Secrets 13

Last night na yata ang pinaka-mahabang gabi sa buhay ni Maya. Di siya gaanong nakatulog kakaisip kung magpapakita ba siya kay Richard o hindi. Ang worry lang naman niya ay baka di niya mapigilan ang sarili at masabi niyang until now mahal parin niya si Richard at ayaw niya itong umalis. Kakatapos lang niya magbreakfast ng iniabot ni Simon sa kanya ang kanyang cellphone. Nang mabasa kinabahan siya at di niya maiwasang mapatanong kay Simon.

“Alam mo?” tanong niya ng mabasa niya ang mensaheng galing kay Richard telling her na si Simon ang magdadala sa kanya kung saan sila magkikita.

Isang tango lang sagot ng kaibigan sa kanya, and just by looking at him parang gusto din nitong makipag-usap na siya kay Richard.

“I think it’s time na mag-usap na kayo.”

“What if…”

“One year ko ng naririnig ang what ifs mo Maya..di mo malalaman ang sagot kung di ka parin makikipag-usap sa kanya. Just take a chance, kung magiging maayos may oras kapa..kung hindi na, ilang araw na rin lang aalis ka na rin ulit di ba. Sabi mo nga 10 months ago kakayanin mo na kung wala si Richard as long as you have ”

“Shhh Simon, baka may makarinig sa’yo..” tinakpan ni Maya ang bibig ni Simon para di na siya magsalita pa.

“oo na..for the last time kakausapin ko na siya…”

 

———- ♦ ♦ ♦ ———-

“Hey..di ba papuntang villa to? Akala ko ba pupuntahan na natin sina Richard..”

“Oo nga, at doon natin sila pupuntahan.. pati ang lola mo alam na andito sila and in-fact siya ang nagdala sa kanila dito sa Saint Vincent. Like me, gusto din ng lola mo magka-usap na kayo. “

“Ng di niya ako tinatanong? Alam naman ninyo that I’ve moved-on tapos ngayon ..”

“Maya isang taon mo ng sinasabi yan pero hanggang ngayon kahit isang step ng pagmo-move on na yan di namin nakita ng lola mo. Di ka makakapag-deny kasi kilala ka namin Maya. Ako na ang nagsasabi sa’yo di ka pa nakaka move-on, or should I say parang ayaw mo nga atang mag-move on.”

“Simon..”

“Maya..gawin mo to para sa sarili mo.”

Tumahimik na sina Maya at Simon. Sa isip ni Maya, wala na naman siyang magagawa kasi kahit anong pilit niyang pag-iwas na mangyari ang pagkikita nila ang lola na niya ang gumawa ng paraan para mangyari yon.

     Siguro nga kailangan na ng closure. At gagawin ko yon para matahimik na kami pareho.

Pagpasok ng sasakyan sa villa tanaw ni Maya ang mga taong naghihintay sa kanila sa labas. Malayo-layo pa pero kilala na niya kung sinu-sino sila.

“Simon, totoo ba tong nakikita ko? Sina Doris, Sabel, at Joma ba yan?”

“Oo, di lang si Richard ang gustong makita ka Maya..pati din sila.”

Na-touch si Maya ng makita ang mga kaibigan. Tears are slowly forming in her eyes. Pagkatapat ng sasakyan sa kanila ay agad bumaba si Maya at yumakap sa kanila.

“Doris, Sabel!!!” Di na mapigilan ni Maya ang kanyang luha kaya napaiyak na si Maya habang kayakap ang dalawang babae.

“Joma!” si Joma naman ang kanyang niyakap, habang si Sabel at Doris ay nagpupunas ng luha nila.

“Day, ang ganda-ganda mo naman..para kana talagang prinsesa..”

“Ikaw talaga Doris..”

“Day, tama naman si Doris eh..parang hiyang ka dito.”

“Sabel..” saway ni Joma sabay dilat ng mata niya para tumahimik ito.

“Ay sorry..”

Nang lumingon sila nakita nila si Richard sa may pinto kasama ang lola nito. Nakangiti ng bahagya si Richard habang pinapanood sila.

“Hello Maya. I’m Ricky’s lola..”

“Ah yes.. si lola Esmeralda nga pala Maya.” pinakilala ni Richard ang lola niya. Agad namang nag beso si Esmeralda kay Maya.

“Hello po. Good afternoon po.”

“Salamat naman at dumating ka.”

“Ah, oo nga po eh. Pero nagulat ako nakita ko mga kaibigan ko dito.”

“Matagal ka na nilang gusto makasama. Pasok na tayo, dito na kayo magkwentuhan sa loob.”

Pagkapasok sa loob agad namang nag-umpisang magkwentuhan ang tatlong magkakaibigan habang sina Joma, Simon, at Richard ang magkasama sa may patio. Ang lola naman ni Richard ay pumasok na sa kanyang kwarto para bigyan silang magkaibigan ng oras na sila lang.

“Day, tagal kana naming gusto makasama kaya nga lang sabi nga ni Simon busy ka daw.”

“Oo nga eh..teka, buti nakapunta kayo dito?”

“Ay oo, sinama kami ni Richard at ng lola niya. Pasalamat nga kami ang bait nila sila pa gumastos ng pamasahe namin tapos sila din ang tumulong para maayos papeles namin para makasama talaga kami sa kanila.”

“Talaga? Kung magkasama kayo pagpunta dito,ibig sabihin matagal-tagal na rin kayo dito?”

“Oo, halos isang buwan na ata…”

“Bakit di ninyo sinabi kay Simon na sabihin sa akin?”

“Yun nga eh, gusto ka sana naming surpresahin. Natandaan mo yung nakita mo si Richard sa isang restaurant? Andun din kami nun pero di mo kami nakita, si Richard lang ata ang kilala mo kasi magkasama kami sa isang mesa nun pero parang siya lang ata ang nakita mo tapos bigla ka na lang lumabas ulit.”

“Ah ganun ba..sorry, alam mo naman kasi yung..”

“Oo naman…pero yun nga lang sa kakaiwas mo tuwing nagkikita kayo pati kami nadadamay.” may tonong pagtatampo na si Doris.

“Ay sorry talaga Doris..di bale babawi ako. Bukas ipapasyal ko kayo.”

“Talaga? Ipapakilala mo kami sa mga prinsepeng single dito?” natawa si Maya sa sinabi ni Sabel.

“Ikaw talaga Sabel, hanggang ngayon palabiro ka parin. Sige na nga ipapakilala kita.”

“Talaga ha..pwede mo ba akong ipakilala kay Prince Harry?”

“Oo, fortunately naka bakasyon siya ngayon and andito sila ng lola niya. In-fact bukas ime-meet namin sila ni James.”

“Ang saya-saya!..yun nga lang bukas pa ..” Doris pouted her lips.

“Oh, bakit?”

“Bukas na din alis namin eh!”

“What? Kala ko..kayo ba lahat?” biglang nag-alala si Maya ng marinig na paalis na sila. Sa isip niya di pa nga sila nagkakausap ni Richard mukhang aalis na ito.

“Kasi Day may trabaho kami di ba. Tapos sa haba ng panahong andito kami parang wala namang nangyayari.” lumingon si Sabel sa kinaroroonan nina Richard kaya napalingon na rin si Maya at Doris doon. Nakita niyang seryosong nag-uusap ang tatlong lalaki habang umiinom.

“Day..di naman sa nanghihimasok kami ha pero..wala na ba talagang chance? “

Di sinagot ni Maya si  Doris, tiningnan lang nito si Richard at ng napalingon ito sa kanila sabay bawi naman ng tingin si Maya kaya  biglang napa-inom sa kanyang juice.

Sobrang namiss ni Maya ang mga kaibigan kaya nakalimutan na nito ang reason kung bakit andun siya ngayon sa Villa. Inanyayahan na siya ng lola ni Richard na doon na maghapunan, dahil nahihiya naman siyang tumanggi pumayag narin siya. Dapat sana ay si James ang kasama niya para mag-dinner kaya tinext na lang niya ang lalaki at sinabing di siya makakarating. Agad naman tumawag ito sa kanya. Kaka-upo lang niya sa harap ng mesa ng biglang tumawag si James.

“Excuse me, I have to take this call.”

“Lola mo?” tanong ni Richard sa kanya.

“No, it’s James. Dapat kasi siya ang kasabay ko ngayon. Excuse me.” tumayo na si Maya at lumabas muna para sagutin ang tawag.

Nang maka-alis na si Maya sa mesa, lahat silang andun ay kay Richard nakatingin. Kita nila ang pag buntong-hininga at pagkagat-niya ng labi niya to control what he feels. They felt sorry for him pero wala naman silang magagawa.  Tahimik sila lahat at nakiramdam sa susunod na mangyayari. Dinig nila ang boses ni Maya habang kausap si James sa cellphone  na nasa living room lang. Si Richard ay nakatingin sa plato niya habang nilalaro nito ang kutsara, nakikinig kay Maya, ang iba naman ay sa kanya lang nakatingin at minamasdan siya. Nang matapos na si Maya at bumalik sa mesa.

“Oh, di pa kayo nagsimula? … Kain na tayo?”

Ngumiti lang sila at nagsimula na silang kumain. Habang kumakain tahimik sila, si Maya at Richard kanya-kanyang iniisip habang ang iba naman ay nakiramdam sa kanilang dalawa, palipat-lipat ang tingin sa kanila.

“uhmmm.. pinapa-uwi ka na?” si Richard ang unang bumasag ng katahimikan.

“Hindi naman..nagtatanong lang asan daw ako.”

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko I’m spending time with my close friends because they are going home tomorrow.”

Di na nasundan ang tanong ni Richard, nanatili naman silang tahimik hanggang matapos na ang dinner nila. Lumabas silang lahat sa porch at doon pinagpatuloy ang kwentuhan.

“Maya salamat talaga at naglaan ka ng oras para sa amin ha.” pasasalamat ni Doris kay Maya, ngumiti naman siya kay Doris tapos tumingin si Maya kay Richard. Si Richard naman ay tahimik lang habang patuloy sa pag-inom ng wine niya. Simula ng dumating si Maya kanina, di na ata ito humihiwalay sa baso niya. Pansin din niyang lasing na ito.

     Stop that Richard, ayoko makipag-usap sa lasing. You need to be sober para makapag-usap tayo ng maayos.

Gustong-gusto niyang sabihin yun kay Richard pero sa isip niya ayaw naman niyang makialam sa kanya. Di na niya mabilang kung pang-ilang baso na ni Richard yon at pakiramdam niya intensyon talaga nitong maglasing. Habang nagkukwento si Doris nakita niyang lumapit si Richard sa mesa para magsalin pa ng wine sa baso niya. Nang malamang wala ng laman pumasok ito sa loob, ilang sandali lang may narinig silang nabasag sa loob kaya agad silang napasugod para tingnan anong nangyari. Nakita nila si Richard na pinupulot ang basag na bote ng wine sa may pantry.

‘Sorry Maya, nakabasag pa ako dito sa bahay ng lola mo. ” sabi ni Richard habang nakatungo at halatang groggy na.

“It’s okay, bayaan mo na yan. Ako na lang maglilinis niyan. Boys paki tulong na lang sa kanya, dalhin ‘nyo na siya sa kwarto niya.” kinuha ni Maya ang basag na bote sa kamay ni Richard.

“Halika na Chard.” sabi ni Joma sabay lapit kay Richard.

“No ako na..kaya ko to.” pagpupumilit ni Richard.

“Anong nangyari dito?” tanong ni Esmeralda na napasugod din ng marining ang ingay sa kusina.

“Wala po, nabitawan lang siguro ni Richard ang bote kaya nabasag.” tiningnan ni Esmeralda ang apo at ng mapansing lasing na ito umiiling na lang.

“Dalhin na natin siya sa loob. Sorry Maya, kanina pa kasi yan umiinom ayaw paawat.”

“Okay lang po. Sige na Simon ako na bahala dito, paki-akyat na lang sa kanya sa kwarto niya.”

Tinulungan na ng mga lalaki si Richard. Sina Doris naman at Sabel ang tumulong kay Maya sa kusina.

“Maya kami na dito. Nakakahiya naman sa prinsesa kung..”

“Doris naman eh. Ano ba..”

“Totoo kaya, magiging prinsesa kana kaya di bagay sa’yo ang may hawak ng basahan kaya akin na yan.”

Kinuha ni Sabel ang basahan na nasa kamay niya at ito na ang tumapos sa pagpupunas ng nabasang sahig.

“Doris, Sabel di pa ako prinsesa okay ..magiging pa nga lang di ba, pero ayoko yung tinatrato nyo akong iba. Magkaibigan tayo. Gusto ko kung ano yung pagtrato ninyo sa akin noon, ganun parin tayo.”

“Oo pero..basta Maya nahihiya parin kami. Tsaka bakit nga ba hindi pa kayo kinasal ni James? Di ba dapat noong 21 years old ka pa lang dapat nagpakasal na kayo?”

“Oo nga Maya, isang taon na mahigit ang lumipas mula ng nagbalik ka dito bakit hanggang ngayon engagement parin ang naririnig namin?”

Hindi alam ni Maya kung paano ipapaliwanag sa mga kaibigan ang totoong dahilan.  Napansin ng mga kaibigan niyang di na siya mapakali at umiiwas ng tingin.

“Maya?”

Nang makita ni Maya ang lola ni Richard na papalapit sa kanila tuluyan na itong nakahanap ng paraan para umiwas sa tanong nila.

“Kumusta na po si Richard?””

“He’s in his room already. Naghahanap lang ako ng towel para ipunas sa kanya at saka first-aid kit kasi may sugat yung daliri niya.”

“Ah ganun ba..sige ako na lang po.”

Nabigla ang lola ni Richard ng magprisenta si Maya na siya na ang gumawa, pero masaya na ito kasi kahit konti meron parin pala itong pakialam sa apo niya kaya agad naman itong pumayag.

“O sige..”

“Sige pupuntahan ko na lang po.”

Di rin maintindihan ni Maya ang sarili. Pati siya nagulat sa kanyang ginawang pagprisenta pero para sa kanya mabuti na rin yon para maka-iwas na siya kina Doris at Sabel. Umakyat na siya sa kwarto ni Richard dala ang towel at first-aid kit. Pagpasok niya nakita niyang nakapikit ang mga mata ni Richard na parang natutulog. Lumapit na siya nito, umupo sa kama sa tabi ni Richard at sinimulan niyang punasan ang mukha ni Richard. Habang pinupunasan niya ito di maiwasang mapatitig siya sa mukha ni Richard. Ang mukhang sobra-sobra niyang na-miss. Nahinto na siya sa pagpupunas kay Richard. Wala na siyang ginawa kundi tumitig dito. Ilang minuto siyang nanatiling nakatitig nang dahan-dahang minulat ni Richard ang kanyang mata. Pagmulat nito si Richard naman ang nakatitig sa kanya na parang minememorya ang kanyang mukha. Wala sa kanila ang nagsalita. Nakuntento silang magtitigan na lang. Dahan-dahang itinaas ni Richard ang kanyang kamay. His forefinger touch her brow, tracing its line. Then slowly his finger travels down  and traces the bridge of her nose, it touched her eyes, he caressed her cheeks.. then finally his finger traced her lips. Habang ginagawa iyon ni Richard napapikit si Maya at kumawala ang luha sa kanyang mata. Nang minulat ang kanyang mata nakita niyang pati din pala si Richard napa-iyak na rin. Pero ni isa sa kanila ang ayaw magsalita. Di na matiis ni Maya ang bigat ng nararamdaman kaya tumayo na ito at dali-daling lumabas ng kwarto. Sobbing on her way out. Nang makita siya ni Simon, sinundan siya nito hanggang maka-abot na sila sa may kotse.

“Maya?”

“Umalis na tayo Simon.”

“Nag-usap na kayo?”

Shaking her head no, pinupunasan na ni Maya ng mata niya at pinilit na tumahan na pero patuloy paring tumutulo ang luha niya.

“Maya aalis na sila bukas..” covering her face with both of  her hands di na nahiya si Maya at umiyak na ng umiyak. Naaawa naman si Simon sa kanya, kaya hinila niya ito at Niyakap.

21 Comments (+add yours?)

  1. lirahc2014
    Jul 22, 2015 @ 22:02:00

    i’m back rereading your stories but still i can’t open the next chapter…its lirahc@yahoo.com

    Reply

  2. quel
    Mar 03, 2015 @ 15:51:55

    hi connie.pede ho mahingi ang password ng secret chapter 14.thanks

    Reply

  3. elvie
    Jan 30, 2015 @ 23:56:25

    Am rereading your Secrets…but i can’t recall the password.
    Is it ok if you will please share it with me again? Thank you
    and God bless.

    Reply

  4. lirahc2014
    Dec 06, 2014 @ 19:30:20

    its lirahc@yahoo.com………..and i love your stories….as i read this story it broke my heart and hopeful for the best ending ever…thanks for having a brilliant mind…

    Reply

  5. lirahc2014
    Dec 06, 2014 @ 19:28:55

    ohhh please !!! can i ask the password for chapter 14…and if possible for the other chapters that needs your password…thanks !!!!!!!!!

    Reply

  6. mary grace rivera
    Nov 02, 2014 @ 15:33:57

    hay bitin d ko n malalaman ang ending kc password protected n un susunod n chapter…hu hu hu hu

    Reply

  7. Maggie
    Oct 06, 2014 @ 02:40:15

    Hi! Could you please send me your password for your stories. I’m one of your reader in your blogs but it’s protected. Thanks a lot!

    Reply

  8. ssecnirp15
    Sep 08, 2014 @ 00:24:36

    hi po pwede po paemail ng password.. phrincess_1519@yahoo.com

    Reply

  9. Alvin Fajardo
    Sep 06, 2014 @ 18:22:30

    Hello….thanks for your stories. Can you please send to my email add nethdfajardo@yahoo.com the password of chapter 14 of “Secrets”.thanks so much again.

    Reply

  10. dondraperjustgotmad
    Jul 13, 2014 @ 12:46:25

    Hi po. Pwede pong humingi ng password or clue for the chapter 14 of Secrets? dondraperjustgotmad@yahoo.com thanks po.🙂

    Reply

  11. miganne
    Apr 05, 2013 @ 12:48:13

    huhuhuhu ang chakeet naman nun ate con … pero ang ganda ng kwento .. thank u ate ..

    Reply

  12. Rocsan
    Apr 05, 2013 @ 05:01:09

    Hope you share this to excess baggage soon. This is one good story, im just glad to chance this blogs.

    Reply

  13. yan
    Apr 05, 2013 @ 00:21:50

    this series is great and exciting.:-) thank you nyl..

    Reply

  14. Rocsan
    Apr 04, 2013 @ 13:53:08

    Felt the pain. Hope to read the next installment soon. Thanks for another great story.

    Reply

  15. Jenny Carandang
    Apr 04, 2013 @ 11:20:06

    So heartbreaking… What will happen to the undying love they have for each other? 😦

    Reply

  16. Diosel
    Apr 04, 2013 @ 11:18:18

    huhuhu ~_~, nakaka-iyak.. ang dami talagang secrets ni Maya.. anu kaya ung inililihim nya kay Sabel & Doris… hmmm… (Still Thinking)bka naman may Hind sya sinasabi kay Richard… bka kaya engaged palng sila ni James kac may nangyari kay Maya?… HMMPPP!!! wag na nga lang ako mag isip ng kung anu-ano .. kung saan-saan na pumupunta ang Imagination ko.!!! hehe.. But Still ANG GANDA parin!! next na po please… FULL OF SECRETS..

    Reply

  17. GinalynEugyn
    Apr 04, 2013 @ 11:17:14

    Awts!

    Reply

  18. eijoj20
    Apr 04, 2013 @ 10:34:37

    naiyak ako dito….sis i feel the pain…..next agad ha! thank u🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: