Prenup 11

Nasa mall sina Maya, Kute, Mamang, at nanay Teresita. Nanood sila ng  It Takes a Man and a Woman,kaya enjoy na enjoy silang apat. Medyo matagal na din kasi ng huling nanood sila ng pelikula na silang apat ang magkakasama kaya talagang sinigurado niya na bago sila uuwi ng San Nicholas makakanood sila.

Pagkatapos sa movie pinag-shopping niya ang kanyang family. Binilhan niya ng damit at ng ibang gamit sina nanay Teresita at Mamang. Si Kute naman ay nagrequest ng isang brand ng sapatos kaya iniwan nila pansamantala sina nanay Teresita at Mamang para samahan si Kute maghanap. Nang palabas na sila sa boutique di nila inasahan makita nila si Richard palabas sa isang jewelry shop.

“Di ba si loverboy mo yun?”

Biro ni Kute kay Maya kaya inirapan niya ito.

“Kute naman eh!”

“Mahilig ba sa jewelry si Sir Richard?”

“Hindi ko alam…baka may binili para sa fiancee’ niya.”

“Ows? ..Bakit parang may halong OUCH yung tono mo?”

“Hindi noh!”

Naglakad na uli sina Maya at Kute para humanap ng sapatos nang di inasahang biglang pumasok si Kute dun sa jewelry shop.

“Akala ko ba sapatos gusto mo?”

“Bakit di pwedeng tumingin-tingin dito kung di ako bibili? Malay mo may magustuhan ako dito kaya instead ng sapatos alahas na lang ang hihingin ko.”

“Ikaw ang bahala.”

Naghiwalay si Maya at Kute, si Maya nagpunta sa stand kung saan merong mga singsing habang si Kute naman ay dun sa may mga necklace. Habang tinitingnan ni Maya ang nasa display may nakita siyang pares ng wedding ring na nagustuhan niya. Sa isip niya kung mamimili na sila ng singsing ni Raffy yun ang gusto niyang bilhin.

“Miss, pwedeng masukat ko yon?”

Kinuha ng saleslady ang singsing, pagkabigay ay sinukat naman niya ito.

“Ma’am bagay na bagay po sa inyo.”

“Oo nga eh. Di bale babalik ako dito kasama ng fiance’ ko para makita niya ‘to.”

“Sige po Ma’am, baka sakaling meron ding ibang stock na ganitong klase by that time. Naka-reserve na kasi to eh, kani-kanina lang.”

“Kanina lang?”

“Opo..Ang sweet nga nung nagpa-reserve nito kasi sabi niya sorpresa daw niya sa kanyang fiancee’ to.”

Nang marinig ni Kute ang saleslady lumapit na ito kay Maya para maki-usyoso din.

“Miss sino yung nagpa-reserve?”

“Parang Richard ata yon.. di ko lang natandaan yung last name niya..”

“Richard Lim?”

Tanong ni Kute sa saleslady para i-confirm ang hinala nila.

“Ay oo, yun nga yon.. Richard Lim, bakit po kilala ‘nyo po siya?”
Tumango lang si Kute at Maya. Si Kute ay hinagod yung likod ni Maya ng mapansing medyo lumungkot ito. Ilang sandali lang ay lumabas na silang dalawa doon sa jewelry shop at pinagpatuloy ang paghahanap ng sapatos ni Kute. Napansin ni Kute na parang nawalan na ng gana si Maya kaya pilit niya itong pinapatawa. Nang hindi parin umepekto kay Maya ay kinausap na niya ito.

“Bunso alam ko malungkot ka. Ako din nalungkot para sa’yo. Kaya nga lang baka ito na yung sign na hindi talaga kayo pwede. ”

Maya can’t help it, meron ng luha na namumuo sa mata niya when she looked at Kute. Kahit alam naman niyang dadating din ang time na mangyayari yon,  di niya inakala deep inside she was longing na hindi matutuloy ang kasalang Richard at Stephanie. Kaya siguro parang busy palagi si Richard this past few days kasi he was preparing for his wedding na. Napapansin din ni Maya na parang umiiwas ito sa kanya, baka di lang magawang sabihin nito ng diretso sa kanya na di niya nagawang hiwalayan si Stephanie.

 

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

“Sir tumawag yung client natin from Davao, they already received their orders. They want me to tell you na gusto nila tayo pa din ang magsu-supply ng kakailanganin nilang furnitures para sa hotel nila and ask if they could set a meeting with you Sir.”

“That’s great. Sige tell them sila na ang bahala ng date kung kailan sila available then ayusin mo na din yung schedule ko to accommodate that meeting,okay?”

“Yes, Sir.”

Tumalikod na si Maya para lumabas ng opisina ni Richard ng muli siyang tawagin nito. Paglingon niya nakita nitong tinititigan siya nito ng maigi. Di kasi napansin ni Maya yon kanina habang kausap si Richard kasi nasa dala niyang notebook ang mga mata niya, para umiwas matitigan ang mukha ni Richard.

“May problema ka ba?”

“Sir?”

“Kasi parang ang tamlay mo..may problema ka?”

“Wala naman po. Pagod lang siguro ako kasi inaayos ko rin yung para sa kasal ko.”

Totoong may inaayos siya para sa kasal nila ni Raffy, kabila’t kanan na pre-wedding seminar at kung anu-ano pa. pero di totoong iyon ang dahil kung bakit siya matamlay.

“So tuloy na talaga kayo?”

Mahina ang boses ni Richard habang tinatanong si Maya.

“Oo naman..tuloy kami..”

She saw him clenched his teeth. Si Maya naman nagpipigil na di maiyak infront of Richard. She left him and went to her own table to resume work.

That evening, Maya and Raffy meet at their favorite restaurant. Di inasahan ni Maya ang good news na gustong sabihin ni Raffy sa kanya over the phone.

“I did it Babe!”

“Ang alin?”

“Remember yung investors na pumunta dito, yung galing sa Australia?”

“You mean..”

“Yes! yes!! willing sila to help us open a branch dun sa Australia and dad said ako ang mamahala dun!”

Raffy was really excited that he hugged her tightly after telling her about the news. Masaya din si Maya for him, matagal na itong gusto ni Raffy. Gusto nitong ipakita sa parents niya na they can trust him na mamahala ng family business nila.

“I’ll be flying to Australia at the middle of next month para maayos ko na ang detalye ng itatayong branch ng agency doon.”

“Next month? Paano ang kasal natin?”

“Don’t worry..we can have our wedding earlier, bago ako lumipad or if you want pagbalik ko na lang..but I’ll be staying there for a year para tutukan muna ang branch dun.”

“What?”

“Yes, don’t worry matutuloy pa rin..”

Masayang-masaya si Raffy that time na hindi niya namalayan ang kalungkutan ni Maya. Sa buong oras na magkasama sila walang ibang bukambibig si Raffy kundi ang tungkol sa business niya at ang napipintong pag-alis niya . Wala man lang siyang narinig na plano ni Raffy for their future. Bagay na gusto sanang marining ni Maya sa kanya ng mga panahong ito.

~~~~~~~~~~ * * * ~~~~~~~~~~

Busy si Maya with work and preparation for their wedding, talagang sinadya niyang pinagsabay-sabay lahat ng kailangan niyang gawin para wala na siyang ibang maiisip kundi ang mga bagay na dapat pa niyang tapusin.

Papauwi si Maya galing makipag-meeting sa designer ng gown na susuotin niya ng madaanan siya ni Richard habang naghihintay siya ng taxi. Ayaw umalis ni Richard kung di siya sasakay kaya napilitan din siyang sumakay sa kotse nito.

“Galing ka sa designer ng gown mo?

Tumango si Maya kay Richard, pilit ngumiti pero napansin din ni Richard na matamlay siya.

“Asan ba si Raffy at bakit nag-iisa ka lang?”

“Busy sa opisina. Meron kasi silang pinaghahandaan na expansion overseas kaya di gaanong nakakasama..ikaw kumusta yung ..yung preparation?”

Ngumiti si Richard, ngiting di umabot sa mata nito. [Sup-Laida, is da chu?😛 ] tumahimik lang ito kaya di na rin nagsalita si Maya.

“Maya..yung wedding ring ..”

“No..okay lang yon, nakapili na din kami ni Raffy. You don’t have to buy it. Thank you sa offer.”

Ilang sandali lang huminto na ang sasakyan ni Richard sa tapat ng apartment ni Maya. Nagpasalamat naman si Maya and out of nowhere naisip niyang magtanong kay Richard.

“Gusto mo pumasok?”

Nagulat si Richard sa offer niya, pati din si Maya pero wala na siyang magagawa. Kung MS-Word lang ang moment na yon, nag backspace na sana siya para madelete ang nagdaang minuto sa buhay niya.

“Sure, why not..”

Bumaba na silang dalawa sa kotse at pumasok sa loob ng apartment niya. Pinasok muna ni Maya ang gamit sa loob ng kwarto niya bago siya lumabas ulit para maghanda ng kape. Bitbit ang tray, nadatnan ni Maya si Richard sa salas na tumitingin-tingin sa mga picture frame. Nang makita siya ay umupo ito ulit at kinuha ang kape na inabot ni Maya sa kanya.

“Mahal na mahal mo sila ano?”

“Sino?..ahh you mean yong family ko? Syempre naman! Di ko sila ipagpapalit kahit kanino pa.”

“Kahit sa fiance’ mo?”

Richard teased her pero di niya inasahan ang reaksyon ni Maya. Di man lang ito ngumiti kahit konti, seryosong-seryoso na parang may nasabi siyang mali.

“Sorry…”

“Di ko sila ipagpapalit kahit pa kay Raffy..kaya nga nung di natuloy ang pamamanhikan sobra akong nasaktan for them. Parang pinagkait sa kanila ang konting respeto..my family deserved it, kahit mahirap lang kami di ba? “

Ayaw magsalita ni Richard, sa mga sandaling yon ramdam niya ang kalungkutan ni Maya, pero hinayaan lang niya itong magpatuloy sa pagkwento para kahit konti mabuhos nito kung ano man ang nakatagong sakit sa loob nito.

“Sorry, sa’yo ko pa nabuhos ang tampo ko.”

Pilit ngumiti si Maya. Kahit gaano man niya gustuhing sumaya, mula ng malaman ang tungkol sa wedding ring ni Richard at Stephanie at yung pag-alis ni Raffy, parang ang bigat-bigat na sa loob.

“Maya, why don’t you stop this?”

“Ang alin Sir?”

“All of these..nakikita ko na hindi ka masaya sa ginagawa mo. Why torture yourself? You said I only need to convince you once di ba? “

Inilapag ni Richard ang tasa sa mesa at lumapit kay Maya. He took her hand and held it tightly.

“Marry me Maya..stop fooling yourself and come with me.”

Maya gasp. Di makapaniwala sa narinig kay Richard. She saw the seriousness in his eyes that makes her heart beat fast.

“I love you Maya..please marry me, please.”

Richard plead.

Di mapigilan ni Maya ng luha niya. Sunod-sunod na itong pumatak sa pisngi niya. Di malaman kung ano ang gagawin ng mga sandaling yon..pero isa lang ang maliwanag, masaya siya sa narinig galing kay Richard..masayang-masaya.

9 Comments (+add yours?)

  1. Rocsan
    Apr 18, 2013 @ 23:35:44

    Im sure super ganda ng kaunod nito.

    Reply

  2. Bong
    Apr 18, 2013 @ 15:45:27

    Nasaan na ang chapter 12??? please…. pero salamat talaga sa mga creativity, bringing another twist sa totoong story behind character’s names….

    Reply

  3. chen
    Apr 18, 2013 @ 11:11:08

    everyday lal0ng kaabang abang what will happen..:)

    Reply

  4. Jenny Carandang
    Apr 18, 2013 @ 06:24:55

    Waiting for the next chapter… (“,)

    Reply

  5. Rocsan
    Apr 17, 2013 @ 15:30:19

    I really love where it is going… Kudos! Sana me kasunod agad

    Reply

  6. zerronine
    Apr 17, 2013 @ 10:16:51

    Richard is right Maya. Y torture yourself… Next chapter na nga lang dear writer/author…
    👍😜

    Reply

  7. Jenny Carandang
    Apr 17, 2013 @ 08:16:17

    Nakakaiyak…

    Reply

  8. yan
    Apr 17, 2013 @ 07:48:51

    that was great…grabe na tong series na to.. much awaited.. can’t wait for the new one nyl.. thanx for the early post of this chapter..

    Reply

  9. adiktusbecarefulus
    Apr 17, 2013 @ 07:41:28

    kaiyak naman next po please…..

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: