Status Update: I Love You

Three days before Maya’s graduation, dumating sina Nanay Teresita, Mamang, Cho at si Simon. Kasama si Richard, sinundo nila ang mga ito  sa Airport. Si Kute ay naiwan muna sa San Nicholas at nangakong hahabol na lang ito sa mismong graduation ni Maya. Wala kasing maiiwan sa Chibugan, nag-aalala naman ito kung basta na lang iiwan ng ilang araw  kaya pinauna na lang nito sina nanay Teresista sa Manila para naman makapag-enjoy na sila.

“Are you excited to see them?”

“Oo naman Sir Chief. Namimiss ko na sila sobra. Kaya pinapangako ko na habang andito sila, susulitin namin ang mga araw kasi baka matatagalan pa bago ko sila makita ulit kasi after nito sasabak na kami agad sa trabaho. Ipapasyal ko sila.”

“Really? Can I join?”

“Oo naman kung gusto mo pati sina Abby dalhin mo rin para naman may kasama din si Cho at saka para rin mag-enjoy si Luke at di na magmumukmok sa mansyon.”

“I’ll think about it. Grounded pa kasi si Luke after what he did last time. And di naman fair kung iiwan lang siya mag-iisa, baka mas lalo siyang malungkot.”

Ilang sandali pa silang nag-antay, masayang nag-uusap habang di pa dumating ang eroplano na sinakyan ng pamilya ni Maya. Maya-maya nakita na ni Maya ang nanay niya kaya napasigaw ito sa tuwa. Nang makita siya ng mga ito nagtatatakbo ito sa kanya sabay yakap na din.

“Nanay! Mamang.. Cho! Kumusta na kayo. Maayos lang ba ang flight ninyo?”

“Okay lang naman Nak, sana sa susunod naming sakay sa eroplano nak makita ka na namin dun bilang stewardees.”

“Nay huwag kang mag-alala malapit na yan. Ilang araw na lang ang hihintayin natin ga-graduate na ako.”

Napansin ni Mamang si Sir Chief kaya binati niya ito. Si nanay Teresita naman humingi ng paumanhin kung bakit di nila siya napansin kaagad.

“It’s okay po aling Teresita. Alam ko namang excited kayo na makita ang isa’t-isa.”

“Uy Simon, salamat pala at sinabayan mo rin sina nanay ha.”

“Walang anuman yon Maya. Alam mo naman parang pamilya narin ang turing ko kina aling Teresita.”

“Maya, mabuti siguro ihatid na natin sila para makapag-pahinga na rin sila. Marami pa naman kayong oras magkwentuhan di ba.”

“Ay oo nga Sir Chief. Nay, Mamang..sigurado talaga kayong ayaw ninyo dun sa condo ni Emman?”

“Ay nakakahiya naman kasi kay Emman nak, tsaka nakakahiya rin sa mga magulang ni Simon kasi naka-oo na ako sa kanila.”

“Oo nga naman Maya, tsaka naghanda din sina mama dahil alam nila ngayon ang dating nina aling Teresita.”

“O sige, kayo ang bahala. Tara na, hatid na namin kayo.”

Hinatid na nina Maya at Sir Chief ang pamilya ni Maya kina Simon. Dahil sa may sundo din si Simon, sumunod na lang sila sa sasakyan nito.

Ilang oras ding nanatili sina Maya at Sir Chief dun kina Simon bago sila nagpaalam. Pinaalam ni Maya sa kanila na bukas ay may pupuntahan sila. Nangako siyang ipasyal niya sila kinabukasan kaya tuwang-tuwa si Cho  ng malaman ito. Hinatid ni Sir Chief si Maya hanggang sa labas ng pintuan ng condo ni Emman.

“Sir Chief, baka naman may importante kang gagawin bukas. Okay lang naman kung di mo kami sasamahan, maiintindihan ka naman nina nanay eh.”

“No I will go with you..”

“Sir Chief..”

“Maya..paano naman ako magpapa-pogi points sa nanay at lola mo kung di ako sasama sa inyo.”

Natawa si Maya sa sinabi ni Richard. She never expected that from him.

“Ano? Si Sir Chief magpapa-pogi points kina nanay? Bakit?”

“Syempre,nanliligaw ako sa anak niya kaya dapat lang din na pati sila liligawan ko di ba.”

“Di naman kailangan yon eh.”

“No, I want to..hayaan mo na lang ako okay? Tsaka, andun si Simon baka ma-develop ka pa sa kanya kawawa naman ako.”

Pa-cute ni Sir Chief kay Maya, lalo tuloy siya napahagikhik.

“Oh bakit? ..sige pagtawanan mo lang ako..maiinlove ka rin sa akin.”

Biro na naman ni Sir Chief, di na napigilan ni Maya ang sarili kaya napalakas ang tawa niya. Si Sir Chief naman sumabay na rin sa tawa niya.

“Mauna na nga ako Sir Chief. Salamat sa pagsama kanina at sa paghatid ngayon ha.”

“Mabuti nga pumasok kana at para makapagpahinga ka na rin. See you tomorrow.”

“Okay, sige..susunduin kita bukas ng maaga ha.”

“Okay. Good night.”

“Good night.. Sige pasok ka na.”

Pumasok na si Maya, isasarado na sana niya ang pinto when Richard put his hand at the door to stop it from closing.

“Sir Chief, bakit?”

“Ahh wala..good night ulit.”

“Good night Sir Chief” (smiles)

“I love you”

Natulala si Maya..Ayan ka na naman sa gulatan eh!

“Sige na, sarado mo na..aalis na din ako.”

Richard turned to leave. Smiling sweetly, parang teenager lang.

Hay Richard..ikaw pa ba yan?

Richard said to himself. Nahihiya man siya sa pinag-gagawa niya pero he can’t help it. He is deeply in love to Maya. And kahit gaano ka cheesy, he is willing to do it just to show how much he loves her.

 

Kinabukasan..

Nag-convoy sina Simon at Richard. Nasa loob ng kotse ni Richard si Maya at ang nanay niya habang nasa kabila naman si Mamang at si Cho.. Dinala ni Maya sina nanay Teresita sa Luneta. Pagkababa ng pagkababa ng kotse.

“Wow! tita ninang..ang ganda pala ng Luneta. Ibang-iba sa nakikita ko sa libro.”

Tuwang-tuwa si Cho. Pati si nanay Teresita at Mamang masaya at sa wakas makakapasyal na sila dito.

“Maya, nak..salamat naman at naisipan mong ipasyal kami dito.”

“Wala yun nay..tara, hanap tayo kung saan tayo pwedeng maupo.”

Richard got the picnic from his car. Maya tried to help pero ayaw nito.

“Sir Chief, ako na.”

“Maya, huwag ng matigas ang ulo..ako na..dun kana kina aling Teresita. Mabigat to di mo kakayanin.”

Simon saw them kaya lumapit din ito and offered his help.

“No Simon, okay lang. I can manage” …nagpapalakas ako kaya okay lang ba ako muna ngayon?

“Sure ka Sir Chief ha?”

“Yes Maya..I’m sure.”

Pagkatapos ng ilang sandali, nakahanap sila ng isang bakanteng mesa sa ilalim ng isang puno kaya doon na sila pumwesto. Inilabas ni Maya sa basket ang dala nitong mga pagkain, habang si Cho ay niyaya ni Simon na gumala sandali.

“Kayo po aling Teresita baka gusto ninyo sumama sa kanila?”

‘Ay naku huwag na po Sir Richard… okay lang masaya na ako kahit dito na lang habang pinapanood sila”

“Aling Teresita huwag mo na akong tawaging sir..Richard na lang pwede na.”

“Eh, nakakahiya naman po..si Maya nga sir tawag sa inyo.”

“Ah eh..kasi..iba naman kasi yung.”

Siniko ni Maya si Richard baka iba ang masabi nito sa nanay niya. Napansin ni nanay Tere ito kaya biglang napakunot ang noo habang tinititigan si Maya na parang nagtatanong. Agad namang umiwas si Maya.

“Nay, tikman mo tong niluto ni Emman para sa inyo. Masarap po to.”

Alam na ni nanay Teresita, kapag ganitong umiiwas pa si Maya hindi pa ito ready pagusapan kaya hinayaan na lang muna ito at nakisabay sa agos ng usapan. Nang sumapit ang tanghalian, hinanap ni Maya si Cho at Simon para makakain na sila. Iniwan muna nito si Richard para samahan ang nanay at lola niya.

“Aling Teresita, Mamang…may nasabi na ba o naikwento si Maya sa inyo?”

Tono palang nga boses ni Richard alam na ni nanay Teresita na seryoso ang sasabihin nito kaya napangiti na siya kaagad para di mailang si Richard na ipagpatuloy kung ano man ang sasabihin nito. She has this weird feeling na parang konektado to sa pagtawag na sir kanina.

“Wala pa siyang naikukwento. Bakit may dapat ba kaming malaman?”

“Di pa alam ni Maya na sasabihin ko to sa inyo, pero I think dapat lang na malaman din ninyo to and dapat sa akin din manggaling.”

Kinakabahan na si nanay Teresita. Si Mamang naman atat malaman kaya nagsalita na.

“Richard, huwag mo na kaming isuspense pa. Ano ba yung dapat naming malaman?”

“Aling Teresita, Mamang..gusto ko lang ipaalam sa inyo na nililigawan ko po ngayon si Maya. Nasabi ko na sa kanya kung ano man ang dapat kong sabihin kaya ngayon, andito lang din kayo gusto ko din sana na malaman ‘nyo din po.”

Di agad nakapagsalita si nanay Teresita. May namumuong luha sa kanyang mga mata. Hindi siya naiiyak dahil galit siya kung bakit di sinabi sa kanya ni Maya pero naiiyak siya dahil nakikita niya kung gaano kalinis ang intensyon ni Richard sa anak niya.

“Richard, alam mo naman siguro di ko pinahihimasukan ang buhay ni Maya lalong-lalo na sa usapang puso. Ang sa akin lang sana di mo siya sasaktan. Kung sakali man na sagutin ka niya..ikaw yung magiging kauna-unahang boyfriend niya. Sana di siya maibibigo sa’yo.”

“Aling Teresita, alam ko na po yun. Kaya nga hindi ako agad nanligaw until di pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Alam ‘nyo naman siguro yung katayuan ko. I have 3 kids, di rin magiging madali ang lahat.”

“Alam na ba nila?”

“Hindi pa..pero alam ko namang okay na sa kanila kung makakahanap na ako ng bagong mamahalin. Alam din naman nilang di ako basta-basta papasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan at kung alam kong ayaw nila sa magiging partner ko.”

“May tiwala naman akong di mo pababayaan si Maya pagdating diyan.”

“Salamat po aling Teresita..Mamang..”

Si Mamang naman tahimik lang pero nagpupunas na pala ng luha.

“Nay? Bakit ka umiiyak?”

“Kasi..si Maya magkakaboyfriend na..paano na si Simon?”

“Nay..shhhh (tinakpan ni nanay Teresita ang bibig ng nanay niya) .. nadala lang ang nanay ko si..I mean Richard pala.Huwag kang mag-alala, matagal ko ng kinausap si Simon at sabi naman nito titigil na siya..”

“It’s okay I understand..salamat po ulit aling Teresita.”

“Salamat din at ikaw na mismo ang nagpaalam sa amin..Masaya ako para sa anak ko kasi alam ko disente kang tao, kung sakali mang magiging kayo balang araw Richard.”

“Salamat po.”

Nakahinga ng maluwag si Richard. Nang lumingon ito sa likuran niya , nakita na nitong papalapit na sina Maya….Ikaw na lang Maya..sagot mo na lang ang kulang at magiging okay na ang lahat.

Hapon na ng ihatid nina Maya ang pamilya niya sa bahay nina Simon. Sulit na sulit ang naging pasyal nila sa Luneta at nag-enjoy silang lahat,nakapag-bonding silang mag-anak. Enjoy na enjoy si Cho sa pagpapalipad ng saranggola at pag-gala sa buong park. Sina nanay Teresita naman nag enjoy sa kapapanood ng mga nagpeperform. Plus, Richard got to spend the whole day with Maya. May HHWW pang nangyari habang gumagala silang dalawa. Subuan tuwing di nakatingin sina nanay Tere at hagikhikan sa bawat korning joke na binabato ni Richard kay Maya pag silang dalawa na lang ang naiiwan sa mesa.

Naka-park ang kotse ni Richard sa labas ng condo ni Emman, di pa pinapa-akyat ni Richard si Maya at gusto pa nitong makigpagkwentuhan muna.

“Sir Chief, buong araw na kaya tayong magkasama.”

“Oo nga, pero ngayon lang tayo magsosolo na di natatakot at merong nakatingin sa atin.”

“Bakit Sir Chief..may masama ka bang balak gawin sa akin?”

“Wala naman.. Unless papayagan mo ako.”

He grins, nang makita ito bumilog ang mga mata ni Maya.

“Joke! ..ano ka ba..but seriously Maya may sasabihin ako.”

“Ano yun?”

“Sinabi ko na sa nanay at sa lola mo  yung tungkol sa panliligaw ko.”

“Ano? Tapos anong sabi? Di ba nagalit? Nagbanta ba?..ano? sabihin mo na!”

Atat na tanong ni Maya ng marinig ang balita ni Richard.

“Hindi, ginawa mo namang goons yung nanay at lola mo..wala, sabi lang ng nanay mo masaya siya at inamin ko ra..yun lang..”

Napangiti si Maya sa narinig. Just like what nanay Teresita felt, masayang-masaya si Maya. It was an answered prayer. Richard Lim is indeed a GG for Maya. Sabi nga niya sa dasal niya, kung gagawa ng paraan si Richard para sabihin ito ng personal sa nanay niya ng kusa at hindi alam ni Maya. It would be the sign that he is indeed meant for her.

“Sir Chief..alam mo bang isa kang GG sa akin?”

“GG? Ano yun?”

“GG..God’s Gift!..answered prayer..or shall I say..ikaw ang itinakda?”

“Itinakda? Para namang Juan Dela Cruz..(Richard stop and ponder) wait teka..ibig sabihin…”

“Pinromise ko sa sarili ko, kapag binigay ni Lord yung sign..agad-agad sasagutin kita..binigay niya kaya ibibigay ko din yung hinihingi mong sagot.”

Maya smiled shyly..Si Richard naman tulala, nag-iisip kong tama ba ang naririnig niya.

“You mean?..ta-tayo na?”

She nodded and smile at him.

“Totoo? Talagang-talaga?Tayo na?”

He asked excitedly. Walang pagsidlan ang ligaya ni Richard. Sa saya niya napayakap siya kay Maya.

“I love you Maya.”

“I love you too Sir Chief.”

Humigpit pa lalo ang yakap ni Richard kay Maya na parang ayaw na niya itong pakawalan pa. Si Maya naman masaya at di siya nagkamali, binigay ni Lord ang sign na hinihingi niya. Ibig sabihin lang si Richard ay para talaga sa kanya!😉

 

12 Comments (+add yours?)

  1. Rbb
    May 15, 2013 @ 17:44:44

    WOW! yan lang ang masasabi, love love love it. More stories please and more power.

    Reply

  2. reesedane
    Apr 30, 2013 @ 01:31:58

    wheeww.. nice story.. thanx

    Reply

  3. mabel
    Apr 29, 2013 @ 21:28:16

    i like the way you incorporate her faith in her decision. Awesome series!

    Reply

  4. mabel
    Apr 29, 2013 @ 21:27:17

    I like the way you incorporate her faith when choosing her “the one”. awesome series!

    Reply

  5. chen
    Apr 29, 2013 @ 17:45:59

    isa ka talagang napakalaking GG sa amin nyle..:)
    brilliant..:)

    Reply

  6. zerronine
    Apr 29, 2013 @ 16:29:15

    Galing!!! Akalain mo yun gumawa ka pa ng bagong term:
    GG=AP=ILOVEYOU
    😜👍😜

    Reply

  7. eijoj20
    Apr 29, 2013 @ 16:05:40

    wow ang ganda GG talaga🙂 good job🙂

    Reply

  8. felcarnelle2008
    Apr 29, 2013 @ 15:56:16

    wahhhhhhhhhh, d ko nahulaan ang sign na hiningi ni Maya, d ako naka pasa. isang malutong na palakpak, whew, galing galing❤

    Reply

  9. Rocsan
    Apr 29, 2013 @ 15:55:48

    Nice series!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: