Mr. Chinito 3

Nasa loob na ng kwarto nila si Maya at Richard, pagkatapos silang kausapin ni lolo Roberto pakiramdam ni Maya mas lalo naging kumplikado ang lahat. Okay na sana yung naging sitwasyon nila kaso dahil sa nangyari that night wala na talaga silang choice kundi ipakita that they are getting along with each other well.

Nakaupo si Maya sa couch habang si Richard ay nasa bed nila.

“This will be hard for both of us but we need to adjust. Alam kong tinatanong ni lolo kay Manang Fe kung ano ang ginagawa natin dito sa bahay.”

“Di naman siguro.. nagkataon lang talaga nang dumating si lolo kanina  wala ka.”

“Bakit di mo ako tinawagan?”

“Paano kita tatawagan eh di ko naman alam number mo?!”

Nahalata ni Maya sa tono ng boses ni Richard na parang siya ang sinisisi kung bakit nagalit ang lolo nito. Nairita din si Maya kaya napataas ang boses niya. Medyo nagulat din si Richard ng marinig si Maya kaya di na nito magawang magsalita pa, kinuha na lang ang cellphone niya at binigay kay Maya ang number.

“Whenever there’s an emergency or what, you can always contact me on that number.”

“Okay.”

“Yung number mo?”

Binigay naman ni Maya yung number niya kay Richard.

“Starting tomorrow kailangan nating magsabay every morning para di tayo mahalata. “

“Pero 10 a.m pa schedule ko bukas.”

“Then do you expect me to come to the office at 10 also? Ikaw ang mag adjust kasi ikaw yung makikisakay sa akin. And may meeting din ako bukas so I need to be early. Around 7 am kailangan okay ka na, is that clear?”

Nanggigigil si Maya sa inis. Pakiramdam niya para lang siyang tauhan ni Richard sa hotel na inuutusan niya at wala siyang karapatang tumanggi.

 

 

Kinabukasan..

 

Pagkatapos mag breakfast ay nagpaalam na sina Maya at Richard kay lolo Roberto. Sinabi naman ng matanda na pagkatapos niyang mag-breakfast ay susunod na siya sa kanila at uuwi na din sa sariling bahay. Naka-bukod kasi sina Richard sa matanda kasi yun ang gusto nito.

Inside the car, Maya keeps yawning. Gustong-gusto pa sana niyang matulog pero ginising siya ni Richard ng maaga. She promised herself that pagdating niya sa tambayan matutulog talaga siya bahala na kung ano ang sabihin ng mga kaibigan niya.

Akala ni Maya di na siya ihahatid ni Richard hanggang sa loob ng campus, buti na lang at may kagandahang-loob din itong tinatago at pumasok pa hanggang sa parking area ng campus.

“Anong oras ang labas mo mamaya?”

Habol na tanong ni Richard kay Maya.

“5:30 ng hapon”

“Okay, dadaanan na lang kita.”

Tumango si Maya, nagtataka man pero pasalamat na din siya at may libre pa siyang sakay at di na maglalakad papasok ng village or di na siya gagastos para pang-taxi. When Richard left, agad namang nagpunta ng tambayan si Maya. Buti na lang at may bench kaya makakatulog din siya kahit papaano.

Makaraan ang isa at kalahating oras, dumating si Ruby sa tambayan nila. Nadatnan niya si Maya na nakayuko sa may mesa at ginawang unan ang mga libro nito. Pagkalapit ay ginising ang kaibigan. Medyo disoriented pa si Maya, natawa tuloy si Ruby sa kanya at tinukso siya.

“Maya, hinay hinay din kasi kayo sa honeymoon ninyo.”

“Tseh! Honeymoon ka diyan! … Grabe, alas dos na ata ng madaling araw ako nakatulog..”

Reklamo ni Maya sa kaibigan na naka-upo na sa harapan niya.

“Bakit? Don’t tell me ganun ka-hot si Richard Lim!’

Ruby is covering her mouth while giggling.

“Hot ka diyan..kasi napagalitan kami ni lolo Roberto, nagpunta kasi ng bahay para dumalaw tapos late na naka-uwi ng mansyon si Richard kaya hayun nasabon kami pareho.”

“Ayayay! Bakit kasi..don’t tell me ganun pa din set-up ninyo?”

“Oo, ganun pa din.”

“Teka, pag-uwi mo kahapon andun na si lolo?”

“Hindi.. alam mo ba kung sino ang nadatnan ko?”

“Sino? “

“Si Richard!”

“Ows? “

“Oo, kaya nga nagulat ako..first time kong umuwi ng late tapos naunahan pa ako sa pag-uwi ni Richard! Nakakahiya, kasi akala ko lusot na ako kasi pagdating ko wala naman siyang reaksyon..pero nung naghapunan  na kami nabisto ako dahil sa katangahan ko!”

Tumatawa na si Ruby sa kwento niya. Alam kasi ng kaibigan ang setup nilang dalawa ni Richard kaya di napigilan ang sarili.

“Kaya pala antok na antok ka ngayon kasi di ka natulog at naunahan ka ng uwi ni Richard.”

Maya pouted and nodded her head.

Mula nag magsama sina Richard at Maya, lagi na kasing umuuwi si Maya ng maaga para makatulog ng sandali bago pa maka uwi si Richard. Sinusulit ni Maya ang oras na makatulog kahit sandali kasi pag nagtabi na silang dalawa ni Richard di siya gaanong nakakatulog at lagi na lang siyang kinakabahan. Biro nga ng mga girl friends ni Maya graveyard shift daw siya palagi.

“Mukhang mamaya di na naman ako makatulog ng maayos.”

“Bakit?”

“Kasi dahil sa nangyari kagabi kailangan na naming magsabay ni Richard palagi para di kami isumbong ni Manang Fe kay lolo.”

“Kawawa ka naman..”

Pang-aasar na sabi ni Ruby kay Maya. Hinahagod-hagod pa nito ang likod niya at naka-pout pero tumawa naman ito pagkatapos.

Nasa kalagitnaan ng kwentuhan sina Maya at Ruby ng dumating ang ilang mga kaibigan, malapit na din kasi ang oras ng klase nila. Ilang sandali naman ay naramdaman ni Maya na kinakalabit ni Edselyn ang kanyang tagiliran.

“Ano?”

Nang tingnan ang kaibigan, napansin niyang parang may gusto itong tingnan niya sa kabilang banda. When she turn her head, nakita niya si Bart. Si Bart Ramirez, ang crush niyang basketball player. Biglang napatigil ang mundo ni Maya ng makita niya ito.Medyo matagal na din kasi niyang di nakikita si Bart. Kasama nito ang ilang mga teammates kagagaling sa klase nila. Naka-upo ito sa isa sa mga bench sa ilalim ng puno.

Hayyy ang gwapo talaga niya.

“Maya, huwag masyado titigan baka matunaw.”

Bulong ni Edselyn sa kanya.

“Hasus..kung makatitig parang walang Richard Lim na maghihintay mamaya paglabas .”

Dugtong naman ni Ruby.

“Nakakainis kayo! Pwedeng huwag munang banggitin ang bad vibes…tsaka sinabi naman niyang pwede akong makigpagdate ahh.”

Maya grins while the girls chuckles.

“Uy ayan na, nakita ka and papunta na siya dito.. behave.”

Bulong ni Edselyn sa kanila nang makitang papalapit si Bart sa bench nila at nakangiti pa. Agad naman silang umayos sa kanilang pagkaka-upo. Si Maya di alam ang gagawin, nataranta, at nahihiya pang lumingon kay Bart pero nang huminto na ito sa kanyang likuran at bumati agad naman niya itong nilingon at binati rin. Umupo ito sa tabi niya, kinikilig man pero pinipigil ni Maya ang sarili.

“Tagal na kitang di nakikita ah..”

“Talaga..baka nagkataon lang..”

“hmmm siguro..tuwing hapon kasi sina Eds lang nakikita ko dito mga dalawang linggo na ata..”

“Umm, kailangan kasing umuwi ng maaga..”

“Kaya pala..kumusta na?”

“Okay lang naman..ikaw?”

“Eto, busy ..may practice na lagi eh tapos mamaya may game pa. Di ka manonood?”

“Manonood?”

“Oo, di ba nanonood naman kayo palagi pag may game? Mamaya 4 p.m ang schedule.”

“mmm”

Biting his lips, Maya look at the girls beside her. Naghihintay na sumang-ayon, Ruby who is sitting across her furrowed her brows telling her no.

“Yeah sure!”

“Great!”

Bart exclaim while Maya’s friends are all surprise with her reply. But since nasa mesa pa si Bart di nila magawang batukan si Maya.

“Okay, I’ll see you later then..pasok muna ako sa next class ko..ikaw?”

Maya look at her watch and found out na malapit na din pala mag alas-diyes.

“Yeah me too.”

“Tara sabay na tayo, saan ba room ninyo?”

“2nd floor, room 102.”

Next to your room.

Gusto sanang idagdag ni Maya kaya lang nahiya siya baka malaman pa ni Bart alam niya class schedule ng lalaki.

“Wednesday pala ngayon magkatabi lang tayo ng room every 10 a.m.. HRM 64 Entrepreneurship and Business Planning, right?”

Na-surprise si Maya at di lang pala siya yung mala-stalker kung makasunod, deep inside kinikilig si Maya. Matagal na silang magkakilala ni Bart, di sila personally pinakilala pero dahil sa sikat si Maya sa school at lahat ata ng varsity players may crush sa kanya di nakapagtataka na maging magkaibigan sila kinalaunan.

Sabay na naglakad papasok ng building sina Maya at Bart habang nakasunod ang mga kaibigan niya sa kanila. Nang makapasok na sa loob ng lecture room at naka-alis na si Bart, Ruby slightly pinch Maya’s side.

“Ano yon?”

“Bakit? Manonood lang naman tayo ah!”

“Maya, di ba sabi mo susunduin ka ni Richard mamaya?”

“Oo, at balak kong pag-antayin siya para makabawi naman ako noh..ang aga ko kayang nagpunta dito kanina!”

Walang magawa ang mga kaibigan ni Maya, shaking their heads in complete surrender. Alam naman nilang di sila pakikinggan ni Maya. Ilang sandali pa dumating na ang professor nila at nagsimula na rin ang klase .

Paglabas ng room nila lunch time na, di inasahan ni Maya na makakasabay nila ulit sina Bart sa paglalakad papuntang cafeteria, kung di siya pinigilan ng mga kaibigan baka pati sa pagkain nagkasabay narin sila.

At 5 pm, pagkatapos ng klase nina Maya agad nitong niyaya ang mga kaibigan para manood ng laro, buti at umabot pa sila sa last quarter. Sa tuwing nahahawakan ni Bart ang bola grabe ang sigaw ni Maya at ng iba pang mga girls sa loob ng gym.

“Maya kumalma ka kaya..”

Pinipilit siyang pinapaupo ni Edselyn pero di naman ito pinapansin ni Maya. Sobrang saya niya kasi malaki ang lamang ng team nina Bart kesa sa kalabang university nila. Ilang sandali natapos na din ang laro at nanalo nga ang university nina Maya. Papalabas na sana sila ng gym ng tawagin si Maya ni Bart. Tumatakbo ito papalapit sa kanila.

“Uwi ka na?”

“Oo eh, late na tsaka may naghihintay na sa akin sa parking area.”

“Ahh okay, sige kita na lang tayo bukas..Salamat at nanood ka na ulit.”

Maya smiled and turn to leave. Ilang minuto ang nakaraan nagmamadaling naglalakad na si Maya sa may parking area. Nang makita ang sasakyan ni Richard ay kumatok muna ito  bago binuksan ang pinto.

“I thought 5 pm ang labas mo?”

Isang nakasimangot na Richard Lim ang sumalubong kay Maya. Namumula ang tenga sa inis kaka-antay sa kanya.

“Pinaghintay mo ako ng isang oras alam mo ba yon?”

“Sorry, may ginawa lang.”

Di nagpapa-apekto si Maya sa mood ni Richard at binabalewala ang pagtataas nito ng boses.

“Saan ka ba galing?”

“Nanood ng basketball”

“WHAT??!!Are you kidding me?”

Maya turn her head to look at Richard na naka poker face. Lumaki tuloy ang butas ng ilong ni Richard ng makita ang expression ng mukha ni Maya.

Subukan mo akong gisingin ng maaga araw-araw at di talaga kita tatantanan Richard Lim.

 

15 Comments (+add yours?)

  1. Crunch
    Jun 27, 2013 @ 05:36:52

    Wow! Nice Shot! Thanks for this! and I like the way you post your Story.. araw-araw may update! thanks for this!🙂

    Reply

  2. mzabel315
    Jun 26, 2013 @ 23:00:17

    this is good, araw araw, may post.. becoming exciting na,ha3..

    Reply

  3. gianni
    Jun 26, 2013 @ 22:53:24

    hahaha..cge maya, asarin mo ng husto para matauhan…next chapter please..ang ganda kasi..thanks🙂

    Reply

  4. teamSIMON
    Jun 26, 2013 @ 20:39:47

    Huwawwwww!! Mala mike enriquez!! Di tatantanan daw oh!! Hehe.. kami wag mo ding tantanan ang pagbibigay ng vitamin k!!! Super like ko tong chinito series na to!!nakakakumpleto ng araw!!

    Reply

  5. Alpha
    Jun 26, 2013 @ 17:39:31

    May the best gender wins…hehehe. Excited how they’ll come into terms or better yet, be inlove to each other. Pero may love interest si Maya; e si Richard kya? Intrigued prin ako sa ‘deal’ na yun.

    Reply

  6. krisheblacas
    Jun 26, 2013 @ 16:53:59

    aaaaahhhh! please wag mo na akong pahirapan paaaa… hinihintay ko talaga ang series na ‘to. love it!

    Reply

  7. mschuchy
    Jun 26, 2013 @ 16:48:35

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  8. krisheblacas
    Jun 26, 2013 @ 16:45:03

    Reblogged this on When Sparks Fly.

    Reply

  9. precious
    Jun 26, 2013 @ 16:44:18

    ubusan ng patience ang labanan ng dalawa nating bida, well, galing ms con. i love the plot of this story… kaya lang hindi ko nabasa lahat dahil sa video eh… hahaha… (kung makapagreklamo, wagas eh) pero sana ms con. kung maaari lang po ha, remove nyo na lang po yung mv… thanks ms con.

    Reply

  10. felcarnelle2008
    Jun 26, 2013 @ 16:02:02

    excited ako kung kailan cla ma inlove sa isa’t isa hahaha, palaging atat, wala ng gamot ito❤

    Reply

  11. Rocsan
    Jun 26, 2013 @ 16:01:05

    Hahaha, ubusan ng pasensya ineng🙂

    Reply

  12. Jeangndq
    Jun 26, 2013 @ 15:53:12

    Thanks again.! Hehe.. Always checking this site for an update.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: