Prenup 1

AT 7:30 a.m  nasa office nasa si Maya naghahanda ng gamit ng boss niya. Ilang minuto na lang dadating na din yon at sigurado siyang sunod-sunod na ang utos nito sa kanya kaya habang wala pa ito, mas mabuting ihanda na ang mga kakailanganin nito para sa meeting na gaganapin mamaya. Nag-aayos na siya ng files sa folder na ilalagay sa ibabaw ng mesa ng kanyang boss ng tumunog ang cellphone niya at  makitang isang mensahe galing sa boyfriend niya. She picked her cellphone and read the message.

 

“Good morning babe. Ingat sa work. Love you.”

 

Agad naman siyang nag-reply.

 

“Good morning baby ko. Ingat din sa work mo. Love you more. ”🙂

 

Napangiti si Maya ng mabasa niya yon. Six years na din silang magkasintahan, mula third year college pa lang siya boyfriend na niya ito, at kagabi di niya inaasahan ang pag-propose sa kanya ng boyfriend. Nasorpresa na lang siya ng biglang itong naglabas ng singsing sa kalagitnaan ng kanilang dinner date sa isang restaurant. Nang maalala ang prosposal, she looked at the engagement ring she’s wearing. A simple Tiffany-inspired engagement ring, with a single round brilliant diamond lofted above  a silver band. Its the most precious gift that she received from him. Naiyak pa siya nang isinuot ito sa kanyang daliri ng boyfriend niya kagabi. Finally, after 6 long years ikakasal na sila. Buong akala ni Maya di pa mangyayari yon considering di naman nila napag-uusapan ang kasal.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang happy thoughts ng pumasok ang amo niya. Di pa man ito tuluyang nakalapit sa kanya amoy na niya ang pabangong lagi nitong ginagamit.

 

“Good morning Sir!! ” bati ni Maya kaagad.

“Good morning, Maya.”

Pumasok na ito sa opisina niya kaya sumunod naman si Maya bitbit ang folder na naglalaman ng files na inaayos niya kanina.

“Sir eto na po yung hiningi ‘nyo kahapon.” inabot ni Maya sa boss niya ang folder, habang inaabot niya ang folder napatingin naman ito sa kamay niya.

“Engagement ring?” ngumiti ito sa kanya na parang nagtatanong. Si Maya naman napangiti at tumango na parang kinikilig.

“Ummm”

“Di halatang masayang ka Maya.” biro pa sa kanya ng amo niya.

“Sir Richard naman eh.”

“Why? Totoo naman eh. Baka maunahan mo pa ako ha. Kailan ba ang kasal?”

“Wala pang date Sir, kagabi pa kasi nag-propose si Raffy di pa alam nina nanay.’

“Ah ganun ba..invite mo kami ha.’

“Opo naman Sir, syempre po.”

Ngumiti si Maya sa boss niya, pagkatapos ay iniwan na niya ito at bumalik sa kanyang mesa sa labas ng opisina nito. Matagal na ring sekretarya ni Richard si Maya. Ito ang kauna-unahang trabaho ni Maya pagka-graduate niya 3 years ago. And ang nangyaring usapan kanina sa loob ng opisina ay ang kauna-unahang conversation about personal life na nangyari sa kanilang dalawa. May pagka strikto si Richard when it comes to work, di masyado nagsasalita pero mabait naman ito. When it comes to his employee’s personal lives di ito nakikialam kaya medyo nagulat din si Maya ng magtanong si Richard ng makita  ang engagement ring niya.

Nagsimula na siyang magtrabaho sa harap ng computer niya  ng biglang may tumawag sa telepono. Nang sinagot ito si Stephanie pala, ang girlfriend ng amo niya hinahanap si Richard at di daw sumasagot sa tawag at text nito.

“Wait lang po Ma’am ha sasabihin ko po sa kanyang tumawag kayo.”

Tumayo si Maya at kinatok ang glass door ng opisina ni Richard. Nang makita siya ni Richard, pinasok niya ang ulo niya sa pinto at sinabing tumatawag si Stephanie pero kumaway ito na parang sinasabing ayaw niyang sagutin ang tawag. Nagtataka man, bumalik din si Maya sa mesa at kinausap si Stephanie at gumawa ng dahilan na busy si Richard sa meeting.

Buong umaga panay ang tawag ni Stephanie at buong umaga din panay hanap ng dahilan si Maya kasi ayaw namang sagutin ni Richard. May LQ ata kaya siya ang naiipit sa dalawa. Huling tawag ni Stephanie, nagbanta na itong susugod sa opisina kaya nang lumabas na ang ka-meeting ni Richard agad siyang pumasok at pinaalam sa amo niya ang banta ng girlfriend nito.

“Sir, may susugod mamaya if di ka pa raw sasagot sa kanya.”

“Who? Stephanie?”

“Yes, Sir.” nakita niya ang malalim na buntong-hininga nito bago siya sinagot.

“Ang kulit naman kasi. Sabi ko sa kanya mag-uusap pa kami.”

“Po? ”

“Si Stephanie. Ang kulit!” Umiiling pa si Richard halatang naiinis na ito sa inaasal ng girlfriend niya.

“Bakit po? Ano po ba ang kailangan ng girlfriend mo sa inyo?”

“Kasi kagabi, nagpropose ako sa kanya. Wala pa akong sinasabing magpakasal na kami agad-agad, eh gusto na niyang mag secure na kami ng marriage license.”

“Po?” di napigilan ni Maya ang kanyang sarili at bigla siyang tumawa ng makita ang reaksyon ng amo niya. Parang naiinis na di maintindihan ni Maya.He is already 45 years old pero bakit parang ayaw pa nitong mag-asawa.

“Why are you laughing?” nagulat si Richard ng makita siyang tumatawa. Namula pa tenga sa hiya.

“Ah, wala po. Kaya pala sinabi ‘nyo kanina baka maunahan ko kayo kasi pati din pala kayo nagpropose na rin kagabi. Cogratulations po pala Sir.”

“hmmpp ewan ko Maya if I magpapasalamat ako sa bati mo or what. Di ko kasi alam ano mararamdaman ko ngayon… para kasing.. ahh ewan.”

“Sir..baka ano lang, excited lang si Ma’am Stephanie. Kausapin ‘nyo na lang po para di na sumugod.”

“Yeah ganun na nga Maya. Sige magbreak kana. I’ll be coming in late, mga 2pm na siguro. Kakausapin ko lang siya. Wala ba akong meeting mamaya?”

“Wala na po Sir. Yung paper works na lang na kailangang tapusin para mabigay ko na kay Sir Ryan.”

“Ah okay. Sige..thank you pala for helping me kanina.”

“Ah , wala po yun Sir. Sige po.”

Richard left the office, habang papalayo sinundan niya ito ng tingin.

 

Sir talaga oh..parang di pa tumatanda ayaw pang mag-asawa…Tska ano kaya yun, nagpropose tapos wala pa palang plano.. kung ako nga si Ma’am Stephanie world war na talaga! Pero in-fairness Sir ha nag-oopen up ka na. Mukhang sabay pa tayong ikakasal nito ha.

 

 

11 Comments (+add yours?)

  1. Gloria Angeles
    Feb 27, 2016 @ 17:25:50

    It is so frustrating to not be able to finish the stories because I do not know the passwords. I do not know how to get these passwords. Can I please get a reply? It is so depressing. Useless to read al these stories.

    Reply

  2. canistel
    Apr 08, 2013 @ 05:34:14

    Naksss! New story. MEHEHE can’t wait sa next :>

    Reply

  3. yssa13
    Apr 07, 2013 @ 05:23:35

    Kaloka another great story.. Iba ka talga sumulat… Love na love ko… Next chapter please and more great stories to come.

    Reply

  4. yssa13
    Apr 07, 2013 @ 05:21:18

    Kaloka another great story! Iba ka talaga sumulat… Love na love ko… Sana next chapter na and more great stories to come🙂

    Reply

  5. felcarnelle2008
    Apr 07, 2013 @ 03:42:28

    bakit d na post ung first comment ko rito? enewiez, sis con another ff i’m excited to know what’s going to happen next, pwede ung kasunod now na? lol, i’m always ur supporter, 100% (luv all the b ladies)

    Reply

  6. Rocsan
    Apr 07, 2013 @ 03:36:36

    Another great story in the making.. Looking forward ….

    Reply

  7. Jenny Carandang
    Apr 06, 2013 @ 11:47:54

    Next chapter please! 😊

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: