Shaken 1

I know may utang pa akong chapters ng Status Update pero pagbigyan nyo na akong simulan to before mawala sa isip ko. Don’t worry tatapusin ko din yun, I just felt the need to start this or else di ako mapakali, lol!.


 

Nasa isang bar si Maya kasama ang ilang kaibigan niyang Flight Attendant  one Saturday night. Nagkataong marami silang walang trabaho that night at day-off the next day kaya nagkayayaang mag girl’s night-out.

“Buti naman nagka-oras din tayong magkita-kita girls. The last time we went out was what..four months ago?”

Ruby said cheerfully.

“Oo nga noh, after ng graduation medyo busy na rin tayo kaya di gaanong nagkikita-kita. Kung meron mang magkasabay tayo ng flight madalang din, mabuti pa yung mga boys na batchmates natin lagi ko pa silang nakakasabay.”

Sagot agad ni Maya sa kanya.

“So how are you girls?”

Nagkwento ang mga kaibigan ni Maya ng tungkol sa mga nangyayari sa buhay nila, lalong-lalo na sa lovelife. Pag usapang lovelife, di talaga pwedeng mamiss ang tungkol kay Maya at Richard kaya naman lahat sila excited makinig sa kwento niya.

“So how are you and your Chieko Maya?”

Tanong ni Ruby with matching kindat at ngiti pa sa kanya.

“Okay lang naman. Ganun pa din.”

“Ummm ilang months na nga kayo ulit?”

“Magna-nine months na. Ay ano nine months na pala kami kahapon.”

“Oh talaga, saan kayo nag celebrate?”

“Wala, kasi may flight ako kahapon.. busy din siya sa work niya. Tawagan lang..”

“Wow how sweet.. sana katulad din kay Sir Richard yung boyfriends natin girls noh? Kakainggit ka naman Maya..”

Ngumiti lang si Maya. Habang kinikilig naman yung ibang girls.

“Kayo naman magkwento, kumusta na mga lovelife ninyo?”

Sa haba ng panahong  di sila nagkita madami din ang pagkukwntuhan nilang magkakaibigan. Mula ng araw na natapos nila ang training ang dami-dami ng nangyayari sa buhay ng mga kaibigan niya. May mga magaganda, meron ding konting mga problema. Di nila namalayan ang oras malalim na pala ang gabi . Kung di pa nag-ring ang cellphone ni Maya di pa niya maalala tingnan ang oras sa relo niya.

“Excuse muna girls ha. Si Richard tumatawag, sagutin ko lang muna.”

Dali-daling nagpunta si Maya sa washroom, dun lang kasi di masyadong maingay saka niya sinagot ang tawag .

“Hello Chard?”

“Hello Maya! I’ve been waiting for your call. Where are you na?”

“Ay sorry, napasarap ang kwentuahan eh..mmmm kasama ko pa sila eh.”

“What? It’s late already. Anong oras ba kayo uuwi?”

“Baka maya-maya lang.”

“Baka? You mean di pa sigurado?”

“mmm Oo, teka bakit ka pala napatawag?”

“I just called to check if nakauwi ka ng maayos.  I think I should go there to pick you up. ”

“No huwag na..sasabay na ako kina Faith, may dala naman kasi siyang kotse.”

“No, I’m going to pick you up. Saan ba kayo?”

“Nasa Rene’s”

“Rene’s? Yung bar?”

“Oo.”

“Mas lalo kong kailangang pumunta dyan, I’m sure uminom yung mga kasama mo, delikado if siya pa ang magdrive.”

“Konti lang naman, di kami lasing. Besides girls yung mga kasama ko kaya mas madami ang chikahan kesa sa inuman.”

“I insist. Palabas na ako ng bahay so be ready. I will call you pag nasa labas na ako.”

Maya heard the door of Richard’s car slam telling her that she can’t stop him anymore kaya nagpaalam na lang siya to end the call and goes back to her friends.

“Sorry girls, medyo natagalan.”

“Why did he call?”

“Nagtanong lang kung naka-uwi na ako.”

“Bilib talaga ako sa boyfriend mo Maya. He didn’t even protest na lumabas ka ngayong gabi. How I wish ganyan din boyfriend ko. Yung pinagbibigyan ako kung ano ang gusto ko..masyado kasi yon mahigpit. In fact di nya alam lumabas ako ngayon kasi for sure di yon papayag na pumunta ako sa bar.”

Himutok ni Andrea, medyo may pagka overprotective kasi boyfriend nito sa kanya kaya nainggit kay Maya. Last time nga di nakasama sa kanila kasi ayaw payagan lalo pa ng malaman na pupunta sila sa bar.

“Ay oo nga eh. Yung boyfriend ko naman pinapayagan nga ako, pero oras-oras..no i mean minu-minuto na ata nagtetext para magtanong kung naka-uwi na ako.”

Natawa na lang si Maya sa mga kaibigan niya.

“Ano ba, bakit kayo ganyan, nagkita tayo tonight to have fun bakit ba kayo malulungkot. Smile na. Let’s forget about our boyfriends muna.”

Maya tried to cheer them up. The last thing she wants is to listen to their sentiments regarding their relationships. Ayaw niya ma-bad vibes.

“So ano pinapa-uwi ka na?”

“He’s coming to pick me up.”

“Hayy mas lalo tuloy ako na sad!”

Kumento ulit ni Andrea, then the girls laugh. Habang wala pa si Richard, tuloy pa ang kwentuhan nina Maya at ng mga kaibigan nila. Masaya si Maya at nagkaroon siya ng mga kaibigan na tulad nila at least naiiba ang paligid niya once in a while. Sila lang kasi yung mga taong nakakasalamuha niya na hindi konektado sa buhay ni Richard. For the past months, kapag walang trabaho nasa mansyon si Maya, going out with her batchmates sa Time Airways somehow gives variation sa buhay niya.

Maya heard her cellphone rings, it was Richard calling to tell her nasa labas na ito. Nagpaalam na si Maya sa mga kaibigan. After nag-beso sa kanila she hurriedly went out.  She instantly spotted his car at the parking kaya naglakad na ito patungo sa sasakyan at sumakay.

“Hi!”

She give him a smack kiss on his cheek. Pinaandar ulit ni Richard ang sasakyan niya at umalis na doon. While driving…

“How was the night-out?”

“Okay lang, masaya daming kwento kasi medyo matagal ding di kami nagkakabonding. ”

“Di ba kayo nagkikita sa mga flights ninyo?”

“Minsan, pero di kasi kami nagkakakwentuhan ng matagal kasi iba-iba schedules namin. Sa airport minsan nagkakasalubong, yun lang. Ikaw kumusta na ang trabaho?”

Medyo matagal ding di nagkita sina Maya at Richard, pareho kasing busy sa kanya-kanyang trabaho kaya madalang lang na magkita. The only communication they have at times like that was the frequent phone calls with each other. At first nahirapan si Maya but somehow she managed to adjust sa situation nila. She realized di naman kasi maiiwasan talaga, they have their respective works to focus too. Di naman pwedeng yung relasyon lang nila palagi ang iisipin nila.

Richard talked about the latest projects and expansion they had sa LAS. He also talked about the kids and their achievements sa school.

“Si Abby pala nagtatampo, di mo na daw siya nadadalaw. She told me that kanina during dinner. She misses you.”

“Oo nga eh..puno kasi lagi ang schedule ko. Ngayon sana dadalawin ko siya pero yon nga, na-commit ko na ang gabing tong kina Ruby. Medyo matagal na din kasi naming plano to.”

“Tomorrow, di ka ba makakadaan? It’s Sunday kaya walang pasok si Abby.”

“Actually meron din sana akong lakad bukas pero sige I’ll adjust the time na lang.”

“I’m sure Abby would be happy to know that. Susunduin kita?”

“Ikaw ang bahala..”

“What time is your plan na bumisita?”

“Ten..okay lang ba yon?”

“Of course, any time of the day welcome ka naman pumunta dun eh. ”

“Okay..”

Umakyat muna si Richard sa unit nina Maya para magkwentuhan sila kahit sandali. Nagkape sila pareho. like what they used to do whenever he comes to visit her noon.

“I miss this. Medyo matagal na din tayong di nagkakape together habang nag-uusap noh?”

Richard said after he sip on his coffee.

“hmm oo.”

Maya smiled, naalala pa niya noon . Halos everynight ata nasa condo niya si Richard, nagkakape sila habang masayang nagkukwentuhan tungkol sa kung ano ang nangyari sa flight ni Maya, sa office ni Richard or kung ano ang latest sa mga anak ni Richard sa mansyon. Time flies so fast 9 monthsa na sila. Ngayon madalang na lang sila magkita.

“Na-miss kita. One week din tayong di nagkita noh?”

She said, as she glance at Richard who is sitting across her sa maliit na dining table nila ni Emman. He smiled at her sweetly.

“Oo nga eh. We were so busy sa office kaya di na kita napupuntahan dito.”

Maya look at him. Waiting for him to say more but unfortunately he just flash her with another smile.

“What?’

‘Wala.”

She answered as she places her mug down.  How she wished she hadn’t said that.

“Oh bakit natahimik ka? Problem?”

“No, wala naman.Walang problema”

“Kumusta sina Cristina Rose sa San Nicholas?”

“Okay lang, salamat sa Diyos okay lang sila.”

Then she sip on her coffee and then remain silent. Eyes on her coffee. She didn’t notice that Richard is studying her face intently.

“mmm I guess pagod ka na. I better get going. See you tomorrow, at ten?”

“Yes, of course.”

Tumayo na si Richard at tinungo na ang pinto, nakasunod si Maya sa kanya para ihatid siya sa baba.

“Just stay here. Ako na lang ang bababa. Good night.”

He kiss her on her cheek and hug her tightly.

“Pahinga ka na ha. ”

She nods and kiss his cheek too.

“Good night. Drive safely.”

Umalis na si Richard. As soon as she closed the door bumalik naman si Maya sa mesa para linisin ito at hinugasan ang mga ginamit nilang mug saka siya pumasok sa kwarto niya. Pagkatapos magshower at magbihis, humiga na si Maya sa kama. Naisip ni Maya ang kwentuhan nilang magkakaibigan sa bar.  Lahat sila bilib  na bilib sa nangyayari sa lovelife niya. Why not. She has Richard. Ang first crush niya na ngayon naging first boyfriend niya. Mabait, gwapo, at sweet.

sweet..really?

Naalala tuloy niya ang nangyari noon..

“Maya can we just drop this term of endearment thing? Di kasi talaga ako comfortable dun eh”

Di niya maiwasang magtampo noon, pero dahil ayaw naman talaga ni Richard. Wala siyang magagawa. Ayaw ni Richard eh. Naisip niya di lang naman sila ang walang term of endearment sa mundo, kaya pumayag na din siya. Then they are back to first-name basis.

After ng term of endearment, celebration ng kung ano mang ‘ sary ‘ na meron sa bukabularyo ni Maya. Weeksary, the first celebration na pinagdiwang ni Maya. After all the preparation .. nagresearch pa siya  ng sari-saring kare-kare para ipagluto si Richard… di siya nakatulog sa sobrang excitement that day. .went out early to go to the market then prepare everything .. nag general cleaning at nagdecorate sa condo..she even bought him a gift, but when Richard came that night he said nakalimutan niya and even said di pa kasi niya na-celebrate ang ganoon before. Kahit medyo nagtampo pinalampas na din niya yon, she tried to understand him.  Afterall, di lang ang gusto niya ang dapat masunod. Sabi nga ni Kute when she called  her the next day, dapat isipin din niya kung ano ang nararamdaman  ni Richard o kung ano man ang position ni Richard at kung ano ang gusto nito kasi sa isang relasyon di pwede yung “ako” lang, dapat “tayo”. So from that time on she tried her best not to think about cheesy things kasi ayaw ni Richard, and para walang problema.

Kanina when she said she misses him, she was hoping that he’d say he misses her too. As simple as that. Yun lang naman ang gusto niya marinig pero kahit yon di niya madining from him. Di naman siguro yon pang teenagers lang di ba.

Maya don’t you remember he told you he misses you too?

Maya tried to remind herself.

Yes, on the night of their 9th monthsary when she called him after she realized na maghahating gabi na at mag-iiba na ang petsa pero di pa tumatawag si Richard. Though she didn’t tell him that it’s their monthsary dahil takot siyang marinig ang “There you go again Maya, I told you di ba wala na yang monthsary-monthsary na yan..” , tumawag si Maya sa kanya, nangumusta and in the middle of their conversation she told him she misses him already. Deep inside she was hoping na sana si Richard ang magsabi na they’re on their 9th month stretch already. Kahit walang greetings but just to remind her that he is also counting the days since that day they became a couple.

“Hay Maya, ayan ka na naman! Pinapahirapan mo na naman sarili mo. Kahit wala yang mga yan mahal ka ni Richard. Yon ang isipin mo. Nagsesenti ka lang naman eh.”

Pinaapagalitan ni Maya ang sarili nya habang tinatapik-tapik ni Maya ang pisngi . She close her yes para makatulog na, pero di parin maalis sa isip niya ang mga bagay na nagpapalungkot sa kanya. Then suddenly her phone beep. She reach for her cellphone on the bedside table to read the message.

“Just got home. Sweet dreams. I love you.”

See Maya, sabi ko na sa’yo eh!

Somehow that text message lighten  her mood and she was able to sleep, finally.

4 Comments (+add yours?)

  1. Trackback: Almost 3 | liplockinlove
  2. charmtaz24
    May 29, 2013 @ 13:37:27

    uy! may bago!🙂

    Reply

  3. chen
    May 28, 2013 @ 15:01:47

    thanks nyl.,an0ther kilig much na naman..🙂
    multitasking lang ang talent.,ikaw na..🙂😉

    Reply

  4. Diosel
    May 28, 2013 @ 14:43:43

    Wow! ganda namn.. Waiting sa Kasunod nito..🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: