Prenup 4

Sakay ng Philippine Airline Flight 849 lumapag ng ang eroplanong sinakyan nina Richard at Maya bandang 10:15 ng umaga sa Cebu. Pagdating ay dumiretso sila sa Shangri-la’s Mactan Resort & Spa kung saan nagpa-reserve ng accommodation for two si Richard through Maya. Doon din kasi gaganapin ang meeting kaya doon na din naisipan ni Richard mag stay.

“Maya, kita na lang tayo mamaya sa restaurant sa baba for lunch okay.”

“Okay..pasok na din ako.”

Kanya-kanyang pasok sina Richard at Maya sa rooms nila. Parehong nasa Ocean Wing ang mga kwarto kaya magkalapit lang. Si Richard nasa Panorama Suite while si Maya naman ay nasa Premiere Suite.  Pagkapasok pa lang ng room ni Maya napa-wow na siya sa ganda ng nito. Agad siyang nagpasalamat at nagbigay ng tip sa bellboy na nag-assist sa kanya. Nang lumabas na ito at nai-lock ni Maya ang pinto, agad siyang sumalampak sa higaan.

“Woohooo! Maya good vibes muna! Wala munang Raffy at problema!”

Maya reminded herself. Nilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto niya. Sa lahat ng travels niya ito na yata ang pinaka magandang room na napasukan niya. Salamat at siya ang pinili ng boss niyang makasama at least she can relax and stay stress-free for days after ng  away nila ni Raffy. Nang maisip si Raffy, she cringe.

 

Erase! Erase! Erase! Di ba nga Maya sabi mo kanina wala munang stress?

 

To take her mind off Raffy, bumangon ulit si Maya at kinuha ang bag niya. Inayos ang gamit, nagshower at nagbihisa saka lumabas ng kwarto. Nagpunta siyang restaurant para doon na hintayin si Richard. Ilang sandali pa lang siyang naka-upo nakatanggap siya  ng tawag galing kay Richard nagtatanong kung saan siya at pupuntahan siya nito, agad naman niyang pinaalam kay Richard na nasa restaurant na siya. Ilang minuto lang ang nakalipas nakita na ni Maya si Richard papalapit sa kanyang mesa. Richard is wearing  a V-neck light yellow shirt and pants and of course his signature eyeglasses. First time nakita ni Maya si Richard sa ganoong bihis kaya nanibago ito. And she must admit, napahanga siya sa kanyang nakita. Kahit medyo may edad na ang boss niya maganda parin ang katawan nito at ang  husay magdala ng damit. Habang papalapit ito sa table niya parang lahat ata ng babae doon sa loob napalingon sa kanya. Nang makalapit na ito sa kanya ngumiti at umupo sa harap niya.

“Kanina ka pa?”

“Opo Sir.”

“Ano yun?”

“Sabi ko opo Sir.”

“Yun! And what did I say about po,opo, and sir?”

“Ayy sorry..nasanay na kasi ako eh. ”

“Call me Richard or Chard tutal tayo lang naman dito di ba and wala pa tayo sa meeting. ”

“Oo nga p..Oo nga, sabi ko nga ..”

Maya smiled back at him. May lumapit na waiter sa kanila at binigyan sila ng menu para maka-order. Maya-maya dumating na din yung pagkain nila. While eating their lunch masaya silang nag-uusap.

“Ang ganda pala dito noh?”

Naasiwa si Maya na tawagin si Richard sa pangalan niya kaya sinadya niya talagang di banggitin ang Richard.

“Yes, ito ang pinakamagandang hotel dito sa Cebu na napuntahan ko.”

“Buti na lang ako yung sinama mo. Kasi kahit work related yung pagpunta, view pa lang ng hotel parang bakasyon grande na.”

“First time makapunta dito?”

“Oo.”

“Hmmm after ng meeting bukas, gusto mo maglibot? Samahan kita.”

“Talaga? Eh baka gusto mo pong magpahinga habang andito ka. Huwag na lang po.”

“There you go again..”

“Ay sorry..”

“It’s alright..oh ano..samahan kita? Plano ko rin kasing maglibot talaga.”

“Pareho pala tayo ng iniisip..gusto ko kasing maglibot sa souvernir shops dito baka sakaling may magandang pang…pang ..alam nyo na po.. sa kasal?”

“Ahh I see.. oh bakit parang nahihiya kang sabihin yung tungkol sa kasal. Di ka ba excited?”

“Hindi naman sa ganun pero..”

“Stop! I get it..Di ba sabi ko kanina sa airport bawal ang stress? Looking at you kanina sa airport parang nag-away kayo eh. Sorry ha. So for now, bawal muna ang usapang nakaka-stress.”

Tama nga naman si Richard, bawal ang stress kaya bawal muna isipin yung tungkol kay Raffy and everything that reminds her of him. Nang matapos ang lunch nagyaya si Richard na maglibot sa buong resort.

“Wow! Ang ganda talaga!”

Napangiti si Richard sa reaksyon ni Maya sa bawat sulok kung saan niya dinala  si Maya. Si Maya naman walang malay na aliw na aliw si Richard sa kanya. Para siyang batang dinala sa perya for the first time. And lastly, dinala naman siya ni Richard sa may Beach.

“Richard!”

Napalingon si Richard kay Maya. That was the first time he heard her say his name. Nakita niya si Mayang nakatingin sa dagat, namamangha sa nakikita.

“I know..maganda di ba? Ligo tayo dito before we go back to Manila,para naman mag enjoy ka talaga while we are here.”

“Talaga?”

As if di makapaniwala si Maya sa narinig napalundag pa ito nang magtanong sa kanya. Tumawa tuloy si Richard. Nang marealize ni Maya ang ginawa nahiya ito.

“Para kang bata Maya.”

Richard said and patted Maya’s shoulder habang tumatawa. Namula tuloy si Maya.

“Let’s go back inside? Medyo mainit pa eh.”

Naglakad na sina Maya at Richard pabalik. Richard is walking beside Maya, always on the danger side. When they pass an area na mainit, he would always try to shield Maya from the  sun. Pagpapasok sa isang maliit na daan, he would always let her pass first. Gestures that didn’t go unnotice kay Maya. Sobrang na-appreciate ni Maya kahit mga simpleng bagay lang yun, feeling niya di talaga siya tinrato ni Richard na empleyado kundi kaibigan.

“Maya pahinga ka muna. Kita na lang tayo ulit mamayang gabi.”

“Okay..sige. Thank you ulit at sinamahan mo akong maglibot sa resort.”

“No problem. Sige pasok ka na.”

Hinintay muna ni Richard na makapasok si Maya sa loob ng kwarto niya bago ito nagtungo sa kanyang room.

 

 

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

  A knock on her door brought her back to her senses. She was so engrossed in watching the panoramic view outside her room that she lost track of the time. She was supposed to meet Richard for dinner at Shangri-la’s Buko Bar. She went to the door and peeked on the peephole to check who knocked and discovered that it’s Richard, standing right outside her door, Maya unlocked and open it.

“Hi Chard! Akala ko doon na tayo magkikita sa Bar?”

“Yeah, but I thought of dropping by baka kasi tapos kana para sabay na lang din tayong bumaba.”

“Oh! Hmm wait, kunin ko lang muna pouch ko. You wanna come in?”

“No, okay lang..dito na lang ako maghihintay sa labas.”

Richard decline kaya laking pasalamat ni Maya. Kaya lang naman niya naisipang imbitahin si Richard sa loob kasi baka sabihing bastos siya at pinaghintay niya boss niya sa labas at di man lang niya ito pina-upo. She went back inside to get her pouch tapos balik din ulit sa labas.

It was already 7 in the evening kaya marami na ring tao sa loob ng bar. Luckily Richard was able to reserved a table for them already kaya diretso na sila kaagad pinaupo sa table nila. Since it’s Friday, traditional Filipino dances and music is the activity for the night. They will get to enjoy the traditional Filipino cuisine as well. Maya enjoyed the cultural show very much.

“Ang saya noh, parang fiesta talaga!”

She exclaimed after the group of dancers finished Singkil dance. Richard who was eating his food looked up and smiled at her. Not like Maya he is used to it na, ilang beses na rin kasi siyang nagpunta doon but unlike before, it was the first time na meron siyang kasama. But he didn’t bother mention it to her and keep it to himself, and besides naaaliw siyang tingnan si Maya na ganun kasaya.

“Maya, kumain ka. Tingnan mo ang pagkain mo oh parang di man lang nagalaw.”

He reminded Maya. Nang marining siya nito, sumunod naman si Maya. Muling binaling ni Richard ang kanyang atensyon sa pagkain while constantly glancing over Maya checking kung kumakain ba o nakatingin na naman sa performers. When he noticed na medyo nawala na naman sa konsentrasyon si Maya sa pagkain, napailing na lang siya. When the last performer for the night was done, Maya joined the other guests in clapping their hands to show appreciation to the cultural performers. She turned her attention sa kanyang pagkain.

“So, how do you like your stay so far? Nag-enjoy ka ba?”

“Ay sobra! Feeling ko nagbakasyon lang ako.”

“Buti naman..bukas back to work tayo but of course di katulad nung nasa Manila tayo, meeting lang naman pero you know..boring din.”

Richard laugh at the thought. Di niya akalaing masasabi niya yun infront sa kanyang empleyeda.  Sa sobrang comfortable niya around Maya, he felt he could tell her anything.

“Alam mo, di ko akalain boring ang work sa’yo Richard.”

“I know, right..For years this has been my life. Sabi nga ng mom ko, inabot na ako ng 45 di parin ako nagsettle down sa sobrang enjoy ko sa work ko. What she doesn’t know is sobrang boring na talaga.”

Maya and Richard both laugh.

“Bakit nga ba Richard?”

“Ang alin?”

“Na umabot ka sa edad mo ngayon at di pa nag-asawa? Oppss, sorry for asking.”

Maya covered her mouth when she realized na masyadong personal na ang tanong. Thinking na baka pagalitan siya for asking. Richard shook his head when he saw her do that and raise his hand to wave a little.

“No, okay lang yun don’t worry. Di ako magagalit. Actually immune na ako sa tanong na yan. Whenever someone ask me of my age and status ang kasunod kaagad is why di pa ako nag-asawa.”

“Ganun? Hahaha…nakakapagtaka naman kasi talaga eh”

Di na rin napigilan ni Maya ang tumawa. Aliw na aliw si Maya sa narining kaya biglang nawala sa isip niya na boss pala niya ang kausap niya.

“Bakit? Anong nakapagtataka dun?”

“Eh kasi, mayaman  ka naman, gwapo, matipuno, tapos daming naghahabol sa inyo…buti di ka na chismis na bakla Richard..Ay! sorry!”

      Maya!!!  Ano ka ba naman, ikaw na tong sinama dito sa magandang lugar,pinakain, at kung anu-ano pa tapos .. umayos ka…ayan baka magalit na talaga yan ..

Di alam ni Maya that she blushed. Richard took advantage of the situation at nagkunwaring nagalit, pero deep inside natatawa na siya sa mukha ni Mayang di maipinta sa sobrang pag-aalala.

     Hahaha you’re silly Maya! Right in my face pa talaga sinabi mo yan ha..lagot ka ngayon. Ang cute mo pa naman mag blush..

Di parin umiimik si Richard. He’s observing her intently, si Maya naman nagpa-pout na halatang di na alam ang gagawin. Nang di makatiis tumawa ng malakas si Richard, pinagtitinginan tuloy sila ng ibang guest na nasa kabilang table. Si Maya napatakip sa kanyang mukha na pulang-pula na.

“Opps sorry..”

Richard blurted out. He then reached out and remove Maya’s hands to off  her face. Si Maya naman nakapikit parin ang mata nang tuluyang maalis na ang kamay nito sa mukha niya.

“Maya okay lang yun..ano ba. It’s not the first time I heard that either.”

Binuksan ni Maya ang kanyang mata. Tumingin sa kaharap na parang di makapaniwala sa narinig, habang si Richard naman ay tumatango sa kanya.

“My mom asked me before.”

“Talaga po? Ano naman po sabi ninyo?”

“Of course sabi ko hindi! Sabi ko sa kanya when the right woman comes saka na ako mag-aasawa. Hindi yung dahil gusto na niyang magka-apo or dahil sa tumatanda na kami pareho.”

“And now you found her kaya magpapakasal ka na.”

“Mmmmmm siguro..”

     Siguro? You mean di ka pa sure?

Napakunot ng noo si Maya. Gusto pa sana niya magtanong but when she noticed na biglang nagbago ang expression ng mukha ni Richard while playing his finger on the rim of his glass, di na niya tinuloy ang kanyang gustong itanong.

They stayed at Buko Bar longer. Masyado napasarap sa kwentuhan kaya di namalayang lumalalim na pala ang gabi. Para silang dating magkaibigan na ngayon na ulit nagkita, catching up on things na na-missed nila. In their case, making up for the three years na di sila naging magkaibigan at magka-close. It was already past ten in the evening when they decided to return to their room para magpahinga na. He walked her to her door.

“Thank you Richard. Good night.”

“Thank you din Maya, I had a great time. If I know masarap ka palang kausap eh di sana palagi kitang sinasama everytime may out of town trips ako.”

“Oh well sir Richard Lim, di pa naman huli di ba”

Biro ni Maya sa boss niya, pero deep inside she felt giddy upon hearing na nag-enjoy si Richard na nakasama siya. Richard nods in agreement.

“Oh sige..pasok ka na. Maaga pa tayo bukas, right?”

“Yup.. 9 am ang meeting..mabuti nga at dito parin gaganapin ang meeting kaya di tayo mag-aalala. Sige, good night. Thank you ulit sa dinner.”

“Bye. Good night. ..”

Pumasok na si Maya sa loob ng room niya. Closing the door behind her, napangiti siya ng naalala ang sinabi ni Richard.

     Richard ha..you na talaga. Eiiii bakit ako kinikilig? Hayy Maya mag-enjoy ka muna. Next week back to reality ka na. Haissst…Pero kinikilig talaga ako!!

She run towards her bed and slump herself on it.

    

2 Comments (+add yours?)

  1. chen
    Apr 11, 2013 @ 00:16:54

    ganda naman.,super excited for the next chapter..thanks for posting..:)

    Reply

  2. Rocsan
    Apr 10, 2013 @ 23:45:55

    Building my excitements. Thanks🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: