Status Update: Exclusively Dating 3

Nasa mansyon si Maya, swerteng isa lang ang flight niya kaninang umaga kaya binisita ang mga bata para makipagkwentuhan na rin. Balak niya din kumustahin si Luke kaya kahit pagod at dapat ay babawi ng tulog, pumunta siya sa mansyon.

Richard on the other hand is happy, kahit dapat nasa trabaho siya at marami pang dapat tatapusin sa hangar pinili niyang huwag pumasok kasi andun si Maya.

“Ate Maya! I’m so glad you’re here. Nagwo-worry na kasi kami ni dad kay Kuya. He doesn’t go out, wouldn’t play with us ni baby and lagi na lang siya nagmumukmok sa kwarto niya.”

“Kinuwento nga ng daddy mo sa akin Nikki. Bayaan mo, later kakausapin ko.”

“Thank you ate Maya! I’m sure the Maya magic will work on kuya.”

“Sana nga Nikki. ”

Ilang sandali lang lumabas ng kwarto si Luke, matamlay, at halatang napipilitan lang na makisama sa kanila. Maya was quick to think of a way paano nila aaliwin si Luke.

“Gusto ninyo laro tayo? ”

“Ate Maya laro tayo ulit ng Ungoy-ungoyan!”

Abby beamed at the thought of playing that game again. Maya ang Nikki agreed. They started playing as soon as Nikki got the cards. Excited ang lahat maliban kay Luke. Maya and Richard kept exchanging glances. Habang tumatagal ang kanilang laro, lalong dumadami ang marka ng lipstick sa mukha nina Maya at ng mga bata. Pati si Richard di rin nakaligtas. All of these para lang tumawa si Luke, and fortunately nagtagumpay sila. For the first time in days, nakita nila ang bahagyang ngiti sa labi ni Luke. Na pilit namang tinatago ng binata dahil nahihiya ito. Di na lang pinapahalat nina Maya na napapansin nila si Luke para di na ito mahiya. When Luke left for awhile to go to his room. Sabay pa sina Maya, Nikki at Abby sumigaw dahil sa tuwa.

“I knew it! Yang Maya Magic lang ang kailangan ni Kuya. Thanks so much ate Maya.”

Sabay hug ni Nikki kay Maya dahil sa tuwa. Si Richard naman mouthing the words thank you kay Maya. Sinuklian lang ng ngiti ni Maya si Richard.

“Ate Maya game tayo ulit.”

“O sige baby, ano gusto mo?”

“Spin the bottle!”

“Sige baby, kung gusto mo yan, eh di yan ang susunod nating lalaruin.”

“Okay, I’ll get the bottle ate Maya. ”

Just as Nikki went downstairs to get the bottle siya namang labas ulit ni Luke from his room. Napansin ni Richard at Maya ang mukha nito na di na gaanong malungkot kaya sabay silang napabuntong-hininga. When they both realized na sabay sila, sabay din sila napatawa.

“Luke sali ka ulit ha. Spin the bottle daw ang next sabi ni baby.”

Luke didn’t reply but he sat across Maya so everyone took that as a yes. Ilang sandali lang Nikki is back with a bottle in her hand. Nagsimula na ang game nila. First spin napunta kay Nikki in which she chose consequence. When Luke said siya ang bahala sa consequence, everyone let him decide. Pati si Nikki di na umalma. Luke made her dance the famous Making Melodies in My Heart song, in which made everyone laugh. Pati si Luke hagalpak kakatawa sa kapatid niya.

“Okay stop na. Kuya!!! You’re so G-R-R-R! ”

“Nakakatawa ka Niks! Natural na natural lang”

Tawanan sila ulit. Abby spins the bottle and then kay Maya ito naka-turo, she chose truth kasi ayaw niya daw sumayaw katulad ni Nikki. Nikki on the other hand was quick in saying na dapat galing sa kanya yung question kasi siya yung natalo kanina.

“Ate Maya, if dad said that he is already dating..how about you?”

Di inaasahan ni Maya ang tanong ni Nikki. Pati si Richard biglang natahimik sa tanong ni Nikki. Parang biglang umurong ang dila nila pareho ni Maya.

“Ate Maya?”

Maya swallowed the lump in her throat. Cleared her voice first bago nagsalita. Medyo pumiyok pa siya dahil sa kaba.

“Ahmmm dating..dating noh?”

Maya stutters. Richard could only look down, feeling guilty.

“Ano kasi Nikki..ummm”

“Yes she is dating Nikki..”

Richard answered the question for her. Nagulat tuloy sila lahat at sabay-sabay siyang tiningnan. But when Nikki asked again, mas lalo kinabahan si Maya.

“Oh! Kilala ba namin siya ate Maya?”

“Huh?”

“Sino siya ate Maya?”

Pati si Abby napatanong narin.

“Basta..kilala na ninyo sila.”

“Okay wait! Kung si ate Maya nagde-date na ngayon..and kilala namin yung guy..could it be that its..”

Everyone was waiting for Nikki to spill it out. Pati si Richard and Maya halos di na makahinga sa kahihintay kung mahuhulahan na ni Nikki ang sekreto nila.

“Could it be that its.. Tito James?! Ate Maya?! OH MY GEE!!! Parang si Tito James ang ka-date ni ate Maya!Kasi look, nag OJT na si ate Maya ngayon and we all know may gusto si Tito James kay ate Maya. Di ba pinuntahan pa nga niya si ate Maya sa kanila last new year?”

Kilig na kilig na si Nikki, she’s even fanning herself using her hand. Buong akala niya tama ang hula niya. Maya was a little bit relieved while Richard is annoyed…Of all people si Capt. Ventura pa talaga ang nasa isip mo Nikki?

“Ate Maya tama ako di ba?”

Maya laughed softly while gently shaking her head no.

“Of course not!”

Richard said.  Sounding a little bit pissed.

“Dad, are you mad?”

“No..no Nikki..I’m just …forget it..teka di pa ba tapos i-prepare nina Manang Fe yung snack sa baba?”

“Ay, sige dad i’ll check na lang..”

Whew! That was so close!

Sabay buntong-hininga ni Maya at Richard.

 

 

***********************

“Maya!”

When Maya turned to see who called her. She saw James. Nawala tuloy ang excitement niya, she expected it to be Richard.

“Sir James?”

“Nagmamadali ka na lang palagi ah.”

“Ah hindi naman po. Si Sir Chief kasi baka naghihintay na.”

“Ahh” … Malas naman oh, hindi talaga ako maka-tyempo sa’yo. Teritoryo ko na nga, binabakuran ka parin ni Richard.

“Sige po Sir James, baka nasa lobby na siya.”

“Ah Maya..wait, I hope okay lang..tomorrow, can I ask you out? On a date?”

Maya blinks her eyes and raise her eyebrow… Date? Gusto mong iwasiwas tayo ni Sir Chief pagnakita niya tayo?

“Sir James..ano kasi.”

Maya tried to find the right words to say para di naman siya magmukhang bastos or what kung tanggihan niya si James. Nahalata ni James ang pag-iba ng expression ni Maya kaya inunahan na siya nito.

“Ummm di na pwede?”

“Ehhh, medyo Sir James..kasi may dine-date na ako.”

“Si Sir Chief ba?… Date pa lang naman di ba Maya?”

“Oo date pa lang…pero we’re exclusively dating.”

“Exclusively dating?”

“Opo..ayaw ko po maging rude or what Sir James ha pero, kahit date pa lang yon ayoko naman na kung sinu-sino na lang ang sinasamahan ko. Di pa kami ni Sir Chief pero, di din malayo na maging kami na. Sana maintindihan mo?”

“Don’t worry Maya, I understand you.  Mas lalo mo nga ako pinahanga eh. Okay I won’t ask you for a date anymore..but please, don’t stop me na ipakita sa’yo ang paghanga ko.”

“Maya!”

Maya turned her head and saw Richard kaya nagmadali na siyang lapitan ito pagkatapos magpaalam kay James.

“Hi Sir Chief!”

“Hello…Parang napapadalas ko na kayong nakikita magkausap ah.”

Richard trying hard not to sound like a jealous boyfriend pero naintindihan naman siya ni Maya.

“Ano kasi..nagyaya siyang makipag-date.”

“What? Pumayag ka?”

Napahinto sa paglalakad si Richard. Expected na yon ni Maya na ganun ang magiging reaksyon ni Sir Chief kaya agad siyang bumawi.

“Sabi ko sa kanya, hindi pwede..kasi ikaw lang ang pwede kong i-date!”

Sagot agad ni Maya sa kanya, sabay baba ng tingin sa floor and ngiti ng matamis.

That’s my girl!! You just don’t know kung gaano mo ako pinasaya.

Richard look back at James and smirks.

 

6 Comments (+add yours?)

  1. garcessm
    Apr 28, 2013 @ 00:41:12

    nxt chapter na pls!

    Reply

  2. Irish
    Apr 27, 2013 @ 19:28:25

    SC!!! Ang cute lang! Ipagpatuloy mo please! Ang laki-laki ng smile ko ngayon. Yieeeeeeeeeeeee!

    Reply

  3. eijoj20
    Apr 27, 2013 @ 12:47:25

    3rd time hehe….ngayon lang ako magcocoment yabang ni SC hehe……

    Reply

  4. chen
    Apr 26, 2013 @ 11:34:46

    as expected..,kilig much ulit.,super thanks sa update ng status ng lovebirds..:)

    Reply

  5. zerronine
    Apr 26, 2013 @ 09:24:34

    Nice!!! Updated tong mga kwento mo NYLCOEN sumasabay lang sa show..
    👍😜👏

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: