Prenup 9

“Really? Maya?”

Suddenly tumayo si Richard, leaned on his table at nilapit ang mukha niya at nakipagtitigan sa kanya. Titig na di matagalan ni Maya at parang unti-unti siyang natutunaw.

“Convince me more Maya..kasi di ko yon nakikita sa iyong mga mata!”

Hamon ni Richard kay Maya. Sa mga sandaling yon, gusto ni Maya maghukay sa kinatatayuan niya at ibaun ang sarili. Buong akala ni Maya naitago na niya ng maigi ang tunay niyang nararamdama,maling-mali siya.

“If you can convince me, ako ang bahala sa wedding ring ninyo..but if not, tatanggalin mo yang engagement ring mo at sumama sa akin… deal?”

“Deal! But ako ang magbibigay ng rule, 3 vs. 1..kaya mo?”

Richard’s forehead creased. Di niya naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Maya.

“I’ll give you three reasons bakit si Raffy ang dapat kong piliin. You give me one..only one reason kung bakit ikaw at di si Raffy ang piliin ko.”

“Kaya mo? Tatlong beses yung sinasabi mo Maya.”

“I can give you 3 and more reasons..baka ikaw ang dapat kong tanungin kung kaya mo?”

“Di problema yon sa akin..Sigurado ka ba talaga?”

Richard move more closer, she moved her head a little or else baka naglapat na ang labi nila.

Nang pareho na silang kumalma. Si Maya ang unang nagsalita.

“Wala ka na bang kailangan Sir at lalabas na ako?”

Nang di parin kumibo si Richard, tumalikod na si Maya nang muling nagsalita si Richard kaya napahinto siya sandali para pakinggan ito.

“Maya, di mo naman siguro dadayain ang sarili mo ano? Ikaw ang magbilang para sa atin.”

Pagkalabas ng pagkalabas ni Maya diretso na siya sa pantry para mapag-isa sandali. Di nya inasahan ang nangyari kanina sa loob ng opisina ni Richard kaya napa-iyak siya. Lalo lang gumulo ang utak ni Maya. Buong akala niya okay na siya kanina bago pumasok, pero hindi parin pala. Ilang sandali ay bumalik na ito sa mesa niya at nagsimulang magtrabaho. Pagkatapos ng nangyari kanina di na sila nagharap muli ng araw na yon. Iniwasan na niya si Richard at parang gayun din ang ginawa ni Richard sa kanya.

 

 

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Ilang araw na di nagpapakita si Richard sa office,  nasa factory daw at tinutukan ang production dahil sa mga hinahabol na orders dagdag pa ang kakailanganin para sa gagawing fair sa Cebu.

Di maipaliwanag ni Maya ang kanyang nararamdaman tuwing sasapit ang alas ocho ng umaga. Lagi siyang nag-aabang kung may Richard Lim ba na papasok doon. She longs to see him. Di niya kayang dayain ang sarili. Namimiss niya si Richard.

Buong araw pa din siyang naghihintay na makita si Richard sa opisina pero di parin ito dumating. Naninibago si Maya, dati naman nitong ginagawa ang pagpunta sa factory pero bakit di siya mapakali. Gusto niya tumawag doon para ma-confirm kung andun ba talaga si Richard o wala. Daig pa niya si Stephanie kung mag-isip na baka may kasama itong iba. At kapag yon ang sumasagi sa isip niya nananamlay siya.

    1 point!..Game over! End! Fin! … Pero di mo pwedeng malaman to..di pwedeng mangyari ang gusto mo Richard.

Suddenly narinig niya ang cellphone nagri-ring. Si Raffy, telling her na di niya pwedeng masundo si Maya at nasa meeting pa siya. Pinapauna na niya si Maya sa restaurant kung saan sila dapat kakain at susunod na lang siya doon as soon as matapos na ang kanilang meeting. And since past five na ng hapon, umalis na din si Maya ng office para magtungo sa restaurant.

Sa restaurant..

“Raffy asan ka na? Naka apat na ice tea na ako wala ka parin..”

Naiinip na si Maya, mag-dadalawang oras na siyang naghinhintay wala parin si Raffy.

“Sorry babe, medyo malapit na siguro to matapos..Order ka na lang at kumain na baka gutom kana.”

Nag-init ang ulo ni Maya. Di man lang siya sinabihan na di pa pala sila tapos, sana kanina pa siya ng order at kumain mag-isa. Kumaway siya sa waiter at umorder ng pagkain. Ilang minuto ang lumipas bumalik na ang waiter bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain niya. She’s in the middle of her dinner ng biglang may huminto sa harap niya. Di niya pinansin and go on with her dinner thinking baka naghahanap lang ito ng mesa pero ng di parin ito umalis, she looked up and realized na si Richard pala ito. Nakangiti sa kanya. Dahil nagulat siya at di inaasahan na makita ang taong ilang araw na niyang gustong makita, nakalimutan niya pansamantala na dapat nagtatampo siya dito kaya napangiti na rin siya kay Richard.

“Can I join?”

Hinila ni Richard ang silya at umupo.

“Paano pa ako tatanggi kung umupo ka na. Ikaw lang ba?”

“Yes..I’m starving! Buti nakita kita kundi mamaya pa ako makakain.”

Kumaway si Richard sa waiter at nag-order.

“Ikaw lang? Where is your BABE?”

“Nang-aasar ka? Pwede ka naman siguro kumain na nakatayo ano?”

“Hey, I’m just teasing you. . pero ikaw lang ba talaga mag-isa?”

Sasagot na sana si Maya ng oo pero ng maalala ang pustahan nila naisipan niyang magsinungaling.

“Yes. May titingnan kasi akong gamit ng bahay sa taas pero naisipan kong kumain muna.”

“Talaga?”

Richard checked his wristwatch and smirked.

“Maya, it’s almost nine..are you sure open pa yung store at this hour?”

“hmmm actually iniisip ko rin yan eh, natagalan kasi ako makakita ng mesa kaya matagal ako naka-upo.”

“hmmmm”

Parang ayaw maniwala ni Richard. But Maya tried not to mind him para end of discussion na. Fortunately dumating na ang order ni Richard kaya kumain na rin ito.

“Maya, how’s the scores?”

Richard caught her off guard kaya bigla tuloy nabulunan si Maya. She was coughing really hard kaya nag-alala ito.

“Are you okay, Maya? Here, drink your ice tea.”

Iniabot ni Richard kay Maya ang ice tea niya para maka-inom na siya. He is gently tapping her shoulder blade while she drinks it.Nang medyo kumalma na si Maya.

“Richard next time huwag ka manggulat pwede?”

“Ano na naman ginawa ko? I was just asking you a question. Masama ba magtanong ngayon.”

“Whatever! …pero to answer that question. Wala pang may puntos sa atin.”

“Really? Swear?”

Tumango si Maya pero di niya makuhang tumingin kay Richard.

“Ikaw wala ka bang itatanong sa akin?” He lookedat her directly in her eyes.

     Marami..umpisahan natin sa text mo.

Napahinto sa pagsubo si Maya, tumitig sa kanya, pero di niya magawang sabihin ang nasa isip niya ng diretso kay Richard. Takot siyang marinig kung ano man ang sasabihin nito sa kanya.

“Kaya ko yang sagutin ..i’m not getting any younger Maya. At this point of my life, It’s a shame to end up to the wrong person..”

“What do you mean?”

“You can’t predict what will happen in your life, but you can choose which path to take. And I guess I made it clear. I want to take the path na ikaw ang kasama ko.”

“I hope Richard naisip mo na di pwede na basta-basta ka na lang magdedesisyon na di mo yan iniisip ng mabuti. Have you forgotten that you made a promise to one person. And umaasa siya sa pangako mong papakasalan mo siya.”

“I know..  Bago pa siya magsimulang ayusin ang tungkol sa kasal namin, I’ll break the engagement. Di ko kayang lukohin ang sarili ko. And of course it would be unfair for her too.”

“And sa loob ng tatlong araw na magkasama tayo, do you think ako ang taong dapat mong makasama? ” Maya leaned back and shake her head out of disbelief.

“Yes. Kasi sa loob ng tatlong araw na yon nakita ko ang tunay na ikaw. Kung ano ang nasa puso mo …kung anong klaseng tao ka.”

“Tell me, kung di pala si Stephanie ang taong gusto mong makasama bakit ka nag-alok ng kasal sa kanya?”

“Honestly? Because I thought it wouldn’t make any difference. Okay naman kasi kami noong una. Meron siyang sariling buhay, ako din nag eenjoy sa mga pinag-gagawa ko alone.. Walang pakialaman. Yes, we are a couple pero basically di katulad ng iba,we hang-out but not like what other normal couple do. For the longest time we learned to accept our setup. When mom started asking kung bakit di ko pa siya pakasalan  I began to ask myself bakit nga ba naman hindi, matagal na kami. Plus the fact na di naman ever naging problema sa amin ang setup naming ganun kaya naisip ko wala magiging problema. But things changed. When I proposed to her nagbago siya. Di ko alam..I realized ayoko, di ako papatali if for the rest of my life magsu-suffer lang pala ako.”

After Richard confessed, she started thinking about her relationship with Raffy. It’s been 6 years, what if just like Stephanie and Richard di parin pala niya kilala si Raffy. What if, it will be too late kapag nalaman niya yon..what if..hindi talaga si Raffy ang taong para sa kanya..what if..

“Maya?’

“hmmm?”

“yung cellphone mo kanina pa nagriring..ayaw mo ba sagutin?”

“oh..sorry!”

Sa sobrang lalim ng iniisip ni Maya di niya namalayan ang cellphone niya, mabuti na lang at andun si Richard. Tumawag si Raffy to tell her di na siya makakasipot.

“Raffy?”

“Yes. Di parin daw tapos ang meeting kaya baka di niya ako masundo.”

“Ganun ba? Ako na lang ang maghahatid sa’yo.”

“No..it’s okay. Magtataxi na lang ako.”

“No, I insist…”

Hinatid ni Richard si Maya pauwi sa apartment niya. Bago pa siya nakababa, he stopped her.

“Maya, isa lang naman yung hinihingi mo sa akin di ba? Sana di mo ipagkait sa akin yon. Wala akong gagawin para patunayan ko ang sarili ko. Hahayaan kong ang maikling panahon na meron tayo ang magsasabi sa’yo that I’m the right choice. Gaya ng sabi ko, when that time comes, nasa likuran mo na ako. “

He touched her hand and gently squeeze it. As if assuring her that he wil always be there for her and that everything will turn out okay.

     Sana nga Richard..pag dumating ang panahong yon. Pag nagka-lakas na ako ng loob andyan ka parin..

5 Comments (+add yours?)

  1. yan
    Apr 16, 2013 @ 00:22:07

    oh no? what will be the decision of Maya.. so hard. great story nyl.🙂

    Reply

  2. Jenny Carandang
    Apr 15, 2013 @ 22:12:52

    OMG! ang hirap ng sitwasyon nilang dalawa. Ano kayang patutunguhan nito?

    Reply

  3. chen
    Apr 15, 2013 @ 21:12:20

    nice 0ne..:)

    Reply

  4. Rocsan
    Apr 15, 2013 @ 17:50:19

    Amazing ka tlaga!

    Reply

  5. Rocsan
    Apr 15, 2013 @ 17:42:52

    HAYYY,!!!?

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: