Status Update: I’m Jealous 2

*A shoutout to my B-ladies na constant visitor ko sa parallel universe ko especially kay Ate Peng for the free promo lol!  Sis Irish, Sis Mae, Sis Gem, and Sis Roxy para sa idea tungkol kay “Bart”. And  kina Meg and Ate Elvie para sa Luneta info ng past published post ko (churreehhh na late ang credit😦 )

And thanks din sa mga avid followers ko  ( mga 2,3,4 din sila aside from the B-ladies lol! ) SALAMAT NG MARAMI sa patuloy na pagbisita dito. [naiiyak na ako grabe! LOL! Churreeh ang orte-orte ko na ]

hmmmppp tama na ang drumuhhh basa na😀


Pagkatapos ng hapunan naglaro muna ang mga bata kasama si Maya sa veranda. Si Richard naman di sumali at namalagi sa kanyang opisina sa baba. After he glared at her sa dining table kanina di na sila nag-usap ni Maya. Pati ang mga bata napansin ang biglaang pananahimik ng daddy nila.

“Bayaan ‘nyo na lang daddy ninyo. Pagod lang yun kasi sabi niya ilang gabi na din kasi siyang di makatulog ng maayos.”

Maya explained to them when they asked why their dad acted weird sa dinner kanina. Fortunately tinanggap naman ng mga bata ang paliwanag ni Maya and even teased her that she’s the reason kung bakit di nakakatulog ng maayos ang daddy nila.

“Kayo talaga ha! Mabuti pa matulog na kayo kasi gabi na. Babalik na lang ako dito bukas.”

“Babalik ka bukas Ate Maya? Great! I have an idea.”

“Ano na naman yan Niks? Siguraduhin mong maganda yan ha. Minsan na nga lang andito si Ate Maya kaya siguraduhin mong she won’t be wasting her time sa trip mo.”

“Oh em gee kuya! For your information, wala pa naman akong idea so far na hindi maganda, in fairness to me ha!”

Nikki retorted to Luke’s remarks.

“Ano ba yung plano mo Nikki?”

“Since ang init ng panahon nowadys, bakit di natin gamitin ang pool?Magpaalam tayo kay dad na magswimming tayo.”

“Ay maganda nga yang idea na yan Niks.”

“See, I told you kuya, my ideas are awesome ikaw lang naman kumokontra kaagad di mo pa nga naririnig.”

“Okay fine..fine..Baby ano, gusto mo yon?”

“Yes, kuya. Magpaaalam tayo kay dad ngayon so we could plan kung ano ang ipapahanda natin kay ate Sabel.”

“That’s a good idea din baby..sige puntahan natin si Dad sa office niya.”

Maya and the kids went downstairs, papuntang office ni Richard. Pagdating doon ,nadatnan nila si Richard na may ginagawa sa harap ng lappy nito.

“Dad, can we talk sandali?”

Nikki asked her dad habang papalapit sa mesa nito. Richard look up and nod.

“Dad kasi we’re planning na tomorrow maligo sana sa pool. Parang pool party, tulad nung graduation ni Abby. Okay lang ba?”

“Tomorrow? Sino kasama sa party ninyo?”

“Tayo lang naman dad, pati sina Manang Fe, ate Doris and ate Sabel and si kuya Joma. Si ate Maya din kasi bukas babalik din naman siya.”

When Richard heard Maya’s name tumaas kilay niya at tiningnan si Maya.

“You’re coming too? Akala ko ba may date ka?”

Date?! Saan galing yun?

“May date kayo ni Dad bukas ate Maya?”

Tanong naman ni Luke kay Maya, lahat sila nakatingin na ngayon sa kanya habang naghihintay ng sagot niya.

Sir Chief parang alam ko na kung ano ibig mong sabihin ah..

“May date tayo bukas Sir Chief?”

Balik na tanong ni Maya kay Richard, nagmaang-maangan si Maya na di alam nito kung ano ang tinutukoy na ‘date’ ni Richard. Agad namang nabaling ang tingin ng mga bata sa daddy nila, at hinihintay ang sagot niya.Richard pursed his lips, bumalik sa kanya ang tanong niya.

“Okay fine..what time ba ang pool party natin?”

“Natin? So you mean you are going to join us?”

Nikki exclaimed.

“Yes, di ako papasok bukas. Naka-leave ako for 3 days.”

“Yes!”

Sabay na sigaw ng mga bata. Maya smiled. Masaya siya whenever she see the kids happy. Alam din kasi niyang magandang bonding din ang swimming bukas for Richard and the kids.

“Oh ayan ha, pumayag na daddy ninyo. ”

“Sige I’ll tell ate Sabel na dad so that she could plan na what to prepare for the swimming party.”

“Oh sige.. (smiles to Nikki)”

Tumalikod na ang mga bata para lumabas ng office nang biglang may naalala si Nikki.

“Ay, by the way ate Maya, bukas di ka pwedeng hindi sumali sa swimming..And strictly you have to wear your swimsuit. Di ba dad?”

“Ha? Eii..Nikki pwedeng..” (palipat-lipat ang tingin ni Maya kay Nikki at Richard)

“No ate Maya..di ako papayag. I would also tell ate Doris and ate Sabel kaya fair lahat. Sige bye ate Maya..see you tomorrow.”

Nagmadaling lumabas ang mga bata sa office para puntahan na si Sabel sa kusina. Nang mawala na ang mga ito.

“Sir Chief, aalis na pala ako. Babalik na lang ako ng maaga bukas.”

“Okay, wait kunin ko lang ang susi sa taas para mahatid na kita.”

Ayaw na sana ni Maya na magpahatid but when she remembers Richard’s mood earlier di na siya nagtangkang makipagtalo.

Hinatid na ni Richard si Maya. All throughout the ride home wala paring imik si Richard kaya di mapakali si Maya. Paghinto ng sasakyan sa may parking area ng building nina Emman, he was about to alight from the car when Maya stop him.

“Sir Chief, may problema ba tayo?”

“Problema? Wala..”

He answered pero di man lang siya tumingin kay Maya.

“Sigurado ka?”

“Yes. I’m just tired..”

Still not looking at her, kaya hirap si Maya na mabasa ang iniisip ni Richard. But she didn’t want to keep pushing the issue baka mas lalo lang ma-irita si Richard at mauwi sa di pagkakaunawaan nila.

“Okay..sabi mo eh..”

Bumaba na si Richard at binuksan yung pinto para sa kanya. Hinatid din siya nito hanggang sa pintuan ng condo ni Emman.

“What time kita susunduin bukas?”

“Ay huwag na Sir Chief, ako na lang pupunta.”

“Okay.. call me pag paalis kana dito bukas.”

Maya nodded and smiles.

“Pasok ka na.”

Pumasok na si Maya sa loob, patalikod na din sana si Richard para umalis na ng muling bumukas ang pinto at lumabas ulit si Maya. Nabigla si Richard when she gave him a smooch in the lips and whispered..

“I love you. Ingat sa pag-uwi.”

Then she goes back inside and close the door without waiting for him to reply. Napangiti si Richard sa ginawa ni Maya, touching the very spot where Maya kissed him, parang first time lang.

 

 

Kinabukasan..

Dumating sa mansyon si Maya ng alas-nuwebe ng umaga. Agad naman siyang sinalubong ni Abby at Nikki.

“Hi ate Maya. Are you ready for the party?”

Nag-aalangan pa siyang sumagot kay Nikki. Whenever she thinks of the swimsuit  na dala niya parang tumataas ang balahibo niya sa katawan. Kung di lang dahil kay Emman di naman siya papayag na susuotin niya ang swimsuit na binili niya noon eh. Naala niya ang sabi ni Emman kanina sa condo.

“Girl ano ka ba, bakit mahihiya ka eh kayo lang naman ang andun di ba. And ano naman pagnakita ka ni Sir Richard  eh boyfriend mo naman siya and as if naman ngayon lang makakakita ang Sir Chief mo ng babaeng naka-swimsuit noh. Sige ka,sa dami ng babae na nagkakandarapa kay Sir Chief baka maisip niya boring ka kasi kahit hanggang sa paliligo sa pool balot ka parin. Di ba sabi mo yung Hanna parang nagpapakita ng motibo kay Sir Richard? Sabi mo pa sexy, kaya huwag ka ng mag iinorte diyan. Di ka naman palaging magswi-swimsuit di ba?..ano ba naman yang kahit konting flesh man lang para naman masabi ng Sir Chief mo na sexy ka rin. Tsaka din naman yan masyadong skimmpy noh.”

Naku Emman, pag itong pinaplano mo palpak aawayin talaga kita!  Himutok ni Maya sa loob-loob niya.

“Ate Maya?”

“Ha? ah oo.. ready na ako Nikki.”

“Great! So, dala mo ba ang swimsuit mo?”

Nikki looks at her with eager eyes. When Maya continue to just stare at her.

“Oh my gee! Don’t tell me di ka nagdala ate? Naku, magtatampo na ako sa’yo ate Maya.”

“Naku, ikaw naman oh!..Oo na, nagdala ako kasi alam ko namang madali ka lang magtampo. Pero nahihiya ako Nikki eh.”

Amin ni Maya kay Nikki, napangiti tuloy si Nikki sa kanya.

“Ate ano ka ba. Huwag kang mahiya, lahat ng girls ni-require ko magswimsuit. Pati si ate Doris at ate Sabel. Well si Manang Fe of course exempted siya.”

“Sige na nga..”

“Tara pasok na tayo.”

The three of them goes inside. Pagpasok sa loob sinalubong naman siya nina Doris at Sabel na naka swimsuit na rin, complete with big beach hats pa. Halatang excited sa pool party nila.

“Maya!!! Oh ano Day bagay ba?”

Tili ni Sabel at Doris habang nagpo-pose sa harap ni Maya na parang bold star.

“Wow! Doris, Sabel! Ang sexy nyo naman!!!”

Tili din ni Maya nang makita ang dalawang magkaibigan.

“Oh ikaw sige na magbihis ka na!”

“Ha? Ngayon na? Eh, nahihiya ako eh..di kasi ako sanay na magsuot nito di ba? Naalala ‘nyo ba yung sa training namin?”

“Ay Maya! Walang ganyanan, dapat patas lang tayo dito. Sige na halika ka na..magbihis ka na!”

Hinawakan na ni Sabel ang kamay ni Maya para hilahin papunta sa kwarto nila nang makita sila ni Richard habang pababa ng hagdan.

“Saan kayo pupunta?”

“Hello Sir Chief!”

“Ay Sir Richard, ano..sasamahan lang namin si Maya na magbihis para sa pool party.”

“Magbihis?”

Halatang nagtaka si Richard sa sinabi ni Doris kaya si Nikki na ang nag-explain habang hila-hila na si Maya papunta sa kwarto nina Doris at Sabel.

 

Paglabas nina Maya sa kwarto, diretso na sila sa may pool area kung saan naghihintay ang ibang kasama sa bahay.

“Doris..Sabel  sigurado ba kayong okay lang to?”

“Oo naman Maya, ano ka ba. Huwag ka nga ma-concious. Di nga kami naco-concious sa katawan naming to, ikaw pa na ang sexy mo. ”

“Eh kasi…”

“Ate Maya, para di ka mahiya huwag mo na lang tanggalin yang cover up mo, buti nga yan di two-piece kaya di gaanong revealing.”

“Basta ha sure kayo ha.”

“Oo nga!”

Naunang lumabas sa pintuan sina Nikki at Abby kasunod sina Doris at Sabel, huli naman si Maya na panay ang hila ng cover up pababa na parang gusto nitong i-stretch hanggang paanan ang laylayan nito. She’s wearing a tangerine one-piece swimsuit underneath her white cover up na hanggang thigh lang niya ang haba. Bagay na bagay sa kanya at mas lalo tuloy lumutang ang kaputian ni Maya.Nang makita siya nina Luke at Joma.

“Maya, bagay sa’yo”

‘Salamat kuya Joma.”tangerineswimsuit

“Uy ate Maya ang sexy ah!”

“Luke!”

Richard shouted from behind. Lahat tuloy sila napalingon sa kanya. Maya sensed the tension kaya lumapit siya kay Richard and touch his arm and give him one of those look that only the two of them understands.

Buti na lang nabawi ni Maya ang nangyari kaya natuloy din ang pool party without hastle. The kids with Doris and Sabel are having fun sa pool at nakalimutan ang nangyari kanina. Panay na din ang tawanan ng mga tao habang naalala na naman ni Abby si Maya the mermaid. Si Richard at Maya ay nakaupo naman sa di kalayuan habang nanonood sa kanila.

“Hmm baby ha, ayan ka na naman! Teka lang, may kiliti ka ngayon dahil pinaalala mo na naman yan.”

Tumayo si Maya para puntahan si Abby sa pool nang biglang hinawakan siya ni Richard.

“Maya, saan ka pupunta?”

“Sa pool maliligo..”

“No, stay right here. Mamaya ka na maligo.”

“Mamaya? Bakit? Huwag kang KJ Sir Chief, pinagtitinginan na naman tayo (pabulong na sabi ni Maya kay Richard).”

“But Maya..”

He let go of her hand so Maya joined the kids sa pool. Nakuntento na lang siya munang panoorin sila sa pool. Later the kids ask him to join them so he took of his white shirt and lumusong na sa tubig wearing his boardshorts. Tumagal din sila sa pool, nagkukulitan until naisip ni Nikki na maglaro sila ng volleyball. Kakampi ni Nikki si Luke, at Joma while magkakampi naman sina Maya, Richard at Doris. Si Sabel ang referee at si Abby ang scorer kaya aliw na aliw sila.

Nang mapagod sa kakalaro umahon na sila lahat at dumulog sa mesa para kumain na ng tanghalian. While eating biglang may narinig silang tunog ng cellphone.

“Maya cellphone mo ata yun”

Chineck ni Maya ang cellphone niya na nasa kabilang mesa lang at nakitang si Bart ang tumatawag.

“Hello?”

“Hello, Maya.” sagot ni Bart sa kabilang linya.

“Oh napatawag ka?”

“Yes, itatanong ko lang kung tutuloy ka mamaya?”

“Oo, dinner di ba?”

“Yes. Susunduin kita?”

“Huwag na, ako na lang pupunta. Saan ba yun?”

“Doon na lang sa restaurant kung saan tayo nagkita.”

“Ha? Eh, pwdeng sa ibang lugar na lang. Dun sa isang simple lang, ayoko dun kasi parang ang mahal dun. Kahit sa karenderya lang okay na, para namang di mo ako kilala. Di ako sanay sa sosyal na mga pagkain noh.”

“Di ka parin nagbago Maya..”

“Oo naman noh. Di porke’t nasa  Manila na tayo dapat magpapaka-sosyal na tayo. ”

“Sige,sige ikaw ang bahala. Text ko na lang ang address para di ka mawala.”

“Sige, kita na lang tayo mamaya. Bye.”

Tumabi na ulit si Maya kay Abby sa upuan at binalikan ang naiwan niyang pagkain. Ayaw niyang tumingin kay Richard kasi takot siyang makita kung ano man ang reaction nito lalo pa’t aware na naman ito kung sino ang tumawag sa kanya. Nagkunwari na lang siyang parang walang nangyaring tawagan kaya deadma na lang siya muna kay Richard. Pagkatapos nilang kumain balik kulitan ulit ang mga bata sa pool. Nilapitan si Maya ni Richard and handed her a towel.

“Si Bart?”

“ha?”

“Yung tawag..si Bart?”

“Oo, di ba alam mo naman magkikita kami later.”

“Yes, pero di ka man lang nagpaalam di ba?” (ang tono na parang nagtatampo)

Ahhh so now I know..kasi di ako nagpaalam..

“Galit ka?”

“Galit? No..Nagtatampo, Yes”

“Sorry. Di ko naman kasi alam na magtatampo ka. Matagal na din kasi di ko nakita si Bart kaya medyo excite maka bonding siya. Di ko din kasi alam kailangan ko pa pala magpaalam..”

“Well actually di naman talaga..I mean…I don’t know, maybe because I was looking forward to spend time with you ngayon na off ka sa work mo tapos all of a sudden biglang may dadating na makikihati sa oras mo with me kaya medyo nagtampo ako.”

“Yun lang ba yun?”

“Yes.”

“Okay…so para walang tampohan..magpapaalam na ako..mamaya magdi-dinner kami.”

“Okay.. can I come?”

“Sasama ka Sir Chief?”

“Oo, pwede ba?”

“Okay.” Para walang away at tampuhan,sige papayag ako.

Richard grins. Parang batang hinagisan lang ng candy.

Hapon na ng matapos ang kasiyahan nila. After kasi maligo tinuloy pa nila ang kasiyahan sa panonood ng horror film sa entertainment room kaya enjoy ang lahat sa kakatili tapos tawanan ang kasunod.

Past 6 p.m na ng nagpaalam sina Maya at Richard para puntahan si Bart. Pinuntahan nila ni Maya ang address na tinext ni Bart. Pagdating doon nakita naman nila kaagad ito.

“Maya!”

Maya and Richard approached the table. Nagbeso-beso naman kaagad si Bart kay Maya.

“Buti di ka nahirapan na hanapin to?”

“Di naman. Ay may kasama pala ako si Richard. Richard, high school barkada ko si Bart.”

Richard extended his hand for a handshake.

“Richard, nice to meet you Bart.”

“Hi Richard.Nice to meet you too Sir.”

“Maya nakakahiya naman at hinatid ka pa ng boss mo.Sana sinabi mo para ako na lang sumundo sa’yo.”

Nagkatinginan sina Maya at Richard.

“Paano mo nalamang boss ko siya?”

Tanong naman ni Maya kay Bart na mas lalong kinagulat ni Richard ng marinig ito. Richard look  at Maya with stern eyes.

Boss??!!

 

 

 

 

25 Comments (+add yours?)

  1. chen
    May 08, 2013 @ 13:30:41

    yun oh..!!lal0ng gumaganda na talaga..🙂

    Reply

  2. aileen
    May 08, 2013 @ 12:02:19

    Thank you. This is part of my daily routine. Reading your Updates.

    Reply

  3. ~*Princess Maya*~
    May 08, 2013 @ 11:50:21

    ohemgeee !! so exciting ! ang ganda nung idea na ibalik si bart ! next chapter please ! i love your stories !🙂

    Reply

  4. gianni
    May 08, 2013 @ 10:09:42

    i love your story!!!! thank you..

    Reply

  5. felcarnelle2008
    May 08, 2013 @ 08:00:32

    ay, nakalimutan ko palang mag say “Your Welcome” mareng con, baka mapagalitan ako ng principal, dahil mahal na mahal ko ang b ladies, mahal na mahal ko kayo always, and another thing, saan makakabiling swim suit na katulad nyang suot ni Maya? baka kac pag ako magsuot, mabaling sa akin ang pagtining ni SC …. hahahahaha

    Reply

  6. felcarnelle2008
    May 08, 2013 @ 07:53:57

    ang galing-galing-galing tsalaga………….ang galing mambitin, lol❤

    Reply

  7. yan
    May 08, 2013 @ 03:32:11

    Nice story again.. what happen next nyl? next chapter pls….

    Reply

  8. thids09
    May 08, 2013 @ 02:47:01

    Hala….lagot n nmn c maya…principals office n nmn…hahahahaaha….

    Im one of ur fans….hehehehee….u really got the talent….amazing stories

    Reply

  9. purplephoenix
    May 08, 2013 @ 02:23:50

    so love lahat ng stories mo.😉 more to come….

    Reply

  10. RMR61
    May 08, 2013 @ 00:54:02

    isa ako sa mga nagilan ngilan? tgasubaybay ng site mo hehehe:)

    pde rin akong honorarium member ng B-ladies, yun nga lang yung tipong rare variety ng saging…yung pula ang balat at may buto! LOL

    salamat sa vit. K na nakukuha ko dito sa site mo🙂 Keep up the good work!

    Reply

    • nylcoen (@nylcoen)
      May 08, 2013 @ 07:06:00

      Buti naman at pula yung balat..ang kilala ko lang kasing saging pink ang balat. JOWK!

      Thanks for following liplockinlove ♥😉

      Reply

      • RMR61
        May 08, 2013 @ 09:55:17

        Pula kasi matured na…pinkish pag medyo kabataan pa ang saging LOL! parang may bahid SPG tong pinagsasabi ko ah hahaha!

        Uy pero this is true ha…meron talaga sa province namin yan🙂

        Reply

        • nylcoen
          May 08, 2013 @ 10:54:16

          Naman sis meron talaga, di ba yon yung señorita?
          SPG ba kamo? —-no comment lol!

          Reply

          • RMR61
            May 08, 2013 @ 12:16:20

            nope. madilaw ang senorita at yan yung madalas nabibili sa cavite, laguna or tagaytay na bibilhin mo ng isang bulig pagdating mo ng maynila lagas lagas na hehehe. anyway, nag drop by lang uli ako at baka may kasunod ka ng post hahaha!…good night!

            Reply

  11. rocsan888
    May 08, 2013 @ 00:41:28

    Hahaha ang cute nito.

    Reply

  12. zerronine
    May 07, 2013 @ 17:58:33

    Oh no!!! Anu na ngayon ang gagawin mo Maya. Ano kaya ang magiging reaction ni mamang singkit.. Hallla!!!
    😜👍😜

    Reply

  13. Maria Rhodelia Alawi Serafica
    May 07, 2013 @ 17:37:06

    ha ha ha..nangangamoy away to ah!🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: