Prenup 8

Kaharap nina Maya at Raffy ang kanyang nanay Teresita, Mamang, at Kute sa salas. Kagagaling lang nina Maya sa airport para ihatid si Richard, pagbalik agad kinausap nina Maya ang kanyang pamilya.

“Sorry po if hindi po namin nasabi sa inyo kaagad.”

“Naiintindihan ko yan Raffy. Masaya ako at lalagay na kayo sa tahimik. Matagal na din kayong magkasintahan, alam ko naman doon din kayo patungo.”

“Salamat po nanay.”

“Oh, ano na ang plano ninyo para sa kasal ninyo?”

“Si Mom sabi nila sila na ang bahala sa reception. Kami na ni Maya ang bahala sa church. ”

Habang nag-uusap sina Raffy at nanay Teresita, si Maya naman ay nakikinig lang sa kanya. Napansin ni Kute si Maya kaya panay ang sulyap nito sa kanya. Si Maya naman ay di nakahalata, malalim ang iniisip. Nang magpaalam si Raffy hinatid siya ni Maya sa labas para makapag-usap na din sila. Magkahaway kamay habang nakatayo sa tabi ng kotse ni Raffy.

“Babe, alam ko nagalit ka dahil napaka insensitive ko. Sorry talaga.”

“Raffy, sana hindi lang hanggang sa pagso-sorry ang kaya mong gawin. Sana matuto ka rin rumespeto sa akin bilang girlfriend mo ..bilang fiancee’ mo..I believe I deserve that.”

“Of course I know that, babe..it’s just that na-excite lang talaga ako sa wedding natin. Sorry na,hmm?”

“Raffy, andun na ako..but, di ba di naman sa’yo lang yung wedding. It’s our wedding. Sana pagbigyan mo din ako na magdesisyon sa mga bagay tungkol dun, di yung nabibigla na lang ako na wala na tapos na pala ang usapan at may desisyon kana. Like yung nangyari sa usapan ng mommy mo? Di mo man lang ako naisip, and worst napagusapan na ninyo ng family mo yung details pero yung family ko wala pang kaalam-alam na may plano na pala tayong magpakasal.”

“Sorry..please huwag na nating palakihin to, hmmm? Madami pa tayong dapat gawin di ba? Why don’t we start planning our wedding instead of wasting our time arguing on something useless like this..right?”

Di makapaniwala si Maya, parang lumalabas na useless yung oras na binigay niya kay Raffy para i-consider ang nararamdaman niya . She thought na sumunod si Raffy sa kanya sa San Nicholas di lang para humarap sa family niya kundi dahil sa na-realize na din nito kung bakit nagalit si Maya sa kanya. Deep inside, Maya is desperate. Di na nga siguro niya kayang baguhin yon kay Raffy.

When Raffy left that night, mas lalo naging magulo ang isip ni Maya. Pabaling-baling sa higaan, nag-iisip at paulit-ulit binabasa ang text ni Richard. Ng di dalawin ng antok lumabas siya ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina at nadatnan si Kute doon.

“Oh, bunso..akala ko ba natutulog kana?”

“Di ako makatulog Kute eh.” umupo siya sa silya na nasa harap nito.

“Bunso, magtapat ka nga sa akin. Kayo ba ni Raffy ay may problema? Napapansin ko kasing parang tahimik ka kanina habang nag-uusap si nanay at Raffy”

Nagulat si Maya. Pero dahil si Kute naman ang nagtanong, sa isip niya siguro nga kailangan niyang humingi ng payo dito. Di narin niya kayang magkunwari na wala siyang problema. Kinuwento ni Maya sa kapatid ang tungkol sa nangyaring tampuhan at ang tungkol kay Richard.

“Teka .. si Richard? Yung boss mo?”

Tumango si Maya at yumuko, binawi ang tingin kay Kute. Takot kasi siyang baka ma-misinterpret siya ng kapatid niya.

“Naku bunso, talagang problema yan. Ano bang nararamdaman mo sa kanya?”

Napaisip bigla si Maya sa tanong ni Kute, pati siya di niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.

“Di ko alam…naguguluhan din kasi ako.”

“Yung totoo, baka naman na-develop  ka na rin sa boss mo? Isipin mo yan ng mabuti Maya kasi di yan basta-basta. Di ba sabi mo ikakasal na din yon?”

“Masaya siya kasama Kute, secure na secure ako..inaalagaan, at pinapakinggan..”

“Si Raffy ba hindi? Umabot na kayo ng anim na taon di ka ba niya inalagaan?”

“Well..oo nga..pero..”

“Pero ano?..confirm na Maya may feelings ka na sa kanya. Bakit? ..Kasi naghahanap ka ng rason kahit di mo naman talaga kayang i-explain kung bakit..di ba ganyan naman ang pagmamahal? Di kayang i-explain? Oh ano ?”

“Ewan..basta..pero sa sitwasyon namin ngayon takot ako harapin kung ano man. May mga taong masasaktan.”

“Tama ka dyan..pero baka naman dahil sa nagkakatampuhan lang kayo ni Raffy kaya nagkakaganyan ka?  Kaya mo bang itapon ang anim na taon ‘nyo ni Raffy sa 3 araw na pagsasama ninyo ng boss mo? Tsaka, boss mo yon Maya. Alalahanin mo yon.”

 

Ilang sandali pa silang nagkausap ng kapatid bago ito nagpaalam sa kanya at pumasok sa sariling kwarto.Nang bumalik sa higaan si Maya napaisip siya sa sinabi ni Kute sa kanya.

 

Bakit ko ba pahihirapan ang sarili ko kung alam kong mali naman ang gagawin ko. Si Raffy matagal ko ng kilala. Siya lang ang naging sandigan ko habang nasa Manila ako, inalagaan at tinutungan na maabot ang gusto kong marating sa buhay. Sabay din kaming natuto di lang sa buhay, pati narin ang sa pagaalaga ng relasyon namin. Siguro nga baka nadala lang ako sa tatlong araw na magkasama kami. Oo, di siya perpekto.. pero sino ba ang merong perpektong relasyon? At saka, bakit ako naghahanap ng perpekto, kung ako nga hindi naman..

 

Nakapagdesisyon si Maya, kung ano man ang nararamdaman niya, iiwan niya ito dito sa San Nicholas. Di pwedeng magpapadala na lang siya ng basta-basta sa nararamdaman niya. Di niya pwedeng ipagwalang-bahala na lang ang anim na taon compared sa 3 araw na naging maligaya siya with Richard.

 

 

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Nakabalik na ng Manila si Maya at Raffy Saturday ng gabi. Kinabukasan naman magkasama ang dalawa nagsimba. Pagkatapos magsimba ay nagpasyang magmall muna ng maisip ni Maya na kailangan pala niyang bumili ng kailangan sa bahay. Nagyaya si Raffy na kumain muna bago pumuntang grocery. Papasok na ng Bonchon Chicken sina Maya at Raffy ng magkita ni Raffy si Richard.

“Babe, di ba si Richard yon?”

Paglingon ni Maya nakita niya si Richard na nakatayo, ilang sandali lang  may lumapit ditong babae . Si Stephanie, na agad namang kumapit sa braso nito ng nakalapit na. Tinawag ni Raffy si Richard kaya napalingon ito sa kanila. Nang makita sila, nabigla ito na makita sila.  Hawak ang kamay niya, hinila naman ni Raffy si Maya para lumapit sila sa dalawa. Napansin ni Maya na napadapo ang tingin ni Richard sa kamay nila na magka-holding hands. Buti na lang bumati si Stephanie kay Maya kaya agad binawi ni Richard ang tingin sa kanilang kamay at sumulyap sa girlfriend nito.

“Hello po Ms.Stephanie.”

“Kakain di po kayo dito Sir?”

Si Raffy naman ang nagtanong, this time umakbay na sa kanya.

“Yes, kayo?”

“Kami din..”

“Ahh..Steph, by the way si Raffy.. this is Stephanie.”

“Hello Raffy…Stephanie, Chard’s fiancee’ “

“Hello po Ms. Stephanie, I’m Raffy ..Maya’s fiance’ . Didn’t know ikakasal na rin pala si Sir Richard. “

“Ahh..yes, ikakasal na kami malapit na. How about kayo?”

“Yes, malapit na din. Kakagaling ko lang sa San Nicholas para magpaalam sa nanay ni Maya.”

Richard cleared his throat at nagyayang maupo na sila bago ituloy ang kwentuhan, nag suggest pa itong sabay na sila sa isang mesa. Si Maya naman kahit uncomfortable sa sitwasyon, walang magawa kundi sumunod. Nang maupo sila hinila ni Richard ang upuan na nakatapat kay Maya para maupuan niya. Nabigla si Maya kaya ng ma-realize ang ginawa ni Richard,  lumapit siya kay Raffy na  humila na din ng upuan para sa kanya at si Raffy na ang umupo dun sa malapit kay Richard.

Nang dumating ang ang inorder na pagkain nilang apat nagsimula na silang kumain. Si Stephanie naman ay tanung ng tanong sa kanila tungkol sa wedding preparation nila.

“Maya hindi ka ba nahihirapan sa preparation ninyo?”

“Hindi naman po ma’am. Actually wala pang nasisimulan pero sabi naman ng mommy ni Raffy na tutulungan niya ako para di ako mahirapan. Tsaka simple lang naman yung wedding na gusto ko kaya di naman siguro ganun ka hirap yon.”

“Actually yon ang gusto ni Maya, pero of course gusto ko na maging maganda yong wedding kaya di ako papayag na simple lang yon. Gusto ko yung the best para sa babe ko.”

“Aw, that’s so sweet Raffy! See Richard, you should learn from him. I’m sure Maya excited ka na sa kasal ninyo.”

“Syempre naman po ma’am..matagal na naming gusto to. Whatever he wants, i’ll support him. Ang importante makasal na kami at habambuhay na kami magkakasama. Right baby?”

“Yes, babe!”

Sinadya talaga ni Maya sabihin yon in front of Richard and Stephanie. Isang mensahe para kay Richard at ng malaman nito na wala na silang dapat pag-usapan pa. But she didn’t expect na may konting kirot sa dibdib habang sinasabi niya ito lalong-lalo na pag naiisip niya si Richard. Nasasaktan siya hindi lang para kay Richard kundi para sa sarili na din. Pero hanggang maaga pa kailangan na niyang putulin ang damdaming ito para di na masaktan ang mga taong nasa paligid nila.

Naging civil naman ang pakikitungo ni Richard at Maya habang kasama nila sa isang mesa ang bawat partner nila. May ilangan pero di pinapahalata. Naunang magpaalam sina Raffy at Maya kina Stephanie at Richard. Nagtungo sila sa grocery para mamili ng kailangan ni Maya sa apartment bago sila umuwi.

Nang gabing yon, habang nasa higaan di mapakali si Maya. Panay ang sulyap sa cellphone niya. Nag aabang ng text galing kay Richard. Pero nakatulugan na nito ang paghihintay wala paring dumating na text. Pagkagising sa umaga agad nitong tiningnan pero wala parin. Agad naisip ni Maya siguro nga naiintindihan na ni Richard kung ano ang gusto niyang iparating sa kanya.

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Unlike before na maaga siya sa opisina,  ngayon siniguro ni Maya na eksakatong alas otso na siya ng umaga dumating. Umiiwas kasi siya kay Richard baka mapa-aga ito at magkaroon ng chance magkausap sila lalo pa’t usually quarter to 8 am na minsan dumadating ang mga officemates niya. Pagpasok niya agad siyang binati ng mga ka-opisina agad naman niyang binigay ang dalang mga pasalubong niya. Nang sumilip sa opisina ni Richard nakita niyang walang tao kaya laking pasalamat niya.

“Maya tumawag si Sir nasa shop daw siya the whole day. Baka tomorrow pa siya magrereport dito.”

“Ah ganun ba?”

Nang makapag-pasalamat kay Ruby pumasok na siya sa opisina ni Richard at nag-ayos ng gamit ng boss nito bago siya bumalik sa sariling mesa para magsimula na ding magtrabaho.

Kinabukasan, di parin pumasok ng maaga si Maya sa opisina. Pero unlike yesterday, Nagpakita na si Richard sa opisina. Pagkapasok nito, di man lang siya sinagot ng bumati siya. Halatang wala sa mood at agad siyang pinapasunod sa opisina nito.

“Have you finalized the list of the furnitures na dadalhin sa Cebu for the fair?”

Pormal ang boses ni Richard, kaya pilit din niyang inaalis sa isip niya ang issue na kung anong meron sila at pilit nag-focus sa trabaho.

“Yes Sir, and later i-email ko na ang details sa organizer.”

“Bakit ngayon mo pa yan ginawa? Di ba dapat kahapon pa?”

“I’m sorry Sir pero kasi this morning ko pa narecieve yung email na galing sa tauhan natin sa shop..apparentely busy ..”

“Apparently busy ka masyado sa personal life mo kaya napapabayaan mo na ang trabaho mo..”

     Anong problema nito at pati personal life ko dinadamay?

Gusto sana magreact ni Maya pero naisip niyang lalong lalala if sabayan niya ang init ng ulo ni Richard. Dinedma ni Maya ang patama ni Richard sa kanya and tried to calm herself.

“No Sir, of course not..it’s just that..”

“It’s just that you are too excited kaya di ka makapag-concentrate..”

     That’s it! Di na pwede to Richard!

“Sir! With all due respect..di naman tama yong pagbintangan mo ako ng kung anu-ano..”

“Bakit Maya! Mali ba ako?”

     Aba’y sinusubukan mo talaga ako ha.

“Yes, Sir excited nga ako..normal naman yun di ba kasi ikakasal na ako sa taong mahal ko? Pero di ko naman…” pinutol na naman ni Richard si Maya kung kailan siya mag-eexplain.

“Really? Maya?”

Suddenly tumayo si Richard, leaned on his table at nilapit ang mukha niya kay Maya habang nakipagtitigan sa kanya. Titig na di matagalan ni Maya at parang unti-unti siyang natutunaw.

“Convince me more Maya..kasi di ko yon nakikita sa iyong mga mata!”

Hamon ni Richard kay Maya. Sa mga sandaling yon, gusto ni Maya maghukay sa kinatatayuan niya at ibaun ang sarili. Buong akala ni Maya naitago na niya ng maigi ang tunay niyang nararamdama,maling-mali siya.

“If you convince me, ako ang bahala sa wedding ring ninyo..but if not, tatanggalin mo yang engagement ring mo at sumama sa akin… deal?”

 

 

7 Comments (+add yours?)

  1. yssa13
    Apr 15, 2013 @ 10:46:14

    It kinda reminds me of the song… It sad to belong by England Dan… Love love love this story… Sinusubaybayan ko talaga ang mga stories mo.

    Reply

  2. yan
    Apr 15, 2013 @ 01:59:01

    oh no.. so exciting.. i can’t wait for the new chapter pls. nyl.. thanks.

    Reply

  3. Jenny Carandang
    Apr 14, 2013 @ 21:17:53

    Ito na! Richard is making his moves na! Yikes!

    Reply

  4. laureen
    Apr 14, 2013 @ 16:05:34

    Naku maya its now or never preho kaung wla kwala ni kupido nyan. ika nga harangin man ng sabat masunod k lamang,.. hahahah nxt nxt pls

    Reply

  5. adiktusbecarefulus
    Apr 14, 2013 @ 16:02:48

    ahhh,,… i can’t wait to read the next chapter please paki post na thanks🙂

    Reply

  6. chen
    Apr 14, 2013 @ 15:47:59

    Oh my God..!lakas na talaga ng tama ni Richard kay Maya.,it is a deal or no deal.,think of it Maya..:)

    Reply

  7. Rocsan
    Apr 14, 2013 @ 15:45:53

    Super exciting naman… Next pleaseeeeee!!!!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: