Secrets 10

“Ricky, I’m sorry but I can’t do that. Umuwi ka muna dito at mag-usap tayo.”

“Lola, please..help me.” pagsusumamo ni Richard sa lola niya.

“Yes, I want to help you. But I can’t do that if di mo ipapaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari sa’yo.”

“Okay..I’ll book a flight pauwi dyan. I’ll be there tomorrow,first flight..”

“That’s better. Hihintayin kita dito. Mag-usap tayo.”

“Opo lola.” he ended the call and let out a big and heavy sigh.

It’s not what he wanted. Kung may magic lang siya gusto na niya puntahan si Maya kaagad, or iteleport si Maya sa kanya para makita na niya ito. He misses her so much. He never realized it before, yes, he love Maya, pero ngayon lang niya nalaman kung gaano. Ang bilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa. Nagsimula sa kaguluhan sa shop at pinagbintangan niya itong magnanakaw, nagsorry at nauwi sa pagkakaibigan, pagpapakasal, at ngayon..

 

    Ngayon..you’re not here ..and you’re with someone else. Should I just give you up? Sa hiwalayan na ba ang next chapter lang lovestory natin?

Richard’s phone rings and his question is answered.

“Ako to.. nasa labas ako ng bahay mo. kailangan nating mag-usap”

“Simon?”

“Oo, I can’t stay long. I’ll wait for you here.”

“Okay, hintayin mo ako..papauwi na ako.”

Richard grab his cellphone and car keys then rush outside. This is what he is wishing for three months. Every questions will have its answers tonight.

 

———- ♦ ♦ ♦ ———-

Sa bahay, naka-upo at magkaharap sa isa’t-isa sina Richard at Simon sa loob ng kanyang opisina. Di agad niya nakilala si Simon nang una niya itong nakita pagkababa ng kotse . Pormal ang suot nito, iba na ang gupit, at iba na rin kumilos.

“Simon alam mo naman siguro kung ano ang gusto kong malaman sa’yo ngayon di ba?”

“Oo.. but first let me apologize. Di namin intensyon na maglihim sa inyo. Talagang di lang pwedeng malaman ng ibang tao ang sekretong yon.”

“Dahil sa kawalan ng pag-asa at information, kanina naisipan kung mag research online. At di ko inasahan ang nakita ko..Sino siya at ano siya sa buhay ni Maya?”

“Siya ang itinakda kay Maya..matagal na.”

“Pero bakit?” di niya kayang tanggapin ang narinig mula kay Simon.

“Kasi ganun ang buhay ni Maya, Richard..ang buhay na gusto niyang takasan at gusto niyang baguhin..”

“Kung siya ang itinakda kay Maya, ano ang papel ko sa buhay ni Maya?”

“Her life..”

“Her life? How am I suppose to believe that Simon kung hindi naman pala siya pwedeng makasama ko?”

“Magulo nga Richard..alam yan ni Maya, pero di ka ba nagtaka kung bakit ka niya pinakasalan bago siya bumalik ng Saint Vincent? Kasi para kay Maya magdesisyon ka man na sundan siya, kaya niyang ipaglaban ka. Pero kung hindi man, nasa sa’yo yon..at umaasa siyang kahit sa sandaling nagkasama kayo meron siyang magiging alaala sa kaisa-isang taong minahal niya. Itinakda man sila ng prinsepe, di ibig sabihin nun pati puso niya itinakda na rin sa kanya.”

“Prinsepe?”

“Yes, Richard. Kabilang sa isang royal family si James. Ang pakakasalan ni Maya. Malapit ang lolo ni Maya sa pamilya nito kaya nga kahit maliit pa si Maya naitakda na siyang ipakasal kay James. Kilala ang pamilya ni Maya sa Saint Vincent  na magagaling na negosyante sa wine industry.”

Di makapaniwala si Richard sa inilahad ni Simon. Nalaman niyang totoong ulila si Maya at tanging ang kanyang lolo at lola ang nagpalaki sa kanya matapos na pinatay ang kanyang ama at ina noong 7 years old pa lang siya.

“Paano pinatay?”

“Nasa isang convention silang mag-anak. May isang konting salo-salo na naganap pagkatapos ng convention na yon na dinaluhan ng daddy ni Maya, at dahil nakatakdang magbakasyon sina Maya kasama ang mga magulang andun din si Maya at ang mommy niya. May isang lalaking pumasok at basta na lang binaril ang daddy niya, nang nakita ng mommy ni Maya sumugod ito para tulungan ang daddy niya pero binaril din ito. Mabuti na lang may isang taong pumigil kay Maya kaya di ito nakalapit sa mga magulang. Sa investigation nalaman na business rivalry ang dahilan. Ilang buwan ding di maka-usap ng matino si Maya dahil sa pangyayari.”

“Iyon ba ang dahilang kung bakit may phobia siya sa maraming tao?”

“Yes..”

“Bakit napadpad siya sa Saint Vincent?”

“Nakatakda na sana siyang ipakasal pagdating ng ika dalawangpu’t isang kaarawan niya pero tinulungan siya ng lola niyang tumakas at mangibang bansa. Dito siya sa Pilipinas pinapunta  kasi malapit din ang bansang ito sa lola niya.”

“Nakapunta na ng Pilipinas ang lola niya?”

“Hindi pa. . pero may naging kaibigan siyang Pinay na hanggang ngayon ay hinahanap parin daw ng lola niya. Ilang taon ding palipat-lipat si Maya ng lugar para di siya mahanap ng lolo niya. Nagpilit magtrabaho kahit binibigyan siya ng pera ng lola niya, para lang maranasan niya ang mabuhay na parang karaniwang tao. Di siya tumira sa malalaking siyudad para umiwas, pati sa tao ilag din siya kasi ayaw niyang may makakilala sa kanya.”

“Paano ka naging parte ng buhay ni Maya?”

“Nagtrabaho ako ng Saint Vincent after college sa winery nina Maya and when her lola found out na pinoy ako pinasundan sa akin si Maya dito sa Pilipinas. Napaka generous ng lola ni Maya sa family ko kaya bilang sukli ng kabuting iyon pinrotektahan at binantayan ko si Maya.”

“Thanks Simon for telling me this.”

“Don’t thank me..ginawa ko to kasi gusto ko sumaya si Maya. Simula pa lang alam ni Maya na di siya pwede magkaroon ng karelasyon pero nang makita kong mahal ka niya, di ko siya pinigilan kasi ikaw lang ang pag-asa niya Richard.”

“Galing ka ba doon?”

“Yes, at bumalik ako because she asked me na bantayan kita.”

“Why?”

“Because anytime soon malalaman na ng lolo niya na may naging karelasyon si Maya dito at baka may gawin sa’yong hindi maganda. Gusto ni Maya malaman kaagad para mapigilan niya. Malapit si Maya sa lola niya kaya tiwala siyang susuportahan siya nito kung sakaling hihilingin niyang protektahan ka rin .

Sa narinig niya mula kay Simon, alam na niyang mahal na mahal din siya ni Maya. Nagawa man niyang maglihim sa kanya pero napatawad na niya ito. Ang importante alam na niyang siya lang ang nasa puso ni Maya. At kahit ngayon siya parin ang gustong makasama ni Maya.

“So Richard, kaya mo ba?”

Richard look at Simon, in his mind andaming apprehension. Madaming worries.. madaming questions..

     Pero kakayanin ko kayang ipaglaban ka Maya? Di kaya siya magsisi sa bandang huli kung sakaling piliin niyang sumama sa akin? What if..

“Richard?..” with a worried and questioning eyes, Simon called out.

 

 

 

 

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: