Mr.Chinito 12

“Lolo, si Catherine .. asan na siya ngayon?”

Kahit alam na ni Maya na nagbalik na si Catherine sa Pilipinas, gusto pa din niyang malaman kung alam na ito ni lolo Roberto at baka kahit konting information tungkol kay Catherine may makuha din siya. Ayaw man niya aminin, curios din siya kahit papaano na malaman ang tunay na katauhan ni Catherine.

“Don’t be surprise Maya..someone told me na bumalik na ito sa Pilipinas. She came back after nilang mag divorce ng asawa niya 3 months ago”

“Talaga po?.. so..”

“Huwag kang mag-alala di mangyayari ang nasa isip mo. Di na siya pwedeng bumalik pa kay Richard kasi andyan ka na.”

At that point, di na makatingin ng diretso si Maya kay lolo Roberto naguilty siya bigla kasi naniwala talaga si lolo Roberto na di pa niya alam ang tungkol kay Catherine. Pero ikinagulat ni Maya ng malaman niya ang tungkol sa divorce nito. Para lang makaiwas na matingnan ang mata ni lolo Roberto, binaling niya ang atensyon sa pagkaing nasa harapan niya. Kahit may laman pa ang plato na nasa harapan niya, napakuha siya ulit ng ulam at kanin, huli na nag marealize niyang naparami na at mahihirapan na siyang ubusin ito.

Change topic tayo lolo, mapapadami ang kain ko baka ma-empatso na ako nito. Kanina pa ako kumakain.Bundat na bundat na ako.

Agad nag-isip si Maya ng paraan para mailihis ang topic na pinag-uusapan nila.

“Lolo, pag sinabi mong alagaan..ibig sabihin pakakainin, paliliguan, ang bibihisan?”

Ang lakas ng tawa ni lolo ng marinig ang tanong niya.

“Yung pakainin, oo..yung paliguan at bihisan, aba’y nasa sa’yo na yon..bakit di mo pa ba yan nagawa sa kanya?”

Shoooottt!

A dose of her own medicine, namula si Maya sa hiya ng marinig ang biro ni lolo Roberto. Ngayon di agad siya nakasagot sa tanong ng matanda, mas lalo tuloy tumawa ang matanda.

“Eiii lolo….sa amin na lang yon!”

“Nahiya ka pa!..But seriously, basta alagaan mo lang si Ricardo..kung ano usually ginagawa ng isang mabuting asawa gawin mo yan sa kanya..”

Shucks! Ano nga ba ang ginagawa ng mabuting asawa lolo? Makipag-date sa iba?

Natawa si Maya ng biglang maisip ang setup nila ni Richard. Kung alam lang ng lolo nito ang napag-usapan nila baka matagal na silang nabatukan nito ng sabay.

“Lo, huwag ka mag-alala…aalagaan ko si Richard..promise yan”

“Thanks Maya…ang swerte ng apo ko nahanap kita”

“Pasalamat ka sa siomai lolo nahanap mo ako”

Tumawa na lang si lolo Roberto, yon naman kasi talaga ang reason kung bakit sila nagkakilala ni Maya.

Pagkatapos mag-usap ni Maya at lolo Roberto ay umuwi na ito. Pinahatid ng driver ni lolo Roberto si Maya sa mansyon since malapit na ding mag alas-nuwebe ng gabi. Pagbukas ng gate ni Joma, agad nitong sinabihan si Maya na dumiretso na sa opisina ni Richard at kanina pa siya hinahanap nito. Saka lang naalala ni Maya na di pala niya nasabihan na pagkatapos sa restaurant ay didiretso siya sa bahay ng lolo kasi pinatawag siya. Malayo pa lang si Maya nakita na niyang nasa harap ng laptop na naman si Richard at mukhang mainit na naman ang ulo kasi magkasalubong ang kilay nito. Bago pumasok ay kumatok muna siya.

“Bakit na naman?”

Nagulat si Maya sa lakas ng boses ni Richard. Di nga siya nagkamali, mainit ang ulo nito. Nang tiningnan siya ni Richard, mas lalo ata uminit ang ulo ng makita siya.

“umm kanina ka pa?”

“Yes!”

“Kumain ka na?”

“Kanina pa.”

Napansin ni Maya na ayaw na siyang tingnan ulit ni Richard. At nahalata din niyang walang interes na makipag-usap ng matagal sa kanya. Siguro nga dahil nagalit din ito ng di niya sinunod ang gusto na umuwi na siya.

“Ah, sige akyat na ako.”

Tumalikod na si Maya ng maalala niya ang sinabi ni lolo kanina kaya bumalik ulit siya  sa may pintuan ng opisina ni Richard para magtanong.

“Gusto mo ng kape?”

Di inasahan ni Richard ang kanyang tanong kaya  tinaasan siya ng kilay at kahit di nagsalita, alam ni Maya nagtatanong ito kung bakit bigla siya nag-offer ng kape.

“Gusto mo? Ipagtitimpla kita..”

“Sige, thank you.”

“Sige ipagtitimpla kita bago ako umakyat, si Manang Fe na ang magdadala ha.”

Nakita ni Maya na tumango ito kaya umalis na siya at nagpunta ng kusina. Nadatnan niya doon si Manang Fe habang nag-aayos ng mga kubyertos.

“Manang Fe..magtitimpla po ako ng kape para kay Richard. Pwede po bang makisuyo na ikaw na ang magdala nito sa kanya?”

Nagtataka man si Manang Fe, tumango na rin ito. Tinitingnan siya ng mabuti habang nagtitimpla ng kape ni Richard. Di maiwasang matawa ni Maya dahil kung makatingin ang matanda sa kanya, kulang na lang talaga tapikin ang pisngi niya at baka nananaginip lang siya. Hinayaan lang ni Maya ang matanda hanggang sa matapos siya sa kanyang ginagawa.

“Ito na po Manang oh..salamat po ha.”

“Okay. Wala kang ipagbibilin na sasabihin ko?”

“Ah, pakisabi na lang po huwag siya masyado magpuyat.”

“Yon lang?”

“Opo.”

“Sige, ihahatid ko muna to sa kanya.”

“Ay..Manang Fe, ano po pala ang iinumin mo para matunawan ka? Ang dami ko kasing nakain kina lolo Roberto di ata ako natunawan, sumasakit ang tiyan ko.”

“Teka, maghahanap ako sa medicine cabinet..”

“Thanks po Manang. Sige magbibihis lang po ako tapos bababa na lang ako para kunin ang gamot.”

Umakyat na si Maya sa taas para magbihis habang hinatid naman ni Manang Fe ang kape na tinimpla ni Maya para kay Richard sa opisina nito.

“Ricardo, ito na ang kape mo.”

“Si Maya po umakyat na?”

“Oo, pero bababa din yon para kunin ang gamot..sige iwan na kita at maghahanap ako ng gamot niya sa medicine cabinet…teka sabi nga pala niya huwag ka magpuyat.”

“Gamot?Bakit may sakit ba siya?”

“Masakit daw ang tiyan, di daw siya natunawan sa dami ng nakain niya doon sa lolo mo”

“Nagpunta siya kay lolo? Akala ko ba..”

“Na ano?”

“Ahh wala po..”

Isang makahulugang ngiti ang iniwan ni Manang Fe kay Richard bago ito tumalikod. Si Richard naman naiwang nagtataka sa sinabi ni Manang  na nagpunta si Maya sa bahay ng lolo nito. Kanina lang ang sabi niya ay kasama niya si Bart ngayon naman iba ang sinabi, di tuloy maiwasang maghinala ni Richard na baka palusot lang yon ni Maya kasi di naman nito pwedeng sabihin na iba ang kasama nito. But on the other hand, nag-alala din siya ng konti ng sinabi ni Manang Fe na masakit ang tiyan nito.

Ilang oras ding nanatili si Richard sa loob ng opisina niya bago nito natapos ang binabasang report, pinatay na niya ang kanyang laptop para umakyat na at magpahinga ng makita nito ang tasa na nasa tabi nito. Naalala niya yung nangyari kanina. Nainis siya kasi di siya sinunod ni Maya na umuwi na ito tapos ang tagal pa bago siya umuwi sa bahay. At kahit ayaw niya aminin, nainis din siya sa sarili niya kung bakit naiinis siya kay Maya .

Eh kasi naman bakit ang hilig-hilig niyang suwayin ako. Paano kung may masamang mangyari sa kanya habang kasama niya si Bart? Paano kung mapahamak siya sa kakasama niya sa taong yon?

Sumasakit ang ulo ni Richard tuwing sumasagi sa isip niya yung nangyari kay Maya sa resort. Pakiramdam niya tuwing nasa labas si Maya ay di ito safe kaya nagagalit siya kapag di siya sinusunod nito.

Pagkatapos magpakalma ay umakyat na si Richard sa taas para makapagpahinga na. Nadatnan niyang natutulog na si Maya, pagkatapos makapagbihis ay tumabi na din siya nito para makatulog na din.

Richard lie down beside Maya, the sudden movement of the bed stirs Maya. She suddenly shifted position and now she is facing Richard. Nagulat si Richard nang biglang all of a sudden magkaharap na silang dalawa ni Maya. Faces inches away with each other. Ayaw naman ni Richard tumalikod at baka tuluyan ng magising si Maya kapag gumalaw siya ulit. With her face so close to his, he took the chance na mapagmasdan si Maya.

Habang nakatitig si Richard sa kanya, ngayon lang niya napansin that aside from her beautiful eyes, maganda din pala ang hugis ng kanyang mga labi. At kahit wala itong lipstick, mapula ito and the fullness of her lips makes it enticing. Nawala sa sarili si Richard, huli na ng marealize niya na konting lapit lang pala ay mahahalikan na niya si Maya. It was a quick kiss na kinagulat ni Richard ng lubusan.

Ooopppss!

Akala na talaga ni Richard sampal na ang susunod na mangyari when he felt the bed move. Napapikit na lang ito ng mga mata niya at hinanda ang sarili sa sakit ng pisnig niya pero mas lalo niya ikinagulat ang susunod na nangyari ng bigla na naman niyang naramdaman ang labi ni Maya na nakadikit sa kanyang mga labi. Pagbuka ni Richard ng kanyang mga mata, he expected Maya na nagising din but luck seems to be on his side, nakapikit parin ito at walang malay. Di alam ni Richard kung ano ang pumasok sa kanyang isip but he took the chance. He pouted his lips more and press his lips gently, longer than the first one. That night, nakatulog siyang may ngiti sa kanyang labi, baon ang isang panalangin na sana paggising niya bukas di malaman ni Maya ang nakaw na halik na kanyang ginawa habang ito ay mahimbing na natutulog.

45 Comments (+add yours?)

  1. precious/mschuchy
    Jul 08, 2013 @ 12:28:24

    ms con, asan na po si chinito 13? pasensya na po ah, excited much lang… Ü

    Reply

  2. mabel
    Jul 07, 2013 @ 22:36:26

    slowly but surely… thats the move… very nice!

    Reply

  3. frances
    Jul 07, 2013 @ 19:36:16

    Excited for the next chapter.. sana pag gising ko later andyan na :-)o

    Reply

  4. Azxeil
    Jul 07, 2013 @ 13:05:36

    Dahil may pasok at busy ang ating gru for 2moro….absent po muna c chinito ngayon…Good nyt and rest well po mother minion, your baby minions will patiently w8 for your next update.🙂

    Reply

  5. precious/mschuchy
    Jul 07, 2013 @ 10:42:03

    wish ko sana mas maaga maupload ang chinito 13, may pasok pa bukas eh

    Reply

  6. Crunch
    Jul 07, 2013 @ 07:01:11

    *Ding Dong* Magandang Hapon po, Pasensya na po kung nagpapahinga po kayo pagkatapos nyong mag-update ng Story.. Pero asan an po ung Chinito 13? Gusto ko na po kasing mabasa eh.. hehehe Thanks for this Ms. Con.. Next Chapter na po please..🙂

    Reply

  7. purplephoenix
    Jul 07, 2013 @ 05:24:40

    ayan na start na ng mga kilig moments… chapter 13 plzzzz!

    Reply

  8. roselyn
    Jul 07, 2013 @ 03:32:09

    Asan po ang chapter 13?

    Reply

  9. Jenny
    Jul 07, 2013 @ 02:55:34

    Chapter 13, asan ka na? He he he

    Reply

  10. audi
    Jul 07, 2013 @ 02:50:40

    ay cute nilang dalawa sana tuloy tuloy na magkakainlaban din kayo ..

    Reply

  11. krisheblacas
    Jul 07, 2013 @ 00:11:00

    Reblogged this on When Sparks Fly.

    Reply

  12. adiktusbecarefulus
    Jul 06, 2013 @ 23:35:12

    wahhhh…..bitin next please thank u

    Reply

  13. mschuchy
    Jul 06, 2013 @ 22:33:48

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  14. Alpha
    Jul 06, 2013 @ 17:16:53

    Hehe. Cute nila. Sige Maya kaya mo yan. Sana totohanin na ang lahat.

    Reply

  15. Azxeil
    Jul 06, 2013 @ 17:07:55

    ayyiiii…super kinilig ako!!! ayan naaaa simula na ng romance nila…sis teamSIMON, talagang sasali tau sa pagpout ng lips ha…hehehehhe!!! Mother minion…thank u po ng maraming marami…parang nasobrahan lang sa coffee…lutang ang feeling….hahahah

    Reply

    • teamSIMON
      Jul 06, 2013 @ 20:44:40

      Bilis!!! Pout pout lang… hahaaha… di kaya magmuha tayong daisy duck nito.. kasi ang dami nating nakapout eh matagal tagal din tayo mghihibtay sa turn natin kay pogi… hahahha… o sige maya.. sa yo na si chinito… virtual pout na lang kami…hehehhe

      Reply

  16. katniss
    Jul 06, 2013 @ 16:55:19

    Thank u po for this beautiful series… At dahil sa bagong chapter masarap ang tulog ko ngaung gabi. Hayyyy!!! Sarap mag smile! Sana maglaho na si catherine para good vibes lagi… Hehehe🙂

    Reply

    • teamSIMON
      Jul 06, 2013 @ 17:01:16

      Babakudan natin si richard at ng makalapit si catherine!!! Hahaha.. Pero alam mo si ms. Con ang galing galing magsulat, ano kaya ang mangyayari kay catherine? May confrontation kaya na magaganap? May selosan? Meron kayang torn between 2 lovers? Yan ang aabangan natin….;) pero sa ngayon, abangan natin si catherine… Heheheh… Si bart.. Harmless naman.. Malalagot tayo kay ms con pag may ginawa tayo.. Hahahaha..

      Reply

  17. Jeangndq
    Jul 06, 2013 @ 16:53:34

    Been waiting for this. Hehe. Ngpupuyat tlga ko gbi gbi para dito. Worth the wait!

    Reply

  18. teamSIMON
    Jul 06, 2013 @ 16:51:59

    Aww… Kinikilig ako!! Hanggang hinlalaki!! Hahahaha.. Mga sisters tayo din.. Pout din natin lips natin… Pede din tayo magpanakaw ng kiss.. Sa tin voluntary!! Hahaha.. Ms. Con maraming maraming salamat sa kilig!!! Para akong naka energizer nito sa paglilinis ng bahay… Hahahahha;) solve na solve!!!!

    Reply

    • felcarnelle2008
      Jul 06, 2013 @ 17:05:09

      despicable banana sis, mabuti na lang walang special participation and dalawang bubuwit, d nasira araw natin – at level up na dahil sa nakaw na halik, ano ang sunod na nanakawin? sana ung pag honeymoon na nakawan para bumilis na rin ang level up ng hinihintay natin… ung magic word ba – start with capital S – lol

      Mother Minion, ur despicable banana children would like to mwaaaahugs u >3

      Reply

  19. felcarnelle2008
    Jul 06, 2013 @ 16:48:34

    time check: 12:48am, Chinito 12 now showing🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: