Mr. Chinito 4

“I’ve been calling you since I arrive kanina but you didn’t pick your phone.”

“Sorry, naka-silent kasi ang phone ko pag nasa loob ako ng klase, di ko naman naisipang i-check kanina kasi nagmamadali kaming pumunta ng gym para manood ng game.”

Maya lied. Alam niyang masama but she wants to get even. Di niya makalimutan ang nangyari kaninang umaga and until now nararamdaman na naman niya ang bigat ng talukap ng mga mata niya sa sobrang antok pa.

“Di ba naka vibrate mode yang phone mo pag naka silent yan? And di mo ba natandaan ang usapan nating dadaanan kita?”

Di na sumagot si Maya, instead she turns her head to face the window at isinandal ang ulo sa upuan niya.

“I can’t believe it, ikaw lang ata ang taong nagpa-antay sa akin ng ganun ka tagal! If di lang ako nag-iingat para di na magalit pa si lolo, kanina pa kita iniwan. Next time naman isipin mo rin yung taong naghihintay sa’yo! Di mo ba alam na madami  akong dapat gawin pa sana, and then nalaman ko lang pinag-antay mo lang ako dahil sa basketball game? Bakit yung boyfriend mo ba naglalaro dun?”

Tahimik pa din si Maya, lalo lang tuloy nainis si Richard sa pagbabalewala nito sa kanya.

“Maya! Look at me when I’m talking to you!”

Di parin siya tinitingnan ni Maya.

“Maya! Hey don’t ignore me..MAYA!”

Richard is already raising his voice pero wala parin.

“MAYA!”

Then came a reply, a  soft snore.

What the ..

Richard reached out and turn her head towards him, at di nga siya nagkamali. Maya is already snoring. That moment, di alam ni Richard kung ano ang mararamdaman niya . Naiinis siya kasi tinulugan lang siya ni Maya, but at the same  time, he finds the situation amusing.

Madaming tao ang naririnig niya na sinasabing, tuwing kaharap siya ay nanginginig sa takot sa sobrang strikto at sama ng ugali niya, but this lady beside him is totally different. Kahit konti wala pa siyang nakitang senyales na natatakot it sa kanya. Unfortunately, siya pa ata ang dapat matakot sa kanya nito.

Pagdating sa bahay..

Ginising ni Richard si Maya who is still sleeping  peacefully beside him.

“Wake up.”

Ilang sandali pa ay nagising din ni Richard si Maya, napabalikwas ito ng bangon, buti na lang naka seatbelt pa kundi baka nauntog na naman ito.

“Andito na tayo?”

“Yes, bumaba ka na..”

“Huh?”

“I said bumaba ka na..why? Do you think I will carry you upstairs? No way! Di mangyayari yon, huwag ka na mangarap!”

Naunang bumaba si Richard sa sasakyan, iiwan na sana niya si Maya pero ng makitang papalabas si Manang Fe ay bumalik ito at pinagbuksan si Maya, kinuha pa nito ang dalang books ni Maya at ngumiti para makita ni Manang Fe .

Plastic! Kainis!!

Pinilit din ni Maya na ngumiti kay Richard kahit nag-aalburuto na ang dibdib niya sa inis. Pag-akyat nilang dalawa, agad nagpunta si Maya sa kwarto nila habang si Richard naman ay sa opisina niya ang tuloy para asikasuhin ang mga papeles na kailangan niyang tapusin. Nang muli silang nagkita, nasa dinner table na sila, kumakain ng hapunan nila.

“Do you have a class on Saturday?”

“Wala, pero baka may lakad ako..bakit?”

“Good! Then cancel it if it’s not important.”

“Cancel? Bakit?”

“Pupunta tayong resort, remember yung resort na sinasabi ni lolo last night? Pupuntahan natin yun to check on a few details bago ko dalhin  yung potential investors dun.”

“Kailangan bang sumama ako?”

“Yes, because you’re my wife, remember?”

Nang marinig ni Maya ang salitang “wife” nagpanting ang tenga niya at kahit wala siya sa harap ng salamin, dama niyang namumula ang mukha niya. Buti na lang at nasa pagkain sa harapan niya ang mga mata ni Richard kundi  baka ano pa ang isipin nito sa kanya. She honestly doesn’t know what to think.  Kung  magiging proud ba siya at may-asawa na siya, o kung magiging proud siya sa pagiging asawa ni Richard Lim.

 “Ano ba gagawin ko dun?”

“Wala, sasamahan mo lang ako.”

“Ano ako bodyguard mo?”

“Kala ko ba napagkasunduan na nating mag-iingat na tayo?”

Inilapit ni Richard ang mukha niya sa mukha ni Maya para di sila marinig ng iba.  Maya snorted. Di pa man umabot ang Saturday iba na ang pakiramdam niya.

 

Nakapag-adjust  na din  si Maya sa setup nilang hatid, sundo, pati na rin sa constant tarayan at asaran nila ni Richard. Di makukumpleto ang araw nila kung di sila magbangayan habang nasa kotse pa at kung di makaka-ganti ang isa pag nalalamangan ito. Friday afternoon nasa tambayan si Maya naghihintay kay Richard nang lapitan siya ni Bart na kagagaling lang ng practice sa gym.

“Hi!”

Masayang bati ni Bart sa kanya while he sits across her. Nagulat si Maya, masyado kasi siyang tutok sa pagbabasa ng libro kaya di niya napansin na papalapit na pala si Bart.

“Hello Bart. Galing ka practice?”

Napansin ni Maya ang basang buhok ni Bart, tumango naman ang binata, smiling at her sweetly. Napansin din ni Bart ang kinakaing chocolates ni Maya na nasa mesa .

“Mahilig ka pala sa chocolates?”

“mmm Oo, gusto mo?”

“No, thanks..”

“Actually di ko naman binili yan , binigay lang sa akin.”

“Oh..manliligaw?”

“hmmm ewan…wala namang sinabi..”

“I see…by the way, wala kang pasok bukas di ba?”

“Wala, bakit?”

“Baka gusto mo sumama? Meron kasi kaming  laro bukas pero dun sa kabilang university, hapon pa naman mga 2 pm pa..”

“Ayoko muna mangako, baka kasi di ako maka-abot. May pupuntahan kasi ako bukas.”

“Sayang naman,  I was hoping you’d go para naman ganahan akong maglaro kasi may cheerer.”

Napatawa si Maya ng marinig ang sinabi ni Bart.

“Bakit?”

“Di ka naniniwala?”

“Kasi naman, may cheerers kayo noh, di ko inasahan kailangan mo ng isang personal na cheerer.”

” Hindi naman, kaya lang iba pag yung sigaw mo ang naririnig ko..alam mo yun , nakaka good vibes..”

Namumula na si Maya at kilig na kilig pa. Gusto niyang ibahin ang topic pero di niya alam paano.  Buti na lang tumunog ang cellphone niya kaya may dahilan na siyang iwasan ang mga tingin ni Bart.

“Hello.”

Maya heard Richard on the other line saying nasa parking area na siya.

“Sige papunta na ako.”

Nagliligpit na ng gamit si Maya.

“Aalis  ka na?”

“Oo eh, dumating na ang sundo ko.”

“Okay, sabayan na lang kita.”

“No, it’s okay..baka kasi may kailangan ka ding puntahan pa..”

“hmmm meron pa nga..pero yung about tomorrow if you could make it, please come..”

“I’ll try..pero di ako nangangakong makakapunta talaga ha.”

“okay lang..wait..can I have your number?”

“Yeah sure..”

Binigay ni Maya ang number niya kay Bart. Deep inside, excited siya realizing that they could communicate na even through text or call na. A good start kumbaga, pinag-kibit balikat na lang niya whenever she remembers Richard.

“I’ll text or call you tomorrow to ask ha ..i hope di ka makulitan.”

“No..not at all. Sige I have to go na talaga.”

“Bye..”

Tumalikod na si Maya at dali-daling nagpunta sa parking area. When she saw Richard’s car, sumakay na siya at ilang sandali pa paalis na din sila  ng campus.

 

Habang nasa daan pa, nakatanggap ng text si Maya galing kay Bart

“Just making sure I got your number right..-Bart”

Napangiti si Maya ng mabasa ito, so she text back.

“Hi Bart, yes..its my number. Take care sa pag-uwi”

Just when Maya thought di na magrereply si Bart, came  another text message..

“I will, thanks! Still hoping you could come tomorrow..pleasseeeee:/

“Uy, kala ko ba bukas ka pa magtetext niyan? ha ha..basta i will try.”

Di pa natapos at sunod-sunod pa ang ibang text messages na dumating. Maya is glad at di siya na-bore habang nasa loob pa ng sasakyan. Richard on the other hand is quiet at nag concentrate sa pagmamaneho. For the first time in days, umuwi silang tahimik at di nagkapikunan.

 

Kinabukasan…

 

Maagang nagising si Maya at Richard para mag-ayos papuntang resort. Naunang bumaba si Richard para kumain ng breakfast, pagkababa naman ni Maya nakita na niyang nagbabasa ng newsapaper si Richard at hinihintay siya.

“Malayo ang byahe so you have to eat..”

Kunot ang noo, napatingin si Richard kay Maya mula ulo hanggang paa. Richard look at her with a displeased look on his face.

“I told you to prepare yourself di ba?”

“Bakit?”

“Don’t tell me you are going to wear that dun sa resort?”

Maya is wearing blue shorts, a sleeveless  floral flowy top, and sneakers. Hair in ponytail and in light make-up. Overall, Maya look gorgeous and sexy.

“Bakit? Anong problema sa outfit ko?”

“Pupunta tayo dun to inspect, hindi para maligo.”

“So? Di naman ako nag swimsuit ah..”

“Maya! You should look …presentable..especially  sa harap ng mga staff.”

“Okay na to..di naman ako ang haharap  sa kanila eh ikaw..”

Nagsimula ng kumain si Maya at di na pinansin si Richard. At dahil di naman siya balak sundin ni Maya, di na ito nakipagtalo pa sa kanya kaya umalis silang ganun pa din ang outfit ni Maya. Dahil mahaba ang byahe. Si Joma ang nagmaneho,  katabi nito si Richard sa harapan habang si Maya naman ay nasa likod naka-upo. Habang nasa likod si Maya, pansin ni Joma na busy ito sa phone niya at ngumingiti pa paminsan-minsan, napansin din ni Richard na parang nakakahalata si Joma kaya nagtext ito kay Maya para pagsabihan.  At dahil di na makapagtext, dinaan ni Maya sa pakikinig ng music at pagtulog habang nasa byahe sila.

Matapos ang dalawang oras, narating na din nina Maya ang resort. Pagpasok pa ang nagandahan na si Maya sa lugar. Preskong hangin galing sa dagat at magandang dalamapasigan kaagad ang napansin niya. Pagdating nila, sinalubong sila ng isang staff sa resort at pumasok na silang dalawa at tumuloy sa opisina. Habang nasa paper works si Richard, nagpasya muna si Maya na libutin ang resort, pinayagan naman siya ni Richard kaya agad siyang lumabas ng opisina.

Maya decided to check the pool side muna. Nakita ni Maya na may mga naliligong bata kasama ang ibang parents nila. Medyo madulas din ang poolside kaya kailangang alalayan ang mga bata, napansin din ni Maya na maraming naka-kalat na plates, glasses, at iba pang mga gamit sa mga mesa at upuan dun kaya tumawag si Maya ng staff para linisin kasi naririnig niya na nagrereklamo na ang guests. Di man siya kabilang sa staff at attendant ng resort, parang nahiya siya sa narinig . Pagkatapos ay nagpunta na siya dun sa may dagat para tingnan na rin ang ibang area ng resort.  Napansin ni Maya na kulang sa lifeguard at may mga area ding di malinis, naisip ni Maya baka isa ito sa dahilan kung bakit nawawalan ng guests ang resort kasi napapabayaan. Sayang kasi maganda naman ang lugar. Pabalik si Maya sa loob ng maramdaman niyang kailangan niyang magbanyo, may nakita siyang CR kaya naisipan niyang dumaan muna doon.

Pagpasok sa loob, tumambad sa kanya ang marumi at mabahong CR kaya nagbago ang isip niya at naisipang bumalik na lang sa opisina, pagdaan niya sa tapat ng boy’s CR di siya makapaniwala sa narinig. She halted her steps and listen carefully kung tama ba ang naririnig niya. She heard a male voice moaning inside the CR na talagang nagpatayo sa balahibo niya, aalis na sana si Maya doon ng di niya inasahang may sumulpot na lalaki at hinawakan siya.

“Ma’am naghahanap po kayo? Pwede po ako, mura lang..pero dahil sexy naman kayo kahit libre pwede na .”

Napansin ni Maya na naka-uniform ito gaya ng uniform ng attendant kanina dun sa poolside kaya sigurado siyang tauhan sa resort ang lalaki. Natakot na si Maya dahil di parin siya binitiwan ng lalaki at parang pinipilit na siyang ipasok dun sa loob ng CR kaya nagpanic na siya.

“Gusto mong mawalan ng trabaho? Asawa ako ng may-ari ng resort baka di mo alam..”

She’s trying her best na di maiyak. Nagpupumiglas  para makawala pero dahil sa lakas ng lalaki nahihirapan si Mayang ialis ang kamay ng lalaki na nakahawak sa braso niya.

“Asawa? Tingin mo maniniwala ako eh wala pa namang asawa ang may-ari dito. ”

“Bitiwan mo ako!”

Pulling her harshly, pakiramdam ni Maya isang dipa na lang nasa loob na siya ng mabahong CR na yon , kaya napasigaw na siya sa sobrang takot.

 

16 Comments (+add yours?)

  1. Crunch
    Jun 28, 2013 @ 08:27:21

    ENEbe!!!!!!!!! Thanks for this Ms. Con! Looking forward to see the next Chapter! Super Exciting to!! :))

    Reply

  2. reesedane
    Jun 28, 2013 @ 01:29:10

    exciting.. next episode pls..

    Reply

  3. mschuchy
    Jun 28, 2013 @ 01:16:46

    Reblogged this on redroses22 and commented:
    more ms con…

    Reply

  4. rocsan888
    Jun 27, 2013 @ 23:54:26

    Ms. Connnnn.. super like this series. very interesting..

    more more more….

    Reply

  5. felcarnelle2008
    Jun 27, 2013 @ 22:17:11

    sablay c Richard Lim sa resort nya…hehehe ito kaya ang magiging most romantic place nila? kailan ma dispatsa c Bart? kasing gwapo ba ni Bart c Rafael? makakapunta pa kaya c Maya sa basketball match ni Bart? at ano ang susuutin ni Maya bukas? lol

    wala lang … kac kahit sa dami ng iniisip kong problema, sumisingit c Mr. Chinito palagi🙂 … napa kanta tuloy ako ng …

    Mr. DJ

    ha…ha…ha… hanggulo ko

    basta … abangan ang susunod na kabanata na lang (teka lang? ako ba ang writer nito????? )

    hindi po, ako ang dakilang fan ni Ms. Nylcoen❤

    Reply

  6. gianni
    Jun 27, 2013 @ 19:44:15

    so excited sa mga susunod na chapters….matagal pa ba bago sila maging ok? thanks.for ur exciting story…i can’t wait🙂

    Reply

  7. Alpha
    Jun 27, 2013 @ 18:15:58

    Ang ganda ganda ms.Con. Truly enjoying your this series. Kailan kaya sila maging in good terms na.

    Reply

  8. krisheblacas
    Jun 27, 2013 @ 17:06:04

    Reblogged this on When Sparks Fly.

    Reply

  9. teamSIMON
    Jun 27, 2013 @ 17:00:13

    Aaaaaahhhhhhhhhhhh! Yan sisigaw na din ako!!! Pero ibang sigaw… sigaw ng pasasalamat!! Hahahha.. ang ganda talaga ng chinito series na to..parang teleserye din!!! Everyday may bago… ang magnda pa wlang technica glitches… hehehhe… virtual hug to you dear author!! Ang galng mo ha… umamin ka.. ikaw ba ay writer talaga? Ang galng galing!!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: