Mr. Chinito 1

Nagmamadali si Maya habang bumababa sa taxi na sinasakyan, 9 p.m na kasi kaya kinakabahan na siya baka kung  ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa mansyon. Nag-doorbell at pagkaraan ng ilang segundo binuksan na ni Joma.

“Good evening po ma’am.”

“Good evening naman po kuya Joma..si Richard andyan na?”

Tanong ni Maya kay Joma na nakasunod na sa kanya papasok ng mansyon.

“Opo, kanina pa po mga alas-sais ng gabi, nasa opisina ata siya ngayon..ay teka tutulungan na kita.”

Kinuha ni Joma ang dala nitong ilang libro at binder niya.

“Thank you po kuya..pwedeng paki sabi kay Doris iakyat na muna sa kwarto ko please?”

“Sige ma’am, ibibigay ko na muna to kay Doris.”

Pagpasok sa may pintuan, diretso na agad si Joma sa kusina para ibigay ang gamit ni Maya kay Doris habang si Maya naman ay papuntang opisina ni Richard. Dahan-dahan siyang naglakad, nag-aatubili at baka di na naman maganda ang mood nito . Nitong nakaraang araw kasi parang lagi na lang itong mainit ang ulo, tahimik at parang ayaw makipag-usap kahit kanino pa.

O baka sadyang tahimik lang siyang tao?

Natatanaw na niya ang bungad opisina ni Richard at nakita nga niya ito doon na may ginagawa sa harap ng kanyang laptop. Di na siya nakapasok pa sa loob ng opisina nito kasi nakita na naman siya at tiningnan lang siya ni Richard. Still looking at her with furrowed brows and glaring eyes. Napalunok tuloy siya ng laway .

Oh, dear!

“So-sorry..na-late ako ng uwi kasi may group study..”

She waited for his response and she expected him to yell at her pero wala..parang di  siya nakita nito at ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Dahil dun, di malaman ni Maya kung pwede na ba siyang umalis o hindi pa, pero nang dumaan na ang ilang minuto at nagmukha na siyang tanga na nakatingin lang kay Richard na nasa loob ng kanyang opisina, she decided to leave and go to their room.

Pagpasok sa kwarto, she slumps into the bed and let out a deep sigh.

Ano na naman ba kasing pinasukan ko!

Kamot-kamot ang kanyang ulo dahil sa inis. Kung di ba naman kasi siya malas, ang ganda ng takbo ng buhay niya one month ago, pero  biglang nagbago dahil sa 4 na pirasong siomai!

One month ago…

Nasa isang bench sa isang puno ng kahoy sa loob ng university si Maya, kasama ang mga kaibigan at kaklaseng sina Ruby, Edselyn, Daniel, at Mary Faith nang biglang may ini-abot si Joshua sa kanya na maliit na styrofoam box, sa nabasa pa lang ni Maya sa box alam na niya kung ano ang laman, Japanese Siomai, ang paborito niya. Natatakam na si Maya na kainin ito, lalong-lalo na at galing ito sa paborito niyang bilihan ng siomai.

“Maya pinabibigay ni Sir.”

Umasim tuloy ang mukha ni Maya ng malaman kung kanino galing ang pagkain. Daig pa ng mukha niya ang kalamansing kasama ng siomai sa loob ng styrofoam. Tinakpan na niya ulit ang pagkain na kanina pa sana niya gustong lantakan.

“Bakit daw?”

“Nagtatanong ka ba dahil hindi mo alam o nagtatanong ka kasi nagmamaang-maangan kang di mo alam?”

Tukso ng kaibigan nito sa kanya. Hiyawan tuloy lahat na nakapaligid sa kanila.”

“Ang ingay! “

Inis na saway ni Maya sa mga kaibigan.

“Hoy Joshua, ilang ulit ko bang sabihin sa’yo na huwag kang tumanggap ng kahit anong ipinabibigay niya sa akin. ”

“Yaan mo na Maya, para naman may makain kami ulit! Di ba guys?!”

Nag high-five pa sina Joshua at Daniel. Ilang beses na din kasing may natatanggap si Maya na pagkain mula sa professor nila pero di niya ito tinatanggap at pinapasauli niya ito sa mga kaibigan niya, pero dahil ayaw ng mga ito sina Joshua at Daniel ang laging kumakain.

“Ayan ayan…dahil diyan akala ni Sir ako yung kumakain sa ipinapadala niya..nakakainis kayo ha!”

“Kesa naman masayang tong pinadala niya kaya kami na lang ang kakain.”

Aktong kukunin na ni Daniel sa kamay niya ang styrofoam pero di nito ibinigay ni Maya.

“Hep, hep, hep!! Di ninyo ito kakainin kasi isasauli ko to.”

“Akin na at kami na ni Joshua ang magsasauli niyan.”

“Hindi! Ako na at baka sa tiyan na naman ninyo ito mapunta..”

Kinuha na ni Maya ang gamit niya at nagpaalam sa mga kasama na hahanapin muna ang kanilang professor para isauli ang pagkain. Nanghihinayang naman sina Joshua pero di talaga nagpapigil si Maya. Papasok na sana si Maya sa loob ng building ng may madaanan siyang matanda na naka-upo sa isang bench na nasa harap ng building. Nagtaka si Maya kasi noon lang niya nakita ang matanda doon sa campus. Nilapitan niya ito para magtanong at baka nawawala ito.

“Lolo? May hinahanap ka po?”

Tiningnan siya ng matanda sabay ngiti sa kanya.

“Yha, dito ka ba nag-aaral?”

“Opo lolo.”

Tiningnan ni Maya ang matanda at mukhang pagod na pagod ito, siguro sa kakalakad at sa sobrang init ng panahon. Naawa si Maya sa matanda kaya nag desisyon siyang ibigay sa matanda ang siomai na dala nito at di na lang isasauli sa kanyang professor.

“Lo, gusto mo ng siomai? Sa’yo na to oh.”

“Ang bait mo naman yha, kanina pa nga ako nagugutom eh. Ang init at tsaka ang layo pa ng nilakbay ko.”

“Naku! Kawawa ka naman lo. Sige kainin mo na po yan, papasok lang ako dun ha para ibili ka ng softdrinks. Antayin ‘nyo po ako dito ha?”

Nagliwanag ang mukha ng matanda, parang kinurot ang puso ni Maya ng makita ang ligaya sa mukha ng matanda. Naalala tuloy ni Maya ang lolo niya na nagpalaki sa kanya, dahil sa matanda na-miss niya tuloy ito. Iniwan ni Maya ang matanda para magpunta sa canteen at bumili ng softdrinks, agad naman siyang bumalik at binigay ito sa matanda. Sakto namang pagbalik niya natapos na ng matanda ang kinaing siomai.

“Salamat yha ha..ano nga pala pangalan mo?”

Tanong ng matanda habang umiinom. Naka-upo naman si Maya sa tabi ng matanda.

“Maya po, Maya Dela Rosa. Ikaw po lolo ano ang pangalan mo?”

“Ako naman si Roberto Lim. “

“owwws? Lolo ha, pang sossy yung pangalan mo..”

Biniro ni Maya ang matanda, ngumiti naman ito ng marinig ang sinabi niya. Sa isip ni Maya baka di nito naintindihan ang salitang sossy kaya parang wala lang o baka di nito kilala si Don Roberto Lim, may-ari ng chain of five-star hotels sa buong bansa.

“Dito ka ba nag-aaral Maya?”

“Opo, ikaw lolo may apo ka ba dito?”

“Wala na, noon yung apo ko dito nag-aaral.. ako din at yung asawa ko,  dito kami nag-aaral noon.”

“Ahhh kaya pala, siguro na miss mo tong lugar noh kaya nagpunta ka dito?”

“Oo, dito kasi kami nagkakilala ng asawa ko. Noong buhay pa siya, dito kami laging pumapasyal pero nang mamatay na siya di na ako nakakapunta dito, ngayon na  lang kaya sobrang nanibago ako kanina pag pasok ko pa lang ng gate.”

“Ahh ganun pala, ilang taon na ba ng huli kayong naka dalaw dito po lolo?”

“Matagal na..20 years na.”

“Ay, naku lolo talagang maninibago kayo kasi ang tagal na naman pala.”

“Oo nga eh..”

“Pero bilib ako sa’yo lo kasi di nyo pa nalimutan tong lugar na to kahit matagal ng nawala si lola..sana makatagpo din ako ng lalaking katulad mo.”

Nahuli ni Maya ang kiliti ng matanda, aliw na aliw sa kanya si lolo Roberto, tumagal pa ang kanilang pag-uusap hanggang sa naalala na lang ni Maya na may pasok pa pala siya.  Dahil naaawa si Maya sa matanda, tumawag siya ng taxi at sinabihan nitong ihatid ang matanda kung saan man ang bahay nito sabay abot ng pera para pamasahe ni lolo. Nagpasalamat naman ang matanda sa kanya at sinabing dadalasan nito ang pagdalaw sa campus para makita at maka-usap siya.

And true to his word, makalipas ang tatlong araw, bumalik ang matanda sa university, at sa pangalawang beses na pagkikita nila nagulat si Maya at nagpapakilala na itong siya si  Roberto Lim  Sr. , ang kilalang may-ari ng mga sikat na hotel sa buong bansa. Di malaman ni Maya kung ano ang magiging reaksyon niya kung matatawa ba siya o maniniwala, lalong-lalo na ng sabihin nitong gusto siya nitong maging asawa ng kaisa-isa nitong apo.

“PO?!”

Sa sobrang gulat ni Maya sa narinig bigla tuloy napalakas ang boses niya. Naisip ni Maya na baka nalipasan na naman ito ng gutom sa paglalakad so she decided to go with the flow.

“Lolo naman eii..huwag ‘nyo po akong biruin ng ganyan…tsaka bakit ba kayo ang naghahanap ng mapapangasawa ng apo ninyo?..”

“Maya, yha, gusto ko lang na makapangasawa ang apo ko ng babaeng mabait at maganda na tulad mo.”

“Lolo nagpapatawa ka ba? Yung maganda, tanggap ko yon..pero yung mabait ako..akala mo lang yon.”

Pagpapatawa ni Maya baka sakaling mahimasmasan ang matanda at magbago ang isip nito. Lumipas ang ilang minuto, pinipilit pa din ng matanda na sumang-ayon si Maya sa gusto nito. Naisip tuloy ni Maya na sumang-ayon na lang para matapos na ang usapan at maihatid na niya pauwi si lolo.

“Sige lolo papayag ako…basta ba yung apo ninyo kasing gwapo ni Richard Lim  at kung maisasama nyo siya dito pagbalik ninyo?”

Hamon ni Maya kay lolo. Di parin naniniwala si Maya sa matanda, at syempre walang kasalang mangyayari kasi di naniniwala si Maya na madadala ni lolo si Richard Lim sa harap niya.

“Yha, promise mo yan ha..”

“Oo lo, promise yan..pag madadala mo si poging Richard Lim dito sa harap ko, wala ng paligoy-ligoy pa..kasalan na kaagad!”

“Talaga? Kahit sa civil wedding lang?”

“Oo lo! Pag-uwi ninyo kasabay na ako!”

“Pwes, ihanda mo ang sarili mo ha. Bukas babalik ako. Dala ko na ang apo ko.”

Buong pagmamalaking sagot naman ng matanda sa kanya. Siguradong-sigurado sa sarili niya habang si Maya naman panay  sang-ayon lang sa matanda.

“Maya, alam mo naman sigurong pag nangako ka sa matanda di mo dapat binabawi at baka pagsisihan mo balang araw yan..”

“Oo naman, may ginawa na akong pagkakamali noon sa lolo ko ng may pinangako akong di natupad hanggang sa namatay na lang ito. Ayoko pong magkamali sa ikalawang pagkakataon.”

Maluha-luha pa si Maya ng maalala niya ang lolo niya pero agad niyang winaksi sa isip ang mga alaala ng lolo niya para di na malungkot at baka tuluyan na siyang bumigay at humagulhol.

“Oh siya, bukas dalhin mo yung birth certificate mo ha at nang pag-uwi natin masimulan ko ng ayusin ang sa kasal ninyo ng apo ko. Sabihan mo na rin ang nanay at tatay mo tungkol sa kasal mo ha.”

“Siguradong-sigurado talaga kayo diyan lolo ha? Eh ang alam ko masungit ang apo ninyo, paano kung di yon pumayag sa gusto ninyo?”

Pang-aasar ni Maya kay lolo, gusto kasi niyang malaman kung ginu-good time lang ba siya ng matanda o baka nagkamali siya ng kinakausap at  loko-loko na pala ito, nagbabalatkayo sa pamamagitan ng pagsusuot ng malinis at mukhang mamahaling damit.

“Siguradong-sigurado talaga ako. At saka di yon makakatanggi sa akin kasi mahal na mahal ako nun..Oh paano aalis na ako?”

“Sige po, itatawag ko na kayo ng taxi.”

“Huwag na, maglalakad na lang ako dun sa may parking area at naghihintay ang driver ko.”

Confirm! Hibang  talaga si lolo.

Tumalikod na ang matanda at naglakad papuntang parking area. Pinipigil ni Maya ang sarili niya na huwag matawa ng malakas. Gusto niyang pokpukin ang sarili niya kung bakit nagpa-uto siya sa matanda. Buong akala niya maayos ang pag-iisip ng matanda kasi maayos naman ang pag-uusap nila nung nakaraang araw. Gusto sana sundan ni Maya si lolo para siguraduhing maayos itong maka-uwi, kahit ba hibang ito maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya kaya naaawa din siya dito. Pero nang tumunog ang bell ng campus, naalala niyang may klase pa siya kaya di na niya ito sinundan at dali-dali ng pumasok sa building para pumunta sa klase niya.

Kinabukasan kakapasok lang ni Maya sa loob ng building kasama ang mga kaibigan niya,  kagagaling lang nila mag lunch ng tinawag siya ng dean niya.

“Ms. Dela Rosa..”

“Po?”

“Pumasok ka muna sa office, may naghihintay sa’yo.”

“Sige po, susunod po ako..”

Naunang pumasok ng office niya ang Dean habang sina Maya at ang mga kaibigan nito ay nagtataka kung sino ang naghihintay kay Maya sa loob.

“Sino daw?”

“Ewan … di ba narinig mo wala namang sinabi kung sino..”

“Hala Maya! Baka parents yan ng isa sa mga estudyanteng hinihingan mo ng pang yosi mo.”

Sagot ni Daniel sa kanya.

“Heh! ..papasok na ako, antayin ‘nyo ako dito girls ha?”

Ayaw man aminin ni Maya pero kinabahan siya nang marinig ang sinabi ni Daniel. Ilang beses na rin kasi siyang napuna ng mga professors niya kasi may mga freshmen na nagrereklamo sa ginagawa niyang panghihingi ng pang yosi sa tuwing dumadaan sila sa tambayan nina Maya sa campus. Minsan kasi trip lang talaga ni Maya mang-asar sa mga babaeng freshmen pa..yung mga lalaki naman kasi di na kailangan ng isang salita nagbibigay na kaagad. Yung iba para mapansin lang niya kung anu-ano na lang ang pinapadala. Kadalasan naman ang mga boys na varsity players, nagpapa-cute sa kanya kusa ng nagbibigay sa kanya o sa mga kaibigan niya.

Pagpasok ni Maya sa opisina ng Dean, nagulat siya ng makita agad si lolo Roberto nakangiti ito sa kanya at agad tumayo, halatang excited na makita siya ulit.

Patay! Pati si Dean kinausap na din pala ni ..

Mas lalong nagulat si Maya ng makita ang nasa harap ni lolo Roberto, si Richard Lim! Di malaman ni Maya kung ano ang gagawin. Nang mga sandaling iyon, gusto niyang tamaan na lang siya ng kidlat o lamunin ng sahig na kinatatayuan niya.

“Maya, yha!!”

Nilapitan pa siya ni lolo Roberto at inakap siya. Di ata siya makagalaw at naninikip ang kanyang dibdib. Bigla na lang siyang ———– hinimatay.

 

 

 

Present time…

 

Nagising si Maya sa isang mahinang yugyog sa kanya. Nakatulog pala siya sa kama. Nang iminulat ang mata, nakita niya ang mukha ni Richard na nakadungaw sa kanya.

“Di ka ba muna magpapalit ng damit?”

Sa sobrang gulat ni Maya, dali-dali siyang napabangon kaya nagkauntugan silang dalawa.

“Ouch!!”

Hawak ni Richard ang bibig habang si Maya naman ang kanyang noo.

“Damn!”

Nakita ni Maya na may konting dugo sa lips ni Richard.

“Sorry!.. may..dugo.”

“Nang tiningnan ni Richard ang daliri niya nakita nito ang dugo kaya agad itong nagpunta sa CR para linisin ito.”

Lalo tuloy na-kunsensya si Maya. Habang nasa C.R ito, sinamantala naman ito ni Maya at nagpalit na ng damit. Sabay pa silang lumabas ni Richard, siya galing walkin closet, si Richard naman galing CR.

“Kumain ka na?”

Milagro nagtanong..

“Hindi pa.”

“Kung tapos kana magbihis bumaba kana para maghapunan na tayo.”

Lumabas na ng kwarto si Richard. Sumunod naman agad si Maya.

Sa mesa, tahimik silang kumakain. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sabay silang kumain mula ng magsama sila. Parang nahihirapan si Maya lunukin ang kinakain niya sa sobrang tahimik nilang kumakain. Pakiramdam niya binibilang ni Richard ang bawat  subo niya.

“Next time, kung makakauwi ka ng late tumawag ka para masundo ka ni Joma.”

Tumango si Maya.

“Saan ka galing kanina?”

“May… may binili lang kasi ako kanina kaya natagalan akong umuwi..”

Napakunot ang noo ni Richard habang tinititigan siya. Nataranta si Maya nang makita ang reaksyon ni Richard.

“Sorry … nagyaya kasi ang mga kaibigan ko na mag-inuman muna. Birthday kasi ng isang barkada namin.”

Richard lean his back on his  chair  and sneered.

“Wait, to make it clear..pumunta ka ng mall para bumili ng maiinom, nag-hangout kayo ng friends mo sa bahay ng isa sa mga kaibigan ninyo kasi birthday tapos nag group study..ng ano?  Ng iba’t-ibang klase ng inumin?”

Nabilaukan si Maya sa narinig niya. Looking at her with amuse eyes, Richard poured water on her glass and hand it to her. Inilapit ni Richard sa tenga ni Maya ang bibig niya and whisper.

“Sa susunod kasi, ayusin mo yung palusot mo ha para di kita mabisto .”

24 Comments (+add yours?)

  1. lirahc2014
    Dec 19, 2014 @ 07:19:11

    ano ‘to??? selos??

    Reply

  2. Trackback: THE PRINCESS PROBLEM – 5 | When Sparks Fly

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: