Prenup 6

dfayette511

Credit to Donna Fe Gagaracruz.

Maya kept tossing and turning on bed, trying to get to sleep. She kept convincing herself na walang meaning lahat ng actions ni Richard towards her but it always tuns to one thing …

 

     hindi na nakakatuwa ang nararamdaman ko sa kanya.

 

Maya picked her cellphone from the bedside table to check the time, malapit na maghatin- gabi. Bumangon ulit siya and walked out of the balcony para magpahangin thinking the cold air outside might help her. Once outside, she slumped herself on the wicker chair and inhaled the fresh air.

 

“Maya, bakit kasi natulog ka kanina sa taxi, ayan tuloy nahihirapan ka ng matulog ulit…weeeeh palusot kapa!… Ang sabihin mo assumera ka kasi kaya ayan pinaparusahan mo ang sarili mo!!! Hoy Maya! Di ba nga sabi sa’yo walang bad vibes habang andito kayo? Kaya yun…pero…pero..hindi eh! huuuuuuuuu”

Maya covered her face matapos niyang kausapin ang sarili niya.

“Maya?” she heard her name..

“Oh ayan..kasi..sa sobrang pagka shunga at kung anu-ano ang iniisip mo .. kung anu-ano na rin ang naririnig mo. Ano ka ba..hoist umayos ka!”

Pulling her hair while conversing to herself again. Just then narinig niya ang isang malakas na tawa galing sa kabilang balcony. Paglingon, laking gulat ni Maya ng makita si Richard. Nagpadausdos siya pababa sa kanyang inuupuan para di na makita ni Richard.

“I saw you Maya kaya di ka na makakapagtago pa.”

He called after her, still laughing. Slowly she creeps back to her chair. Smiling nervously, parang bata na may kasalanan. Richard is also sitting  on a chair facing her balcony.

“Di ka pa pala tulog?” Richard asked her once he sees her again.

“Di pa eh. Kasi di ba nakatulog ako kanina sa taxi, kaya siguro nahihirapang matulog ulit.”

“Ako din eh..nahihirapang matulog. But I think kailangan na nating matulog kasi di ba may swimming pa tayo bukas?”

“Oo nga eh..kaya pasok na ulit ako baka makatulog na rin.”

“Okay..see you tomorrow. ”

“Bye Chard.”

“Bye..sleep well.”

 

     Sleep well ka dyan, eh ikaw ang dahilan kung bakit di pa ako nakakatulog..hmmmpp!

 

 

 ~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

The past night was a pure torture. Nang di parin makatulog si Maya pagkapasok niya kung anu-ano na lang ang ginawa niya. Nanood ng boring na palabas sa tv, nag exersise, at ang huli naglagay ng vicks sa mata. Kaya ngayon nagmumroblema sa matang namumugto. Richard is already knocking at her door kaya no choice si Maya but to answer him. She opened her door and peep out.

“Are you ready? …Oh anong nangyari sa mata mo?!” Halatang nagulat si Richard ng makita siya.

“Eiii di ako nakatulog kaagad eh, kaya nilagyan ko ng vicks” natawa si Richard na marinig siya.

“Are you crazy Maya? Buti di ka nabulag..so ano tutuloy pa ba tayo?”

“Yes tutuloy tayo..tsaka di naman nakakabulag ang vicks noh. Wait I’ll just get my things ha.”

“Sige, I’ll just wait here.”

Sa beach ..

Maya watched Richard swimming. He keeps waiving at her to join him but she kept on telling him not now. Truth is, ayaw niyang lumapit kay Richard. After a few minutes umahon din ito and joined her at the canopy.

“Oh! Akala ko ba we’re going swimming but ako lang ang nagsu-swim. Tama ba ang dinig ko swimming or sitting?”

“Ikaw naman, ninanamnam ko lang ang mga sandali kasi baka di na ako makabalik dito. Gusto ko lang maramdaman muna ang view bago ako maligo.”

“Weeeh! Baka naman di ka marunong lumangoy or…takot ka lang magka sunburn at baka mapagalitan ka ng boyfriend mo.”

Tumingin ulit si Maya sa dagat, binawi ang tingin kay Richard..He sensed na naging uncomfortable ulit si Maya so he stopped teasing her at uminom na lang ng juice niya.

“Ilang ulit ka na nakapunta dito?” Maya asked him.

“hmmm five times?”

“Wow! No wonder parang wala ng effect sa’yo ang place.”

“Truth is, I’ve been here several times but I didn’t get the chance to enjoy kasi mag-isa lang naman ako. It’s all business meetings tapos kinabukasan uwi agad.”

“Talaga? Bakit, never mo pa bang dinala si Ma’am Stephanie dito? Kasi di ba this place is heavenly, I’m sure she would love the place too.”

“Yes, I agree this place is really good but di rin naman mag-eenjoy si Steph dito eh. Sa Boracay siguro pwede kasi madaming tao, may party everynight..dito pag morning or even at night di naman gaano karami ang tao so she’ll find this place boring kaya I didn’t bother bring her here.”

“Ahh ganun ba. So saan nyo na lang siya dinadala?”

“Out of the country.”

“Wow! Sosyal!”

“We both love to travel pero yun nga lang iba yung places na gusto namin, she loves to go to the  mall and designer shops while I would love to just sit around coffeeshops, visit churches, or roadtrip.”

“Huh? Ano kaya yun, sabay kayo sa airport and hotel pero paglabas kanya-kanyang lakad?”

“Hindi naman, if she goes out syempre sinasamahan ko siya. Pinupuntahan ko lang yung mga places na gusto ko if I go out of the country alone.”

“hmmmm…”

Maya remembered those out of town trips ni Richard, she thought kasama niya girlfriend niya pero hindi pala.

“Eh di ba in a year, nakaka 2-4 trips ka abroad? Ibig sabihin ikaw lang yun mag-isa?”

“Yung mga 1-2 weeks na wala sa office? Oo ako lang yun..if 3-4 days yun ,kasama ko si Steph.”

“ahhhh..ang ikli naman nun compare sa trip mo mag-isa. Paano kayo makakabonding nun?”

“Ehh wala din naman bonding pag magkasama kami eh, shopping lang.”

Maya and Richard laugh at his reply.

“Kayo ni Raffy Maya, where do you usually go together?”

“Sa San Nicholas lang every holy week. Kasi yun lang naman yung time na may mahabang bakasyon di ba.”

“Really? “

“Oo, busy din naman kasi siya sa work niya sa office. And almost everyday naman kami nagkikita kaya may bonding kami lagi. “

“Special trips like this kahit 2 or 3 days wala?”

“Eh for 3 years ba na naging secretary  mo ako nagleave ba ako? Wala di ba?”

“Nagrereklamo ka?”

“Ha? Hindi..ano ka ba. “

“Buti naman..kumusta pala ang preparation ng kasal ninyo?”

“Preparation? Wala pa.”

Casual na sagot ni Maya. Medyo nalungkot siya ng maalala yun, buti di nahalata ni Richard kasi sa dagat siya nakatingin at natatakpan ang mata niya ng sunglasses.

“Wala pa? Bakit? Akala ko on-going na ang preparation kasi di ba kahapon tumitingin ka na nag souvenirs?”

Di  agad nakasagot si Maya kay Richard. Trying to find the right words to say to him but eventually she opened up.

“Chard, alam mo ba ang feeling ng kasal mo pero parang hindi? Kasi, we both agreed na first,sabihin muna kina nanay but the next day yung parents niya ang naka-alam. Okay lang yun, kahit di niya tinupad ang pangako, kasi parents naman niya yun. Pero the next day, he told me alam na din ng friends niya..and worst wala pa sa plano niya kung kailan siya haharap sa nanay ko. Di ba badtrip yon?”

Maya finally turned to look at him. But he continued to stay quiet to allow her to continue.

“Yung feeling na excited ka sa kasal mo and you’re dreaming of it already only to find out iba  pala ang masusunod and all of these things happen without him asking you first?”

Still no reply from him.

“Chard kasal ko din yun eh..hindi lang kanya..kuha mo yun?”

“Eh bakit parang sa akin ka nagagalit hindi naman ako ang fiance mo?”

“Chard…” Maya sigh.

“Just trying to make you smile Maya..pero why not open it to him? I never thought you had issues like this kasi di ba nagtanong pa ako sa’yo last week.”

“Yeah..yung sinabi mong what if mag-back out kana sa kasal?”

They both laugh when they remembered that incident.

“Truth is ako din napaisip din sa sinabi mo..”

“Talaga Maya?”

“Yes..but just like what I said to you inalala ko na lang sayang din yung 6 years na pinagsamahan namin. Actually before we left di parin kami nagkakausap ni Raffy. He called me sa airport kasi nagulat siya why I’m leaving for Cebu, di ko kasi sinabi sa kanya kasi galit parin ako. Before konting lambing lang nya pinapatawad ko na siya, this time its different. I wanted him to know na di ko talaga nagustuhan yung ginawa niya. “

“You mean up until now, as in wala pang usapang matino sa inyo?”

“Yes..and yesterday he texted me sabi pa naman ako ang patatawagin. That’s foul di ba, dapat he should be the one to find ways paano na magusap kami, kung tatawag ako parang wala rin lang nangyari di ba.”

“Well..you have a point there. Sana magka-ayos na din kayo.”

Ilang sandali din silang nanahimik, each lost in their own thought.

“How about you? Kumusta ang preparation?”

“hmmm I dunno..siya naman ata masusunod eh. “

“Good for her …swerte niya hinahayaan mo lang siya kung ano ang gusto niya sa wedding ninyo.”

“Siguro..but what about yung gusto ko? I mean di naman siguro kanya lang ang wedding na yun di ba?”

“Well, you’re right … dalawa kayo that would enter that new stage of your life. Dapat sa simula pa lang kayo ng dalawa, magkahawak kamay magdedesisyon di ba. It’s just a matter of give and take. Walang relationship ang mala-last kung pareho kayong di marunong mag give and take.”

“Exactly! But hey! Bakit ba puro problema ang pinaguusapan natin eh hindi pa tayo nagbalik sa Manila. Di ba sabi ko whatever problem we had, leave it muna dun sa airport. “

“Ikaw kasi..”

“Anong ako, eh ikaw ang nauna..Mabuti pa maligo na tayo..Malapit na din ang lunch time oh. After lunch we need to go back inside to rest and prepare for our flight back sa Manila.”

“Ay, bago ko  makalimutan..mamaya pala ikaw lang yung uuwi ng Manila kasi ako po papuntang San Nicholas. Di ba sabi ko magle-leave ako ng 2 days?”

“Ah, so mamaya na flight mo papunta doon?”

“Opo, 6 pm yung flight ko. Yung sa’yo going to Manila is 8 pm so mauuna ang flight ko kaysa sa’yo.”

“Okay..so pano..tara na ligo na tayo.”

Tumayo na si Richard at hinila si Maya kaya wala siyang choice kundi maligo na din kasama si Richard. Nag enjoy talaga sila sa dagat, ang linis and very clear ang tubig kaya nakaka-engganyo maligo.

Nang tumindi na ang sikat ng araw, umahon na sila. They stopped over the Cowrie Cove to have lunch bago tuluyang bumalik sa kwarto nila to pack-up.

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

“Ang daya mo ha, paghihintayin mo ako dito sa airport ng five hours?”

“Eh sabi ko na nga sa’yo ako na lang mauna dito kasi mas mauuna na akong umalis, ikaw lang naman tong nagpilit makisabay dito.”

It’s still past 4 pm when they arrived sa airport.Nagtatalo sina Richard at Maya kasi sobrang aga ni Richard para sa flight niya papuntang Manila.

“Bakit kasi di mo na lang sinabay yung oras ng flight natin para walang maiiwan di ba.”

“Wala na kasing available nung nagpa-book ako.”

“You know what I have a good idea…bakit di na lang ako sasama sa’yo? That’s it sasama ako sa’yo.’

“What? Hindi yon pwede noh..tsaka pag dating dun gabi na mahirap maghanap ng room sa hotel…tsaka, ano yun joy ride? Cebu to San Nicholas, tapos bukas sa Manila ka nanaman?”

“Hindi..magbabakasyon din tulad mo. Tsaka pwede namang sa inyo na lang ako tutuloy di ba?”

“Ano? Naku maliit lang bahay namin tapos 3 rooms lang..Pinapahirapan mo lang sarili mo.”

“Hindi promise..sige na please?”

Richard said, looking at her with his pleading eyes.

“Ang kulit mo Chard ha.”

“Please…”

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

“Manong diyan lang po sa may karenderia.”

Huminto ang tricycle na sinasakyan nina Maya at Richard sa tapat ng Little Pard’s Chibugan. Binaba ng driver ang dalang gamit nina Richard at Maya, Maya reached for her wallet ng inunahan na siya ni Richard magbayad.

“Chard ako na.”

“No ako na Maya..nakakahiya naman, makikituloy na nga ako dito tapos ikaw pa ang magbabayad ng sinakyan natin.”

“Sus, wala yun..ikaw talaga..Ang kulit mo din kasi ..at alam kong di mo ako tatantanan pag di kita sinama dito at … syempre takot akong mawalan ng trabaho.”

Tinakot kasi ni Richard si Maya na wala na siyang trabahong babalikan sa Manila once di siya isama nito kaya napilitan siyang isama si Richard sa San Nicholas.

Umakyat na si Maya sa hagdanan habang tinatawag ang nanay niya at kapatid. Si Richard naman nakasunod sa kanya.

“Nanay!! Kute!!”

“Maya!!!”

“Kute!!!”

Nagyakapan ang magkapatid ng magkita sila. Ilang sandali naman lumabas si Nanay Teresita at ang kanyang lola. Sila naman ang masayang nagyakapan. Tuwang-tuwa si Richard na pinapanood sila. Nang maalala ni Maya si Richard, pinakilala niya ito sa kanyang pamilya.

“Kasi po nay ang kulit ni Richard..kaya hayan sinama ko na.”

“Good evening po aling Teresita..”

“Good evening po.”

Kinamayan ni Richard ang nanay ni Maya at ang lola nito.

“Oh Maya anak, bakit ngayon ka lang? Gabi na ah..”

“eh kasi..”

“kala namin bukas ka na darating kasi gabi na..”

“Po? Alam nyo po dadating ako?”

“Oo, sinabi ni Raffy..”

Biglang lumabas si Raffy galing sa loob.

“Hi Babe!”

Nagulat si Maya ng makita si Raffy, di agad siya nakasagot dito. Lalo pa ng hinalikan siya sa pisngi at niyakap.

Nagulat din si Richard sa tagpong iyon. Di niya inasahan na magkikita sila doon ni Raffy. He let out a heavy sigh…

 

     Richard..Richard..Richard.. shame on you.

 

 

 

 

 

 

 

Photo credit to : Donna Fe Gagaracruz. Visit her blog. Click here.

8 Comments (+add yours?)

  1. nylcoen (@nylcoen)
    Apr 13, 2013 @ 00:36:03

    Thanks everyone! I appreciate all your comments here. Keep them coming🙂

    Reply

  2. Jenny Carandang
    Apr 12, 2013 @ 22:39:58

    Naku! Pano na ang namumuong pagtitinginan nina Maya at Richard?

    Reply

  3. chen
    Apr 12, 2013 @ 13:47:21

    ibang level na.,ang cute ng pics.,kaya tuloy lalong nakaka excite na y0ng mga next chapter..thanks nyl:)

    Reply

  4. Rocsan
    Apr 12, 2013 @ 13:44:35

    Sarap sundan suwabeng suwabe ang timpla

    Reply

  5. chen
    Apr 12, 2013 @ 13:25:32

    ibang level na.,ang cute ng pics.,kaya tuloy lalong nakaka excite na y0ng mga next chapter..:)

    Reply

  6. yanix
    Apr 12, 2013 @ 13:21:15

    ano ba yan!! bka ma OP c richard nyan anjan kc raffy ba’t umeksena pa.. tsk tsk..

    Reply

  7. yan
    Apr 12, 2013 @ 10:51:46

    wow.. nice! nandyan agad ang chapter 6. Super love it this story. thanks nyl.:-)

    Reply

  8. ramnix
    Apr 12, 2013 @ 10:48:35

    oh no? Raffy is there.. exciting nman nito.. parang pelikula lng and teleserye.. kudos to the writer nylcoen..

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: