Prenup 3

     Paano nga kaya kung mangayari yun? Paano kaya kung..

 

Beep!

Beep!

 

“Ay kabayo!”

Nagulat si Maya ng biglang may bumusina sa likuran niya. When she turned, she discovered it came from Raffy’s car. Di niya namalayan dumating na pala ang boyfriend niya. Matapos silang mag-usap ng boss niya kanina, di na nawala sa isip niya ang sinabing planong i-break ang engagement nito. Buti na lang she was able to talk to him and convince him na di solusyon ang iniisip niya.

“Hi Babe.”

Lumabas ng kotse si Raffy at nilapitan siya. Humalik sa pisngi saka kinuha ang bag at gamit para ipasok sa loob ng sasakyan. Pinasakay narin nito si Maya pagkatapos ay siya naman.

“Bakit parang nagulat ka?”

“Ah, eh kasi di ko namalayan na andyan ka na pala.”

“Bakit? May iniisip ka ba? Sina tita Tere?”

“No, hindi naman..yung boss ko kasi.”

“Bakit may problema sa office ninyo?”

“Wala naman…si Sir kasi ano..ah basta, huwag na lang nating pag-usapan yun. Wala yon.”

“okay..by the way, may pupuntahan tayo tonight ha. Around 8 or 9 pm. ”

“What? I don’t know kasi alam mo namang may pasok pa ako bukas di ba?”

“Sige na please? .. alam na kasi ng mga friends ko and they are asking kung pwede daw itreat ko naman sila. Kaya sabi ko okay tayo mamaya.”

“Raffy! Bakit ganun? Without even asking me first?!”

“Eh..kasi.. sige na please?..”

Nilalambing na ni Raffy si Maya pero di na talaga kaya ni Maya. First is yung sa parents ni Raffy, ngayon naman ang mga kaibigan nito. Feeling ni Maya nababa-balewala na ang family niya when in fact it was Raffy’s suggestion sa kanya na unahin munang ipaalam sa nanay niya sa San Nicholas before sa iba. Di na mapapalampas ni Maya ang ginagawang ito ni Raffy.

“Akala ko ba unahin natin sina Nanay? Yung sa parents mo, pinalampas ko na yun but now ito ka na naman and this time sa friends mo. Look, okay lang naman na malaman nila pero how about yung sa side ko Raffy! Sana naman you take into consideration na unahin sina Nanay na maka-alam before yung iba. Sana lang inisip mo yun.”

Maya is already raising her voice to let him know na nasasaktan na siya sa ginagawang pambabalewala ni Raffy sa family at sa promise nito sa kanya.

“Galit ka?”

“Hindi! Masaya ako Raffy, masayang-masaya. Abot tenga na nga ang ngiti ko di ba?”

Humarap pa si Maya kay Raffy para ipakita ang fake smile niya. Di rin nagustuhan ni Raffy ang tono ng boses ni Maya kaya napakagat-labi na ito, pinipigil ang sarili. Nang makita ni Maya iyon, kinuha niya ang bag at gamit niya sabay bukas ng pinto ng kotse.

“Where are you going?”

“Magta-taxi na lang ako. Pumunta ka sa mga kaibigan mo kung gusto mo, di ako sasama sa’yo. ”

“Maya come back here!”

Sigaw ni Raffy ng tuluyang lumabas si Maya sa kanyang sasakyan. Nang si man lang ito lumingon sa kanya pinaharurut niya ang sasakyan at iniwan si Maya.

“Bahala ka na nga!”

Umiiyak na si Maya habang naglalakad ng saktong makita niya si Richard na palabas ng building kaya bigla siyang napatalikod at napabalik. Nag-decide siyang doon na sa kabilang street mag-abang ng taxi para maka-uwi na. Saktong may taxing padaan kaya pinara na niya ito.

 

 

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~~

Mugto ang mata ni Maya ng pumasok kinabukasan. The make-up she’s wearing didn’t help. Buti na lang tumawag ang boss niyang di makakapasok ng umagang yun at may iche-check sa factory kaya hapon na makakapunta sa office niya. Maya tried to concentrate sa work. Pinatay ang cellphone para makaiwas sa text at tawag mula kay Raffy. After lunch break, thankful si Maya at medyo di na gaanong namumugto ang mata niya, kung titingnan mo ito parang nasobrahan lang siya sa tulog di katulag ng pag gising niya kanina.

“Sir, meron palang invitation from Cebu. May furniture fair daw na gaganapin. The organizers are asking kung pwede raw ba tayong sumali?”

“Cebu? Ito ba yung dating Cebu X now Cebunext?”

“Yes Sir, yun nga. So ano Sir, sasali tayo?”

“Of course, galing ako dun sa factory kanina and parang meron tayong magandang design na dadalhin dun. Kailan daw?”

“Next month daw Sir. Meron palang meeting para sa fair next week. Sino ipapadala natin?”

“Tayo na ang pupunta dun.”

“Sir?”

“Yes, I need someone to go with me. Ikaw ang secretary ko plus alam mo ang ibang detalye sa company natin so might as well ikaw na ang isasama ko right?”

“Kayo po bahala Sir Richard. Sige po. “

“Ilang days ba?”

“One day lang naman yun Sir.”

“Okay, magpa book kana ng flight and hotel reservation for two. Alis tayo a day ahead of the actual meeting para naman di tayo nagmamadali, then let’s leave Cebu kinabukasan na din after the meeting. Bale 3 days tayong wala dito.”

“Okay po ..”

Maya is writing the details on her little notebook nang maalala niya ang San Nicholas.

“Sir, can I file a leave after nating pumunta ng Cebu?”

“Why?”

“Pupunta lang sana akong San Nicholas. Mga two days lang po Sir kung pwede.”

“Okay. “

“Thank you po Sir!”

“No problem..yun lang ba?”

“Yes Sir..sige po magpapabook na po ako.”

Lumabas na si Maya sa opisina ni Sir Chief at tumawag na para magpa-book ng flight for two going to Cebu and para magpareserve narin siya sa hotel na tutuluyan nila. Pagkatapos gawin yung para sa trabaho niya, inayos narin ang para sa personal niyang lakad pauwin ng San Nicholas. Bigla tuloy naging ganado si Maya ng maalala na uuwi siya ng San Nicholas next week. Gusto niyang tumawag sa kanila para ipaalam na uuwi siya pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang isorpresa ang kanyang pamilya sa pag-uwi niya.

Pauwi na si Maya at nag-aabang ng taxi ng madaanan siya ni Richard. Huminto ito sa tapat niya nang di niya namalayan.

“Maya!”

“Ay, hello po Sir.”

“Di ka ba susunduin ng fiance’ mo?”

“Ay hindi po eh.”

Buong araw na din naka-usap o naka-text si Maya kay Raffy. Sinadya na talagang huwag kausapin ito para naman malaman ng lalaki na talagang nagtatampo siya at this time di siya makukuha sa simpleng paglalambing lang.

“Tara ihahatid na kita.”

“Ay, huwag na po Sir. Tumawag na po ako ng taxi.”

“Okay, ikaw ang bahala. Ingat sa pag-uwi”

“Sige po Sir, salamat sa offer ninyo. Ingat din po.”

Umalis na si Richard habang si Maya naman ay naghintay sa taxing susundo sa kanya. Habang tinatanaw niya ang papalayong sasakyan ng boss niya, napapangiti siya habang iniisip ang magandang pakikitungo ng boss niya sa kanya. Unti-unti na itong nag oopen-up sa kanya. Di katulad ng dati na laing dumi-distansya sa kanya at sa iba pa nitong mga empleyado. Simula ng nalaman niyang ikakasal na din ito sa long-time girlfriend niya at tulungan sa mga diskarte niya nagiging friendly na ito sa kanya.

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Nasa airport na si Maya naghihintay kay Richard para sa flight nila going to Cebu. Habang naka-upo at naghihintay sa boss niya, naisipan niyang mag OL at mag-update sa twitter account niya.

     Waiting for my boss at the airport. Wait for us Cebu, here we come!

Ilang minuto pa siyang nanatiling online sa twitter at nagbabasa ng tweets nang dumating si Richard.

“Good morning po Sir.”

“Good morning..ready ka na?”

“Yes Sir, excited na din to see Cebu.”

Naghintay na silang tawagin ang flight nila nang biglang marinig ang cellphone niya. Nakita niyang si Raffy ang tumatawag. Simula ng nag-away sila last week di na sila nagkita at nagka-usap pa. Di man lang ito nagpakita sa apartment niya para humingi ng dispensa.

“Sir, sasagutin ko lang po.”

“Okay, make it fast ..malapit na din yung flight natin.”

“Okay po.”

Tumayo si Maya at lumayo ng kaunti kung saan naka-upo si Richard para di siya nito marinig.

“Hello?”

“Maya! Why are you going to Cebu? How come di ka man lang nagpaalam sa akin?”

Uminit bigla ang ulo ni Maya ng marinig ang malakas na bose ni Raffy sa kabilang linya.

“Nagpaalam? Bakit Raffy, uso pa ba sa atin yun?”

“Maya! Galit ka parin ba?”

“Anong akala mo nakalimutan ko na yun?”

“Okay fine! Sorry!”

“Nagso-sorry ka pero pasigaw parin?”

Napasigaw si Maya ng konti kaya biglang napalingon si Richard nang marinig siya. Tumalikod na lang si Maya dahil nahiya siya.

“Ano bang kailangan mo at tumawag ka ha?”

“I told you, bakit di ka nagpaalam? Anong gagawin mo dun?”

“Trabaho! Ano pa nga ba?And please..huwag mo akong sumbatan ng tungkol sa hindi ko pagpapaalam sa’yo kasi yun din ang ginawa mo sa akin last week. Sige na aalis na kami.”

“Maya!”

“Ano?”

“Mag-uusap tayo pag-uwi mo”

“You know what Raffy? Dapat last week pa, pero sa sobrang pagka insensitive mo ngayon mo pa yan narealize. Subukan mo kayang idagdag sa bukabularyo mo ang word na sensitive para naman ma-try mo yan minsan.”

Pinindot na ni Maya ang end button ng cellphone niya sabay ang malalim na buntong-hininga. Kung wala lang siya sa airport kanina pa sana siya nagsisigaw sa inis niya kay Raffy.

“Maya!”

“Sir?”

“Let’s go.”

“Ah okay!”

Lumapit na si Maya sa upuan niya kanina at dadamputin na sana ang stroller bag niya pero naunahan na siya ni Richard.

“Let me.”

“No Sir, okay lang..magaan naman to eh.”

“No ako na..yung carry-on bag ko na lang please.”

“Sige po. Salamat po Sir.”

“That’s okay.”

Richard leaned oh her a little bit and whispered.

“And please don’t call me Sir muna. Nasa labas kasi tayo ng opisina, nakaka-ilang. Call me Richard.”

“Po?”

“And please add the po and opo . .okay?”

“kayo po..ayy kayo ang bahala pala, sorry”

Nahihiya man si Maya pero nakasagot naman siya without using po or opo. Ngumiti si Richard ng marinig siya.

“That’s better. Shall we, Maya?”

“Okay..Tayo na.”

“For 3 days let’s forget Manila muna and enjoy Cebu. That means forget and leave our problems here. Pagpasok natin diyan di na sila dapat nakasunod sa atin.”

Maya smiled. Alam niyang para sa kanya yung sinabi ni Richard. Narinig siguro nito ang pagtatalo nila ni Raffy kanina kaya pilit nitong pinapagaan ang nararamdaman niya.

     Friends na tayo Sir? I mean friends na kami ni Richard..

Napangiti si Maya sa sarili habang nakasunod kay Richard. Masaya at di niya inakalang aabot sila sa ganitong level. Akala niya hanggang boss-empleyado lang sila, di niya akalain na pwede rin naman pala silang maging kaibigan.

     Hhmmm not bad, Cebu with a new found friend? Why not coconut?! hehe

6 Comments (+add yours?)

  1. chen
    Apr 10, 2013 @ 14:02:50

    b0ngga..,:)excited for the next chapter..

    Reply

  2. Rocsan
    Apr 09, 2013 @ 16:45:18

    Super like!

    Reply

  3. cari
    Apr 09, 2013 @ 15:08:10

    next pls…. so xcite na..:-)

    Reply

  4. yan
    Apr 09, 2013 @ 15:03:11

    Excited for the next chapter. What will happen to maya and richard in cebu? Nice one nyl🙂

    Reply

  5. Bong
    Apr 09, 2013 @ 09:30:21

    whew nice one! keep it coming!

    Reply

  6. GinalynEugyn
    Apr 09, 2013 @ 08:35:08

    Eksayting!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: