Mr. Chinito 15

“Honey, please don’t say that..I understand you’re upset kasi di ko sinabi that I will be coming here.”

“No..no..it’s not about that kaya nasasabi ko to.. I’ve been thinking about this for awhile now and..”

“Stop! Ayoko marinig kung ano man ang sasabihin mo,  pag-usapan na lang natin bukas..or the day after tomorrow..for now, I know pagod ka na, hahayaan muna kitang magpahinga.”

Naisip ni Richard that Catherine needs to think about what he said so he decided to leave her room for now. But still, his decision is final. He can’t go on when he knows na iba na ang nararamdaman niya. He left her room, hoping that the next time they will talk about it, okay na si Catherine.

As soon as he enters his hotel room , he fetch his phone in his pocket and call Maya but unfortunately it was late already so he wasn’t able to talk to her, she might be sleeping already kaya di ito nasagot ang tawag niya so he decided to call her early tomorrow instead.

 

 

 

“Oh Maya…Anong problema mo? Kanina ka pa check ng check sa phone mo, may hinihintay kang tawag?”

“Ha? Ah ..oo.”

“I see..let me guess…si moreno o si chinito? Ay wait, kung si moreno..kanina lang kasama natin..tama, si chinito yan..sure na ako!”

“Ikaw talaga! Eh kasi kanina sabi niya tatawagan niya daw ako pagkatapos niyang magbreakfast, anong oras na teh! Malapit na ngang maglunch oh!”

“hmmm bakit asan ba siya?”

“Nasa Cebu, supervising the preparation for the new hotel’s opening. Two weeks siya dun manatili.”

“Ahhh .. bakit mo hinihintay tawag niya ngayon? Di ba dati inis ka naman pag tinatawagan ka nun? Ano, nami-miss mo na noh? Uyyy!”

“Edddsssss! Hindi ko alam, eiii…”

Edselyn laugh at Maya. Buti na lang talaga at silang dalawa lang doon kundi pinagtripan na si Maya ng iba pa nilang kabarkada pagnarinig at nakita siyang naguguluhan sa nararamdaman niya ngayon sa taong kinaiinisan niya ng sobra-sobra.

“Aminin mo..in-love ka na kay chinito?”

“Ewan! These past few days kasi parang we get along well naman. There are times na nagsusungit pa din siya but alam mo yung enjoy ka pagmagkausap kayo?”

“Uhmmm, tapos yung lagi ka na lang nakangiti pagnakikita siya?”

“Oo..”

“Tell me Maya, tayo lang naman dito eh..may nangyari na ba?”

Kumikindat-kindat pa si Eds while asking Maya and burst out laughing nang makitang namumula na siya.

“Meron na??!!”

“Wala! Loka ka! Ano lang….kiniss niya akoooo! ”

Maya finally admitted, may halong kilig na di maintindihan,

“Oh my!!! Sa lips??? Oh wait, saang lips?”

“Loka ka talaga Eds! Dito oh! Sa lips! Dito sa taas!”

Maya pointing to her pouting lips. She knows that Eds is just teasing her but she just can’t help but react. Edselyn keeps on laughing

“Oh my geee! Kinikilig ako! Tell me, bakit? Paano?”

“Ehhh, basta ano yon…natulog kami nun tapos yun..kasi di ba yung bed pag bigla kang magmove..”

“You mean..it was by accident?”

“Siguro, na-feel ko na lang may biglang nagkiss sa akin, pagdilat ko nakita ko yung mukha niya malapit sa akin and nung parang ididilat niya din ang mata niya dali-dali ko namang pinikit ang mata ko kasi natakot ako na baka sabihin niya  ako pa yung humalik sa kanya. Alam mo naman yon di ba.”

“Tapos pagdilat niya? Ginising ka niya at hinalikan ulit?”

“Hindi noh..kahit naman gisingin niya ako di ko ididilat ang mata ko noh! Nakakahiya kaya!”

“Baliw ka din ahh!”

Tawa ng tawa si Edselyn kay Maya habang nakikinig. Tawa na may halong kilig din.

“Eh kasi naman di ba..nahiya ako..pero ano…nagulat ako.”

“Bakit?”

“Kasi bigla ko na lang naramdaman na hinalikan niya ako ulitttttt!!!”

Di sinasadyang napasigaw si Maya at Eds sa kilig, pero ng pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyante dun tinakpan na lang nila ang kanilang mga bibig para di na sila masyadong maingay.

“Eds, ano ba..bakit ka ba kinikilig, dapat ako lang! Ako yung hinalikan eh!”

“Bruha ka din ano? Pigilan ba akong kiligin.Anong magagawa ko kung masaya ako para sa’yo?”

“Awww, I’m so happy for myself too Eds!”

Tawanan na naman ang dalawa sa sinabi ni Maya.

“Seriously Maya, di ba noon pa namin sinabi sa’yo na seryosohin mo na siya? Pag nalaman nina Mary Faith at Ruby to, alam ko magiging happy din sila sa’yo.  Bart is good and of course pogi din siya but we just felt that Richard is more suitable sa’yo. Di namin ma-explain kung bakit..I think ikaw lang ang makakaramdam nun kasi kayo lang naman magkasama palagi, di ba.”

“Well..siguro tama yung sabi nila..opposite attracts..ganyan naman kami palagi..siya yung tahimik at seryoso, ako naman hindi obviously, lagi kami nagbabangayan pero yung tipong inis ako ngayon pero lumilipas din naman kaagad..alam mo yon?”

“uhmmmm, confirm! In-love ka na sa kanya!”

“In-love kaagad? Di ba pwedeng  crush ko lang siya?”

“Crush? Jusme, Maya..ano ka high school? ”

“Eii..basta! Tsaka paano ko naman malalaman kung love ko siya eh di ko pa naman naranasan magka-boyfriend.”

“Oo nga pala..ikaw pala ang dakilang NBSB, kasi di ka pa nagka-boyfriend, nagka-asawa kana kaagad.”

“Exactly! … Eds, sa tingin mo, bakit kaya niya ako hinalikan?”

“Bakit mo sa akin tinatanong eh di naman ako si Richard..itanong mo kaya sa chinito mo.”

“hmmmm alam mo, salamat..ngayon may bago na akong tawag sa kanya..Mr.Lim lang kasi ang nakalagay na pangalan niya dito.. Papalitan ko na ng Mr.Chinito..kung si Bart is si Crush ko, siya naman si Mister Chinito, ang mister kong chinito..pero dahil di kasya shortcut ko na lang..”

Pinalitan ni Maya ang pangalan na nakalagay sa contact list niya, from Mr.Lim pinalitan nya ito ng Mr.Chinito . Napailing na lang si Edselyn habang nakatingin kay Maya. Kakatapos lang i-edit ni Maya ang pangalan ni Richard nang biglang nakatanggap siya ng tawag galing sa kanyang mister na chinito.

“Oh ayan na si mister na chinito mo..tumatawag, siguro naramdaman na pinag-usapan natin. Sige na sagutin mo na yan, punta muna ako ng ladies room.”

“Oh sige..balik ka kaagad ha. Malapit na din yung meeting natin eh.”

Umalis na si Edselyn para magpunta ng ladies room. Maya excitedly answer her cellphone.

“Hello?”

“Hi!..how are you? Nasa school ka na ba?”

“Oo, kanina pa. Ikaw? Kumusta na ang preparation ng opening?”

“Oh well excited na ang lahat… and of course very busy. Ikaw, kumusta naman yung activity ninyo?”

“Eto, another final meeting for this Saturday’s big event. Sabi kasi ng adviser namin madami daw invited guests.Most of them hotel and restaurant owners, madami na daw nag confirm to come.Chance na daw naming mga seniors ipakita ang galing namin, next sem kasi OJT na so it will be a good chance na ma-invite nila na doon na kami mag OJT sa establishment nila. Yung iba kasi kinukuha na nila if nagustuhan ang performance sa OJT, which is good kasi pagkatapos ng graduation may work na kaagad na naghihintay.Excited na ako and at the same time, kinakabahan din.”

“Don’t be nervous. Magaling ka naman eh. And besides, if di ka mapili..so what, may hotel ka na namang ima-manage after.”

“Hotel?”

“Yes..baka nakalimutan mo CEO ako ng Lim Hotels and Resorts..”

“Oh!..pero ayoko ng ganun..gusto ko pa ding malaman kung ano yung masasabi ng ibang tao tungkol sa performance ko. And what if magiging okay na kayo ni Catherine”

Ouch!

“Maya..”

“Richard..”

“Okay fine..bahala ka..ayoko makipagtalo sa’yo sa phone.”

“hmmm ayaw mo lang matalo sa akin eh! By the way, may pupunta bang representative ng LHR sa event namin?”

“I don’t know, andito kasi si Liza kasama ko..if your school sent an invitation already..baka from HR department lang ang pupunta..anyways, I just called to check kung okay ka lang..”

“Okay lang ako ..don’t worry..ikaw ingat ka din diyan.”

“I will..baka magtaka ka, kung di ako makakatawag. Madaming kailangan asikasuhin dito.”

“Okay lang..busy din kami dito sa school eh..”

“Okay..sige, bye..”

“Bye..take your lunch by the way. Malapit na mag lunch oh, baka magpagutom ka na naman sa sobrang busy mo.”

“Okay na po, nasa resto ako ngayon to have my brunch.. Sige na bye..”

Pagkatapos ng tawag ni Richard, nakangiting binaba ni Maya ang cellphone niya. She is grateful that their phone convo is slowly changing.  She is specially touch of him being thoughtful and sweet. She is smiling and in a dreamy state when Edselyn return.

“Hoy! Tama na yan..halika na!”

She poke Maya in her side to get her attention.

 

 

 

Masyadong naging abala sina Maya at Richard sa kanya-kanyang buhay nila. But Richard calls her at least once a day to know how she is doing. Di man alam ng isa’t-isa, both appreciate the time each of them spent to update each other. Habang naghahanda si Maya for her big event in school, unti-unti na ring natatapos ni Richard ang preparation niya sa opening ng hotel.

“Sir magbibihis pa po ba kayo or diretso na?”

“Diretso na ako..late na eh..natawagan mo na?”

“Yes Sir, and on the way na din sila..I think pagdating mo andun na rin sila naghihintay sa’yo.”

“Okay, good..Thanks Liza.”

 

Richard is excited. Even for a few hours he will see her..finally! It never cross his mind that  such moment  will come that he is dying to come home and see her again. Yung feeling na when you see her finally isa lang ang gusto mong sasabihin sa kanya and that is

 

“Hey… I miss you! … Terribly!”

 

Richard  could only smile at the thought.

 

Tssss, I think I’m going crazy already! Maya, Maya, Maya…

 

94 Comments (+add yours?)

  1. rosal3025
    Feb 20, 2016 @ 19:57:54

    sO KILIG. THANK YOU mY dEAR. i LIKE THIS.

    Reply

  2. precious/mschuchy
    Jul 11, 2013 @ 13:03:38

    Mother Minion, asan na si Chinito 16?

    Reply

  3. precious/mschuchy
    Jul 10, 2013 @ 15:55:53

    wala pa ba si chinito 16, Mother Minion? im dying to read it na…

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: