Status Update: It’s Complicated

“Answer me Maya.”

His voice louder than it was moments ago.

“Hindi! And bakit naman kita ikakahiya?Ako nga na probinsyana at naging yaya pa ng anak mo di mo kinahiya tapos ikaw ikahihiya ko?”

Paliwanag ni Maya ng mahinahon. At this point alam ni Maya na hindi niya pwedeng sabayan ang init ng ulo ni Richard. Aminado naman siyang may mali siya sa nangyari kanina pero di niya inasahan na iba ang dating nun kay Richard.

“Sorry kung di kita napakilala kay Bart ng maayos. Pero huwag mo namang isipin na ikinahiya kita kasi wala akong karapatan gawin yun sa’yo. ”

She shifted position so that she’ll be facing him, took his hand that rests at the steering wheel and  held it tightly.

“Sorry na, huwag ka na magtampo please? Di ko kasi naisip na kailangan kong sabihin yon kay Bart. Di rin naman siya nagtanong. Pero di ba given na yon kasi kasama kita?”

“Hindi nga siya nagtanong, but when he said boss mo ako sana man lang sinabi mo na.”

“Eh kasi totoo naman yun di ba, before kita naging boyfriend naging empleyada mo ako. Nagtaka lang naman kasi ako kung saan niya nalaman na naging boss kita eh wala pa naman akong nabanggit sa kanya.”

‘Di naman sa masyado ako demanding Maya pero minsan kasi it means alot na ipagmalaki ka din ng girlfriend mo and one thing,lalaki din ako..alam ko kung kailan may gusto sa isang babae ang kapwa lalaki. Yung hindi mo pagpapakilala sa akin kay Bart feeling ko tuloy kasi alam mong may gusto din siya sayo kaya iniiwasan mong banggitin ang relasyon natin. ”

Maya remembered Simon telling her na may gusto si Richard sa kanya and he’s right. After that night, Richard asked her out for a date.

“Pero sa tingin mo ba if may gusto siya sa akin papatulan ko siya?”

“I’d like to believe na hindi. Pero..”

“Chard! Alam mo namang hindi talaga di ba? Bakit pa kita sasagutin kung mag-entertain pa ako ng iba…” (she look away from him and stared outside the window)

Si Maya naman ngayon ang nagtampo. Naiintindihan naman niya kung saan nanggaling ang selos pero yung pagkasabi ni Richard na gusto parang gusto niyang magpaligaw kay Bart at yung parang pinagdududahan niya ang pagiging faithful niya kay Richard nasaktan siya dun.

Nanahimik sila pareho, kapwa malalim ang iniisip. Nang wala ng gustong magsalita, Richard started the engine and drove away from there. Dumating na sila sa tinutuluyang building ni Maya, hinatid naman siya ni Richard hanggang sa pinto ng condo kahit walang imikan. Pati tuloy ang receptionist napansin ang matamlay na mga mata nilang dalawa kaya di na nag-atubiling bumati sa kanila. Pagdating sa unit ni Emman, papasok na sana si Maya ng di nagpapaalam ng hawakan ni Richard ang kamay niya. Tiningnan niya ang kamay ni Richard na nakahawak  kamay niya saka niya ito tiningnan sa mga mata . Nang di parin ito kumibo hinintay lang niya itong aalisin ang pagkakahawak sa kanya saka pumasok ng tuluyan sa unit.

Pagdating sa bahay diretso na si Richard sa room niya para magbihis at humiga na. Gusto na niyang ipikit ang mata niya para matulog pero si Maya parin ang naaalala niya. Whenever he remember the look on Maya’s face pagpasok nito sa unit ni Emman di siya mapakali. He knows he did something wrong kaya ganun ang reaction ni Maya... Hay Maya, mahirap ka pa naman suyuin.. Yun na lang ang tanging nasa isip niya. Gusto niya tumawag kay Maya para suyuin ito pero nang maalala niya si Bart, di maiwasang bumalik ang tampo ni Ricardo sa girlfriend niya.

Kanina pa nakahiga si Maya  pero di parin siya dinadalaw ng antok. Gusto na niya matulog para malimutan ang nangyaring tampuhan nila ni Richard pero nahihirapan siya. Tatawag na sana siya kay Richard pero naisip niyang baka tulog na ito kaya binaba na niya ulit ang cellphone niya.

 

 

 

 

Kinabukasan…

Pagkagising ni Maya cellphone niya kaagad ang dinampot para tingnan kung may text or misscall man lang galing kay Richard pero wala. Nalungkot tuloy siya at parang ayaw ng bumangon sa kama. Gusto na lang niyang itulog ang lungkot niya.

Last day pa naman ngayon ng day off ko pero di man lang tayo nagkaroon ng time magsolo.

“Roomie!!”

“Pasok Emman.”

“Mabuti naman at gising ka na. Gusto mo bang sumama mamaya?”

“Bakit? Saan tayo pupunta?”

“Sa mall para mag bonding sa shopping!”

“Ha? eh, tinatamad ako eh!’

“Hala! Sis nagtatampo na ako sa’yo ha di na nga kita nakakasama dito pati pagbo-bonding natin tinatanggihan mo pa! Ayaw ng pink nails ko niyan.”

“Hindi naman Emman..kaya lang.. ( nag-aatubili pa siyang banggitin ang tungkol sa tampuhan nila ni Richard).”

“Ano?”

“May hinihintay kasi akong tawag ni Sir Chief.”

Emman sigh.

“Ano pa nga ba? Oh siya..bahala ka na nga.”

“Hoy, Emman huwag ka na magtampo. (sinundan si Emman sa labas) Pati ba naman ikaw, magtatampo din?”

“Asus..kaya pala naghihintay ng tawag kasi nagkatampuhan sila ng dyowa niyang singkit. hmmm oh sige na, willing akong makinig. Bakit kayo nag-away?”

“Kasi nagtampo dahil di ko siya pinakilala bilang boyfriend ko.”

“Yun lang?”

Natawa si Emman. Pinaliwanag naman ni Maya kung anong nangyari kung bakit nagtampo si Richard, pati kung anong naramdaman niya sa pag-uusap nila ni Richard.

“Eh kasi naman ikaw girl! Bakit ba kasi di mo naman sinabi kay Bart na boyfriend mo si Sir Richard? Kung ako naman ang boyfriend mo mag-iisip talaga ako ng hindi maganda. Ano ba kasi pumasok sa isip mo at ginawa mo yon?”

“Wala..kasi mas na-curious ako malaman kung bakit alam niyang boss ko si Richard kesa sabihin yung totoong relasyon namin. Ehh nawala sa isip ko kaya hayun di ko na nasabi.”

“Girl, yung totoo..naging boyfriend mo si Bart?”

“Ha?! Hindi noh! Alam mo namang NBSB ako di ba? Tsaka barkada ko lang siya noh. Tulad ni Simon.”

“Tulad ni Simon?! eh girl, nanaligaw kaya si Simon  sa’yo! Wow, Maya ha! Ang haba ng hair, galing San  Nicholas hanggang dito ang haba! Daig pa si Rapunzel!”

“Emman naman eh!”

Napahagikhik si Emman.

“Emman..okay lang kaya kung tawagan ko si Sir Chief?”

“Bakit, di mo pa ba siya nakausap?”

Umiiling si Maya.

“Halaka! So talagang nagtampo na ang mahal na hari mo? Knowing Sir Richard, daig pa ang alarm clock kung makatawag sayo sa umaga…ikaw, ano ba sa tingin mo?”

“Hindi ko rin alam..”

“Eh di palipasin mo muna ang tampo niya. Give him time muna Maya. Pag di na yon makatiis alam ko namang tatawagan ka nun or pupuntahan ka nun dito mamaya. Di ba aalis kana naman bukas?”

“Oo, maaga kasi flight ko papuntang CDO tapos after 3 days na ulit ako andito sa Manila.”

“Oh well papel, kawawa naman kayong dalawa. Ang hirap pag di ninyo maayos yan. Sakit sa eyebrows sa kakaisip.”

Meanwhile sa mansyon.

“Nikki yung daddy ninyo di ba kakain?”

“I don’t know Manang. When I called him kanina sabi niya baba na siya pero 3o minutes na  hindi parin siya bumababa.”

“Sige puntahan ko na lang baka may sakit na naman yun.”

Pumanhik si Manang Fe sa taas para kamustahin si Richard. Kumatok muna ito at ng marinig ang boses ni Richard na pinapapasok siya, saka na ito pumasok sa loob.

“Ricardo di ka ba mag-aagahan?”

Nadatnan niyang naka-upo lang si Richard sa kanyang higaan hawak ang cellphone niya.”

“Mamaya na po Manang. Di pa ako gutom.”

“Maysakit ka ba? (sabay check sa may noo nito)..oh wala naman ah?!”

“Wala nga po ..di lang talaga ako gutom. Bababa na lang ako kapag nagugutom na.”

“Oh sige. Ikaw ang bahala.”

Umalis na si Manang Fe at iniwan si Richard.

Ano na kaya ginagawa ni Maya ngayon? Di man lang siya tumawag para kumustahin ako?

 

 

 

 

“Hello, ate Maya?!”

“Hello baby! Good morning!”

“Good morning po! Nasa work ka na po?”

“Hindi pa Baby, bukas pa ako balik sa trabaho. Ano ginagawa mo Baby?”

“Eto po naglalaro kami nina ate Nikki at Kuya Luke ng scrabble.”

“Ahh, maganda yan Abby para may matutunan ka mga bagong words tsaka spelling din.”

“Oo nga po ate Maya, si ate Nikki din yun ang sabi sa akin.”

“Baby, paka-usap naman kay ate Maya.”

Binigay ni Abby kay  Nikki ang cellphone niya at ito naman ang kumausap kay Maya.

‘Hello ate Maya, di ka ba pupunta dito?”

“Hindi eh..bakit?”

“Ah, wala lang..thought kasi baka gusto mong bonding ulit tayo? Boring kasi dito, kanina pa kami naglalaro nina kuya at Abby.”

“Talaga? Bakit…asan..asan ba ang daddy ninyo?”

“In his room. Di pa nga lumalabas dun, he didn’t even eat his breakfast.”

“Ha? Bakit? May sakit ba ulit siya?”

“Manang Fe said wala naman daw.Baka napagod kahapon kaya bumabawi ng pahinga. Di pa ba kayo nagkausap?”

“Hindi pa eh. Sige balitaan mo na lang ako ha?”

“Sige po ate Maya. ..bye.’

Nikki pressed the end button then look at her kuya. Nagtataka kung bakit di pa nagkakausap sina Maya at ang dad niya.

“Kuya, I smell something not so good with dad and ate Maya.”

“Bakit?”

“Kasi di pa sila nagkakausap ni ate Maya, eh you know naman dad when it comes to ate Maya.”

“Talaga? Baka may tampuhan? Eh di ba masaya naman kahapon, sabay pa nga sila umalis for..wait..alam ko na!”

Bumulong si Luke kay Nikki. Ayaw niya kasing marinig ni Abby yung tungkol sa nakita niyang reaction ng daddy niya when someone called Maya the other time habang nagdi-dinner sila. Medyo nag-alala tuloy ang magkapatid.

“Wait kuya..puntahan ko lang si dad.”

“Niks huwag na, baka he wants to be alone muna..”

“Hindi ko naman siya kukulitin kuya..basta ako ang bahala.”

Di nga nagpapigil si  Nikki at nagmamadaling pinuntahan ang dad niya sa kwarto.

 

 

“Dad?..”

“Yes, Nikki..pasok.”

“Dad, are you okay lang ba?”

“Oo, okay lang naman ako. Do you need anything?”

“Wala naman dad, just want to check on you. Kala ko maysakit ka na naman. Nagworry din si ate Maya.”

“She is?”

“Oo naman dad. Ano ka ba. Di mo pa ba siya tinawagan today?”

Umiling lang si Richard at wala ng sinabi. That confirms Nikki’s thoughts na may problema ata sina Richard at Maya.

“Dad, worried na worried po si ate Maya kanina. Call her na.”

“Later Niks..”

“Dad may tampuhan ba kayo ni ate Maya? Matamlay kasi siya kanina ng nakausap ko. Nakakapagtataka naman na di kayo nagtatawagan eh alam naman naming you can’t start and end your day without talking to each other.”

“hmmm yes merong konting tampuhan..konti lang naman. Maayos din to don’t worry.”

“Oh my gee dad!Inaaway mo na naman ba si ate Maya?!’

“No!”

“Buti naman, kasi magtatampo din ako pag aawayin mo si ate Maya. She loves you so much dad kaya alam kong di siya mapakali if inaaway mo siya. Dad, what’s the  reason kung bakit kayo nagtampuhan?”

“hmmm just..just the usual things lang naman kung bakit nag-aaway ang isang couple.”

“Usual things?..you mean jealosy?.. Oh my gee dad!”

Nikki tried not to laugh but unfortunately she failed.

“Daddd! Your so funny! After everything nakuha mo pang magselos? I mean, look dad. Before you court her andyan na si Simon na nanligaw sa kanya pero binasted ni ate Maya, then there was tito James pero di rin siya pumasa kay ate Maya. Sa lahat ikaw ang pinili niya. That is because there is something in you na nakita ni ate Maya na wala sa kanila. So why would you feel jealous?”

Napaisip si Richard sa sinabi ng anak niya. Nikki is right, bakit nga ba dapat niya pagseselosan ang taong naging bahagi ng past ni Maya. What is important now is that in Maya’s present, siya yon at hindi si Bart. And why would he feel threatened kung di siya pinakilala ni Maya kahapon, may other time pa naman.

“Thanks Niks, don’t worry tatawagan ko si Maya later.”

“That’s my dad!.. You know what, pareho kayo ni kuya ma-depress. Tiger mode at nagkukulong. Buti na lang as early as now nakausap na kita..or else baka maubos mo yung books dun sa library mo kakabasa just like kuya.”

Richard laugh softly. Di siya makapaniwala ang anak pa niya ang naging daan para maliwanagan siya..

“Nikki malaki ka na talaga at marunong ka ng mag-advice. Teka..bakit nga ba dami mong alam tungkol sa love. Don’t tell me…Niks I told you di ka pa pwede magpaligaw!”

Richard warned her.

“Daddd! wala naman ah. I’m just smart kaya naiisip ko yung mga bagay na ganyan”

“Sige na nga..(Richard stretched out his arms for a hug which Nikki happily obliged).”

“And dad, one more thing.”

“What is it?”

“Please don’t give up on ate Maya. If there’s one person na gusto kong makasama mo forever, its her. She loves you so much dad so please huwag ka ng magtampo. Whatever it is na pinagtatampo mo sa kanya I know my reason naman si ate Maya dun. Try to listen to her reason too… and by the way, kung aawayin mo pa siya, ako na ang magagalit sa’yo..ah no, kami pala nina kuya Luke and Abby!”

“Of course Niks, di ko siya pakakawalan..swear!”

“Oh sige na dad..labas na ako para matawagan mo na si ate… bye”

Lumabas na si Nikki, si Richard naman nakangiti  na habang nakatingin kay Nikki na palabas na ng kwarto niya. Richard pick his phone to call Maya pero naunahan siya ng nakita nitong tumatawag si Liza.

“Hello Liza?”

“Sir, good morning. I know you are on leave but something came up. Tumawag yung branch natin sa Palawan and they need you there as soon as possible. Gusto sana nila this afternoon daw po makapunta kayo dun.”

“This afternoon?Ganun ba talaga ka urgent yan?”

“Yes sir.’

“Oka, book me a flight for Palawan. Maghahanda na lang ako then call me about the details.”

After ending the call, si Maya naman ang tinawagan niya pero di niya ma-contact . Nakapatay ata ang phone or walang signal kung saan man ito ngayon.

Maya where are you?!

40 Comments (+add yours?)

  1. cheneslover
    May 10, 2013 @ 14:48:38

    nsa labas din ba si maya ? ksama ni mikay ? haha .. nxt na uli ms writer🙂

    Reply

  2. super_gem
    May 10, 2013 @ 12:33:14

    ayaw ko na manghula, wait ko na lang ang kasunod. Naman mars, orte orte ni ricardo, buti na lang may anak syang genius. haha ❤❤❤

    Reply

  3. felcarnelle2008
    May 10, 2013 @ 09:31:39

    ayan, Ricardo mag-ayos ka, 3 biik mo kalaban mo pag c Maya iyong pinaluha lol

    very proud to have a talented sister, go…go…go… Con❤

    Reply

  4. charmtaz24
    May 10, 2013 @ 09:27:12

    hmmmmmmm…. parang may naiisip akong kasunod nito… kaso baka ma-hopia ako so hindi ko na muna iisipin! hahahahahaha!! MAYA MAGPAKITA KA! KUNG HINDI AKO MAGPAPAKITA KAY SC NG ANO……………..!!! hahahahaha

    Reply

  5. chen
    May 10, 2013 @ 04:56:50

    wow..! parang may hide and seek na magaganap ahh..🙂
    keep waiting for the next chapt..🙂

    Reply

  6. Tiyana Santos
    May 10, 2013 @ 03:36:40

    nice chapter po ulit…Ok na day ko kahita d mahagilap c maya, pero mas gaganda kung may next chapter na ulit ms. Nyl….Plssssss!

    Reply

  7. thids09
    May 10, 2013 @ 01:42:04

    Hala bitinn nmn….:)….nsan b k c maya…bt kc nk off ang cp..orte orte nmn ni maya…..akin k n lng sir chief…hahahahahaahaa..nxt chpter n plsssss…

    Reply

  8. mabel
    May 09, 2013 @ 23:21:19

    hay..pag ibig…. another good chapter.. next uli🙂

    Reply

  9. Aye Custodio
    May 09, 2013 @ 21:17:43

    Waiting for this the whole day now pd n aq mtulog….,,,, thanks ms writer hope another kilig chapter tomorrow……

    Reply

  10. zerronine
    May 09, 2013 @ 18:51:42

    Right move at the wrong time.😜
    Asan ka na ba kasi Maya bakit patay ang phone mo?

    Brilliant!!!

    Reply

  11. beccaf2012
    May 09, 2013 @ 18:10:59

    Wow, great story classmate. Sarap magbasa. <3<3<3
    Now i know another site where i can read nice stories to augment vitamin k insufficiency.🙂
    Miss you at the thread.

    Reply

  12. rocsan888
    May 09, 2013 @ 17:50:34

    Mayabels, ikaw naman ang tumawag, masyado ka nang spoiled ke sc.,

    Reply

  13. doloresenolva
    May 09, 2013 @ 17:05:50

    Super bitin,ang sarap na sana ng pagbabasa ko pero d ko na namalayan na itutuloy na lng pala

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: