Mr. Chinito 8

“Sino si Catherine?”

Maya ask Richard. Looking at him with amused eyes. Deep inside, she has this inkling that she is someone special. Si Richard naman di makatingin ng diretso sa mga mata ni Maya, halatang umiiwas. Gusto pa sana ni Mayang tuksuhin pero nakita niya ang pag iba ng mood ni Richard kaya pinabayaan na muna niya ito.

“Mauna na ako sa taas.”

“Samahan mo muna ako dito..malungkot kumain mag-isa.”

“Okay…”

Naninibago si Maya sa takbo ng pamumuhay nila, noong nakaraang linggo lang wala silang kibuan, kung mag-asaran parang mga bata lang pero ngayon, di man sila close, at least di na nagbabangayan. Habang kumakain si Richard napatitig si Maya sa kanya.

hmmm kailangan ba talaga niya ng eye glasses  o pandagdag pogi points lang para mag mukhang genius..Gwapo din naman siguro siya tingnan kung wala yan noh..

Sa kakatitig ni Maya di nito napansin na nahalata na pala siya ni Richard. Umiiling ito nang makita siyang titig na titig sa mukha niya at nakakunot pa ang noo.

“Ganun ba ako ka-gwapo at di mo maiwasang tumitig sa akin?”

Patuloy pa rin sa pagtitig si Maya kay Richard na parang walang narinig. Huminto si Richard sa pagsubo ng pagkain at inilapit ang mukha niya kay Maya habang nakangiti.

“Gusto mo tanggalin ko salamin ko para makita mo talaga ang chinitong kapogian ko?”

Richard is now teasing Maya. Annoyed of what she heard, tinaasan ng kilay ni Maya si Richard and purse her lips.

“Sino namang maysabi na pogi ka? Porke ba mala Richard Poon ang bloodline mo, nakiki-chinito ka na rin? Tse! Kumain kang mag-isa diyan”

“Ang pikon mo Maya, ikaw din naman may kasalanan kasi titig ka ng titig sa akin..ayaw mo pang aminin na napopogian ka sa akin.”

Annoying her more, Maya felt her face burning from embarrassment. Fortunately she’s on her way to their room, saving herself from further embarrassment and discomfort.

Hmmpph kung bakit pa kasi ako tumitig, pinahamak ko lang sarili ko!

Para maalis ang inis kay Richard, Maya decided to get her books and take them to the veranda para dun na mag-aral. Si Richard naman pagkatapos kumain ay nagtungo ng opisina niya sa baba. Matagal-tagal na ding nanatili si Maya sa veranda, lumalamig na ang hangin at marami ng lamok so she decided to go back to their room at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral nang makita niya si Richard na naglalakad sa baba habang may kausap sa cellphone niya. He look serious, at kahit malayo si Richard she thought she can see the furrowed brows, and can even hear the serious tone of his voice while talking to whoever it was on the other line. His body movement says it all..pacing to and fro, hand holding the back of his head or his nape. These actions somehow tells Maya that something is bothering him. Bababa na sana si Maya para lapitan si Richard but she saw him walk briskly towards his car. He look up and saw her at the veranda looking down at him pero di man lang ito huminto to acknowledge her or para magpaalam man lang muna. Medyo may konting kirot sa dibdib ang ginawa ni Richard, harapan siyang inisnab kaya na imbyerna si Maya sa kanya. Sa inis ay pumasok na lang ulit si Maya sa kwarto nila.

Agad namang nagsimula ulit sa pag-aaral si Maya, dahil sa nangyari noong nakaraang Sabado madami pang kailangang pag-aralan si Maya.  Sa sobrang engross sa pinag-aaralan inabot na siya ng madaling-araw, buti na lang at di maaga ang pasok niya kinabukasan kaya pwede pa siyang magpuyat. Inabutan na siya ni Richard na gising pa.

Pagbukas ni Richard sa pintuan ay nakita siya nitong nakatulala at nakatingin lang sa may bintana. Napabuntong-hininga ito ng makita si Maya, agad naman siya nitong nilapitan, itinupi ang librong nasa kandungan nito at nilagay sa may bedside table, umupo sa gilid ng kama nila at hinawakan ang kamay niya.

“Sabi ko na nga ba di ka pa okay, nagkukunwari ka lang kanina para payagan kitang pumasok… Maya, walang ibang makakatulong sa’yo para makabangon sa depression mo kundi ikaw lang mismo. Tutulungan kita, huwag kang mag-alala. Okay ganito na lang..hahayaan kita pero ngayon lang…but promise me that tomorrow when you wake up kakalimutan mo na lahat ng nasa alaala mo. Promise me that you will try your best para di na alalahin lahat ng gumugulo sa isip mo ngayon.”

Sabi ni Richard kay Maya with such sweet and sad tone. Maya on the other hand, stare at him with glaring eyes and lips forming a thin line, maya-maya ay di siya nakapagpigil at tinaasan niya ng boses si Richard.

“Kalimutan? Ganun na lang yon, kalimutan?”

“Maya…don’t be mad..I was just trying to help …please”

Richard, trying his best to convince Maya na maganda ang intensyon niyang tulungan siya.

“Anong help? Alam mo bang tiniis kong di matulog para lang matapos ko na ang dapat kong i-memorize para sa report ko bukas tapos kakalimutan ko lang?! Tsaka, ano yung depress-depress na sinasabi mo? HRM ang kurso ko hindi Psychology huwag kang engot! Akin na nga yang libro ko! Nakalimutan ko na tuloy ang sinaulo ko kanina.”

Maya took her hand off his hold and reach out for her book and open it again. Si Richard naman dahil napahiya, tumayo na na lang . Namumula sa sobrang hiya ng ginawa niya and so  he decided to wash-up and change ..

“Saan ka galing kanina?”

Maya knew she sounded like a jealous wife but she can’t help it. After ng nangyari pangiisnab sa kanya  ni Richard, she thought she deserve an explanation. Napahinto si Richard sa may pintuan, parang nagiisip kung sasagot or hindi.

“Do I sound like nangingi-alam? It’s okay if you won’t answer my question. I was just asking kasi parang nagmamadali ka kanina.”

Pero kung sasagutin mo ako, mas mabuti…afterall ikaw din naman nagtatanong din sa akin ng whereabouts ko.

Maya is trying to justify her question to Richard in her mind. But unfortunately, parang ayaw magsalita ni Richard.

“Di ka pa matutulog? Madaling araw na, may pasok ka pa bukas.”

So ayaw niya talagang sagutin ang tanong ko..okay fine..

“10 pa ang pasok ko … di ako sasabay sa’yo ..si kuya Joma na lang muna ang maghahatid sa akin.”

“Okay..”

Pumasok na ng shower room si Richard habang si Maya naman ay binalik sa pag-aaral ang focus. Pagkaraan ng ilang sandali ay humiga na din si Richard sa tabi niya nakatalikod sa kanya habang si Maya naman ay inilagay ang tatlong unan at the middle that would serve as their barrier. Nang masigurong nakatulog na si Richard ay pinatay na nito ang lamp na nasa bedside table niya at natulog na din.

 

Kinabukasan ay naunang umalis si Richard. Tulog pa si Maya ng umalis ito, kaya di na siya ginising pa ang hinayaan muna siyang matulog ng ilang oras, nagbilin na lang ito kay Joma na ihatid si Maya at kay Manag Fe naman na gisingin ito bago mag alas-nuwebe para di malate sa klase niya.

Pag gising ni Maya ng past 8 ay diretso siya sa baba para mag-almusal. Habang naka-upo sa mesa at kumakain naisipan ni Maya na magtanong kay Manang Fe.

“Manang..may kilala ka bang Catherine?”

“Po?”

“Catherine po..kasi kahapon may tumawag, Catherine daw pangalan tapos hinahanap si Richard.”

Tanong ni Maya sa matanda habang sumusubo ng pagkain, si Manang Fe naman ay napatigil sa ginagawa at humarap sa kanya.

“Wala po bang nabanggit si Ricardo sa inyo Ma’am Maya yung tungkol kay Catherine?”

“Manang…Maya lang po..si Richard nga Ricardo lang tapos ako ma’am? Maya lang po..”

“Kung yan ang gusto mo, sige Maya na lang..pero teka, wala pa bang nabanggit si Ricardo sa’yo tungkol kay Ma’am Catherine?”

“Wala po eh..bakit sino po siya?”

“Aba’y itanong mo sa kanya…di ako ang dapat magsabi ng tungkol kay Catherine kundi siya lang..ayoko pangunahan si Ricardo..siya na lang tanungin mo ..”

“Okay po..si lolo Roberto po, pwede ko po siyang tanungin?”

“mmm pwede naman siguro, pero mas mabuting kay Richard ka na muna magtanong kasi asawa mo siya eh..”

Maya nodded her head slowly. Ilang minuto pa silang nag-usap ni Manang Fe habang kumakain siya, kung di pa siya ni-remind ni Manang Fe na may pasok pa ito tuluyan na talaga niyang makalimutan ang schedule niya. Napasarap sa kwentuhan ang dalawa kaya agad naman siyang umakyat ulit para maghanda na. Napailing na lang habang nakangiti si Manang Fe sa kanya habang pinagmamasdan siyang nagmamdaling umakyat sa hagdanan.

 

Sa school, laking pasalamat ni Maya na naging maayos ang group reporting nila. Lahat ng questions and lahat ng details ng report ay na-deliver nila ng maayos kaya nag-celebrate sila over lunch sa canteen sagot lahat ni Maya. Overwhelm sa saya si Maya kasi at least kahit super cramming ang ginawa niyang preparation di siya pumalpak. Habang nagla-lunch nakatanggap ng text si Maya from Richard asking her kung anong oras siya uuwi.

“Baka late na, pupunta pa akong bookstore “

Richard’s reply surprises Maya.

“K”

K?! ..okay..hmmpp

Naiinis si Maya pero di niya alam kung bakit naiinis siya kay Richard ..  naiinis din siya sa sarili niya kung bakit siya naiinis sa takbo ng pangyayari sa kanilang dalawa. Buti na lang busy sa daldalan ang mga kasama niya kaya di siya napansin ng mga ito, pinilit naman ni Maya na mawala sa isip ang inis niya kay Richard kaya nakisali na din sa tsismisan ng mga kabarkada niya.

Pagkatapos ng klase ng hapon ding yon ay agad na umalis si Maya para pumuntang bookstore, dahil sa nagmamadali at ayaw niyang gabihin masyado sa pag-uwi, di nito namalayan ang pagtawag ni Bart sa kanya. To get her attention, Bart tried to stop her by holding her arm that made Maya flinch. Namutla si Maya sa sobrang kaba at gulat ng ginawa ni Bart.

“Ooppps sorry..nagulat ba kita?..”

“BART!”

She stop walking, covering herself with her other arm sa sobrang gulat ng pagkahawak ni Bart sa kanya.

“Sorry.. I didn’t know magugulatin ka pala..”

“It’s okay…just, just don’t do it again..it always freaks me out when someone grabs my arm like that..”

Maya tried to explain without showing too much fear baka magtaka at magtanong pa si Bart, bagay na iniiwasan niya.

“Maya!”

Maya and Bart both look back and saw Richard standing right outside his car. It only took few strides from him then he is at her side already holding her elbow gently.

“Are you okay?”

“Ye-yes..okay lang, nagulat lang ako..”

Richard faces Bart with an angry look, hand curled into a  firm fist, as if  preparing it to land on Bart’s handsome face.

Oh no! You can’t do that  Chard..

Maya could only pray that Richard will be able to hear her mind speak out before it’s too late.

 

 

 

15 Comments (+add yours?)

  1. Crunch
    Jul 03, 2013 @ 08:02:20

    Thanks for this!Chinito 9 please..🙂

    Reply

  2. precious
    Jul 02, 2013 @ 23:30:04

    Ms con, publish Chinito 9, excited na ko… Ü

    Reply

  3. Alpha
    Jul 02, 2013 @ 17:40:01

    Rom-Com ang Chinito. Thanks ms.Con

    Reply

  4. Azxeil
    Jul 02, 2013 @ 15:25:10

    hmmmm…nagiging interesting na ang mga pangyayari. pero sana d matagal ang eksena nung catherine para hapi-hapi na agad. thanks po ulit sa update…bukas na lang ako ulit mangungulit for chinito 9🙂

    Reply

  5. mschuchy
    Jul 02, 2013 @ 15:19:54

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  6. paupau14
    Jul 02, 2013 @ 15:19:52

    oooh nooo!! and cnu ba tlga yang Catherine na yan??!

    Reply

  7. precious
    Jul 02, 2013 @ 15:19:20

    nice one ms con pero who is catherine ba talaga?!? ex ni richard or baka girlfriend niya before sila nagpakasal ni maya at hindi sinabi ni richard dito na kinasal na siya kaya naghahabol pa rin?

    so many speculations, no answer.

    Reply

  8. krisheblacas
    Jul 02, 2013 @ 15:11:04

    Hahaha maraming salamat po!!!

    Reply

  9. rocsan888
    Jul 02, 2013 @ 15:08:55

    cuteee na talaga.. eagerness!

    Reply

  10. teamSIMON
    Jul 02, 2013 @ 15:08:27

    Woohooo!!!!! Mainit init pa.chinito 8 so intense!!! Ang galing mo talaga ms. Nylcoen;) at kung mapacliff hnger mo kami about kay catherine.. wagas na wagas.. eh sino nga ba sya? Misteryosa.. hhaha.. masusuntok ba ni richard si bart? Naku…. nakaaexcite;) wala bang teaser? Hehehhhe…. maraming salamat ha… more power sa pagsusulat mo;)

    Reply

  11. felcarnelle2008
    Jul 02, 2013 @ 15:04:34

    sino ba c Catherine? d same ba character niya sa BCWMH? magkasama ko silang ipaliligpit ni Bart pag eepal cla… lol

    mabuti na lang bumalik ang ilaw sa Iligan kaya may Chinito 8 – ang saya saya, mag importante ito compare sa pagliligpit ko🙂

    hanggang sa muli – Chinito 9 coming soon in the nearest liplockinlove theater near you hihihi

    Reply

  12. Ella✌ (@Ruzel29)
    Jul 02, 2013 @ 15:04:24

    inlavey na ata si Mayabels kay Chinito🙂

    Reply

  13. krisheblacas
    Jul 02, 2013 @ 15:03:27

    Reblogged this on When Sparks Fly.

    Reply

  14. felcarnelle2008
    Jul 02, 2013 @ 14:52:53

    time check: 10:52 pm – pumasok ang Chinito 8 hahaha

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: