Prenup 2

Past 5 pm na, hinihintay ni Maya si Raffy na dumating para sunduin siya. Kapag hindi kasi busy ang boyfriend niya, sinusundo siya ni Raffy para sabay na silang umuwi. Ilang minuto pa ang kanyang hinintay bago natanggap ni Maya ang tawag ni Raffy telling her na nasa parking area na siya. Kinuha ni Maya ang bag niya at nagpaalam kay Richard na nasa loob pa ng opisina niya. Nang tumango na ito, dali-dali namang lumabas si Maya at hinanap kung saan naka parking ang sasakyan ng boyfriend niya. Nilapitan na niya ito at nang makita naman siya ni Raffy ngumiti habang si Maya naman ay kumaway habang papalapit sa kotse.

“Hi, babe!” bati sa kanya ni Raffy nang makapasok na siya sa sasakyan. He gave her a quick kiss on her lips. Halatang masaya si Raffy.

“Masaya ka ata ah..di ka pagod sa office?” umiiling naman ang lalaki na mas lalong lumaki ang tawa nito ng makaharap na siya.

“uhmmm masaya ako kasi I have you.”

“Awww ang sweet ng baby ko. Pakiss nga!.” Maya gave him a sweet kiss on his lips again.

“I’m happy kasi ikakasal na tayo.”

“Ako din..by the way, kailan tayo luluwas ng San Nicholas para ipaalam natin kina Nanay?” excited na tanong ni Maya kay Raffy.

“Ahh, kasi babe..sorry ha, naunahan na kitang sabihin kina mommy and she’s so excited kaya she asked me to bring you tonight. We will have dinner with her sa bahay.”

Nabigla si Maya, she didn’t expect to hear that from Raffy. Not that ayaw niya pero nagkasundo kasi sila last night na sasabihin muna nila sa nanay Teresita niya bago ipaalam sa mommy nito. Sumimangot na tuloy siya ng marinig ang balita.

“Akala ko ba..”

“I know..sorry talaga babe, na-excite ako masyado that when I got home last night nasabi ko kay mom. Huwag ka na magalit ha, please..”

“May magagawa pa ba ako.. pinapapunta niya ko?”

“Oo, dalhin daw kita mamaya.”

“Ah okay..”

“Di ka na nagtatampo?”

“Kung magtatampo ba ako, will it change anything? Kaya sige, pupunta na ako.”

“That’s my girl!”

Nag-drive na si Raffy papunta sa subdivision nila ng naisipan ni Mayang dumaan sa isang bakeshop para bumili ng cake na dadalhin sa bahay ng boyfriend niya. Pagdating naman sa bahay nina Raffy, sinalubong siya ng yakap at halik sa pisngi ng mommy nito. Asiwa man, pilit na ginantihan ni Maya ang hospitality na pinakita ni Mrs. Alvarez. Mabait naman ang mommy ni Raffy kaya lang di masyadong close si Maya dito. Nahihiya kasi siya dahil sa magkaibang estado ng buhay nila. Iba sa kinalakihang simpleng pamumuhay nina Maya.

“Hello po tita.”

“Maya! I’m glad that you accept my invitation.”

“Thank you po sa invitation tita. Ito pala, dumaan kami ni Raffy sa favorite bakeshop namin, I hope magustuhan mo rin po.”

“Aww you’re so sweet. That’s why my Raffy loves you so much.”

“Of course mom..si Maya yan eh!”

Umakbay si Raffy kay Maya at ngumiti sa kanya. Looking both at them, napangiti din ang mommy ni Raffy.

“Oh, come..dinner is ready. Andun na din ang daddy mo.”

“Oh? Andito na si daddy? Himala at maaga siya ngayon.”

“Yes andito na siya. I told him to come home early kasi dadating si Maya.”

Tinungo na nina Maya ang dining table at nadatnan nilang  may kausap sa cellphone ang daddy ni Raffy. Nang makita silang papalapit, agad itong nagpaalam sa kausap at tumayo para i-welcome si Maya.

“Maya!”

“Good evening po Tito!”

“Dad! Si Maya lang talaga ang nakita mo kaagad ha.”

Lumapit si Raffy sa daddy niya at humalik sa pisngi, pati si Maya lumapit na din at nakipag beso-beso sa future father-in-law niya. Nang maka-upo na silang lahat sa mesa, nag simula na silang kumain habang masayang nagkukwentuhan. Tinatanong si Maya ng tungkol sa detalye ng kasal nila ni Raffy, pero dahil nga sa di naman talaga pa napag-usapan nina Maya at Raffy di agad siya nakasagot sa kanila.

“I’m thinking of Shangri-la Hotel for the reception, how about that Maya?”

Tanong ng mommy ni Raffy kay Maya, di maintindihan ni Maya kung ano ang sasabihin. Masaya siya na excited ang mga in-laws niya sa kasal pero nag-aalala siya dahil mukhang hindi na nagpapa-awat sa pagpapa-plano ng detalye. Mas gusto kasi sana niyang silang dalawa ni Raffy ang mamahala nun. She looked at Raffy who is sitting beside her, trying to get help from him pero mukhang di siya naiintindihan nito.

“Yes, mom..I think maganda din yung Shangri-la…I’m sure okay lang din kay Maya. Right, babe?”

Hearing that from Raffy, alam na ni Maya ang kasunod..wala na naman siyang choice. It’s always like that, if gusto ni Raffy, kahit ayaw ni Maya laging si Raffy ang nasusunod, di marunong makipag-compromise sa kanya.

“Maya?”

tanong ulit ng mommy ni Raffy sa kanya ng di pa rin siya sumasagot. All of them were looking at her, waiting for her to reply. It took her a while before she nods her head in agreement.

“Well that’s great! For the church, we’ll leave it up to you guys baka meron na kayong nagustuhan na place..the wedding gown and the  suit should be from Avel Bacudio. .”

Habang nag-uusap sila ng tungkol sa kasal si Maya naman ay tahimik at nakikinig lang, pa ngiti-ngiti pero di nakikisali sa kanila. Di man lang napansin ni Raffy pananahimik niya, isang bagay na kinaiinis ni Maya sa boyfriend. Ang pagiging insensitive nito paminsan-minsan, minsan nagiging sanhi ng away ang ugaling ito ni Raffy. Pagnagkakatampuhan sila at ito ang dahilan, lagi lang nitong pinapangakong di na uulit pero bumabalik parin. Umabot na sa point na di na pinagsasabihan ni Maya ang boyfriend kasi nagsasawa na siya. Wala rin namang nangyayari sa pangako ni Raffy.

Nang matapos ang dinner, lumipat sila sa may veranda ng bahay nina Raffy at doon pinagpatuloy ang kwentuhan habang nagka-kape. Di na napag-usapan ang tungkol sa kasal at nabaling ang atensyon ng parents ni Raffy ng mamention nito ang tungkol sa trabaho. Di man siya interesado sa topic, at least hindi yung kasal na supposedly siya ang nagpapa-plano, ang napag-uusapan. Mag-aalas nwebe na rin ng nagpaalam si Maya sa parents ni Raffy. Hinatid ni Raffy si Maya sa apartment nito.

“Good night babe. Thanks for tonight.”

“Thank you din at hinatid mo ako. Please tell tita that I enjoyed the dinner.”

“I will..”

Raffy lean on her and give her a kiss on the lips. A kiss that lasted longer than the usual. Raffy’s hand is caressing her arm already. Bago pa lumalim ang halik na yun, Maya broke the kiss. She place her hand to his chest to stop him and push him a little.

“Sorry..” He moved back and straighten himself up in his seat.

“Pasok na ako..see you tomorrow.”

“Uh..okay..bye. I love you.”

“I love you too. Ingat sa pagda-drive ha.”

Nang nakalayo na ang sasakyan ni Raffy saka pa pumasok si Maya sa loob. As usual, pagdating ng pagdating niya sa apartment na tinutuluyan niya diretso na kaagad siya sa kwarto. Nag-iisa lang siya sa apartment niya kaya wala siyang inaalalang gawaing bahay pag-uwi niya. Wala ring inaalalang kasama sa bahay na mag-aalala kong anong oras siya uuwi o kung uuwi ba siya o hindi. Simula nag nagtrabaho siya ng Manila nasanay na siyang mag-isa, malungkot kung minsan pero kadalasan naman masaya siya at nakakapagpahinga siya ng maayos kasi walang mang-iistorbo sa kanya.

 

 

 

~~~~~~~~~~ * * * * * ~~~~~~~~~~

“Maya, can I ask you something?”

“Yes, Sir ano po yun?”

“Pag nag-away ba kayo ng boyfriend mo, ano ang gusto mong ginagawa niya?”

“Po?”

“I mean, kung nagkakatampuhan kayo ano madalas ginagawa niya sa’yo?”

“Ahh.. bakit sir, galit parin si Ma’am Stephanie sa’yo?”

“Ummm parang ganun na nga.”

Richard leaned back on his swivel chair comfortably while waiting for her reply.

“uhmm nagpapadala siya ng flowers.”

“Flowers..okay please call the flower shop and order a bouquet tapos ipadala sa condo ni Stephanie.”

“Okay sir, and any special message na isusulat sa  card?”

“Message? Kailangan pa ba yun?”

“Sir? Bakit Sir, di pa ba kayo nakapagpadala ng flowers kay Ma’am Steph?”

Richard shakes his head no. Maya raise her brow. She can’t believe what she just hear from him.

“Seriously?”

“I sent flowers before but not for Steph … for Mom.”

“Oh! .. well then kung first time makatanggap ni Ma’am Stephanie ng flowers ngayon then I’m sure magiging happy yun at patatawarin ka kaagad.”

“Really? ..About the message, pwede bang wala na lang ilagay?”

“Huh? ahh sige po kayo na bahala. But if you ask me Sir, I think it would be better to write something like I’m sorry or I love you..”

“No..i don’t like cheesy stuff.. di ko gusto yung mga ganung bagay.”

“Ganun? Ikaw po bahala.”

“Okay..thank you.”

Lumabas na si Maya sa opisina ni Richard at agad tumawag sa flowershop para magpa deliver ng flowers sa condo ni Stephanie. Nang matapos makatawag, di maiwasang magtaka ni Maya sa mga natutuklasan sa amo niya.

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

“Sweetheart..mahirap ba yung hinihingi ko? It’s just a small party with some of our friends.”

“Steph, why throw a party just to tell them about our engagement? Pwede namang saka na yung party during the wedding right?”

“Gusto ko lang na hindi lang yung parents natin ang makaka-alam about the engagement. Gusto ko pati din close friends natin.”

“Stephanie, we are too old for that .. I mean look, di ba nakakahiya? At may age ngayon pa ako magpapakasal. And besides, mas gusto ko yung intimate dinner with just our parents kasi sila naman yung mga importanteng tao sa atin di ba?”

“Ah basta!”

“Steph..”

Pilit na inaayos ni Richard ang pinag-aawayang issue nila ni Stephanie. He visited her in her place he left the office earlier. Akala niya nakuha na niya sa pinadalang flowers pero di parin pala. Naiinis siya kasi di siya pinapakinggan ng girlfriend niya. Mahilig kasi sa party si Stephanie, konting bagay lang nagpapa-party na kaagad. Bagay na di masakyan ni Richard. Dahil sa di naman nakikinig si Stephanie, umuwi na lang siyang di parin sila ayos.

Kinabukasan sa office..

“Maya, akala ko ba pag pinadalhan ka ng flowers maaayos na?”

“Po?”

“Yung flowers!”

“Eh..opo, pero ako po yun..di ko lang alam kay Ma’am Stephanie. Bakit di parin kayo ayos?”

“Hindi pa eh..”

“Ah Sir, pwedeng magtanong?”

“Yes, go ahead.”

“Bakit ba kasi kayo nag-away?”

“Kasi matigas ang ulo niya, ayaw niya makinig sa akin. Gusto niya siya lang lagi ang nasusunod. Gusto niya kasi magpa-party to announce the engagement, eh ako naman mas gusto ko yung intimate with our immediate family lang muna.”

“Ahh…”

“Ikaw ba Maya yun din ang gusto mo?”

“Hindi po. Mas gusto ko nga na sina Nanay muna ang makakaalam kasi syempre pamilya ko sila.”

“That’s exactly my point..With Stephanie kasi feeling ko gusto lang niyang ipagyabang na ikakasal na siya. Matagal na din kasi siyang tinutukso ng friends niya kasi nga siya na lang ang di pa nag-asawa among them.”

“Ahh ganun po ba?” napaisip tuloy si Maya sa sarili niyag kasal.

     Bakit nga ba Sir ganun sila? Yung kina Raffy din parang naging extension ng business meetings nila ang pagpapakasal namin. Kung sinu-sino na lang ang binabanggit di ko naman kilala.

“Maya.. sa tingin mo, okay lang kaya bawiin ko ang proposal ko?”

“SS-ir?”

Nagulat si Maya ng marinig ang plano ng boss niya. Alam niyang minsan may pagkamainitin ang ulo ni Richard pero di niya akalaing pati sa pagpapa-plano ng kasal ipapairal din ang ugaling ito. Di na naman niya maiwasang mapaisip.

     Paano kaya akung ako din? Sa ugali ni Raffy malamang pagkatapos ng kasal mas lalo na itong di makikinig sa akin.

 

4 Comments (+add yours?)

  1. Kate
    Sep 28, 2013 @ 18:09:36

    Penge po password🙂 divine_hifarva@yahoo.com thank you!

    Reply

  2. yan
    Apr 09, 2013 @ 06:21:39

    i love every detail of this story.. it’s more like interesting. thanks nyl..🙂

    Reply

  3. Jenny Carandang
    Apr 09, 2013 @ 01:53:15

    Exciting! Parang teleserye!🙂

    Reply

  4. Bong
    Apr 08, 2013 @ 22:29:31

    Please keep it coming, enjoyed itvanlot!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: