Just the Way You Are

At 6:30 PM, nasa condo na ni Emman si Sir Chief. Hinihintay niya si Maya habang inaayusan pa ni Emman sa loob. Di naman siya atat pero excited na siyang makita si Maya. Maalala lang niya kung gaano kaganda si Maya the last time na nag-chaperone siya kay Nikki sa Prom nito, paano pa kaya this time that its going to be her night.

Sir Chief decided to throw a party in celebration of Luke, Abby, and Maya’s graduation. Oh well, actually alot of good things happened na gusto  i-celebrate ni Richard at hindi lang dahil sa graduation.

Yesterday was Maya’s big day. Finally, she’s now a full-fledged Flight Attendant of Time Airways. She already received her own wings pin during her graduation ceremony. Fortunately they were able to witness her graduation along with her family who came from San Nicholas to witness the ceremony.

“Sir Richard, palabas na po si Maya nagbibihis lang sandali. Tapos na make-up niya.”

“Thank you Emman for helping Maya. Sige, magbihis ka na rin para sabay na tayo pagpunta sa venue ng party.”

“Wag na po Sir, susunod na lang po ako. Dadalhin ko kasi yung kotse  ko.”

“Okay sige, ikaw ang bahala. Sunod ka na lang doon.”

Iniwan na ni Emman si Sir Chief at pumasok narin sa loob ng kwarto niya para ito naman ang magbibihis. Habang papalapit ang time na makikita na niya si Maya lalo siyang kinakabahan kaya tumayo na lang si Sir Chief, pacing back and forth inside the small living room. Nanunuyo na ata ang lalamunan niya sa sobrang excitement so he asked Emman if he could have a glass of water.

“Kuha ka na lang sa ref Sir.”

Emman answered back, without bothering to open his bedroom door. Sa dalas ni Sir Chief sa condo niya parang di na rin siya naiilang dito, nawala na ang inhibitions nila sa isa’t-isa simula noong araw na napagkamalan niya itong si Capt. James Ventura at sumabay siya sa pagkain sa dalawa.

Umiinom na ng tubig si Sir Chief nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Maya at lumabas ito doon. Nang makita niya si Maya literally napa nga-nga si Sir Chief sa nakita. Maya is wearing a royal blue mini dress paired with silver stilletos. She also wore the diamond earings he gave her yesterday as her graduation gift. Emman did a good job in styling Maya’s hair, naka french twist ito na bumagay  kay Maya.

“Sir Chief?”

Nang di parin nag-salita si Sir Chief  nag-worry na si Maya. She pouted at akmang babalik sa loob ng kwarto niya.

“Saan ka pupunta”

“Para kasing di mo nagustuhan ang nakita mo kaya magbibihis na lang ako.”

“No! Maganda ka. You look very beautiful, gaya ng ini-imagine ko kanina pa.”

“Ini-imagine mo ang look ko kanina Sir Chief?”

“Yes. I can’t help it. Excited ako eh.”

“Weeehh?! Sir Chief talaga oh, nagpapatawa.”

“Hindi kaya. Di ka na naman naniniwala sa akin? Di ba I told you..”

“That when someone compliments you, just say thank you..alam ko na yun Sir Chief..”

“Alam mo na pala eh.”

“Sige na nga..thank you Sir Chief”

Maya smiled at him sweetly.

“So, are you ready?”

“Yes, Sir Chief. Ready na ako.”

After nagpaalam sina Maya at Sir Chief kay Emman, umalis na sila agad para pumunta sa hotel kung saan ang party. Pagdating nila madami ng invited guests ang dumating.Dumating na iilang guests ni Sir Chief from LAS, mga classmates nina Nikki at Luke and ilang kaibigan na rin ni Maya na FAs ng TA.

Andun na rin ang family ni Maya na kanina pa nauna sa kanila, nasa iisang mesa ito kasama nina Luke, Nikki, at Abby. At dahil party ito ng tatlong taong malapit sa kanila andun din syempre sina Doris, Sabel, Joma, at si Manang Fe na napaluha pa ng makita si Maya pagdating nila.

“Manang Fe!”

Maya hugs her. Pati sina Doris at Sabel din yumakap sa kanya, na that time ay naki-iyak narin kay Manang Fe at Maya.

“Ano ba naman kayo. Bakit ba kayo umiiyak?”

“Eh kasi si Manang Fe eh..”

Everyone at the table was laughing at them.

“Maya, ang ganda mo yha.”

Manang Fe compliments Maya while she look at her from head to toe. Pati si Doris at Sabel din binati siya at inggit na inggit sa kanya.

“Day ang ganda ng suot mo. Bayaan mo Doris, magda-diet ako! Tapos magsusuot din ako ng ganyan!”

“Oo Sabel, habang nagluluto ka ganyan ang isuot mo!”

Biro ni Doris sa kaibigan kaya tawa na naman sila lahat.Lumapit na rin sina Nanay Teresita, Mamang, Cho, at Cristina Rose sa kanila. Manghang-mangha ang nanay ni Maya sa nakikita niya sa anak. Ngayon pa lang kasi niya nakita si Maya ng magbihis ng ganun kaganda, gaya ni Manang Fe napaiyak din ito. Si Mamang naman proud na makita ang apo niya.

“Maya, apo! Kapag nakikita kita na ganyan kaganda. Naaalala ko ang kabataan ko. Ganyan na ganyan ako kaganda at kasexy noon. Mana ka talaga sa akin.”

“Nanay..ayan ka na naman eh.”

“Bakit Teresita hindi ba totoo? Kanino ba nagmana ng pagka-balingkinitan ng katawan ni Maya di ba sa akin?”

“Shhhh Nay..tama na, nakakahiya oh naririnig ka nina Sir Richard. Sige na po nay tama na hmm?”

Paki-usap ni nanay Tere kay Mamang para tumahimik na. Ilang sandali lang nagsalita na si Ms. Liza na magsisimula na ang party. Si Ms. Liza ang naging emcee ng party ng gabing yon. Habang ang ibang guests ay umupo na sa mga mesang nakalaan sa kanila, ang buong Lim household at ang pamilya naman ni Maya ay nasa iisang malaking mesa lang.

Isa-isang pinag-speech sina Abby, Luke, and Maya. Nauna si Abby na magsalita, and just like her speech in her graduation, nag thank you si Abby sa lahat ng taong tumulong at nag alaga sa kanya lalong-lalo na sa kanyang family at sa best-friend niyang si Maya.

Sunod namang nag-speech ay si Luke. Bukod sa pagpapasalamat niya sa mga dumalo at suporta ng pamilya niya nagpasalamat din siya kay Maya na tumulong para maayos ang relasyon niya with his dad and of course para ayusin ang family nila. While Luke is thanking Maya di napigilan ni Maya na mapaluha. Pagka-baba ni Luke lumapit pa ito sa kanya at yumakap sa kanya. This scene moved everyone, especially Richard. Di niya inasahan na gagawin ni Luke yon and he’s very proud of his son. Everyone claps as they watched the Lim children took turn in hugging Maya.

And now the most awaited part sa party. And speech ni Maya.

“Gusto ko magpasalamat unang-una sa pamilya ko na laging andyan para suportahan ako at ang aking pangarap. Sina nanay, mamang, Kute, at Cho. Sila yung mga taong unang naniwala na kaya kong abutin lahat ng pangarap ko basta kapit bisig lang kami lagi. Mahal na mahal ko po kayo.

Sa pamilya ko dito sa Manila, si Abby, ang nagbigay daan kung bakit ako napadpad sa mansion. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na maging yaya mo. Tandaan mo baby bestfriend tayo for life…(sabay flying kiss kay Abby, si Abby din nag-flying kiss sa kanya).. Kay Luke at Nikki, na parang mga kapatid ko na rin. Salamat sa pagtitiwala ‘nyo sa akin, di ‘nyo lang alam kung gaano ka-importante para sa akin yon… Kay Manang Fe, na naging nanay-nanayan ko na rin dito. Salamat sa lahat ng payo, pag-suporta, pag-aalaga at pagmamahal na pinakita mo sa akin. …Kay Doris, Sabel, at kuya Joma  na naging malalapit kong mga kaibigan. Salamat na lagi ninyo akong inaalalayan sa lahat ng bagay. Sa pagtuturo ng mga bagay na kailangan kong gawin at sa pagsama sa akin tuwing kinailangan ko ang tulong ninyo. Mahal na mahal ko po kayong lahat… (si Manang Fe, Doris, Sabel nagpupunas ng luha habang si Joma naman pinipigilan ang sarili di lumuha but at the end napa singhot-singhot narin hehe )…  At syempre kay Emman, salamat at di bukod sa pagpapatira mo sa akin sa condo mo..inalagaan mo din ako at inalalayan kapag kinailangan ko. ( Si Emman ay napatakip sa kanyang bibig sabay sabing “oh my pink lipstick! Girl touch naman ako dun! )

At syempre, si Sir Chief na naging dahilan kong bakit nakapag-aral ako ulit. (Tinititigan ni Maya si Sir Chief habang sinasabi niya ang pasasalamat nito sa kanya, si Sir Chief naman pangiti-ngiti lang sa kanya) Salamat at kahit makulit, madaldal, at pakialamera ako pinagbigyan mo parin akong mag-aral ulit. Salamat sa pagtulong mo sa akin mula sa tuition ko, sa assignments ko, sa mock interview ko na wala ako ni isang tamang nasagot  (tawanan ang lahat) , sa airplane tutorials na kahit busy kayo ginawan nyo ng paraan maisama ako sa trabaho ninyo para lang makapasa ako. Sa pagpapalakas ng loob ko kapag gusot ko ng sumuko ( nagflashback sa isip ni Maya at Sir Chief ang lahat ng pinagdaanan nila), sa pagtitiwala mo sa kakayahan ko, sa paghatid at sundo mo sa akin sa Observation Flight ko. Thank you talaga Sir Chief sa lahat. Di mo lang alam kong gaano ako nagpapasalamat sa’yo. ”

Bumaba na si Maya at nilapitan si Sir Chief para sana makipag-kamay lang siya dito pero infront of everyone na andun sa party, niyakap ni Sir Chief si Maya. Sa gitna ng ingay ng palakpakan, habang yakap-yakap ni Sir Chief si Maya ng buong higpit at pagmamahal bumulong ito kay Maya.

“Thank you din at dumating ka sa buhay namin Maya.”

Pagkatapos ng speech ni Maya, nagstart narin ang dinner. Habang kumakain ang lahat, gaya ng nakaugalian ni Maya inalalayan nito si Abby. Kahit ba sinaway siya ni Doris di parin siya nagpa-awat. Si Richard naman tahimik lang habang pinagmamasdan si Maya at Abby. Di yon nakaligtas sa mga mata ni nanay Teresita. Panay din ang siko ni nanay Tere kay Cristina Rose na kumakain sa tabi nito.

“Nay, ano ba? Di mo ba ako pakakainin?”

Reklamo nito tuwing sinasagi ng nanay niya ang kanyang braso tuwing papasubo na siya ng pagkain.

‘Sorry nak, pero tingnan mo si Sir Richard. Kanina ko pa napapansin na di maalis ang tingin niya kay Maya.”

Bulong ni nanay Teresita kay Kute. Si Kute naman ngumiti na lang at kinikilig habang pinagmamasdan si Sir Chief at si Maya.

Buong gabi ng pinagmamasdan ni Richard si Maya habang nakikipag kwentuhan ito sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Napapa-ngiti din siya tuwing nakikita niya itong ngumingiti. Whenever she laughs, her eyes twinkle with so much delight. Her enticing lips…Emman kung di ka lang umeksena matagal ko na sana tong nahalikan! Richard could only shake his head and smile when he remembered that incident.

“Sir Chief?”

Di namalayan ni Sir Chief na lumapit na pala si Maya sa kanya.

“Bakit?”

“Bakit nag-iisa ka dito?”

“It’s okay..nag-eenjoy naman ako dito eh.”

“Nag-eenjoy ka? Eh wala ka namang ginagawa dito ah, paano ka mag-eenjoy niyan?”

“Just by looking at you having fun, enjoy na ako.”

“Sir Chief..”

“Seriously..when I see you smile, napapasmile na rin ako.”

“Sir Chief …tama na okay? Nahihiya na ako oh!”

Maya is already blushing, napapansin na yon ni Sir Chief so he stop. Kahit ilang ulit niya paalalahanan si Maya di talaga nawala sa dalaga ang mahiya pag-pinupuri niya ito, just one of the many things that he loves in her.

Habang lumalalim ang gabi, isa-isa na ring nagpaalam ang mga bisita nila. Pinahatid na ni Richard kay Joma ang mga bata sa bahay. Sumabay na rin kay Emman ang pamilya ni Maya pabalik ng condo. Nagpa-iwan naman si Maya sa hotel para asikasuhin ang natitira pang mga bisita. Nang nagpaalam na ang pinakahuling bisita, nagyaya na rin si Maya na umuwi na sila ni Sir Chief.

“No..di ako papayag na uuwi tayo ngayong gabi na di pa kita naisayaw Maya.”

“Ha? Eh, Sir Chief wala na oh..tayo na lang dito, wala ng tao.”

“So? Di ba pwedeng magsayaw kung tayo lang dalawa?”

“Eh … pero…”

Suddenly narinig ni Maya ang piano playing Just the  Way you Are

Richard took her hand and lead it to  his heart.

“Maya.. We’ve been through alot. From a not so good start ..we’ve become friends.. and now we are dating. We both agreed to take things slow, one step at a time di ba..I appreciate it very much when we are both struggling on our own nakuha mo pang alalahanin ang mga anak ko. That’s one thing I really admire in  you…”

“Sir Chief..”

Richard stopped Maya from speaking by placing his index finger on her lips.

“Shhh.. let me finish first. .. Aside from your beauty outside , its the beauty that you possess inside that draws me nearer to you..Sabi ko nga sa’yo noon. You are a rare find. I’m so glad na  ikaw yung nakakakita kay Abby that day. Thank you for coming into our lives ..thank you for being you..but more than all the thank you..I think you should know this by now Maya..I love you and I hope you feel the same way too.”

Natulala si Maya sa narinig. Sir Chief..tama ba yung narinig ko? Maya looked at Richard with pure amazement. Sabi mo slowly Sir Chief di ba…slowly pinapatay mo na rin ako sa kilig..Si Sir Chief mahal ako…mahal ako ni Sir Chief !! Maya di ka na nag-aassume..mahal ka daw niya…eeeiiiiii ..Kilig na kilig na si Maya

“Uulitin ko pa ba Maya? ..I said I love you.”

“Sir Chief ”

“Oo nga I love you.. kung sino ka..kung ano ka..your eyes … your smile.. the way you laugh..kung gaano ka kamaalaga..mapagmahal sa pamilya..the way kung ano ka Maya..Everything about you, walang labis, walang kulang!”

Di din alam ni Sir Chief kung narinig ba siya ni Maya o gusto lang talaga nitong ipaulit yung sinabi niya, but he said it again anyway. Ilang beses na din naman niyang gusto yung ulit-ulitin sa kanya.

“Sir Chief..”

“I love you Ma..”

“Mahal din kita!”

“Maya?”

Ngumiti lang si Maya at di na inulit pa  ang kanyang sinabi. Pero sa taong kapwa mahal ang isa’t-isa, isang ngiti lang naiintindihan na nila. He embrace her.

“Wala ng bawian yun ha!”

“Sabi mo eh!”

Both of them are giggling. Masayang-masaya at finally nasabi na nila sa isa’t-isa ang kung ano man ang dapat nila sinabi noon pa. Placing his index finger under her chin, he lifted it slowly and pressed his lips on hers for a sweet long kiss.


Video credit to Aldy Santos. Visit her YT channel by clicking here.

6 Comments (+add yours?)

  1. Rocsan
    Apr 23, 2013 @ 14:52:48

    Thanks ms con,what a lovely story! Born writer.

    Reply

  2. Bong
    Apr 23, 2013 @ 13:00:17

    More kilig stories please. Ang sarap basahin ang mga moments nila…. feeeling ko kasali ako sa eksena… (dreaming lang).hehehe

    Reply

  3. _keRzie_
    Apr 22, 2013 @ 15:27:52

    Yey!🙂 ang galing! I enjoy reading all your stories.🙂

    Reply

  4. Jenny Carandang
    Apr 22, 2013 @ 14:20:55

    Beautiful! (“,)

    Reply

  5. adiktusbecarefulus
    Apr 22, 2013 @ 13:32:47

    love it🙂

    Reply

  6. flor
    Apr 22, 2013 @ 13:20:23

    WOOOOOOWWWWW!!!!!!!!!!!! grabe sana gnito din mismo sa show no? galing mo thumbs up nylcoen🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: