Shaken 4

“Nagbakasyon? Maya, I thought..”

“Oo nga, na di ka pwede? Kaya nga ako na lang ang nagpunta.”

“I thought that trip was for us, bakit nagpunta ka at  iba pa sinama mo?”

“Kesa naman masayang ang leave ko?”

“Okay fine! But why are you ignoring my calls?”

“Di ko ini-ignore calls mo. It’s just that everytime tatawag ka di pwede kasi..kasi..may ginagawa ako!”

“Yung sa umaga maybe..at the middle of the night meron parin?”

“Tulog na ako!”

“Maya!..”

“Sir Chief!…pagod ako, kailangan ko ng magpahinga kasi may flight pa ako mamayang gabi.”

“Maya..”

Tumalikod na si Maya…leaving Richard alone in the living room.

“Maya let’s talk. ”

Richard is knocking at her door pero di siya pinagbuksan ni Maya. He waited for awhile pero di na lumabas ulit si Maya. He left the condo and went to his office. He called her again nagbabakasakaling sasagutin and when she did diretso tanong na ng schedule niya for the day. He felt that useless itry makipag usap sa fone at alam niyang di rin siya sasagutin ng maayos.

That evening..

Kasama ng ibang FA’s palabas na ng office sina Maya. Nagkukwentuhan habang palabas at diri-diretso na sa exit door ng walang lingon-lingon si Maya. Di niya namalayan na andun na pala si Richard, naghihintay sa kanya.

“Maya..Maya wait!”

Paglingon ni Maya nakasunod na pala si Richard sa kanya. He stopped her by holding her arm nang di niya ito napansin.

“Oh. .Sir Chief andito ka?”

Napakunot ang noo ni Richard sa naging reaksyon ni Maya.

“Why? Ngayon lang ba kita nasundo after your flight?’

Nagpaalam na ang mga kasama ni Maya na mauuna na sa kanya so she nod in agreement.

“Look, I know your upset about the trip.’

Upset? Di ako upset! Galit ako!

“But can we just talk this over? ”

Nang di parin kumibo si Maya kinuha na niya ang bag nito and lead her outside. Habang nasa kotse, nagkunwari si Maya na nakatulog para maka-iwas sa pakikipag-usap kay Richard. She turned her head towards the window. Wala namang magawa si Richard kaya tahimik lang siya habang nagda-drive.

Pagdating sa condo..

“Maya di ako aalis hanggang di tayo mag-uusap.”

“Okay mag-uusap tayo…pag nakapagpahinga na ako. Pagod na pagod na pagod pa ako..”

Lips forming a thin line, Richard remain calm. Pinagbigyan si Maya, afterall they both need to rest at pareho silang dalawa galing sa trabaho at pagod.  He kissed her cheeks and went off. As soon as the door closes.

At talagang umalis !!!

Di alam ni Richard that she was just testing him, kung gaano siya ka pursigido na makipag-usap sa kanya. Richard leaving the condo that night kahit di pa sila nagkaayos makes Maya think that for him everything’s not a big deal.  Naalala niya yung usapan nila ni John noong nakaraang araw habang nasa poolside ng hotel nila sa CDO.

“Pi, baka naman  nasobra ka naman sa lambing at pagbibigay. “

“Eh akala ko ba lalambingin para ibalik ang dating pagtitinginan?”

“Oo nga. pero di ko sinabing OA sa lambing..ano bang ginawa mo?”

“Yung tulad ng dati..text,tawag, basta kung ano kami dati.”

“Talaga? “

“Oo nga eh..ang kulit mo talaga Mak.”

“So if ginawa mo ang Operation Lambing at di parin effective, subukan mo ang Operation Deadma”

“Huh? Ano naman yun?”

“Deadma..as in deadmahin mo siya, huwag pansinin…balewalain..baka sakaling matauhan.”

“Tingin mo?”

“I-try mo..kung di parin magwork mag-isip ka na.”

Mahirap man aminin pero kinabahan siya ng sinabi ni John sa kanya na mag-isip na siya if di parin ito naging effective.  What if di talaga? Maghihiwalay kami? What if malaman kong di na niya ako mahal at aaminin niya?What if..

 

Kinabukasan..

 

“How’s the flight?”

He asked, trying to start a conversation sa kanya once they get inside his car. Good thing maaga natapos ang trabaho niya sa opisina kaya nasundo niya si Maya. He is thankful that medyo maganda na ang mood ni Maya when she saw him that afternoon.

Baka nga siguro kinailangan lang niya ng pahinga kahapon..

Richard thought when he saw her smile at him.

“What if we eat out first before kita ihatid sa condo?”

Bumabawi Richard?

She flashed him with a fake smile. Nagpunta sila sa South Curves, ang paboritong restaurant ni Richard para doon magdinner.

“Maya..about the trip, I’m sorry. Nagkataon lang talaga na kailangan kong magtake-over sa trabaho. Sorry talaga. Promise, babawi ako. What do you want?”

“Okay na yun..”

“Really?”

“uh hmm”

She nodded and give him a smile. Di makapaniwala si Richard. But he is relieve to know na tinanggap ni  Maya ang pagso-sorry niya. He reach out and held her hand. Para kay Richard, balik na sa dati ang lahat. For Maya, her plan is just starting. Nang ihatid ni Richard si Maya buong akala niya nasettle na nila ni Maya kung ano man ang di pinag-kakaunawaan nila ni Maya.

Pagdating sa bahay nagtext ito kaagad kay Maya..

“Just got home. Safe and sound.  Pahinga ka na ha. I love you. 🙂 ”

Naghintay si Richard ng reply ni Maya pero walang dumating. He called her and found out that out of reach ang phone ng girlfriend niya.

Kausap siguro si Kute..Tawagan ko na lang ulit mamaya.

He went up in his room and took a shower. As soon as he got out from the shower, ang phone niya kaagad ang pinulot. Unfortunately wala paring text.

Tulog na siguro yon.

Habang nakahiga na, di  mapakali si Richard. He thought of calling her cellphone but changed his mind, naisip niyang baka tulog na talaga si Maya at medyo late na. He placed his cellphone back to his bedside table and at natulog na.

Paggising ni Richard, cellphone niya kaagad ang kinuha to check for Maya’s message pero wala pa rin.

Is she giving me that cold shoulder again?

He called her. After several rings, he was greeted with a very sleepy voice of Maya.

“Hello?”

“Hello Maya.”

“Sino to?”

“It’s me”

“Sino nga to?”

“Stop it Maya. Tulog ka pa ba or nagtulog-tulugan?”

After a few seconds of silence..

“Sir Chief?”

“Who else would call you at this time of the day Maya? Of course its me..”

He said furiously.

“Sorry, nakapikit pa kasi mata ko di ko nabasa pangalan mo..”

Seriously Maya, di mo ako nabosesan?

“I texted you, kagabi pa, pero di ka nagreply. Tried calling you pero busy. ”

“Ahhh, may kausap kasi ako sa phone kagabi. Nakita ko ang text mo after pero 1am na and wala ka namang tanong dun kaya di na ako nagreply.”

“1 am?! Ganun ba kayo katagal mag-usap ni Kute?”

“Ah hindi naman si Kute eh..”

“What? At 1 a.m nasa phone ka pa pero di si Kute ang kausap mo? Then who? I was waiting for your text or your call then nakipag telebabad ka lang with someone else?”

“Teka..ginising mo lang ako para awayin?”

Nang nagtaas na ng boses si Maya, kumalma ng konti si Richard. After what happened few days ago di na maganda if mag-aaway ulit sila considering kagabi lang sila nagka-ayos ni Maya.

“Okay fine..sorry..So are you coming today?”

“Saan?”

“Here sa bahay. Di ba day-off mo today?”

“We’ll see..may importante pa kasi akong gagawin eh..”

“Importante? Ano naman?”

“Basta..”

“Can I help?”

“No”

No?

Richard is wondering kung ano kaya ang gagawin ni Maya na importante but she is declining his help.

“So di tayo magkikita today?”

“I think so..”

What?

“Maya..may problema ba?”

“Wala…ikaw may problema ka?”

“Maya!!”

“What?”

Tired over their bickering, Richard ended the call. Pissed and mad, he felt that Maya is testing his patience. And just like that famous line in the movie, ang pasensiya niya ay konting-konti na lang.

Maya on the other hand, is happy and glad. Ngiting tagumpay Maya! She said to herself as she continue eating her breakfast habang si Emman naman ay nasa harap nito, di makapaniwala sa narinig galing kay Maya.

“Cheers Emman!’

As she raises her mug towards Emman.

“Baliw ka na gurl!’

She smiled foolishly.

 

 

 

 

17 Comments (+add yours?)

  1. Diosel
    Jun 01, 2013 @ 11:02:24

    Wahhhhhh!! hahaha Go Maya! Go Maya!! sige pa.. hahah.. Deadmahinmo pa siya.. iritahin mo pa.. hahaha… Can’t wait sa next chapter..🙂 Thanks for this Story..🙂

    Reply

  2. felcarnelle2008
    Jun 01, 2013 @ 05:30:46

    more…more…more na pahirap kay SC lol, masokista ang peg

    shaken 5, labas na please❤

    Reply

  3. nylcoen
    Jun 01, 2013 @ 02:40:17

    “Ngiting Tagumpay” para sa atin lahat!!!

    Hahaha bakit feeling ko daming nakakarelate sa sentiments ni Maya?

    Thanks for all the comments. I really appreciate them all. Nakaka-inspire magsulat ng kabaliwan ko. ♥♥♥

    Reply

  4. gianni
    Jun 01, 2013 @ 01:37:17

    nice move maya…operation deadma to d max para mabaliw si sir chief mo hahaha…waiting for the next chapter..thanks a lot!!!

    Reply

  5. thids09
    May 31, 2013 @ 23:31:08

    Labbit…….go lng ng go maya…hyaan m n c sc ang m aligaga ngaun…hahahaahaha….nxt chrpter n pls…….

    Reply

  6. Myrna V. Pimentel
    May 31, 2013 @ 23:30:16

    thank u at d ako nadisappoint…and thanks for the fast update….sana me kasunod agad agad…hehe! basta andto lang kami waiting and waiting for the next cha

    Reply

  7. chen
    May 31, 2013 @ 20:25:47

    nice one maya.,effective ang “operati0n deadma” at nakamit pa ang ” ngiting tagumpay”😉

    Reply

  8. RMR61
    May 31, 2013 @ 18:54:53

    nakailang ulit ko na ito basahin, now ko lang na realized na di ako nakapag comment🙂
    inaabangan ko update nito lagi….kaya sana part 5 na pls, pa bday mo na sa akin LOL

    Reply

  9. Jen Reyes
    May 31, 2013 @ 18:31:11

    Hehehe love it! Next na please! Galing mo talaga!

    Reply

  10. fishkeeper03
    May 31, 2013 @ 17:52:18

    Ngiting tagumpay I like! Relate na relate!

    Reply

  11. Aye Custodio
    May 31, 2013 @ 17:26:08

    Go maya girl..,,.,,, one more po ms con sobrang bitin,!!!! Hehe

    Reply

  12. Tiyana Santos
    May 31, 2013 @ 17:08:45

    hahahah…go Maya…give him a taste of his own medicine…i-overdose mo na para baliw-baliwan na ang peg ni SC!!!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: