Status Update : Engaged 2

“Oh ano na Lino? Magsalita ka naman!”

Singhal ni Mamang pero di parin ito sumasagot at pilit pinapakalma ang sarili. Hingal na hingal sa kakatakbo. Hinahagod ni Kute ang likod ni Lino para makatulong sa pagpakalma sa kaibigan.

“Relax Lino…kumalma ka muna ha..”

“Lino saan ka ba kasi galing?”

Tanong naman ni Maya na nag-alala na din.

“Yon na nga..”

Sagot ni Lino habang humihinga ng malalim at unti-unti ng nakakabawi .

” Nanay, yung poborito mong lugar sa San Nicholas., yung puno, kasi .. may..”

“Bakit Lino? Anong nangyari doon?”

Tanong ni nanay Teresita, halatang nagulat at kinakabahan. Sa pagkakataong yon isa lang ang tumatakbo sa isipan niya..baka may di magandang nangyari doon.. Di pwedeng mawala ang puno namin ni Arturo, yon na lang ang tanging bagay na magpapa-aalala sa akin sa kung anong magandang nakaraam meron kami ..

“Lino bakit?!”

“Ano kasi merong nag..”

“Nay, di pwede yon… ala-ala nyo ni tatay yon..teka pupuntahan ko baka pwede kong kausapin na hindi yon puputulin..”

Dali-daling bumaba ng bahay si Maya para puntahan ang “Most Romantic Place” nina nanay Teresita at ng tatay niya.

“Oist…hoist…bunso, teka..hoy saan ka pupunta?”

“Pupunta ako doon at makiki-usap”

Sagot ni Maya na tumatakbo na palayo ng bahay nila.”

Kasunod naman ni Maya ng nanay, si Cho, at si Jeff na nagulat at nagtatanong kay Cho kung saan sila pupunta at bakit sila tumatakbo.

“Lino naman eh! Tingnan mo nataranta na silang lahat!”

Maktol ni Kute habang papanaog na din ng hagdan at susundan ang pamilya niya. Naiwan naman si Lino at ayaw ng humabol sa kanila at baka hingalin na naman daw siya.

“Anong nangyayari ba at nagtatakbuhan lahat ng tao sa bryong to?!”

 

Kahit naka uniform pa si Maya di talaga ito naging hadlang para di humarurot papunta sa may ilog. Habang papunta doon, meron din siyang mga kasabayan na mga kabaryo niya.

“Oi si Maya yon ah!”

“Tingnan ninyo, ang ganda ni Maya!”

“Hala! Si Maya! Totoo pala ang balita na isang ganap na siyang Flight Attendant! Ang ganda niya oh!”

Ito ang naririnig ni Maya sa paligid niya sa tuwing meron siyang nadadaanan na mga kakilala niya. Sa liit ng baryo nila di maiwasan na umabot na ang balita sa iba. Gustohin man niyang makipag-chikahan sa mga kakilala niya, ang tanging nasa isip ay kung ano ang makikita niya doon sa ilog. Sari-saring imahinasyon ang naglalaro sa isipan niya, at isa lang ang kinakatakutan niya, ang mawala ang puno kung saan naka ukit ang pangalan ng mga magulang niya.

Malapit na siya sa kanyang distinasyon kaya nagpasaya na siyang huminto sa pagtakbo at maglakad na. Kahit kanina pa niya naririnig ang pag tawag ng nanay niya di parin siya humihinto kasi gustong-gusot na niyang makita ang puno. Sa wakas, nakita na niya ang ilog at napansin na niya ang mga taong na andoon. May nakasalubong pa siyang kapitbahay nila at dahil sa di makatiis nagtanong na siya.

“Ano ba ang nangyayari dito?”

“Hoy Maya! Nakauwi ka na pala?”

“Oo kanina lang..pero mamaya na tayo mag-usap..ano ba ang nangyayari at kahit takipsilim na madaming tao?”

“Ahh kasi may kasiyahan na pinaplano si kapitan..Para daw sa Mother’s Day. Nagpapa-disco!’

Sagot sa kanya ng kapitbahay na mukhang excited sa gaganaping pa-disco ng barangay nila.

“Pa-padisco?”

Di makapaniwala si Maya. Nagtatatakbo ako dito na naka-heels dahil sa disco?! .. naiinis si Maya. Pakiramdam niya para siyang siraulo at sumugod siya sa ilog dahil lang sa maling-akala. Ilang sandali ay nakahabol na si nanay Tere, Cho, Jeff, Kute , at Mamang sa kanya.

“Oh ano daw Maya? Kumusta ang puno?”

Napalingon si Maya sa nanay niya. Nagtaka tuloy ang kapitbahay nila, tiningnan si Maya na parang nagtatanong kung bakit nangungumusta si nanay Teresita sa puno sa may ilog.

“Ahhh ,kasi akala namin ano… ahhh wala..salamat ha!”

“Walang ano man yon..uy, congrats pala Maya ha. Sa wakas meron  ng Flight Attendant ang San Nicholas.”

“Salamat.”

“Sige Maya, mauna na ako..pupuntahan ko pa si Nanay para madala ko dito mamaya at ng makapag-celebrate kami ng Mother’s day dito.”

“Ahh sige..salamat uli..kita na lang tayo mamaya dito.”

Umalis na ang kapitbahay ni Maya, siya namang lapit ni nanay na hinihingal pa. Pati ang iba hapong-hapo sa kakatakbo.

“Nay..false alarm..ano lang pala, nagpapa-disco si kapitan para daw sa Mother’s day.”

“Ano?!”

“Teka, teka..ano ulit yon bunso? Padisco? Ibig sabihin sumugod tayo dito dahil lang pala dun?”

Tumango si Maya. Pilit kinukubli ang tawa pero di makatiis at napatawa na ng malakas.

“Ito talagang si Lino oh! OA maka-react.. at paniwalang-paniwala naman tayo! Makaktikim talaga tong taong to sa akin!”

Galit na hamon ni Kute.

“Kute easy ka lang..kalma! Kasalanan ko naman din kasi bigla na lang ako sumugod kahit di pa siya tapos magsalita. Natatakot kasi ako kung ano ang nangyari sa puno..”

“Heh! kakainis talaga.”

“Sus! kala ko anong nangyari . .napatakbo tuloy ako kasunod ni tita ninang!”

Si Jeff naman tumatawa lang sa tabi pero hinihingal din.

“To talagang si Lino!!! Mapapatay ko! Humanda siya sa akin pag-uwi ko !”

Nanggigigil si Mamang ng maisip si Lino. Pinapatahan naman siya ni nanay Teresita. Hinahagod ang likod niya para kumalma. Nagpapakalma pa sila lahat ng may lumapit sa kanila.

“Maya?!”

Paglingon ni Maya nakita niya ang isang matandang lalaki, dahil sa medyo madilim na at ang ilaw galing sa disco lights na lang ang tanging nagbibigay liwanag sa lugar medyo nahirapan pa siyang kilalanin ito. Kundi lang nagsalita si nanay Tere di talaga niya makikilala ang kapitan nila sa barangay.

“Kapitan ikaw pala. Pasensiya at di kita nakilala kaagad.”

“Aba’y andito pala ang bagong Flight Attendant ng baranggay namin?! Mabuti naman at nakauwi ka, iimbitahan kita mamaya ha. May selebrasyon dito kaya sana paunlakan mo kaming makasama ka mamaya.”

“hmmm sige po..tutal bukas pa ang alis ko,s ige pupunta kami dito mamaya para makisaya.”

“Salamat ..aasahan ka namin mamaya ha!..sige mauna na ako at may aasikasuhin pa ako sandali..”

Umalis na ang kapitan nila at iniwan sila. Nang medyo okay na si Mamang at nawala na ang hingal nito, nagsimula na din silang maglakad pauwi. While on their way home napagdesisyonan nilang isara muna ang Chibugan para makapunta sa kasiyahan sa may ilog. Buti na lang yon ang naging usapan nila kaya nawala na sa isipan ni Mamang ang galit niya kay Lino at napalitan ito ng excitement para sa dadaluhang disco.

 

Pagakatapos nilang maghapunan agad naman silang naghanda para sa kasiyahan. Nakabihis na sila pero dahil bata pa si Cho di pinayagan ni Cristina Rose na makisali ito sa kanila. At dahil galit din sila kay Lino, bilang parusa pinagbantay nila ito ng bahay at kay Cho. Gusto sanang magprotesta ni Lino pero nang makita ang nanlilisik na mata ni Mamang umurong ang dila nito at pumaayag na lang.

Pagdating nila, nagsisimula na ang munting programa at si kapitan na ang nagsasalita. Nang makita sila nito he acknowledge them kaya lahat ng dumalo ay napatingin sa direksyon nila. Nang marinig ang balita na kakagraduate lang ni Maya bilang isang Flight Attendant hiyawan ang mga taong andoon. Sa mga sandaling yon, naging star of the night ang pamilya Dela Rosa dahil kay Maya. Pinapunta pa si Maya at nanay Teresita sa gitna para magbigay ng konting speech. Ayaw sana nina Maya pero napilit din ng mga taong andun kaya wala silang nagawa kundi paunlakan ang kanilang kapitan.

Unang nagsalita si nanay Teresita. At dahil sa mababaw lang ang luha ni nanay Tere, simula pa lang may luha ng namuo sa mga mata nito at nanginginig na ang boses na magsalita sa mikropono.

“Di ko alam kung ano ang sasabihin. Pero kung tatanungin ninyo ako kung ano ang nararamdaman ko sa mga panahong ito. Sobrang saya ko. Di naman kaila sa inyo lahat ang mga pinagdaanan naming mag-anak, bilang solong ina ang tagumpay ng mga anak ko ang isa sa mga bagay na pinagdasal ko at lubos ang pagpapasalamat ko sa Diyos at di niya kami pinabayaan. Ngayon na pinagdidiwang natin ang Mother’s Day, pinagdadasal ko na lahat ng mga nanay dito sana lubos din ang kaligayahan katulad ko. ”

Pinasa kaagad ni nanay Tere kay Maya ng mikropono para ito naman ang magsalita. Agad naman itong nagpapahid ng luha niya sa pisngi.

“hmmm pasensya na po kayo. . talagang madali lang maiyak ang nanay ko. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga bumati sa akin kanina. Gaya ng sabi ni nanay kanina nagpapasalamat din ako ng lubos at di kami pinabayaan ng Diyos. Kung may isang maipagmamalaki man ako sa aking pagkatao yun ay ang aking pamilya na kailanman di ako pinabayaan at naging inspirasyon ko sa lahat ng mga achievements ko sa buhay. Napatunayan namin na dahil sa kapit bisig walang bagay ang imposible. Na pag mangarap ka sabayan mo ng pagsisikap at syempre dasal lahat ng pangarap nagiging totoo. Kaya para sa lahat ng mga katulad kong may mga pangarap sa buhay, magsikap lang tayo at balang araw makukuha nyo rin kung ano ang nais ninyo. Sabi nga nila, kung may itinanim, may aanihin.At gaya ng laging paalala namin sa isa’t-isa..Kapit bisig lang plagi!”

Nagpalakpakan ang lahat ng tao na nakinig sa maikling speech nina Maya. Nagpasalamat nama ang kapitan sa kanila at kinamayan pa sila bago sila umupo ulit sa may harapan. May konting mga surprise numbers pa na alay para sa mga nanay kaya enjoy na enjoy sina Maya sa panonood. Sa kalagitnaan ng  panonood nila biglang narinig ni Maya ang cellphone niya at nakitang tumatawag si Richard kaya tumayo muna siya at lumayo ng konti para makahanap ng lugar kung saan di na gaanong maingay.

“Hello Sir Chief.”

“Maya, where are you?”

“Nasa San Nicholas pa ako.”

“I know, but where exactly are you?”

“Ahh nanonood kami ng programa dito sa may ilog eh”

“Programa? Ilog?”

“Oo, naalala mo yung most romantic place ni nanay? May padisco kasi si kapitan pero meron pang konting programa dito ngayon kaya nanonood muna kami. Mamaya naman sayawan na!”

Halatang masaya si Maya at nae-excite pa ng banggitin ang sayawan kaya napakunot ang noo ni Richard.

“Magsasayaw ka?”

“ummm oo, kasama nina Kute..teka bakit ba napatawag ka?”

“Kasi andito ako ngayon sa harap ng bahay ninyo pero parang walang tao.”

“Ha? Sino kasama mo?”

“Ako lang. Nagrent ako ng car.”

“Sige hinatayin mo na lang ako dyan.”

“No huwag na, ako na lang pupunta diyan. Naalala ko pa naman ang daan papunta diyan eh.”

“Sure ka?”

“Yes. Sige see you in a bit.”

“Okay..bye.”

Pagkababa ay agad bumalik si Maya sa inuupuan nina Kute para ipaalam na parating si Richard.

“Andito si Richard?”

“Opo nay.”

“Naks! Iba talaga boyfriend mo Maya, di makatiis talagang sinundan ka pa dito ha!”

“Kute talaga oh..”

Habang naghihintay naalala ni Maya ang pinagusapan nila ni Richard sa Manila ..So sasabihin ba namin ngayon? Kinakabahan tuloy ako.  Kung di pa tumwag si Richard talagang di na niya masasabi sa pamilya niya ang tungkol sa proposal ni Richard.

Makaraan ang ilang sandali, dumating din si Richard sakay ng nirentahang kotse,  agad naman siyang  sinalubong ni Maya.

“Hi..” (sabay halik ni Richard sa pisngi ni Maya)

“Buti di ka naligaw?”

“Thank God hindi talaga, madilim pa naman ang daan.”

“Yun nga ang inaalala ko kanina.”

“Where’s nanay Teresita?”

“Nanay?”

“Syempre, as early as now kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na tawagin siyang nanay di ba? Nasabi mo na ba?”

“Hindi pa eh..natatakot ako.”

“Don’t worry I’m here..”

“Buti na nga lang..huwag mong biglain si nanay ah..”

“Di ko sila bibiglain..asan ba sila?”

Tinuro ni Maya kung saan naka-upo ang nanay niya. Inanyayahan din ni Maya si Richard para ma-upo sila doon. Dahil siksikan ang mga tao, hinawakan niya ang isang kamay ni Richard para sumabay sa kanya sa pakikipag-siksikan sa mga tao para makalusot sila. Pagdating sa may upuan binati muna ni Richard ang pamilya ni Maya saka ito umupo sa tabi ni Maya.

Pagkatapos ng munting programa, agad nagsimula na ang sayawan. Kanya-kanyang hatak na ang mga tao ng mga partner nila para sumayaw. Di nakatiis si Mamang at hinatak nito si Jeff para maging partner niya. Dahil di naman marunong magsayaw si Jeff, ilang sandali lang ang nakalipas iniwan ito ni Mamang at hinatak naman ang kapitan para maging partner nito sa sayawan. Si nanay Tere naman sinayaw ni Kute. Nang sweet music ang pumalit, umupo sina Kute at nanay niya.

“Sir Richard, baka gusto mo isayaw si Maya?”

Pang-uudyok ni Kute kay Richard pero umiiling si Maya habang pangiti-ngiti lang si Richard. Bigla na lang may lalaking lumapit sa kinauupuan nila at nagtanong.

“Maya pwede ba kita isayaw?”

Nabigla si Maya kaya di agad nakasagot. Tiningnan siya ni Richard, naghihintay din ng sagot niya.

“Ah ehh Edison..kasi…”

Hinawakan ni Richard ang balikat ni Kute para pigilan siyang magsalita.

“Go Maya..nakakahiya naman..”

Huh? Okay ka lang? Himala?

Nagtataka man, walang magawa si Maya kundi pumayag. Naisip din niyang wala nama sigurong masama kung makikipagsayaw siya, wala naman siyang masamang ginagawa tsaka ang boyfriend naman niya nag nagsabing makipagsayaw siya.

Nasa gitna na sina Maya at Edison, nagsasayaw nang biglang binalingan ni Kute si Richard para magtanong.

“Okay lang talaga sa’yo yon Sir Richard?”

Tumango lang ito at ngumiting bahagya.

“Kahit ba hinahawakan na ni Edison ang bewang ni Maya okay lang talaga?”

Di parin makapaniwala si Kute sa inasal ni Richard.

“By the way Cristina Rose, pwede ba tayong magrequest ng tugtog?”

“Request ng tugtog?”

“Oo..pwede ba yun?”

Napakunot ng noo si Cristina Rose sa tanong ni Richard sa kanya, makalipas ang ilang sandali napangiti na ito at parang nahulaan kung bakit naitanong ito ni Richard.

Hanep talaga tong si Sir Richard oh! Kunwari pumayag pero may plano pala!

 

It’s not what you think Cristina Rose…

Nasa isip ni Richard nang makita ang pilyang ngiti ni Kute sa kanya.

 

 

6 Comments (+add yours?)

  1. Diosel
    May 18, 2013 @ 17:05:01

    hmmm… Ano kaya ung Balak ni SC? sounds Exciting.. Next na po please..

    Reply

  2. Aye Custodio
    May 18, 2013 @ 14:35:36

    Ms con kln k po let mgpost ng next chapterr..

    Reply

  3. rocsan888
    May 18, 2013 @ 01:26:13

    relax relax lang ms con… para makahirit ng sobrang romantic scene dyan sa puno na yan.. at least bagong moment na ang magregister sa memory ni maya. courtesy of sc. good luck on the next chapter..

    Reply

  4. Aye Custodio
    May 17, 2013 @ 17:53:46

    Namang puno yan ng dhil sau konti lng moment nI ser chief at mayabels.ms nyl masydo k po atang busy……

    Reply

  5. chen
    May 17, 2013 @ 17:31:22

    hahaha.,pambihirang puno.,pinakaba ng ilang minutes..🙂
    next po.,ataterz lang po..😉

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: