Mr. Chinito 7

Tuesday morning naunang bumaba si Richard para kumain. Nang sumunod na si Maya, nagulat si Richard to see her na naka-bihis na, nakangiti pa ito sa kanya na parang walang pinagdaanan nitong mga nakaraang araw.

“School?”

Asking her when he saw her school bag and binder.

“Yep, di ako pwedeng umabsent kasi may reporting kami bukas and kailangan pa naming magmeet ng groupmates ko para maayos ang ilang details sa report namin.”

“Uh okay..are you sure..”

“shhhhh ayoko na pag-usapan yon..”

Cutting him off in mid-sentence. Halatang umiiwas na mapag-usapan ang  nangyari.

“okay, kung yan ang gusto mo..anong oras pala ang uwi mo mamaya?”

“not sure..”

Sagot ni Maya habang sumusubo ng pagkain. Richard notice na kakaiba ang kinikilos ni Maya. First, bigla na  itong naging masigla and now, bigla naman magana kumain. He doesn’t want to ruin the mood pero iba ang nasa isip niya, that she is just faking everything pala lang di na mag-alala ang mga taong nakapaligid sa kanya.

“Hey, if you don’t feel like going to school today ..it’ okay, I can help you with your teacher..”

“Chard..please…”

Looking at him with pleading eyes, Richard decided not to say anything further. Ayaw niya makipag-talo, inisip lang niya baka it’s Maya’s way para makalimutan ang masamang nangyari last Saturday.

After nilang kumain ay umalis na sila ng bahay. Hinatid ni Richard si Maya sa school.

“Maya, call me if uuwi ka na. ”

“Okay, I will.. thanks, bye!”

Lumabas na ng sasakyan si Maya, siniguro naman ni Richard na nakapasok na ito bago siya umalis. Habang papuntang office, napapaisip si Richard na  di naman pala mahirap pakisamahan si Maya. After what happened last Saturday, pakiramdam niya  na from that time on dapat na niyang siguraduhing lagi itong safe lalo na ng malaman niya ang pinagdaanan nito. He promised Nanay Teresita that he will..and he wanted to keep that promise.

Pagdating ni Maya sa lecture room nila napasabak agad sa kwentuhan. Di naman kasi niya makuhang magsinungaling sa mga kaibigan kasi kinamusta yung pagpunta niya ng resort . Gusto na niyang iwasan pang magkwento pa ulit kaya sinabihan niya ang mga ito na ito na una at huling pagkakataon na magkukwento siya tungkol sa nangyari kasi gusto na niyang kalimutan. Naiintindihan naman siya ng mga ito kaya matapos siyang magkwento di na sila nag-attempt magtanong pa.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang professor nila kaya nagsimula na ang klase, sa kalagitnaan ng klase biglang nagulat ang lahat ng biglang may narinig na ingay galing sa cellphone ni Maya.

Sheee.. ano ba ang kailangan ng taong to.

Maya ended the call and  send him a message.

Don’t call me!

Sa office ni Richard..

Don’t call me!? Ano to galit ?

He called her again pero out of reach na ang phone ni Maya. Chineck ang oras at nalaman niyang wala pa palang tanghali. Naisip niyang baka nasa klase pa kaya di na lang niya ulit tinawagan. Nag-aalala parin kasi siya sa ikinikilos ni Maya and he promise Maya’s mother that he’s going to take care of her. For Richard, knowing her whereabouts is part of his responsibility. No more, no less..

Lunch break, palabas na ng klase si Maya kasama ang mga kaklase at kaibigan nang maalala ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bag niya and turn it on. Sunod-sunod ang messages na natatanggap at  halos lahat galing kay Richard. Nang makita ang text galing kay Bart, napangiti siya. May natanggap din siyang text galing sa nanay niya, nangungumusta, pagkatapos niyang masagot ito ay agad naman niyang binasa ang text na galing kay Bart. Sasagot na sana siya sa message nito nang biglang may tumawag.

Mr.Sungit?? Ano ba kailangan nito at kanina pa to tumatawag..

Sinagot ni Maya ang tawag ni Richard.

“Where are you?”

“Agad-agad? Wala man lang hi and hello, tanong agad?”

“Kanina pa ako text ng text sa’yo pero di mo sinasagot..now, where are you?”

“Nasa school pa, bakit ba?”

“Uuwi ka na?”

“Di pa, may gagawin pa ako.”

“Don’t forget to call me when you’re done.”

“Oo nga..”

“Be safe..bye.”

After the call, di maiwasang magtaka ni Maya. Kunot ang noo habang nakatitig sa cellphone niya and mumbles.

“Be safe ka diyan..ginawa mo naman akong bata eh..”

“Uyy, si hubby checking on his wifeyyy”

Biro ni Ruby kay Maya habang nakasunod sa kanya.

“Heh! Wifey ka diyan.dalian nyo gutom na ako..”

Nagpuntang canteen sina Maya para kumain ng lunch. Di pa nga siya inabot ng five minutes sa upuan niya nang tumawag ulit si Richard.

Ang kulittt lang!!

“Bakit na naman?’

“Sorry, I forgot to ask you..nag-lunch ka na?”

“Ano ba..oo, susubo na nga sana eh pero tumatawag ka na naman..Wala ka bang trabaho diyan at parang ako ang pinagtripan mong guluhin ha?”

“Bakit ka ba nagagalit eh nagtatanong lang naman ako. Just want to be sure kasi baka..”

“Stop it..nagugutom na ako okay…maya na tayo mag-usap pwede? Bye!”

Di na narinig ni Maya ang huling sinabi ni Richard kasi tinapos niya agad ang tawag. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga kaibigan niya dahil sa ginawa niya kay Richard.

“What?”

“Grabe ka naman Maya, nagmamalasakit na nga ang tao tinatarayan mo palagi.”

“Shhh, kain na lang tayo ha..madami pa tayong gagawin mamaya tapos gusto kong umuwi ng maaga.”

“Pinapauwi ka ng maaga?’

“Hindi naman..may kailangan pa kasi akong ireview para sa reporting natin. Since nung nangyari last Saturday di pa ako nagreview ulit.”

“hmmm, bakit di na lang tayo sa bahay ninyo magreview at gumawa ng visual ad for our report. . okay lang naman siguro sa asawa mo yun di ba?”

Napaisip si Maya sandali, magiging advantage din sa kanya kung sakaling dun nila gagawin sa bahay kaya tinawagan niya si Richard to ask permission, fortunately pumayag si Richard at sinabihan siyang si Joma na muna ang susundo sa kanya kasi di siya pwedeng umalis ng maaga sa hotel at maraming kailangang gawin.

Hinintay nina Maya sandali si Joma para sunduin sila, pagkalipas ng kalahating oras ay dumating na din ito, agad ng umalis sina Maya pauwi ng mansyon.

Sa mansyon..

“Wow! Maya ang laki naman ng bahay ninyo.”

“Kay Richard to, di to sa akin ..bihis na muna ako. Antayin nyo ako dun sa veranda ha.”

Maya lead them to the veranda tapos tinawag si Manang Fe para dalhan ng snacks ang mga bisita niya saka na siya pumasok sa room nila at nagbihis. Paglabas ni Maya, bitbit na nito ang ilang gamit na kailangan nila para sa gagawing visual ads. Agad din silang nagsimula. Buti na lang talaga at sa bahay nina Maya sila kasi may katagalan din ang pag-gawa ng  mga materials for their report. Madilim na sa labas ng matapos nila ito.

“Hay salamat at natapos din!”

Daing ni Edward habang tinutupi ang ilang manila paper na nasa harap niya.

“Buti na lang talaga Maya dito natin to ginawa kundi mahihirapan tayong iresearch yung ibang detalye kung dun lang tayo sa may tambayan tapos kulang pa yung reference books natin. Dito at least madaling humanap online.”

“Oo nga eh..”

“Teka, di pa umuuwi ang asawa mo?”

“Sabi niya kanina busy daw kasi siya, kaya nga si kuya Joma ang sumundo.”

“Ahh…pero di naman niya kami pinagtataguan noh?”

“I’m sure hindi..oi, dito na kayo maghapunan ha. Sabayan ‘nyo ako.”

“Maya huwag na, nakakahiya..sa bahay na lang kami.”

“Ay huwag kayong ganyan, nagpaluto na ako kina Manang Fe..teka check ko muna kung ready na ha..”

Iniwan ni Maya ang mga kaklase sa veranda para bumaba. Nadatnan niya si Sabel na sinasagot ang telepono.

“Si Richard po ba yan? Paka-usap naman.”

“Ay hindi po..hinahanap po ang amo daw po eh..”

“Ah ganun, sige ako na lang kakausap..”

Binigay ni Sabel kay Maya ang  ang telepono at umalis din ito agad.

“Hello?”

“Hello. Sino to?”

“Si Maya po to..sinong hinahanap ninyo?”

“Maya..pakisabi sa amo ninyo na may naghahanap sa kanya please..”

“Amo po?”

“Yes, si Richard.. Lim residence to di ba?”

“Yes, po..”

“Okay, please tawagin mo ang boss mo at gusto ko siya makausap. This is Catherine.”

“Hello Catherine, wala pa kasi ang asawa ko.”

“Excuse me?”

“Wala pa po kasi ang asawa ko..may ipagbibilin po kayo?”

“Asawa? You mean, this is Chard’s wife?”

“Opo..any message for Richard?”

“No. wala naman…mangungumusta sana..sige thank you. Bye.”

Since naputol na ang kabilang linya, agad ng binalik ni Maya ang receiver ng telephone sa lalagyan nito at nagtungo na ng kusina. Pagdating doon ay nakita nito si Manang Fe na hinahanda na ang mga pagkaing ilalabas sa may mesa.

“Manang Fe paki-prepare na po ng mesa. Di po ba tumawag si Richard?”

“Hindi, pero baka pauwi na din yon..maghihintay ba kayo o mauuna na?”

“Manang uuwi na kasi ang mga kaklase ko kaya siguro mauna na lang kami.”

“Sige, ihahanda na namin ang mesa.”

“Thank you po Manang..”

Bumalik na si Maya sa veranda at sinabihan ang mga kaklase na hinahanda na ang mesa. Ilang minuto ang nakaraan ay pinuntahan na sila ni Sabel, informing them na ready na ang mesa. Agad naman silang bumaba na. Masaya ang hapunan kasi madaming kasama si Maya. Puno ng kwentuhan at tawanan sa mesa. Pati sina Manang Fe na nakikinig sa may kusina ay napapangiti kasi unang beses na may narinig silang halakhakan sa loob ng bahay mula ng tumira sila doon. Di din nagtagal ay dumating na din si Richard, kaya biglang tumahimik ang lahat dahil sa hiya. Nagpaalam na din ang mga kaklase ni Maya, natakot ng makita ang seryosong mukha ni Richard pagdating nito. Pinahatid ni Maya kay Joma ang mga kaibigan para di na mahirapan pang maghanap ng taxi kasi gabi na din. Nang maka-alis  na ito ay bumalik naman siya kaagad sa mesa.

“Thank you daw sabi ng mga kaklase ko kasi pumayag ka at saka sa hapunan din.’

“That’s okay, bakit pala umalis sila kaagad. Gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa mga kaibigan mo.”

“Malamang dahil sa itsura mo kanina.”

“Bakit? Ano ba itsura ko?”

Ngumiti lang si Maya at di na sinagot. Baka kasi magalit pa, di pa naman niya sinagot ang mga texts at tinarayan pa niya ito kanina.

“Basta…ay siya nga pala..may naghanap kanina..Catherine daw..naghahanap sa’yo pero wala ka kaya binaba niya kaagad.”

“Catherine? She’s here?Saan daw? Kailan pa?”

Excited?

Natawa si Maya nang marinig ang sunod-sunod na tanong ni Richard. Di na naitago pa ni Richard ang kaba at tuwa ng marinig ang pangalan ni Catherine, pati tuloy si Maya biglang napaisip kong sino si Catherine sa buhay ni Richard at bakit parang ang saya ng asawa niya.

24 Comments (+add yours?)

  1. yssa13
    Jul 02, 2013 @ 14:41:55

    Hello po.. Matagal na po talaga akong nagbabasa nang mga gawa niyo at araw2x ko po talaga sinusubaybayan ito… Just want to say thank you for all the great works you have created… Naging hobby ko na po talaga ang pagbabasa sa works niyo eh… Keep it up!!!🙂

    Reply

  2. Crunch
    Jul 02, 2013 @ 06:55:39

    Hmm?!?! Sino si Catherine! Do I Smell Jealousy here? hehehe Thanks for this! ’til the Next One!🙂

    Reply

  3. mschuchy
    Jul 02, 2013 @ 01:43:58

    Reblogged this on redroses22 and commented:
    this fanfic was reblogged from weirdlockinlove.wordpress.com and i have been following this blog. and i have come to love the way the author writes. ^__^

    Reply

  4. gianni
    Jul 01, 2013 @ 20:38:35

    hayyyy salamat at may chinito ngayon..ala kasi kahapon eh araw araw kong inaabangan…sana bukas ulit..wait pwede rin ngayon ulit hahaha..salamat🙂

    Reply

  5. cecil
    Jul 01, 2013 @ 17:47:42

    Nakakaexcite cant wait for the next chapter🙂

    Reply

  6. paupau14
    Jul 01, 2013 @ 17:21:56

    😐 anong role ni Catherine kay Richard.. tssk!! may away nnmn ba?? (selos maybe?) anyways thanks sa update Ms Author..😀

    Reply

  7. krisheblacas
    Jul 01, 2013 @ 17:11:24

    Reblogged this on When Sparks Fly.

    Reply

  8. Alpha
    Jul 01, 2013 @ 17:03:06

    Oh yes, pa-excite ng pa-excite pero, oh no, pareho silang may other interests. Wish ko good friend lng ni Richard dito c Catherine na gusto lng pagselosin c Maya para mag-work out kung ano man yang deal na meron.

    Reply

  9. Abelzki
    Jul 01, 2013 @ 15:36:08

    Sana by 11:30 pm may chinito 8 na hehehe
    Pambawi sa kagabi … Peace ms author ✌

    Reply

  10. Azxeil
    Jul 01, 2013 @ 15:35:56

    yeyyy!!!! ang aga ng update ngayon, makakarelax na! pero si catherine kahit saan talaga epal. d bale lam ko malapit ng maging ok cla mamang singkit at maya. Thank🙂 mamaya po ulit…hahahhahaha…walang tulugan🙂🙂🙂

    Reply

  11. krisheblacas
    Jul 01, 2013 @ 15:07:28

    Salamat naman at naghintay talaga ako. antok na antok pa naman ako. hahaha. I was writing while waiting nalang. Please next na po! Sino ba tung Catherine na ito at naeexcite pa si Richard. Grrrr. Hahahaha aligaga lang ako. Perfect ka talaga! More more!

    Reply

  12. felcarnelle2008
    Jul 01, 2013 @ 15:03:53

    ayan na, malapit na, malapit na talaga – malapit na akong mabaliw sa kaka-anticipate ng

    <
    <
    <
    <
    <

    honeymoon lol

    gravehhhhhhhhhh – di ko mabilang kung ilang refresh ang ginagawa ko dito kung may pumasok na latest, e malalaman ko naman dahil may email notification ako sa phone, buhay adik, nakaka adik lol

    umamin ka gandang writer (na kasing ganda ng baby mo) linagyan mo ng potion tong fanfic mo no? nababaliw kami sa paghintay ng updates

    bravoooooooooo❤

    Reply

    • nylcoen
      Jul 02, 2013 @ 03:06:14

      LOL! Ate Peng si potion po hanggang sa The Garden and the Butterfly lang..teka, type mo yung potion ko dun? Alin du ang gusto mo..ang juice o ang candy? Chos!

      Reply

  13. teamSIMON
    Jul 01, 2013 @ 14:54:49

    Wow!!! You made my day complete!!! Chinito series, i love you!! Hahahah.. Eto ang counterpart ng bcwmh sa pagpapakilig… Uber!!! Ms. Nylcoen, thank you so much!! Galing mo;) ang dami naming nagaabang kahapon pa… Syempre sunday, araw naman ng pamamahinga.. Hahahaha.. At pagrrecharge ng mga kilig thoughts di ba? Hope you had a good weekend.. Ako good na good at paulit ulit kong binabasa ang mga nasulat mo specially this one;)

    Reply

  14. cass
    Jul 01, 2013 @ 14:49:42

    salamat po d nag absent si chinito ngaun sana bukas maaga din xang ppasok.hehehe

    Reply

  15. Eden dela cruz
    Jul 01, 2013 @ 14:48:10

    Oops may selos factor akong naamoy kay maya ha… Thanks for uploading a new chapter… Bukas ulit.

    Reply

  16. felcarnelle2008
    Jul 01, 2013 @ 14:41:11

    time check: 10:40 lumabas ang chinito 7 hahahaha, talon talon ako

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: