Secrets 8

     Time is up Maya!

 

“Simon..” Maya heard him sigh. Without saying anything, she knows what the silence  means.

“Ngayon na ba?” tanong ni Maya kay Simon, may luha ng namumuo sa kanyang mga mata. She wanted to protest pero alam niyang wala namang magagawa ito ngayon.  Simula paman alam na niyang dadating ang araw na ito at kahit gaano niya inihanda ang sarili di parin pala siya handa.

“Alam na nila ang lahat?”

“Hindi pa…” ilang sandaling katahimikan ang nangibabaw bago pa tuluyang nagpaalam si Maya.

 

 

    ———- ♦ ♦ ♦ ———-

Richard is knocking at her door the following day. And nang hindi parin siya sumagot pinihit niya ang doorknob at sumilip sa kwarto. Nang makitang maayos ang kanyang kama pumasok siya at hinanap si Maya.

“Maya?” lumapit siya sa may bathroom door at tinawag muli si Maya. Sa isip ni Richard baka naliligo. Nang masigurong walang tao sa loob, kinabahan na si Richard kaya tinawagan ang cellphone ni Maya pero hindi niya ma-contact ito. Lumabas si Richard para magtanong sa katulong kung nakita niya si Maya.

“Eds, nakita mo ba si Maya na bumaba?”

“Hindi po Sir, maaga akong nagising pero di ko po napansin na lumabas na siya.”

Richard called Simon pero di rin niya ma-contact ito kaya nagpasyang subukan ang number ni Doris.

“Hello, good morning Doris. Nasa school ka na?”

“Oo andito na ako sa school bakit?”

“I was just wondering if nakita mo na si Maya?”

“Si Maya? Wala pa eh..bakit may ipagbibilin ka?”

“Ah yes.. please tell her to call me pagnagkita na kayo.”

“Okay, pero di mo ba siya na-contact sa cellphone niya?”

“Hindi eh..actually..” he was about to tell Doris that Maya stayed at his place overnight but he remembered Maya telling him not to tell anybody at baka malaman sa school.

“Richard?”

“Ahh wala..just tell her to call me right away.”

“Okay.”

“Thanks Doris.”

When the call ended, di parin mapakali si Richard. May kakaibang kaba siyang nararamdaman sa dibdib. He’s puzzled why pati si Simon di niya ma-contact.

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Tanghali ng muling tawagan ni Richard si Doris to ask about Maya pero bigo parin siyang makakuha ng information about her. Nalaman pa niyang pati si Simon di nila nakita sa school at pareho daw di nag-file ng leave ang dalawa. Pati si Sabel, Doris, at Joma ay nag-aalala narin. The three promised to help Richard find them pagkatapos ng school.

Richard felt helpless all day, thought of calling his connections sa AFP pero sa isip niya baka masyado lang siyang OA considering wala pang 24 hours na nawawala ang dalawa. All he could do is to wait  in his office for news from Maya’s co-workers.

Later that evening, the four of them meet in his resto. They are seated in one table, all in deep thought. Trying to figure out what happened to Maya and Simon.

“Richard nag-away ba kayo ni Maya last night?” Sabel asked him, breaking the silence between them. Doris and Joma both looked at Richard.

“No..di kami nag-away. At saka masyado nga ako masaya last night at nasa bahay si Maya tapos aawayin ko lang ba.” He was able to tell them earlier about Maya temporarily living with him.

“Oo nga naman..”

“Wala ka bang naalala, baka naman nagpaalam siya sa’yo na may pupuntahan today?” tanong naman ni Doris kay Richard.

” Wala eh.” umiiling pa si Richard habang pilit inaalala ang mga pangyayari the other day.

“Si Simon ba walang nabanggit sa’yo” si Joma naman ang nagtanong sa kanya.

“Wala rin. Nung tumawag siya sabi lang niya if I could accomodate Maya sa bahay kasi may ginagawa daw sa house ni Maya and that di rin daw pwede sa bahay niya at nakakailang kasi nga daw ako naman ang boyfriend ni Maya…how about sa inyo wala ba silang nabanggit?”

“Wala eh..” sabay na sagot ng tatlo.

“Kasi sa totoo lang naman Richard kahit kaming lima ang palaging magkasama iba ang bonding ng dalawang yan. Kala nga namin noon inlove sila sa isa’t-isa pero nilinaw nilang hindi naman daw. Huwag kang magalit Richard ha.” Joma explained.

“No it’s okay, I understand..I also thought so.. but Simon told me na hindi nga daw kaya nga niligawan ko si Maya.”

“Naku asan na ba yung dalawang yon… Di kaya nagliwaliw lang yong mga yun at sinadyang iniwan tayo?” Doris joke to lighten the mood.

Bigla ulit sila nanahimik para mag-isip nang biglang narinig ang kani-kanilang cellphone.

     Guys, sorry di na nakapagpaalam. Sorry for making you all worry.

Sabay nilang binasa yon kasi pare-pareho lang ang natanggap nilang mensahe from Simon. Maliban sa text na yon wala nang text from Maya. Naghintay pa sila at baka may matatanggap pang galing kay Maya pero ng lumipas ang ilang minuto at wala parin, Richard decided to call Simon but di na niya matawagan ang cellphone nito.

Tuluyan ng naalarma si Richard at ang mga kasama nito. Sari-saring speculations ang naiisip nila but one particular speculation ang ayaw sanang marinig ni Richard.

“Could it be…nagtanan silang dalawa?” sambit ni Sabel sabay takip sa bibig nito.

     No! no! no! Di kami aabot ni Maya sa ganito kung si Simon lang pala ang mahal niya. Where are you Maya?

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Nagmamadali si Richard papalabas ng kanyang restobar, papunta siya sa bahay nina Doris matapos siyang tumawag nito at naputol ang linya. Nag-aalala na siya kasi pati si Joma at Sabel di na niya ma-contact tapos si Doris naman biglang nawala habang kausap niya. it’s been three days of searching and so far wala parin silang lead tapos ngayon isa-isa ng nawawala ang mga kaibigan niya.

Hawak-hawak ang kanyang susi ng kotse, he was about to open his car when he heard somebody called him. When he looked back nakita niya ang isang lalaking matangkad papalapit sa kanya. Di niya mamukhaan kasi madilim na ang paligid.

“Richard Lim?”

“Yes. ..What can I do for you?”

“Come with us.”

“I’m sorry but I don’t know you. I’m in a hurry, excuse me.”

Papasok na sana siya sa kotse niya ng bigla na lang may nagsulputang mga lalaki mula sa kabilang kotse at hinawakan siya. He wanted to shout for help but someone covered his face with a hanky kaya bigla siyang nawalan ng malay.

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Nang nagkamalay na si Richard. Nakahiga siya sa isang sofa, nang matandaan niya ang nangyari sa parking lot. Napabangon siya at ang unang taong nakita niya ay agad nagpasaya sa kanya.

“Maya!” agad nitong niyakap si Maya. Tightly, as if never wanting to let her go. Kissing her hair.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Maya sa kanya habang yakap-yakap niya ito. He nodded. He release her gently  from his embrace and look her in her eyes.

“Where have you been? Nag-alala kami sa’yo..sa inyo..where is Simon?” then someone coughed behind him. Nakita niya si Simon.

“Simon! Bro, glad that you are safe too.” then suddenly Richard became aware of the people surrounding them. He was surprised to Doris, Joma, and Sabel too.

“Oh!..andito rin kayo?”

“Hi Richard.” bati ni Doris sa kanya, waving her hand while smiling.

“Richard, may party daw sabi ni Simon.” si Joma ang nagsalita habang nakangiti din sa kanya.

“Hanep ang invitation Richard, sapilitan, hablutan, at nakakahimatay!” dagdag naman ni Sabel.

“Heh! Nagrereklamo ka ata eh..gusto mo di ka kasali?” saway naman ni Simon kay Sabel.

“Anong party?” tanong ni Richard kay Maya.

“Guys..pwedeng..” sabay tingin ni Maya sa mga kaibigan.

“Ay oo naman girl..Oh hali na kayo..” tumalikod na sina Doris, Joma, at Simon para lumabas ng kwarto. Nang mapansing di sumunod si Sabel bumalik ito at hinila ang buhok ni Sabel.

“Arayy naman Doris oh!” reklamo ni Sabel habang hila ni Doris ang buhok niya.

“Excuse daw muna. Ano kaba naman. Kailangan pa bang ispelingin yan sa’yo? Teacher ka nga’t lahat shunga ka parin!”

“Oo na nga..” sumunod na si Sabel sa kanila. Napailing na lang ng ulo sina Maya at Richard dahil sa kulitan ng dalawa. When the door closed, naging seryoso na sina Maya at Richard.

“Maya, you didn’t answer my question kanina. Saan ka ba galing?”

“Shhh..” Maya put a finger on his mouth to silence him.

“Di na importante kung saan ako galing. Ang importante andito na ako di ba? ..”

“Maya don’t do that again..sobrang nag-alala ako sa’yo.” hawak ni Richard ang magkabilang pisngi ni Maya habang hinahawakan naman ni Maya ang mga kamay nito.

“Richard, may gusto akong itanong sa’yo.”

“Ano yon?”

“Yung sinabi mong willing kang pakasalan ako. Totoo ba yun?”

“Of course. Di ako ang klase ng taong basta-basta na lang magsasabi ng bagay na hindi naman pala kayang panindigan. You know I love you.”

“Yes or no lang ang gusto kong marinig sa’yo Richard Lim.”

“Yes…with a capital Y”   [ ikaw ba yan Nikki? lols!]

“Thank you.!” she kiss him on his lips sabay tayo.

“Guys, we’re ready!” sigaw ni Maya pagkalingon sa may pintuan.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ulit ang kanilang mga kaibigan. This time may kasama na silang isang matandang lalaki.

“♪♫ Tan-dan-da-dan..Tan-dan-da-dan..” kanta ni Doris habang papasok.

“Tumigil ka nga day, hindi ikaw ang ikakasal noh.”

“Sinabi ko ba ha? Di nga ako, kasi ako ang Maid-of-honor!”

“Ganun? Ano ako bride’s maid lang?”

“Hindi! At dahil di karin papasa bilang Flower Girl, Flower vase ka lang!”

Bangayan na naman ng dalawa. Si Richard naman nagsalubong ang kilay at nagtataka habang nakatingin kay Maya.

“Ayaw mo?” tanong ni Maya sa kanya ng makita ang reaksyon niya.

” Gusto ko but..”

“Wala ng but  but pa..”

“You mean..we’ll do it now? Right here?”

“Yes..it’s now or never Richard.. may dala na akong judge.”

“What!?”

Sapilitan..simula sa invitation hanggang kasalan, yan ang nangyari sa kasalang Maya at Richard. Sa isang kwarto na kung saan man ay di alam ng groom. Kasama ang kanilang mga kaibigan, naganap ang kasalan. Dahil civil wedding lang ang naman, minuto lang ang nakalipas at naging official ng mag-asawa ang dalawa. Pagkatapos ng kasal..

“Congratulations Maya!” bati ni Doris sabay yakap nito sa kaibigan. Nagsisunuran narin ang iba sa pagbati kay Maya at pati kay Richard narin. Ilang sandali nagpaalam na din sila para bigyan ng privacy ang bagong kasal.

“Girl, mauna na kami. ” paalam ni Sabel.

“Maya, ako na ang sasama sa kanila. Treat ko sila, bumawi ka sa amin ha promise mo yan.” sabi naman ni Simon.

“Oo na..sige na..” sagot ni Maya sa matalik na kaibigan habang nakangiti.

“Girl sabi nga ni Sabel. Magpa-party kami tonight dahil special ang gabing ito. Yun nga lang iba ang party namin iba ang sa inyo.” sabay kindat ni Doris sa kanya na may halong malisya.

“Loka-loka ka talagang babae ka..pero salamat ha..salamat at pumayag kayong maging witness namin.”

“Ano ka ba..syempre kaibigan ka namin eh. Oh sige aalis na kami.”

“Salamat sa inyo lahat. Babawi kami sa inyo promise.” pangako naman ni Richard habang nagpapaalam na ang mga kaibigan at palabas na ng kwarto.

“Bye Richard..bye Maya. Enjoy the party!” habol na biro ni Joma sa kanila. Nagtawanan pa sila habang papalayo.

Nang naiwan na silang dalawa.

“So..let’s start the party?” ngumiti si Maya sabay yakap kay Richard.

     Sana di ka magsisi Richard. Sana di ka susuko ng ganun-ganon na lang. Sana maintindihan mo kung bakit ginawa ko to.

“I love you Richard.”

“Love you too Maya… very much!”

“Then prove it!”

Upon hearing it, he scoop her up and kiss her passionately.

“Where’s the bedroom?”

6 Comments (+add yours?)

  1. yan
    Mar 27, 2013 @ 10:02:10

    everytime i read this story .. Napapa think talaga ako if what is the secret of Maya..:-/ very nice.. thank you nylcoen.. everyday i visited your site..🙂

    Reply

  2. felcarnelle2008
    Mar 26, 2013 @ 23:44:31

    nababaliw na talaga ako sa kaka refresh everyday to read ng next chapter …

    Reply

  3. miganne
    Mar 26, 2013 @ 15:36:26

    waahhh TY mgbabasa bago matulog ..hehehe

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: