Prenup 5

Nagpa room service si Maya for her breakfast, ganun din si Richard. But they both agreed last night to meet 30 minutes before the actual time na mag-start ang meeting .

There will be a small party for the attendees of the meeting after so Maya opted to wear her cap-sleeved simple plain blue dress that rest just above her knees and a 3-inched silver stilletos para naman di masyado pormal ang dating niya. She also put on light make-up to match her attire. She checked herself on the mirror, turning in different angles to see if every detail of what she is wearing looks good. When she’s satisfied with how she look, she flashed a smile at herself in the mirror.

She’s picking her things on the table already when she heard her cellphone ringing.

“Hello Richard? Yes, pababa na ako. .okay, see you.”

Richard informed her that he is already waiting outside the function hall for her so she hurriedly  went outside to join him. She’s already inside the elevator when she heard her cellphone beep . Checking on the message her mood changed. Raffy!

 

Babe call me when you’re not busy.”

 

     Ako pa talaga ang papatawagin mo?

 

Binalik ni Maya ang cellphone niya sa kanyang bag, just in time when the elevator door slides open. She instantly saw Richard standing at the lobby as handsome as ever.   He is wearing a light blue shirt,black jacket and black pants that perfectly suit him. Mas lalo siyang naging gwapo. When he saw her, he smiled at her warmly. When Maya noticed the way he looks at her, she saw a glint of  satisfaction and appreciation.

 

     Maya ha.. assuming much ka eh! Ano lang yan, nagpapasalamat at nagmukha kang tao.

 

Maya said to herself para kumalma naman ang dibdib niyang kumakabog.

“You look great!” he said as soon as nakalapit na si Maya sa kanya.

“Thank you..ikaw din.” sagot naman niya, pilit pinapakalma ang boses sa halos pumiyok dahil sa excitement sa narinig na compliment mula kay Richard.

“Thanks. So, tayo na?” Kinuha ni Richard ang dala niyang folders and he lead her towards the function hall, holding her elbow as they walk.

Nagulat si Maya sa ginawa ni Richard pero di nagpahalata. Lumapit na sila sa mesa na nasa labas ng function hall at nag-register bago pumasok sa loob . Pagka-pasok sa loob nakita nilang madami na rin pala ang dumating. May ilang kakilala na sa industriya. Naghanap sila ng mesa nila and found one at the left side of the room.

Nagstart na ang meeting ilang sandali lang. Kung gaano sila ka-kulit magkwentuhan sa labas ay siya namang seryoso nila pareho once the meeting commences. Whenever Richard needs anything like product list, pictures or anything Maya is always ready to hand it to him making it easier for Richard to work.

Finally lunch time came and the meeting ended na din. And since the organizers prepared a little party for them, Maya and Richard stayed para na rin makihalubilo sa ibang nandoon. Wherever Richard i,s andun din si Maya, never letting her off his sight. He introduced her to some of his friends in the business na andun din  sa meeting.

“Uhmm excuse me..” Maya excused herself from the group of businessmen na kaharap nila.

“Where are you going?” Richard asked her.

“Kukuha lang ako ng drinks Sir, you want anything?”

“No thank you..go ahead.”

Richard nodded as a sign of  letting her go. As soon as she left si Maya na kaagad ang naging discussion ng grupo nina Richard.

“Your secretary is good. Very efficient.”

“Yes, Richard. Looking at her earlier kung gaano ka niya inalalayan nagsisi tuloy ako di ko dinala ang secretary ko.”

Ngumiti lang si Richard and glance over Maya na nasa malapit sa buffet table at may binabasa sa cellphone niya. By looking at her he knows may problema kasi nakasimangot na naman.

“Looking at her I think perfect siya sa apo ko… I would love to introduce her to him kasi mukhang mabait naman na bata and very pretty. Magaling pa..ano ulit pangalan niya..”

 

     Magaling talaga .. Bakit nga ba di ko yun napansin noon..Pretty..yes she is..wait Richard! Quit it, she’s..

 

His thought was interrupted when the old businessman and a long time friend he is with poke him in his arm when he didn’t reply. Lahat sila nakatingin sa kanya.

“She’s…?” tanong ulit ng matanda sa kanya.

“She’s taken.” wala sa sariling sagot niya, medyo nagulat pa si Richard ng marinig ang sariling boses.

“Oh! Kanino? Ikaw?”

“Huh? No.. no.. of course not”

“Oh! Ano nga ulit pangalan niya?”

“Maya..Maya Dela Rosa.”

“Too bad! Taken na pala siya..Gusto ko pa naman siya sana sa apo ko

 

     I know..that’s really bad…

 

Richard turned to look at Maya again and saw her still busy with her phone. He fetched his phone oh his pocket and texted her.

 

     Help! I’m bored!

 

When Maya read the message, she look up and saw Richard looking at him with pleading eyes. Napangiti tuloy siya sa nakita. Just a text from him nawala na naman sa isip niya ang text na nabasa from Raffy.

Binalik ni Maya ang cellphone niya sa loob ng bag at lumapit ulit kina Richard.

“Excuse me gentlemen. We have to go.”

“You’re going?”

“Yes, meron pa kasi kaming pupuntahan.”

“Importante ba? Kung hindi, baka naman pwedeng mamaya na lang. The party is just starting, why don’t join us muna?”

“As much as we would like to Mr. Reyes pero importante yung pupuntahan namin eh. Maybe next time? Magkikita naman tayo next month, bawi na lang ako.”

“Okay. Di ka naman magpapapigil eh. See you next month.”

Nakipag-kamay na si Richard sa mga kasama saka sila umalis ni Maya sa function hall. Paglabas nila ng pinto.

“Sir? Saan po tayo pupunta?”

“Maglalakwatsa!”

Ang laki ng ngiti ni Richard ng tinapunan nito ng tingin si Maya.

“Po?”

 

 

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Richard is wearing  his white V-neck short sleeve shirt and blue jeans while Maya is wearing a light pink blouse and floral capri shorts, they stepped out of the taxi in Colon Street.

“Richard. Sure ka talaga dito?”

“Yes! Matagal ko ng gusto gawin to kaya lang wala akong kasama.”

“Ahhh, kaya sinama mo ako noh?”

“Hindi naman..kaya lang.. halika na nga, dami pang tanong eh sayang ang oras.”

Pulling Maya’s hand as he walks fast.

“Stay close, medyo delikado dito eh. Did you bring your cellphone with you?”

“Oo, bakit?”

“Make sure na di mo yan ilalabas unless importante. And your wallet, akin na yan.”

Binigay ni Maya ang wallet niya kay Richard. Ibinulsa naman ni Richard ang kanyang wallet.

“Tara na?”

Naglakad-lakad na sina Richard at Maya. Tumitingin-tingin sa bawat stalls na nadadaanan at pumapasok sa maliliit na tindahan.

“Parang nasa Baclaran tayo Richard noh.”

“Oo nga eh..and since di naman ako pwedeng magpunta ng Baclaran dito na lang kung saan walang makakakilala sa atin. Oh di ba masaya?”

Maya nodded happily. Napadpad sila sa isang outlet ng Shamrock kaya pumasok para mamili ng pasalubong. Dalawang dosenang otap na ang binili ni Maya para ipasalubong sa officemates at sa San Nicholas na din.

“Chard yung wallet ko pala.”

Inilahad ni Maya ang kamay niya pero ayaw ibigay ni Richard. Nagulat naman si Maya kasi si Richard ang nagbayad using his money.

“Richard?!”

“Treat ko to. Talent fee sa pagsama sa akin.”

“Ano ka ba.”

Wala ng magawa si Maya kasi kinuha ni Richard ang bag laman ang otap na binili at lumabas ng tindahan. Sumunod naman si Maya sa kanya.

“Richard. Di pwede yun ha. Babayaran ko yan pag-uwi natin.”

“Shhh..halika na. Di ba sabi mo gusto mo tumingin ng para sa wedding souvenirs mo. Halika punta tayo dun oh. Baka may magustuhan ka doon”

Tinuro ni Richard ang isang shop ng native products. Na-divert naman kaagad ang attention ni Maya at ngumiti ng makita ang shop. Naunang naglakad papasok si Richard, sumunod naman kaagad si Maya. They were greeted by the shop attendant.

“Miss meron kayo ditong pang wedding souvenirs?”

Nagtanong kaagad si Maya sa babae. Pinakita naman ng babae ang ilang nakadisplay na sample ng souvenirs nila.

“Pwede din pong customize ma’am, kayo yung bahala sa design at kung ano ang ilalagay.”

“Do you have something in your mind Maya?”

“Hmmm actually gusto ko sana ng miniature rocking chair..tapos merong naka engrave na initials.”

“Talaga? Alam mo ba yan din ang gusto ko? “

“Hmphh gaya-gaya.”

“Of course not!”

Nagkatawanan sina Maya at Richard. Nag-ikot pa sila sa shop ng ilang sandali at pumili ng ilang items. Pagkalabas naman nila ng shop nakita ni Richard sa kabilang kanto ang isang bridal shop.

“Maya look! Let’s go there. “

“Eh..Chard. Di naman tayo bibili ng gown eh kaya wag na lang.”

“No..basta, sunod ka na lang sa akin ha.”

Pagpasok sa bridal shop sinalubong nama sila kaagad ng isang matandang babae. Sa tingin ni Maya ito ang sastre ng shop dahil merong nakasabit na tape measure sa leeg ng matanda.

“Manang pwede pong tumingin sa gowns ninyo?”

“Oo naman, halika pasok.”

Pumasok na si Richard sa shop samantalang si Maya naman ay tahimik na nakasunod sa kanya.

“Manang sa tingin ‘nyo. Ano ang bagay sa kanya na gown?”

“Chardd!!”

Tiningnan nag matanda si Maya ng maigi, na-conscious tuloy siya. Umalis sandali ang matanda at pagbalik may bitbit ng gown.

“Sa tingin ko, eto ang bagay na gown sa kanya. Pag ganitong style ang isusuot niya lalong ma-eemphasize ang balingkinitang katawan niya.”

“Manang pwedeng isukat niya po?”

“Richard Lim!” gulantang si Maya.

“Ehh kasi maypamahiin hijo na “

“Ay manang walang problema po sa amin yun. Di naman kasi kami naniniwala sa pamahiin. Sige na po, titingnan namin kung kasya sa kanya. “

“Eh, kayo ang bahala. Halika sa loob my dressing room .”

Pumasok ang matanda sa isang kwarto. Si Maya naman pinandilatan ng mata si Richard at bumulong.

“What are you doing? “

Tinulak ni Richard si Maya sa loob ng kwarto. When she left, napangiti siya realizing that he will get the chance to see Maya in a wedding gown. Di rin niya maintindihan kung bakit,pero gusto niya makita si Maya sa ganoong ayos. Excited siya makita yon. He prepared her phone para picturan ito.

     She would look good in that dress.  I know Maya would be one gorgeous bride.

And just as what he thought. Paglabas ni Maya natulala siya sa nakita. Biting the inside of his cheek and  lower lip to control himself.

“Sir, di ba tama ako. Mas lalo gumanda ang mapapangasawa ninyo.”

“Eh Manang..”

Maya wanted to correct her pero naunahan siyang magsalita ni Richard.

“Manang pwede ko siyang kunan ng litrato?”

“Richard! Huwag na, nakakahiya.”

Pero wala paring magawa si Maya kasi nakaready na ang cellphone ni Richard. Kinunan ng litrato ni Richard si Maya wearing that beautiful wedding gown.

“Manang meron kayong panlalaki dito?”

Nangtanong naman si Maya sa matanda, at nang nag-oo. Umiiling si Richard pero wala na rin itong nagawa ng siya naman ang itulak ni Maya para magpalit sa loob ng dressing room. Paglabas ni Richard..

“Hmmm not bad! Mas lalo kang gumwapo Mr. Lim.”

 Papuri ni Maya kay Richard na halatang nahihiya kasi namumula na ang tenga. And just like what he did, she also took a picture of  Richard wearing his suit. Nagkabiruan pang silang dalawa na magpapicture magkasama. Like a true couple, Richard offered his arm then Maya lightly puts her hand inside his arm while the other one is holding his arm.

Parang naging pictorial ang naganap sa loob ng shop, game na game si Manang na kunan sila ng picture using Richard’s phone sa pag-aakalang magkasintahan silang dalawa. May wacky post at kung anu-ano pa, pero ang ikinabigla talaga ni Maya ay nang sabihin ng matanda na mag-kiss sila. Pareho silang natigilan sandali.

“Close your eyes Maya?”

“Ano?”

“Just close your eyes.”

When Maya closed her eyes. Sabay niya narinig ang click ng cellphone at ang dampi ng lips ni Richard sa pisngi niya. Napadilat tuloy siya ng mata. Pareho silang napatitig sa isa’t-isa nang..

      Click!

Tapos nag tawanan sila sa ginawa ng matanda.

“Manang salamat po. Kukunin ko na lang ang number or kung meron kayong calling card yun na lang po. “

“Ah sige, sandali lang kukunin ko.”

Nang maka-alis ang matanda, di parin nagsalita si Maya.

“Maya umm..”

“Sige bihis lang ako ha.”

“Ah sige, mauna ka na.”

Iniwan ni Maya si Richard para magbihis. Nang matapos ay si Richard naman ang nagbihis. Pagkatapos ay nagpaalam na sa matanda sabay nagpasalamat na din. Pagkalabas ng shop dumidilim na.

“Gutom na ako.”

Daing ni Maya.

“I know kung saan kita dadalhin. Halika na.”

Grabbing her hand as he lead her across the street. Di binitawan ni Richard ang kamay ni Maya. Si Maya naman hinayaan lang niya ito. Deep inside nagtatalo ang isip at ang puso. Halo-halo ang tumatakbo sa isip niya from the kiss, holding hands, etc..

“Here.”

When they stopped tumingala si Maya at nabasa ang Lechon.

“Le-chon?”

“Oo, bakit ayaw mo?”

“Hindi naman ..pero..”

“Oh,halika na sa loob at gutom na din ako.”

Pumasok na sila sa loob at umorder. Habang kumakain pinipilit ni Maya huwag isipin ang nangyari kanina. Ayaw niya mag-assume ng kung anu-ano. She’s trying to convince herself na walang ibang kahulugan ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Richard.

Nang matapos ang hapunan nila nagbayad na si Richard. Naunang tumayo at lumabas si Maya para makaiwas sa kanya if ever hawakan na naman nito ang kamay niya.

“Gusto mo pa tumingin-tingin?”

“No, hindi na. Let’s go back sa hotel. Napagod na din ako.”

“Okay. “

Pumara ng taxi si Richard at sumakay sa likod ng taxi kasama si Maya, sinabihan ang driver na ihatid sila sa hotel na tinutuluyan.

“Nag-enjoy ka?”

“ummm”

Maya nodded while looking at him with tired eyes.

“Tired?”

“ummm”

She answered while leaning her head back and close her eyes. Richard moved closer to her and let her lean her head on his shoulder kaya napadilat si Maya ng kanyang mga mata at tumingin sa kanya.

“It’s okay. Rest kana. Gigisingin na lang kita pagdating natin.”

Maya is too tired to decline kaya hinayaan na lang niya ang ulo niya .

“Maya..”

“Hmmmm?” still closing her eyes and medyo pa idlip na talaga.

“Medyo uncomfortable kasi for you..if it’s okay with you can I..”

Napansin ni Richard na nakatulog na si Maya kaya kahit walang permiso, he slide his arm around Maya’s back and pull her closer, let her head settle in his chest para maging comfortable si Maya.

Pagdating nila ng hotel ginising ni Richard si Maya. Nang marinig si Richard she straighten up instantly. Di niya namalayan kung ano ang nangyari.

“We’re here.”

“Huh!? Sorry..nakatulog pala ako?”

Bumaba ng taxi sina Maya. Seeing how disoriented Maya is, Richard keeps shaking his head and smiles at her.

“Halika na at ng maituloy mo na ang pamamahinga mo. You look so tired. Sorry kung pinagod kita.”

“Sorry talaga. Naghilik ba ako?”

Maya asked in a whisper habang papasok ng elevator. Richard nodded then softly  laugh. Si Maya naman napatakip ng mukha sa sobrang hiya.

Nasa labas na sila ng pintuan ng room ni Maya pero ayaw paring tumingin ni Maya sa kanya at nagbu-blush na talaga.

“You look cute when you’re blushing. “

“Richard naman eh. Nahihiya na nga ako oh.”

“Sige na pasok  ka na. Thank you ulit, I had a wonderful time with you.”

He handed her the bags and her wallet.

“Ako din Chard, sobrang nag enjoy. Thanks ulit.”

“So..tomorrow, sa beach? Remember sabi ko sa’yo magbe-beach tayo before we leave?”

“Okay. Sige call ako dyan.”

“Good..good night Maya.”

“Good night.”

Richard stared at her intently. Biglang kinabahan si Maya ng mapansi yun kaya pumasok na siya sa kwarto niya. Leaning at the door, Maya held her heart. Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya.

     Maya! Ano ka ba..engage ka na di ba? And pati din siya..Umayos ka Maya..kalma..ikakasal ka na.

When she remembered Raffy. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya, pero kahit isang text wala siyang natanggap mula dito.

 

9 Comments (+add yours?)

  1. ramnix
    Apr 12, 2013 @ 07:39:43

    Great story.. nice one and super exciting.. i love it..🙂❤

    Reply

  2. yan
    Apr 12, 2013 @ 02:17:33

    hahahaha.. i enjoy reading this story. napapa smile ako nyl. thanks for sharing this to us.. looking forward for the next chapter.:-)

    Reply

  3. Jenny Carandang
    Apr 12, 2013 @ 01:22:44

    This is so exciting!🙂

    Reply

  4. chen
    Apr 11, 2013 @ 20:39:20

    thanks sa early post this chapter.,habang tumatagal lal0ng nakaka excite y0ng mga next na magaganap.,aabangan ko talaga.,2 thumbs up..:)

    Reply

  5. Rocsan
    Apr 11, 2013 @ 16:18:27

    Ang galing mo talaga,i like your style

    Reply

  6. Bong
    Apr 11, 2013 @ 16:08:58

    Keep it coming!!! love it😉

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: