Prenup 10

Pagpasok ni Maya sa office the next day, nadatnan ang bouquet of red roses sa kanyang mesa. Pa-deliver daw, nang basahin ang card napangiti siya sa sweet message na sinulat ng boyfriend. Babawi daw ito dahil sa nagawang kasalanan. Ilang minuto ang nakalipas tumawag ito sa kanya, nagtanong kung nasa office na raw ba siya at nakita na ang padala niya.

“Thank you baby.”

“Sorry talaga kagabi, di ko kasi inexpect ang pagdating nung clients ni dad. I’ll make it up to you, mamaya dadaanan kita diyan para sabay na tayo papuntang resto.”

“Okay. Sige..”

“Bye Babe, I love you.”

“Love you too baby..”

Narinig siya ni Richard, sakto kasing pagpasok nito sa pinto ang pagsabi naman ni Maya ng “I love you” kay Raffy. Bigla tuloy siya kinabahan nang tumingin si Richard sa kanya. She can see a glint of sadness in his eyes. She thought baka nasa isip ni Richard nakalamang na sa kanya si Raffy. Pero walang plano si Maya to itama ang kung ano man ang nasa isip ni Richard. Ganun naman kasi dapat ang gusto niyang mangyari, ang isipin ni Richard na talo siya kay Raffy. Naalala tuloy ni Maya ang sinabi nito sa kanya kagabi na umaasa ito na sana di niya ipagkakait ang isang puntos na hinihingi niya kay Richard.

Sumunod na si Maya kay Richard sa loob ng opisina nito. When she came in, she saw him reading the files that she prepared in his desk earlier.

“Maya meron bang paperworks na kailangan kong tapusin kaagad today?”

Maya didn’t expect Richard’s question. Hinanda pa naman niya ang sarili at baka like the other time, may confrontation na naman after he heard her talking to Raffy on the phone when he came in. She didn’t expect him to be that formal to her.

“Just those files Sir, para na rin mapadala na yung orders..maliban niyan wala na.”

“Okay, thank you.”

She turned and started walking towards the door when she find the urged to ask him. Maya stopped and face him again, clearing the lump in her throat first before proceeding.

“Ummm wala ka bang itatanong or sasabihin?”

Richard stop reading the file in his hands  and look at her.

“Wala naman..bakit meron ba ako dapat itanong?”

It took her a while before she managed to shake her head and left the room.

 

Damn Maya! Ano ba ang ginawa mo. Isa kang malaking..engot!! Nakakainis ka!

 

Pinapagalitan ni Maya ang sarili for acting dumb in front of Richard. Pero inaamin naman niya, deep inside she is hurting sa nangyayari sa kanilang dalawa.

 

 

 ~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Hinatid ni Raffy si Maya pauwi sa kanyang apartment isang gabi. Kagagaling lang nila sa bahay nina Raffy para magdinner with his family.

“Babe kailan ba ang gusto mong day para sa pamamanhikan?”

“Pamamanhikan?!”

Maya suddenly got so excited. Di niya inakala na iniisip din pala ni Raffy yon, she thought okay na yung nagpunta na siya sa San Nicholas para humarap sa nanay niya.

“Of course Babe. Ano ka ba!”

Di na maalis ang ngiti ni Maya sa mukha niya. Excited siya sa plano ni Raffy.

“How about next weekend?”

“Okay.”

Raffy smiled at her sweetly. Bumabawi si Raffy sa kanya. For years na magkasama sila, ngayon lang ata ito sobrang naging sweet at thoughtful sa kanya. Naisip ni Maya na unti-unti na siguro na-realize ni Raffy yung mga mali niya nuon.

“Paki-prepare narin yung kakailanganin natin for the marriage license ha. Yung requirements text ko na lang mamaya sa’yo para di mo makalimutan. Prepare the original copy and the clear copy of the documents.”

“Okay..”

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

    

Three days before ng araw ng pamanhikan nasa bahay nina Raffy si Maya. She was invited by his parents na doon na magdinner. Habang kumakain, Mrs. Alvarez talked about the pamamanhikan.

“Maya, about the pamamanhikan. Pwede ba kaming humiling sa’yo ng favor?”

Kinabahan si Maya bigla. She glanced over Raffy na bigla rin tumahimik  sa tabi niya. She senses that something is coming up and she better prepare for it.

“Kasi Maya, unexpectedly meron kaming guest na dadating from Australia. Isang investor and he will be here sa Friday..Okay lang ba if sila na lang ang papapuntahin dito sa Manila? Kami na ang bahala sa fare and accommodation nila..Di kasi namin tantya kung anong oras matatapos yung meeting.”

Mrs. Alvarez looked at Maya with pleading eyes. Now she knows where Raffy got those traits whenever he tries to convince her into something na ayaw niya. Naisip tuloy ni Maya that the purpose of her coming over sa house  nina Raffy was because of this.

“Maya we are really sorry this had to happen. Raffy is really upset earlier dahil dito. Nangako daw siya sa’yo. That’s why sabi namin kami na ang bahala magpaliwanag sa’yo.”

Left with no choice, she tried to lighten up the mood by smiling at Raffy na obviously tumahimik dahil sa alam nitong magagalit na naman siya. The mere fact na sabi ng parents nitong aware si Raffy na magagalit siya somehow eases the hurt she is feeling at that moment. Slowly she nods her head to tell her na okay lang sa kanya and that she understand them.

“Thank you Babe! Di mo lang alam kung gaano ako kinabahan kanina.”

“I understand . And I know maiintindihan din kayo nina nanay. Mamaya tatawag ako sa San Nicholas para sabihin sa kanila ang change of plan.”

After ng usapan nila about the sudden change of plan. They continue with their dinner, si Maya naman pilit na inaaliw ang sarili sa usapan nina Raffy at ng parents nito. Trying so hard to hide what she truly feels. Inintindi na lang niya na talagang di nakikisama ang panahon sa kanya.

Lugmok si Maya pagka-uwi ng gabing yon. She called her family at San Nicholas and informed them na di matutuloy ang nakatakdang pagpunta nina Raffy sa San Nicholas but instead they will be flying to Manila para sa isang intimate dinner with the Alvarez family. Kahit sinabi pa ni nanay Teresita na naiintindihan nila ang nangyayari, Maya felt sorry for them.

That weekend Maya’s family went to Manila at natuloy din ang planong simple dinner nila with her future in-laws. Maganda naman ang pinakitang pagtanggap ng parents ni Raffy sa kanila kaya thankful na rin si Maya. Kahit papaano nakabawi na din siya sa pamilya niya.

Maya asked them to stay for a week para naman maipasyal niya ito so she asked her office if she could get some time off sa office. When Richard heard that her family is in Manila, he asked about them.

“Can I go and see them later? You know, to repay the hospitality they showed  me noong pumunta ako sa inyo?”

“Sige po, kayo ang bahala. Maya daan na lang kayo dun sa apartment ko, doon kasi sila naka-stay ngayon. ”

Richard thank her for allowing him to see them. Pero ang totoo, pumayag siya kasi para makasama niya kahit sa konting oras man lang si Richard. Simula kasi nung incident about the flowers di na sila nagkaroon ng time na mag-usap except if it concerns sa work. Feeling ni Maya tinupad ni Richard yung sinabi niya na di siya nito guguluhin at hahayaan siyang ang panahon ang magdidikta kung kailan game over na. Napahanga ni Richard si Maya doon ng sobra.

Just as planned, bumisita si Richard sa bahay nina Maya that night. He bought something for dinner since they also invited him na doon na rin maghapunan. Maya’s family were glad to see him again. All throughout na andun si Richard, si Kute naman ay nag-oobserba sa kanila na di namamalayan ni Maya.

Kute and Maya stayed on the living room after Richard left the apartment . Maya is lying with her head on Kute’s lap while Kute is lovingly caressing her head while they are watching tv.

“Bunso, usap muna tayo.”

“Oh bakit Kute?”

“Alam mo na siguro kung bakit?”

“Kute..”

Naging uncomfortable si Maya bigla at ng maintindihan kung ano ang gusto pag-usapan ni Kute.

“Huwag kang mag-alala. Di naman ako nagagalit eh. Gusto lang kita tanungin. So ano na ang status ni Raffy at Richard sa puso mo?”

Di nagsalita si Maya, naghihintay kung ano pa ang gusto sabihin ng kapatid niya.

“Iba ang aura mo pag si Richard ang nasa harap mo. At na-confirm ko yon kanina.”

Pinagpatuloy ni Kute ng di nagsalita si Maya. Both of them have their eyes fixed on tv, patay malisya..parang ayaw gawing seryoso ang usapan. Nag-iiwasan.

“With Raffy napaka tahimik mo na para kang nagbibilang ng minuto. Kay Richard naman nagiging ikaw ka..alam mo yon? Masayahin, palabiro, at laging optimistic. Basta..iba ka Maya pag andyan si Richard.”

Kung alam mo lang..game over na eh..ako lang ang ayaw umamin..ako kasi tong duwag..

“Maya, paano kaya kung manalo si Richard sa pustahan ninyo?”

     Nanalo na nga..matagal na!

“Maya?!”

Si Maya naman parang nasa kabilang daigdig. Malalim ang iniisip. Napansin ito ni Kute kaya biglang hinila yung buhok niya sa pag-aakalang di siya pinapansin nito.

“Anak ng tokwa oh!”

Hila pa sa buhok ng di talaga siya umimik, ng naramdaman ang sakit nabigla si Maya kaya napa-amin.

“Matagal na nga eh!”

“Ano? Anong matagal na?”

Nang ma-realize kung ano ang ginawa niya, nagtakip si Maya ng bibig at ayaw ng ulitin ang sinabi niya. Pinandilatan siya ng mata ni Kute .

“Oo na…game over na..matagal na. Mahal ko nga ata eh!”

Nagulat si Kute sa sinabi ni Maya.

“Paano na si Raffy?”

She let out a big, deep sigh..

 

Paano na nga ba?

 

 

 

 

 

9 Comments (+add yours?)

  1. chen
    Apr 16, 2013 @ 14:28:37

    habang tumatagal.,lal0ng nakaka excite..:)

    Reply

  2. chen
    Apr 16, 2013 @ 14:17:22

    wow..!excited for the next chapter..:)

    Reply

  3. Rocsan
    Apr 16, 2013 @ 12:36:48

    Sana me kasunod agad! Ang galing mong magsulat talaga

    Reply

  4. Rocsan
    Apr 16, 2013 @ 12:29:21

    Ay naku, super kaabang abang talaga!

    Reply

  5. RMR61
    Apr 16, 2013 @ 12:21:01

    naka bookmarked sa akin tong site mo kaya naman maya’t maya talaga ang check ko kung may latest na🙂

    Reply

  6. nylcoen (@nylcoen)
    Apr 16, 2013 @ 11:41:05

    Guys can I just say this? YOU ARE JUST AWESOME! Di pa nag 30 minutes ang post ko andito na kayo kaagad hehehe..Thank you for always following my blog😉

    Reply

  7. adiktusbecarefulus
    Apr 16, 2013 @ 11:24:07

    pano nga ba to?????bitin lang huhu…..

    Reply

  8. yan
    Apr 16, 2013 @ 11:10:21

    Yes.. How about Raffy? Ang Ganda nman ng Story na to.. thank u nyl..

    Reply

  9. Jenny Carandang
    Apr 16, 2013 @ 11:01:50

    Kapana-panabik ang susunod na kabanata! Hindi na ako makapaghintay! Ha ha ha

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: