Prenup 7

“Ba-bakit andito?”

Ito kaagad ang itinanong ni Maya kay Raffy habang yakap pa din siya nito.

“I missed you!”

Di sinasadyang napatingin si Maya kay Richard, at nakita niya itong bumuntong hininga at binawi ang tingin sa kanya. Kumawala naman siya sa yakap ng boyfriend.

“Paano mo nalamang pupunta ako dito?”

“I called your office kahapon and yung officemate mo na nakasagot ang nagsabing nag leave ka ng 2 days, so naisip kong baka uuwi ka dito.”

“Mabuti pa pumasok muna tayo para maka-upo na rin.” anyaya ni nanay Teresita sa kanilang lahat.

Pumasok na si Maya sa loob habang tinutulungan ni Raffy si Richard sa gamit nila. Pagkapasok ay naghanda si nanay Teresita ng hapunan nina Maya at Richard. Ilang sandali lang nasa sa mesa na sina Maya at Richard, kumakain.

“hhmmm Sir, okay lang po kayo? Baka meron kayong gustong kainin po?”

Richard was surprised of how Maya addressed him, but decided to let it go kasi nasa bahay siya nina Maya and of course it would be very odd if madinig si Maya ng pamilya niya calling him with just his name.

“It’s okay Maya. ”

Kumain si Maya at Richard ng tahimik. Si Maya naiilang, si Richard naman di alam ano ang gagawin ng mga sandaling yon. Nang di makatiis.

“Maya, do you think okay lang kay Simon dito ako magspend ng gabi? Maybe I should go to a hotel or inn na malapit dito?”

“Why don’t you come with me Sir Richard. Baka naman meron pang available na room dun sa tinutuluyan ko or kung wala na, pwede ka naman dun sa room ko kasi malaki naman yon.” Raffy interrupted ng marinig nito si Richard.

Nagkatinginan si Maya at Richard pero parehong di nakasagot. Si Raffy naman nag-insist na sumama na siya so in the end he agreed.

Isang oras pa ang lumipas bago nagpaalam si Raffy at Richard sa family ni Maya para umuwi sa tinutuluyang hotel ni Raffy.

“Balik ako bukas babe. Pahinga ka na. ”

Humalik ito kay Maya sa pisngi saka bumulong na bukas na sila mag-uusap. Tumango lang si Maya.

“Sige po aalis na kami. Salamat ulit sa dinner.”

Paalam naman ni Richard sa kanila. He nodded at Maya and turn to leave. Sumakay si Richard sa kotseng nirentahan ni Raffy. Pagka-alis ng dalawa ay pumasok na rin si Maya sa loob ng bahay at tinuloy ang kwentuhan nilang magkakapamilya.

“Maya, may sinabi si Raffy sa amin. Yun ba ang rason kung bakit umuwi ka dito ngayon?”

“Nay..hayaan muna natin si Maya na magpahinga.” saway  kaagad ni Kute sa nanay niya.

“Eii Cristina Rose, syempre gusto ko ng malaman.”

“Eh kasi naman, may bukas pa di ba. Tsaka tingnan mo nga si Maya oh, halatang pagod na pagod. Galing pa yan sa trabaho tapos nagbyahe pa ..hayaan muna natin nay..”

“Sige na nga..sige na Maya magpahinga ka na ha.”

“Salamat po nay.”

Lumabas ng kwarto ni Maya si nanay Teresita at naiwan silang dalawa ni Kute. Pagkasarado ng pinto humarap si Kute sa kanya.

“Hoy ikaw ha..bakit di mo sinabi sa amin yung tungkol sa kasalan na yan?”

“Kute naman eh! Kala ko ba magpapahinga pa ako?”

“heh! oh ano?”

Alam ni Maya di siya tatantanan ni Kute kung di siya magsasalita kaya naisip niyang i-share sa kapatid ang nangyari before sila pumunta ng Cebu. Pero di niya kinwento ang tungkol kay Richard.Pagkatapos magkwento halatang nag-alala din si Kute.

“Oh ano ngayon ang plano mo? ”

“Eh..andito na si Raffy Kute, syempre mag-uusap kami bago ako babalik ng Manila. Aayusin bago mag-uusap ng tungkol sa kasal..”

 

Maayos pa naman siguro, baka .. sana nga maayos na!

 

 

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Kinabukasan nasa bahay ulit nina Maya si Richard at Raffy. Nanay Teresita suggested na ilibot muna ni Maya ang dalawa para naman mamasyal pero iba ang gusto ni Raffy, palibhasa niyaya magbasketball nina Jeff, Lino, at Bugoy kaya di na sumama kaya si Maya at Richard na lang ang naglibot. Mas lalo tuloy naging awkward si Maya. Dinala ni Maya si Richard sa may plaza, saktong may nagaganap na konting kasiyahan kaya nanood sila. May tiangge din kaya naisipan nilang sumilip-silip sa mga stalls.

“Maya oh.”

Binigay ni Richard ang isang cellphone chain. Meron itong metallic na male figure na nakabitin sa dulo.

“Wow..ang cute! Salamat Sir.”

Tuwang-tuwa si Mayna habang tinitingnan ang hawak nitong cellphone chain. Matapos ng ilang sandali ay umalis na sina Maya doon at dinala si Richard sa may burol na paboritong puntahan ni Maya noong nasa San Nicholas pa siya. Dahil matarik ang daan inalalayan siya ni Richard habang paakyat doon.

“Ang ganda dito Maya. Pero buti na lang past 4 na kaya di na mainit. If maaga tayo dito kanina luto na tayo ngayon.”

“Ikaw naman, di naman noh. May mga puno banda doon na pwede nating silungan kaya nga lang mainit ang daan. Pero aminin mo kakaiba ang hangin dito di ba.”

“Oo, kasi nasa mataas na lugar na tayo. Pero maganda dito kung gusto mo mag-isa para makapag-isip. Walang mang-iistorbo sa’yo.”

“Kaya gusto ko dito eh. Noon pag nag-away kami ni Kute or napagalitan ako, laging dito ako pumupunta. Di alam nina nanay andito lang ako. Gabi na ako bumababa. Siya nga pala, maganda dito pag gabi kasi parang bumababa yung mga bituin mula sa langit.”

“Oh??!!”

“Oo, kasi yan..”

Habang turo ni Maya ang mga bahay-bahay na nasa baba.

“Ang mga ilaw niyan tuwing gabi parang nagiging stars. Sarap tingnan tapos malamig na ang hangin, di ba romantic?”

“hmmm…tingnan natin..ano? game ka?”

“Game? Saan?”

“Na magpa-abot hanggang gabi dito para makita ko yung sinasabi mong maganda.”

“O bah! Sige, game!”

Habang naghihintay si Maya at Richard na dumilim nagkwentuhan muna sila tungkol sa buhay ni Maya noong nasa San Nicholas pa siya. Kinuwento ni Maya yung tungkol sa tatay niya at kungpaano sila ng kita ni nanay Teresita. Yung tungkol sa pagkabuntis ni Kute. Hanggang sa yung pag-alis ni Maya ng San Nicholas para mag-aral sa Manila.

Di nila namalayan ang pagdaan ng oras at unti-unti ng dumilim. Unti-unti na rin nilang napapansin ang pag ilaw ng mga bahay na nasa baba ng burol. Nang tuluyan ng dumilim ang paligid at tuluyan ng nakita ni Richard ang sinasabi ni Maya, napamangha siya sa nakita.

“You’re definitely true Maya! Ang ganda nga!”

“Sabi ko sa’yo eh..”

“Maya..si Raffy ba dinala mo na din dito?”

“Oo, minsan pero di kami nagtagal kasi magagalit si nanay pag nalaman niyang dinala ko siya dito. Takot din ako.”

“Takot? Takot ka na kayo lang dito?”

“Hindi! Takot ako na magreklamo siya kasi malamok dito.”

Richard laugh at her. Napansin din kasi Richard na malamok nga doon pero di naman siya nagreklamo.

“Maya..okay na kayo?”

“Nino?”

“Ni Raffy..I mean nag-usap na kayo?”

“Hindi pa..maguusap pa lang kami bukas siguro. Nakakatawa kasi naunahan pa akong sabihin kina nanay ang tungkol sa kasal namin.”

Medyo nalungkot si Maya habang sinasabi yon kay Richard, bagay na hindi pinalagpas ni Richard kaya nagtanong ito.

“Di ba yon naman ang gusto mo? Yung malaman ng nanay mo?”

“Oo..pero sana hinintay niya muna dumating ako.”

Maya bow down and keep playing with the cellphone chain na nakakabit na sa cellphone niya. Hinawakan ni Richard ang kamay niya kaya nabigla si Maya at napatingin kay Richard na nakaupo sa tabi nito. When he smiled at her na parang ina-assure siya that everything will be alright, ngumiti narin siya at hinayaan lang ang kamay ni Richard. She knows na dapat di niya hinahayaan yon pero di niya maintindihan ang sarili bakit di niya magawang bawiin ang mga kamay niya. He  held her hand for a few minutes hanggang sa nag-ring ang cellphone ni Maya kaya binitawan niya ito.

“Hello Raffy? Ah sige..papauwi na din kami…bye…”

Tumayo si Richard at inalalayan siyang tumayo at nagsimula na silang maglakad pabalik. Pababa na sila sa burol kaya di na masyadong nahihirapan si Maya pero inalalayan parin siya ni Richard. Holding her hand all throughout. Ilang beses pilit bumitaw ni Maya pero di siya hinayaan ni Richard. Papasok na sina Richard sa daan kung saan may mga kabahayan na ng bitiwan niya ang kamay ni Maya at lumingon dito.

Pagka-uwi nadatnan ni Maya sina Raffy sa loob ng Pards chibugan na nagkakasiyahan kasama ang pamilya niya. Agad naman itong tumayo para salubungin si Maya at hinila siya para maupo sa tabi nito habang si Richard ay umupo sa tabi ni Jeff kaharap ni Maya. Ilang sandali pang kwentuahan pero nanatiling tahimik sina Maya at Richard at nakikinig lang sa mga kasama.

Pagkatapos ng hapunan nagpaalam na si Richard at Raffy kina Maya. Nagpasalamat narin si Richard sa hospitality na pinakita ng pamilya ni Maya sa kanya at sinabing kinabukasan ay babalik na ito sa Manila. Sinabi ni Maya na siya ang maghahatid sa boss niya kinabukasan pero nag-offer din si Raffy na samahan si Maya.

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Narinig na ni Richard ang tawag para sa flight niya kaya nagpaalam na ito kina Maya at Raffy.

“Raffy thank you.”

Kinamayan muna ni Richard si Raffy bago ito humarap kay Maya. Awkward man, Maya managed to smile .

“Maya you can report to the office sa Monday para naman makapagpahinga ka pa pag-uwi ng Manila.”

“Thank you Sir. .”

“Sige I’ll go ahead. See you on Monday sa office. Please tell your family thank you ulit at nag enjoy ako sa short vacation ko dito.”

“Sige po Sir , makakarating. Ingat po.”

Richard nodded at her and Raffy bago tuluyang tumalikod at naglakad. He glanced back and saw Raffy and Maya na papalabas na din ng airport habang habang magkahawak kamay.

Nasa loob na ng sasakyan si Maya at Raffy pabalik ng bahay nina Maya ng mkatanggap ng text message si Maya.

     I think I’m starting to like you, Maya.. It’s hard to see that I am sharing your hand with someone else . When you get back, let’s talk before it’s too late for us..please?

While reading Richard’s message, Raffy reached out to hold her hand. He brought it to his lips and kissed it.

13 Comments (+add yours?)

  1. Rocsan
    Apr 14, 2013 @ 14:13:43

    Nylcoen sana me kasunod na ito, super ganda

    Reply

  2. felcarnelle2008
    Apr 14, 2013 @ 11:16:12

    Con, i’m always proud to all of u my b ladies for being such a great writer, again and again, sori na d man ako maka pag comment sa bawat ff mo, pero hindi ko na miss ang bawat labas ng chapter ng story mo, and isa lang palagi ang result, d ako mapakali hanggat d ko ma read ang sunod na pangyayari lol keep it up sis, mwahhhhhhhhh❤

    Reply

  3. Bong
    Apr 13, 2013 @ 18:41:22

    Next chapter agad please!!!! Thanx ::-)

    Reply

  4. Rocsan
    Apr 13, 2013 @ 15:50:39

    Ayan na…more pls con

    Reply

  5. chen
    Apr 13, 2013 @ 12:52:21

    there you go.,#dumadam0ves na ang binata.,:)

    Reply

  6. adiktusbecarefulus
    Apr 13, 2013 @ 09:50:05

    ouch…….

    Reply

  7. canistel
    Apr 13, 2013 @ 09:45:14

    Ohmyyyyyy! Can’t wait :”>

    Reply

  8. charmtaz24
    Apr 13, 2013 @ 09:29:17

    ayun o… ang bilis ni SC! haaaaaaaaaaay, bagay nga talaga yung song!

    Reply

  9. yan
    Apr 13, 2013 @ 09:21:49

    great story! i like this.. everyday and everyhour inaabangan ko ang update ng episode na to. exciting. thank you again nyl.:-)

    Reply

  10. Jenny Carandang
    Apr 13, 2013 @ 09:15:03

    Bitin! (“,)

    Reply

  11. Jenny Carandang
    Apr 13, 2013 @ 09:11:34

    Oh my God! (“,)

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: