Mr. Chinito 6

“Bakit ano po yon?”

“Natatakot ako baka dahil sa nangyari kahapon ma-depress na naman si Maya.”

“Ma-depress na naman po? Bakit?”

“Five years ago na-depress si Maya. May nangyari kasi noon sa kanya at sa pinsan niya.”

“Kwento nyo po, makikinig lang ako..”

“Fourth year high school pa si Maya noon, doon pa siya nakatira sa San Nicholas. Nagpaalam siya sa lolo niya na may pupuntahan sandali kasama ng pinsan niya. Dalawa kasi sila ng pinsan niyang nakatira noon sa tatay ko habang andito kami ng mga tito at tita niya, yung mga magulang ng pinsan ni Maya, nagtatrabaho sa Manila. Palibhasa si Maya ang mas nakakatanda, pag may lakad silang magpinsan sa kanya pinapaubaya ng lolo niya ang pinsan niyang si Rafi. May school program at dahil gabi na makakauwi ayaw sanang payagan ng lolo nila na umalis silang dalawa pero nagpupumilit sila kaya pinayagan na  rin ng tatay ko. Malalim na ang gabi ng  nakauwi ang dalawa, may mga tambay na nadaanan sila at di nila namalayan sinundan sila ng dalawa sa mga lalaking nadaanan nila. Pagdating sa isang liblib na lugar bigla na lang silang hinatak ng mga lalaki.”

“Wait..don’t tell me..”

Nanlaki ang mga mata ni Richard ng marinig ito..

“Unfortunately, si Rafi,ang pinsan ni Maya ..di ito nakatakas..si Maya naman muntik na, buti na lang at may nakapa siyang bato kaya ito ang ginamit niya para ipukpok sa lalaki kaya nakatakas siya. Nagawa ni Mayang makahingi ng tulong sa mga kapitbahay namin. Nang marinig ng lolo nila ang balita, inatake ito sa puso at dahil sa kaguluhan at abala ang lahat na mahanap si Rafi, di ito kaagad nadala ng hospital. Si Rafi naman patay na ng matagpuan. Pinukpok ng isang malaking bato ang ulo saka  ito iniwan ng mga lalaking humarang sa kanila”

Nakita ni nanay Teresita ang namuong luha sa mga mata ni Richard na pilit nitong pinipigilan. Si nanay Teresita naman ay di na nakapag-pigil sa sarili niya tuluyan na din itong humahagulhol habang naka-upo sa silya na nasa harap ng mesa ni Richard. Agad naman itong nilapitan ni Richard, gently rubbing her back to somehow help ease the pain. Di makapaniwala si Richard sa narinig na kwento. Naiintindihan na niya ito kung bakit di parin ito makamove-on kaagad sa nangyari sa resort. Sinisisi niya tuloy ang sarili niya kung bakit hinayaan niyang lumabas pa si Maya sa opisina kahapon.

“Nay, sorry po. Di ko alam may naging masamang karanasan pala si Maya noon at ako pa ang magiging dahilan sa pagbalik ng depression niya. Sorry po talaga, di ko po sinasadya.’

“Alam ko namang di mo yon kagustuhan ang nangyari kahapon. Isa lang ang pakiusap ko. Sana di mo hayaang ma-depress muli si Maya. Ilang taon din ang lumipas bagoa siya bumangon ulit. Alam na alam ko din na dahil sa pangako niya sa lolo niya noon kaya pumayag siya na makasal kayo, dahil nangako siya sa lolo mo..iniisip niya parin yung pangako niya sa lolo niya noon na aalagaan ang pinsan niya. Hanggang ngayon dala pa din niya sa dibdib ang pangakong di natupad..ayaw niyang may pangako na naman siyang di matutupad.”

“Aaminin ko, di ko rin siya maintindihan kung bakit pumayag siyang makasal kami. Akala ko nga noon yung pera lang ni lolo ang gusto niya. Ngayon na nalaman ko na ang kwento..naiintindihan ko na siya. I promise that I will help her and I promise that I will protect her from now on.”

“Thank you Richard..”

Matagal ding nanatili si nanay Teresita sa mansyon. At sa loob ng mga oras na nag-usap silang dalawa ni Richard. Maraming nalaman si Richard tungkol kay Maya. It change the way Richard look at Maya. Di niya inakala that behind that jolly and tough personality lies a loving daughter to her mother and a sweet and caring granddaughter to her lolo.

Monday came, di pumayag si Richard na pumasok si Maya at sinabihan niya itong magpahinga muna, nang magpumilit ito ginawang dahilan ni Richard ang lolo Roberto niya ang may utos. Nang marinig ni Maya di na ito nangulit pa. Si Richard naman, dahil may kailangang asikasuhin sa opisina pumasok ito pero bumalik din kaagad in time for lunch at may bitbit pang cake for Maya. Pagdating sa mansyon, hinanap kaagad si Manang Fe para magtanong.

“Bumaba po ba si Maya ngayon, Manang?”

“Di ko napansin..”

“Sige po, paki prepare na lang po ng table para makakain na kami. Ako na po ang susundo sa kanya sa kwarto.’

Tumalikod na si Richard at pinuntahan si Maya sa kwarto. Nadatnan niya itong natutulog.

This is not good..clearly an indication na bumabalik na ulit ang depression niya.

“Maya…”

Richard is kneeling beside the bed and gently taping her shoulder. When she open her eyes, he smiles at her.

“I’m home..sabayan mo na akong kumain ng lunch..”

“Busog pa ako..”

Maya replied habang umuupo.

“Please?..and i bought something  for you.”

“Pero..”

“Please..”

Trying his best to convince Maya, fortunately pumayag din ito. Sabay na silang lumabas ng kwarto at bumaba. Di parin kumakain ng maayos si Maya pero nagpapasalamat pa din si Richard na napipilit pa niya itong gawin ang mga bagay na sinasabi niya dito. Nang inilabas na ni Manang Fe ang cake, Richard took a slice and gave it to Maya .

“Here, this is what I told you earlier. I bought it from my favorite bakeshop.Sana magustuhan mo.”

“Thank you.”

Habang kinakain ni Maya ang cake na binigay ni Richard. Di maiwasang matitigan ni Richard ang mukha nito, for the first time since nagsama sila, ngayon lang niya ito nagawa habang kakaharap si Maya. He must admit, attractive din si Maya. Maganda ang kanyang mga mata, katamtamang  taas ang ilong , kissable red lips..

Luscious lips..

Napatitig si Richard sa lips ni Maya, ang bawat pagkilos nito habang kumakain si Maya, pakiramdam ni Richard mas lalong nakaka-engganyong titigan na lang ito.

Ano kaya ang pakiramdam kung mahalikan ko ang labi mo..

Dahil sa kakatitig sa lips ni Maya nakagat tuloy niya ang sariling labi..

“Ouch!”

Tiningnan ni Maya si Richard when he suddenly squeal. Maya look at him with quizzical eyes.

“Okay ka lang?”

“Yes..nakagat ko lang ang labi ko sa pag mamadali kong kumain..”

Palusot ni Richard while covering his mouth habang pinipikit ang mata niya..ninanamnam ang sakit ng labi dahil sa katangahan niya. Ilang sandali ang lumipas, nagpaalam na si Maya na babalik na ng kwarto, pumayag naman si Richard.

Pagkatapos kumain ay sa opisina niya sa baba tumuloy si Richard. Dahil di maka-concentrate at lagi na lang naaalala ang mukha ni Maya nung makita niya itong nanginging sa takot, nagpasya na lang siyang hayaan ang sariling mag-isip ng tungkol kay Maya at sa mga sinabi ng nanay nito sa kanya. Di niya malaman kung bakit, pero nasa isip niya na kailangan niyang alagaan at alalayan si Maya. Kung dahil sa awa o kung ano pa man, ayaw na munang isipin pa ni Richard. Ang mahalaga gagawin niya ang sa tingin niyang tama. To be  at Maya’s side no matter what specially at this point of time.

To be at her side…yeah..bakit hindi … afterall, she’s my wife ..

42 Comments (+add yours?)

  1. paupau14
    Jul 01, 2013 @ 07:56:30

    😦 wla pang chinito 7?? D: waiting (12:56am)

    Reply

  2. Abelzki
    Jul 01, 2013 @ 02:53:16

    Missing mr chinito 7 8 …….. Huhuhu ….

    Reply

  3. frances
    Jun 30, 2013 @ 18:20:24

    waaah! wala po bang update tonight?😦

    Reply

  4. auricel
    Jun 30, 2013 @ 10:39:56

    Bawi ka na mamang singkit! Hehe. Next please!🙂 thank you!

    Reply

  5. Crunch
    Jun 30, 2013 @ 07:56:56

    Mukhang Inlababey na ang ang Mr. Chinito kay Maya ah! ehheh Nice Chapter! pero nakakbitin… heheh Mr. Chinito 7 please..🙂

    Reply

  6. Eden dela cruz
    Jun 30, 2013 @ 01:13:04

    Hmmm mukhang ma inlove na ang mamang singkit ha.

    Reply

  7. Rocsan
    Jun 30, 2013 @ 00:32:31

    Nakakapuyat talaga kaya ako ginawa ko nang bfast si chinito..mahirap na,Hahahah, Affected na daw business sabi ng husband ko.. Hahahhaa, bisyo na daw ito. Bisyo na ang mga fanfic.. Nakakaadik!!!!. Thanks ms con….

    Reply

  8. Jenny
    Jun 29, 2013 @ 23:53:48

    Sweet!

    Reply

  9. gianni
    Jun 29, 2013 @ 21:23:40

    ayan naaa! maglelevel up na si chinito hehehe…hinihintay ko yan ma marealize nia na mahal na pala nia.si maya…salamat🙂

    Reply

    • nylcoen
      Jun 29, 2013 @ 23:50:24

      Actually ako din excited sa paglevel-up ni Mr.Chinito🙂
      Just sit back and relax..and watch a movie? Joke!
      Enjoy the ride as the love unfolds between Chinito and Maya right before your eyes🙂
      Charaught!

      Reply

  10. iamyeyenG
    Jun 29, 2013 @ 17:49:09

    idol! i just realized na hindi pa ako naka pag comment since ur chinito series started *_*
    alam mo naman na i admire everything that u wrote & this is another series that i look forward to every night & it’s always worth the wait! up nxt realization of feelings na? u deserve a mwahugzz gandang b-lady *_* #alamNa

    Reply

  11. Azxeil
    Jun 29, 2013 @ 17:15:02

    yun oh!!! nag-uumpisa na si mamang singkit madevelop kay maya…next na po…hehehe!!! ataters lang🙂 pero sna talaga mamayang early morning may next post na ulit…

    Reply

    • nylcoen
      Jun 29, 2013 @ 23:53:35

      Waaahhh sorry di ko magrant ang wish mo..kung nagpost ako this morning isa lang ang ibig sabihin nun..di ako natutulog hehehe

      Reply

      • Azxeil
        Jun 30, 2013 @ 15:17:39

        hahhahaha…ako lang pala ang d natutulog! wala po kasing work, summer break, kaya pwedeng magpuyat…kahit iba ang time zone natin, inaabangan ko talaga yung next post u…w8 ko na po ang chinito 7🙂🙂🙂 thanks

        Reply

  12. Abelzki
    Jun 29, 2013 @ 16:35:17

    Sana back to back episodes 😎
    Kudos …

    Reply

  13. krisheblacas
    Jun 29, 2013 @ 16:15:36

    grabe i always wait for this series every midnight. galing! i love you po talaga!

    Reply

  14. fishkeeper03
    Jun 29, 2013 @ 16:13:37

    Im a fan talaga!

    Reply

  15. felcarnelle2008
    Jun 29, 2013 @ 16:09:28

    pahabol: excited much kung kailan ma consummate ung marriage nila lol

    Reply

  16. krisheblacas
    Jun 29, 2013 @ 16:08:58

    Reblogged this on When Sparks Fly.

    Reply

  17. teamSIMON
    Jun 29, 2013 @ 15:54:50

    Yun na!!!! Hahahaha.. i love love love chinito series!!! At seympre ang dear author;) thank you very much!!! Pero nabitin ako ha… kahit lagi na bitin ok lang maganda naman ang story;)

    Reply

    • nylcoen
      Jun 29, 2013 @ 16:01:49

      Thanks teamSIMON, kahit kay teamBART ako salamat at lagi ka paring bumibisita dito..Kayong dalawa ni ate Peng deserve bigyan ng isang mwahugss sa aga ninyong bumisita dito sa bahay ko. hehe

      Reply

      • teamSIMON
        Jun 29, 2013 @ 16:10:25

        Sa yo ang dapat ibigay eh lifetime award sa never ending supply ng vitamin k:) super hugs to you nylcoen;) para kang bcwmh… yung mga fanfics mo ang nakakakumpleto sa araw ko para good vibes lagi;) sa totoo lang ang galing mo ha.. nung nagsabog ng talento sa pagsusulat si Lord talagang gising na gising k..;) mre power sa yo.. i hope time willcome na ang passion mo to write will bring you far;) pede ka na magapply sa mga networksas writer.. dami ka na ilalagay sa portfolio mo;)

        Reply

        • felcarnelle2008
          Jun 29, 2013 @ 16:37:09

          tama ka diyan sis, dami niya nang nagawang ff kaya and super ganda, isang dakila at masipag na maybahay pero magagawa pa ring magsulat – that’s talent talaga

          Reply

        • nylcoen
          Jun 30, 2013 @ 00:10:26

          Ay salamat po,dream ko actually maging full-fledged writer pero alam ko namang wala pa sa kalingkingan ang nagawa ko kaya di pwedeng mag-apply. Masaya na ako mag-express ng imaginations ko dito, at least dito walang bawal at walang technical glitch hehe

          Reply

          • teamSIMON
            Jun 30, 2013 @ 03:37:42

            Basta count me in sa mga fans mo at avid readers;) you’re one of a kind!!! Galing talga;) lahat ng fanfics mo nakaka-hooked!!!

            Reply

  18. felcarnelle2008
    Jun 29, 2013 @ 15:48:30

    time check: 11:47pm ang aga ng chinito 6 hahaha, luv na luv kong Con, thanks

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: