here.”

“Salamat talaga. Sana nga dito na lang ako palagi.”

Tumango si Simon sa sinabi niya. Ramdam nito ang bigat sa loob ni Maya. Wala naman siyang magawa sa kaibigan niya kaya niyakap na lang ito ng buong higpit. Pati si Maya alam kong ano ang ibig sabihin ng yakap na yon that’s why she is really glad that Simon is here.

 

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Nasa school si Maya isang gabi, nagbabantay sa mga estudyante niyang may practice ng cheerdance. Salitan kasi silang mga teachers sa pagbabantay sa kanila and this time its her turn. Habang naka-upo sa may blechers di napansin ni Maya si Richard habang papasok ito ng gym. Nagulat tuloy siya ng may biglang umupo sa tabi niya.

“Ay kabayo! Richarrrdddd! Sa susunod huwag mo akong ginugulat” sabay hampas ni Maya sa braso ni Richard kaya napatawa tuloy ito.

“Matagal pa ba sila?” he seated close to her.

“Hindi..hanggang 7 pm lang ang permit nila. Maya-maya lang matatapos narin sila.”

Ilang days narin ang lumipas nang sinagot niya si Richard. And since then, lagi na silang magkasama for dinner. And since she was incharge tonight pumunta si Richard sa school to surprise her.

“Bakit ka pa pumunta dito? I told you to wait for me sa resto di ba?”

“Uhmm namiss na kita eh.”

“Ang corny mo ha..parang nagbibinata lang” inaasar ni Maya si Richard kaya namula tuloy ito.

“Ehh totoo kaya yon. Ikaw ba hindi?” tanong nito sa kanya .

“Hindi!” agad naman niyang sagot kay Richard.

“Aray! Ang saklap naman.” Hinapuhap ni Maya ang braso niya habang tumatawa. Richard tried to hold her hand kaya lang binawi ito ni Maya.

“Richard nasa school tayo. Ayokong maging sentro ng chismisan dito ano ba.”

“Sorry.”

Since that day she said yes, nagugulat si Maya sa mga nadi-discover niya kay Richard. If he is sweet that time na di pa sila, mas lalo ata siyang naging sweet nang sinagot na niya ito. The day after, nagulat siya ng pagpasok sa faculty room may isang malaking bouquet ng flowers sa table niya, delivery pagdating ng lunch break, at chocolates pagdating ng hapon. Kung di pa niya ito tinext that if he won’t stop makikipag-break na siya, di ito titigil at sobrang saya lang daw niya. May mga text messages pang sweet-nothings every now and then just to say na iniisip siya nito.

At 7 pm pinahinto na ni Maya ang practice ng mga bata at pinauwi na niya ang mga to. Nang makapagpaalam na lahat, umalis na rin sina Maya sa gym.

“Let’s take my car. Daan tayo sa resto para magdinner, kanina pa naghihintay sina Simon doon.”

“Andun sila?”

“Yes, I invited them. You know para man lang magcelebrate..”

“Celebrate? Ano ka ba noong isang araw pa yang celebration mo ah.’

“Okay lang yon..masaya ako, hayaan mo na… So, let’s go?”

“No, di ko pwede iwan car ko dito kasi maaga ako bukas. Susunod na ako sa’yo.”

“Maya hayaan mo naman akong ihatid ka sa inyo.”

“Richard huwag ka ng makulit. Di nga pwede. Sige na..”

“Okay.. suko na ako..” raising both his arms telling her that he gave-up.

“Ayan, good boy..sige na balik ka na doon sa kotse mo.”

“hmmppp kung di lang kita mahal.”

“Richarddd! Ano ba, mamaya may makarinig sa’yo nakakahiya.”

 Richard smirks at her  habang papalayo upang sumakay sa sariling kotse nito. Kinikilig man si Maya pero pinipigilan niya kasi nasa loob pa siya ng school. Kung nasa kwarto lang siya, kanina pa siya gumulong-gulong sa kama.

  ———- ♦ ♦ ♦ ———-

Nagda-drive si Maya pauwi at may kukuning naiwan na gamit sa bahay. Nag stop-over muna sa siya sa isang convenience store at bumili ng ilang groceries sa bahay. Nasa alley na siya ng carbonated drinks  at kumukuha ng ilang lata ng coke nang aksidente niyang nabitawan ang isang can nito, pupulutin na sana niya ito ng naunahan siya ng isang lalaki. Nang tumayo ito at ibigay sa kanya ang nabitawang coke nakita niyang naka black Ray-Ban aviator glasses, matangkad, moreno , at halatang hindi Pilipino.

“Thank you.” she smiled pero di man lang ngumiti ang lalaki sa kanya. He nods at her tapos pagkabigay ng can sa kanya ay lumabas na ng store.

     Hmmmp suplado!

Sinundan niya ng tingin ang lalaki hanggang sa makita niyang sumakay ito sa isang tinted na sasakayang itim. Nang umalis na ito, dinala na ni Maya sa counter ang mga groceries para magbayad.

Papalabas na ng gate si Maya at pabalik na ulit sa school nang madaanan niya ang isang sasakyang katulad ng nakita niya sa may convenience store na naka park sa labas ng gate ng kapitbahay niya. Di na sana niya papansinin ang nakita pero ng umaandar na ito at nakasunod sa kanya bigla siya kinabahan. Tumawag siya kay Simon na nasa school pa noong mga oras na iyon at hinihintay siya.

“Simon, someone’s following me.” di niya mapigilan ang sarili niya kaya pati boses ay nanginginig sa sobrang takot.

“Where are you?” pati si Simon nag-alala na din sa kanya.

“I’m on my way..10 more minutes andyan na ako.”

“Okay, relax ka lang. Huwag ka masyado magmadali at baka kung ano pa ang mangyari sa’yo. I’ll wait for you sa may parking area.”

Binaba na ni Maya ang cellphone niya at nag-concentrate sa pagmamaneho. Checking the rear view mirror andun parin ang sasakyan, di masyado lumalapit sa kanyang sasakyan but still kinakabahan si Maya. Two more blocks bago pa napansin ni Maya na di na sumsunod sa kanya ang sasakyan. Pagpasok niya sa school agad niyang nakita si Simon na hinihintay siya at kahit malayo pa siya alam niyang salubong na ang mga kilay dahil sa pag-aalala sa kanya.

———- ♦ ♦ ♦ ———-

“Asan na?” agad na tanong ni Maya nang pumasok ito sa kotse niya.

” Two blocks from here humiwalay ang kotse.” nanginginig pa si Maya habang nakahawak pa rin sa steering wheel ng kotse ang mga kamay.

“Are you sure ikaw yung sinusundan ng sasakyan?”

Dinetalye ni Maya kay Simon ang nangyari simula sa nangyari sa store hanggang sa pagsunod ng sasakyan sa kanya.

“You can’t go home later. Di karin pwede sa bahay..I’ll find a place for you to stay pansamantala.”

“Okay..do you think I need to make a call?”

“No, let’s wait. Mas lalong di pwedeng tumawag ngayon..if anything comes up hahanap at hahanap yon ng way para matawagan ka.”

“Thank you Simon.” Simon holds her hand and squeeze it tight.

“Don’t worry too much. For now balik ka na muna doon sa loob at naghihintay ang mga bata sa’yo. Ako na ang hahanap ng paraan. Trabaho ko to.” He assured her one more time bago siya bumaba ng sasakyan. Nang makalayo na si Maya, kinuha ni Simon ang cellphone niya at may tinawagan.

“Hello..I need a favor from you…”

“Sure..ano yon?”

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Nasa loob na ng sasakyan ni Richard si Maya. Sinundo niya ito that night matapos tumawag si Simon.

“Kung di pa tumawag si Simon di ko malalaman na wala kang matutuluyan for ng pansamantala. Bakit di mo sinabi na ginagawa pala ang bahay mo?’

Sinabi kasi ni Simon kay Richard na sunduin si Maya sa school at nangungulit na doon muna sa kanya makikitira. Ayaw ni Simon and since siya ang boyfriend dapat doon si Maya. Nakakahiya man, walang choice si Maya. Hiling lang niya di malaman ng school.

“Maya. Kanina pa kita kinakausap bakit parang ang lalim ng iniisip mo?”

“Sorry.. ano ulit sabi mo?”

“Sabi ko nagtatampo ako kasi ako ang boyfriend mo pero ako ang huling nakaka-alam..”

“ahhh..nahihiya lang ako kasi

“Maya..akala ko ba …” biglang huminto sa pagsasalita si Richard kaya tiningnan siya ni Maya.

“Akala na ano?”

“Ahh wala..”

Lost in her own thoughts, di na kinulit ni Maya si Richard kung bakit di niya tinapos ang sasabihin nito. Halo-halo na rin ang tumatakbo sa isip niya that time. Questions and fears na ayaw sana niyang isipin pero di naman niya kayang pigilan ang sarili niya. Papasok sa isang subdivision ang sasakyan ni Richard. Tingin pa lang sa mga bahay ng kapitbahay nito alam ni Maya mayayaman lang ang nakatira doon. Nang pumasok ang sasakyan sa isang gate na may mahahabang pader parang nabunutan ng tinik si Maya.

Pagpasok nila ng bahay sinalubong sila ng isang katulong at tinulungan silang buhatin ang mga dalang bag.

“Eds pakihanda ng dinner.”

“Yes Sir.” umalis na ang katulong habang dala ang bag ni Maya. Inakyat muna ito sa kwarto tsaka bumaba para magprepare ng dinner nina Richard at Maya.

“Nice place Chard.’

“This is not mine. Kina lola to. Halika upo muna tayo doon sa living room while waiting.”

Pumasok sina Maya sa loob ng living room at umupo sa sofa. Habang nagkukwento si Richard about the house pumasok naman ang katulong to tell them dinner is ready. Masaya silang kumakain. Asikasong-asikaso siya ni Richard. Pagkatapos naman ay umakyat sila sa second floor at nagpuntang guest room kung saan mamamalagi muna si Maya. Iniwan siya ni Richard para ayusin ang gamit niya. Pagkatapos naman nito ay lumabas ulit ng kwarto si Maya at hinanap si Richard. Nakita niya itong umiinom ng kape sa may veranda. Nang makita siya ay ngumiti ito at kinawayan siya para lumapit sa kanya. Agad naman siyang lumapit dito. Nang makalapit siya agad naman itong umakap sa kanya. Gently rubbing her back they stayed like that for several moment bago ito kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

“I can’t believe you’re here. Kagabi lang I’m here alone ,sipping my coffee wishing you’re here with me, ngayon andito kana.”

“Me too..di ko rin akalain mangyayari ito.”

“Salamat sa bahay mo, ngayo andito ka kasama ko.”

     Paano kaya Richard kung malaman mo na ang totoo. Will you still wish me here with you? If mawala ako.. 

“Maya..as much as I want to spend time with you tonight. Alam kong di pwede kasi may pasok kapa bukas. Marami pa namang gabi kang andito di ba? For now pasok kana muna. “

“Yeah you’re right. Salamat talaga pumayag ka ha.”

“Wala yon ano ba. Halika na ihahatid na kita ..”

Nasa labas na sila ng pintuan ni Maya nang bigla siyang halikan ni Richard. Halik na tinugon naman niya. Tilting her head the kiss deepen. He is holding her head now while her arms find their way to his neck. It was their first passionate kiss ever. Both are in heavy breath when they parted their lips, Richard rubs his nose to hers as if teasing her. The second kiss came, this time it was Maya who initiated. He is pulling her closer to him now and the kiss grew deeper and hotter. Before anything could happen, Maya was able to pull through.

“Sorry..” between  heavy breaths he mananged to say.

“Don’t be..ako man nadala din.”

He hug her one last time saka siya pinakawalan. Pumasok na si Maya sa loob ng kwarto niya.

“Okay ka lang ba diyan?”

“Oo naman. Maganda ang kwarta ko, salamat.”

“Uhhmmm.. baka kasi takot ka..”

“Takot? Saan?”

“Sa momo?”

“Haha momo ka diyan. “

“Kasi pwede nama kasing doon ka na lang sa kwarto ko matulog.”

“Halika pasok ka.”

“Talaga?”

“Pasok ka at tulungan mo na akong mag-empake. Doon na lang ako sa bahay na walang momo.”

“Hahaha hindi nagbibiro lang ako. Walang momo dito, mama lang meron.Ako!”

“Loko ka talaga. Umalis ka na nga.”

“Good night.”

“Good night.”

Another kiss on the lips before Richard made his way to his own room. Closing the door behind her, she went over her own bed and lie down.

     I hope everything will be okay by tomorrow. Ayoko muna ng complications Lord kahit ba kumplikado na dati ang buhay ko.

Hiling ni Maya na mahirap tugunan sa pagkakataong iyon. Biglang tumunog ang cellphone ni Maya at nang kinuha niya ito sa bulsa niya, nakita niyang si Simon ang tumatawag.

“Hello Simon.”

“Maya open your email.”

Dali-daling bumangon si Maya and turned on the desktop na nasa kwarto niya. Nang makapag login na. Agad niyang nakita ang email.

    Time is up Maya!

    

 

8 Comments (+add yours?)

  1. miganne
    Mar 25, 2013 @ 12:35:50

    hahaha ikaw na tlga ate con .. nakakexcite ano pa mangyayari ..hehehe TY so much

    Reply

  2. yan
    Mar 25, 2013 @ 12:27:27

    wow… suspense.. may be this is a love story and action.. i like the story very much.. thank you nylcoen.. looking forward for the new chapter of this..🙂

    Reply

  3. felcarnelle2008
    Mar 25, 2013 @ 11:05:30

    sis con, parang thriller lang…. hehehe, nakaka tense naman, next na please… kinakabahan na tuloy ako

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: